Ipinahintulot para sa inyo ang nahuhuli sa dagat at ang pagkain doon bilang natatamasa para sa inyo at para sa mga manlalakbay. Ipinagbawal sa inyo ang nahuhuli sa katihan hanggat kayo ay nananatiling mga nasa iḥrām. Mangilag kayong magkasala kay Allāh na tungo sa Kanya kakalapin kayo [para gantihan].
Ginawa ni Allāh ang Ka`bah, ang Bahay na Pinakababanal, bilang pagpapanatili para sa mga tao, ang Buwang Pinakababanal, ang alay, at ang mga nakakuwintas. Iyon ay upang makaalam kayo na si Allāh ay nakaaalam sa anumang nasa mga langit at anumang nasa lupa at na si Allāh, sa bawat bagay, ay Maalam.
Sabihin mo: “Hindi nagkakapantay ang karima-rimarim at ang kaaya-aya, kahit pa man nagpahanga sa iyo ang dami ng karima-rimarim.” Kaya mangilag kayong magkasala kay Allāh, O mga may isip, nang sa gayon kayo ay magtatagumpay.
O mga sumampalataya, huwag kayong magtanong tungkol sa mga bagay na kung ihahayag ang mga ito sa inyo ay magpapasama ng loob sa inyo ang mga ito. Kung magtatanong kayo tungkol sa mga ito sa sandaling ibinababa ang Qur’ān ay ihahayag ang mga ito sa inyo. Nagpaumanhin si Allāh sa mga [bagay na] ito. Si Allāh ay Mapagpatawad, Matimpiin.
Hindi nagtalaga si Allāh ng baḥīrah, ni sā’ibah, ni waṣīlah, ni ḥāmī, subalit ang mga tumangging sumampalataya ay gumawa-gawa kay Allāh ng kasinungalingan, at ang higit na marami sa kanila ay hindi nakapag-uunawa.[27]
[27] Hindi ipinagbawal ni Allāh ang ipinagbawal ng mga tagapagtambal sa mga sarili nila para sa mga anito nila, na kabilang sa mga ito ang baḥirah, na babaing kamelyo na pinuputulan ng tainga kapag nakapagsilang ng isang takdang bilang; ang sā’ibah, na babaing kamelyo na kapag umabot sa isang takdang edad ay iniwan sa mga anito nila; ang waṣilah, na babaing kamelyo na nagpapatuloy ang pagsisilang sa isang babae matapos ng isang babae; ang ḥāmī, na lalaking kamelyo kapag nagkaanak ng isang bilang ng kamelyo.
क़ुरआन के अर्थों का अनुवाद - फिलीपीनो (तगालोग) अनुवाद - मरकज़ रुव्वाद अल-तरजमा - अनुवादों की सूची
अनुवाद अनुवाद अग्रदूत केंद्र द्वारा नियुक्त एक समूह ने अल-रब्वाह आह्वान संस्था और भाषाओं में इस्लामिक सामग्री की सेवा करने वाली संस्था के सहयोग से किया है।
Contents of the translations can be downloaded and re-published, with the following terms and conditions:
1. No modification, addition, or deletion of the content.
2. Clearly referring to the publisher and the source (QuranEnc.com).
3. Mentioning the version number when re-publishing the translation.
4. Keeping the transcript information inside the document.
5. Notifying the source (QuranEnc.com) of any note on the translation.
6. Updating the translation according to the latest version issued from the source (QuranEnc.com).
7. Inappropriate advertisements must not be included when displaying translations of the meanings of the Noble Quran.
खोज परिणाम:
API specs
Endpoints:
Sura translation
GET / https://quranenc.com/api/v1/translation/sura/{translation_key}/{sura_number} description: get the specified translation (by its translation_key) for the speicified sura (by its number)
Parameters: translation_key: (the key of the currently selected translation) sura_number: [1-114] (Sura number in the mosshaf which should be between 1 and 114)
Returns:
json object containing array of objects, each object contains the "sura", "aya", "translation" and "footnotes".
GET / https://quranenc.com/api/v1/translation/aya/{translation_key}/{sura_number}/{aya_number} description: get the specified translation (by its translation_key) for the speicified aya (by its number sura_number and aya_number)
Parameters: translation_key: (the key of the currently selected translation) sura_number: [1-114] (Sura number in the mosshaf which should be between 1 and 114) aya_number: [1-...] (Aya number in the sura)
Returns:
json object containing the "sura", "aya", "translation" and "footnotes".