क़ुरआन के अर्थों का अनुवाद - फिलीपीनो (तगालोग) अनुवाद * - अनुवादों की सूची

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

अर्थों का अनुवाद सूरा: सूरा अल्-ह़दीद   आयत:

Al-Hadīd

سَبَّحَ لِلَّهِ مَا فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِۖ وَهُوَ ٱلۡعَزِيزُ ٱلۡحَكِيمُ
Nagluwalhati kay Allāh ang anumang nasa mga langit at lupa. Siya ay ang Makapangyarihan, ang Marunong.
अरबी तफ़सीरें:
لَهُۥ مُلۡكُ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِۖ يُحۡيِۦ وَيُمِيتُۖ وَهُوَ عَلَىٰ كُلِّ شَيۡءٖ قَدِيرٌ
Sa Kanya ang paghahari sa mga langit at lupa. Nagbibigay-buhay Siya at nagbibigay-kamatayan Siya. Siya sa bawat bagay ay May-kakayahan.
अरबी तफ़सीरें:
هُوَ ٱلۡأَوَّلُ وَٱلۡأٓخِرُ وَٱلظَّٰهِرُ وَٱلۡبَاطِنُۖ وَهُوَ بِكُلِّ شَيۡءٍ عَلِيمٌ
Siya ay ang Una at ang Huli, at ang Nakaiibabaw at ang Nakaiilalim.[610] Siya sa bawat bagay ay Maalam.
[610] o ang Nakalantad at ang Nakakubli
अरबी तफ़सीरें:
هُوَ ٱلَّذِي خَلَقَ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضَ فِي سِتَّةِ أَيَّامٖ ثُمَّ ٱسۡتَوَىٰ عَلَى ٱلۡعَرۡشِۖ يَعۡلَمُ مَا يَلِجُ فِي ٱلۡأَرۡضِ وَمَا يَخۡرُجُ مِنۡهَا وَمَا يَنزِلُ مِنَ ٱلسَّمَآءِ وَمَا يَعۡرُجُ فِيهَاۖ وَهُوَ مَعَكُمۡ أَيۡنَ مَا كُنتُمۡۚ وَٱللَّهُ بِمَا تَعۡمَلُونَ بَصِيرٞ
Siya ay ang lumikha ng mga langit at lupa sa anim na araw. Pagkatapos lumuklok Siya sa trono. Nakaaalam Siya sa anumang lumalagos sa lupa at anumang lumalabas mula rito, anumang bumababa mula sa langit, at anumang pumapanik doon. [Sa pamamagitan ng kaalaman Niya] Siya ay kasama sa inyo nasaan man kayo. Si Allāh sa anumang ginagawa ninyo ay Nakakikita.
अरबी तफ़सीरें:
لَّهُۥ مُلۡكُ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِۚ وَإِلَى ٱللَّهِ تُرۡجَعُ ٱلۡأُمُورُ
Sa Kanya ang paghahari sa mga langit at lupa. Tungo kay Allāh pababalikin ang mga usapin [para pagpasyahan].
अरबी तफ़सीरें:
يُولِجُ ٱلَّيۡلَ فِي ٱلنَّهَارِ وَيُولِجُ ٱلنَّهَارَ فِي ٱلَّيۡلِۚ وَهُوَ عَلِيمُۢ بِذَاتِ ٱلصُّدُورِ
Nagpapalagos Siya ng gabi sa maghapon at nagpapalagos Siya ng maghapon sa gabi. Siya ay Maalam sa laman ng mga dibdib.
अरबी तफ़सीरें:
ءَامِنُواْ بِٱللَّهِ وَرَسُولِهِۦ وَأَنفِقُواْ مِمَّا جَعَلَكُم مُّسۡتَخۡلَفِينَ فِيهِۖ فَٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ مِنكُمۡ وَأَنفَقُواْ لَهُمۡ أَجۡرٞ كَبِيرٞ
Sumampalataya kayo kay Allāh at sa Sugo Niya [na si Muḥammad] at gumugol kayo [sa kawanggawa] mula anumang sa ginawa Niya kayo na mga pinag-iiwanan doon. Kaya ang mga sumampalataya kabilang sa inyo at gumugol [sa kawanggawa], ukol sa kanila ay isang pabuyang malaki [na Paraiso].
अरबी तफ़सीरें:
وَمَا لَكُمۡ لَا تُؤۡمِنُونَ بِٱللَّهِ وَٱلرَّسُولُ يَدۡعُوكُمۡ لِتُؤۡمِنُواْ بِرَبِّكُمۡ وَقَدۡ أَخَذَ مِيثَٰقَكُمۡ إِن كُنتُم مُّؤۡمِنِينَ
Ano ang mayroon sa inyo na hindi kayo sumasampalataya kay Allāh samantalang ang Sugo [na si Propeta Muḥammad] ay nag-aanyaya sa inyo upang sumampalataya kayo sa Panginoon ninyo samantalang tumanggap nga Siya ng kasunduan sa inyo, kung kayo ay mga mananampalataya?
अरबी तफ़सीरें:
هُوَ ٱلَّذِي يُنَزِّلُ عَلَىٰ عَبۡدِهِۦٓ ءَايَٰتِۭ بَيِّنَٰتٖ لِّيُخۡرِجَكُم مِّنَ ٱلظُّلُمَٰتِ إِلَى ٱلنُّورِۚ وَإِنَّ ٱللَّهَ بِكُمۡ لَرَءُوفٞ رَّحِيمٞ
Siya ay ang nagbababa sa Lingkod Niya [na si Propeta Muḥammad] ng mga tandang malilinaw upang magpalabas Siya sa inyo mula sa mga kadiliman tungo sa liwanag. Tunay na si Allāh sa inyo ay talagang Mahabagin, Maawain.
अरबी तफ़सीरें:
وَمَا لَكُمۡ أَلَّا تُنفِقُواْ فِي سَبِيلِ ٱللَّهِ وَلِلَّهِ مِيرَٰثُ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِۚ لَا يَسۡتَوِي مِنكُم مَّنۡ أَنفَقَ مِن قَبۡلِ ٱلۡفَتۡحِ وَقَٰتَلَۚ أُوْلَٰٓئِكَ أَعۡظَمُ دَرَجَةٗ مِّنَ ٱلَّذِينَ أَنفَقُواْ مِنۢ بَعۡدُ وَقَٰتَلُواْۚ وَكُلّٗا وَعَدَ ٱللَّهُ ٱلۡحُسۡنَىٰۚ وَٱللَّهُ بِمَا تَعۡمَلُونَ خَبِيرٞ
Ano ang mayroon sa inyo na hindi kayo gumugugol sa landas ni Allāh samantalang sa kay Allāh ang pagpapamana ng mga langit at lupa. Hindi napapantayan kabilang sa inyo ang sinumang gumugol [alang-alang kay Allāh] bago pa ng pagsakop [sa Makkah] at nakipaglaban. Ang mga iyon ay higit na dakila sa antas kaysa sa mga gumugol matapos na niyan at nakipaglaban [sa landas ni Allāh]. Sa bawat [isa] ay nangako si Allāh ng pinakamaganda. Si Allāh sa anumang ginagawa ninyo ay Mapagbatid.
अरबी तफ़सीरें:
مَّن ذَا ٱلَّذِي يُقۡرِضُ ٱللَّهَ قَرۡضًا حَسَنٗا فَيُضَٰعِفَهُۥ لَهُۥ وَلَهُۥٓ أَجۡرٞ كَرِيمٞ
Sino itong magpapautang kay Allāh ng isang magandang pautang[611] para magpaibayo Siya rito para sa kanya? Ukol sa kanya ay isang pabuyang marangal [na Paraiso].
[611] Ibig sabihin: kusang-loob na paggugol sa kawanggawa.
अरबी तफ़सीरें:
يَوۡمَ تَرَى ٱلۡمُؤۡمِنِينَ وَٱلۡمُؤۡمِنَٰتِ يَسۡعَىٰ نُورُهُم بَيۡنَ أَيۡدِيهِمۡ وَبِأَيۡمَٰنِهِمۖ بُشۡرَىٰكُمُ ٱلۡيَوۡمَ جَنَّٰتٞ تَجۡرِي مِن تَحۡتِهَا ٱلۡأَنۡهَٰرُ خَٰلِدِينَ فِيهَاۚ ذَٰلِكَ هُوَ ٱلۡفَوۡزُ ٱلۡعَظِيمُ
Sa Araw na makakikita ka ng mga lalaking mananampalataya at mga babaing mananampalataya habang sumisinag ang liwanag nila sa harapan nila at sa mga kanan nila. [Sasabihin sa kanila sa Araw na iyon:] “Ang balitang nakagagalak sa inyo sa Araw na ito ay mga hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog bilang mga mananatili sa mga ito.” Iyon ay ang pagkatamong sukdulan.
अरबी तफ़सीरें:
يَوۡمَ يَقُولُ ٱلۡمُنَٰفِقُونَ وَٱلۡمُنَٰفِقَٰتُ لِلَّذِينَ ءَامَنُواْ ٱنظُرُونَا نَقۡتَبِسۡ مِن نُّورِكُمۡ قِيلَ ٱرۡجِعُواْ وَرَآءَكُمۡ فَٱلۡتَمِسُواْ نُورٗاۖ فَضُرِبَ بَيۡنَهُم بِسُورٖ لَّهُۥ بَابُۢ بَاطِنُهُۥ فِيهِ ٱلرَّحۡمَةُ وَظَٰهِرُهُۥ مِن قِبَلِهِ ٱلۡعَذَابُ
Sa araw na magsasabi ang mga lalaking mapagpaimbabaw at ang mga babaing mapagpaimbabaw sa mga sumampalataya: “Maghintay kayo sa amin; magpaparikit kami mula sa liwanag ninyo!” Sasabihin [sa kanila]: “Bumalik kayo sa likuran ninyo at maghanap kayo ng isang liwanag.” Kaya maglalagay sa pagitan nila [at ng mga mananampalataya] ng isang pader na mayroon itong isang pinto, na ang loob nito ay narito ang awa at ang labas nito mula sa harap nito ay ang pagdurusa.
अरबी तफ़सीरें:
يُنَادُونَهُمۡ أَلَمۡ نَكُن مَّعَكُمۡۖ قَالُواْ بَلَىٰ وَلَٰكِنَّكُمۡ فَتَنتُمۡ أَنفُسَكُمۡ وَتَرَبَّصۡتُمۡ وَٱرۡتَبۡتُمۡ وَغَرَّتۡكُمُ ٱلۡأَمَانِيُّ حَتَّىٰ جَآءَ أَمۡرُ ٱللَّهِ وَغَرَّكُم بِٱللَّهِ ٱلۡغَرُورُ
Mananawagan sila [na mga mapagpaimbabaw] sa kanila [na mga mananampalataya]: “Hindi ba kami dati ay kasama sa inyo?” Magsasabi sila: “Oo; subalit kayo ay nagpasawi sa mga sarili ninyo, nag-abang, at nag-alinlangan. Luminlang sa inyo ang mga mithiin hanggang sa dumating ang pasya ni Allāh at luminlang sa inyo kay Allāh [si Satanas,] ang mapanlinlang.”
अरबी तफ़सीरें:
فَٱلۡيَوۡمَ لَا يُؤۡخَذُ مِنكُمۡ فِدۡيَةٞ وَلَا مِنَ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْۚ مَأۡوَىٰكُمُ ٱلنَّارُۖ هِيَ مَوۡلَىٰكُمۡۖ وَبِئۡسَ ٱلۡمَصِيرُ
Kaya sa Araw na iyon ay hindi kukuha mula sa inyo ng isang pantubos ni mula sa mga tumangging sumampalataya. Ang kanlungan ninyo ay ang Apoy; ito ay ang pagpapatangkilikan ninyo. Kay saklap ang kahahantungan!
अरबी तफ़सीरें:
۞ أَلَمۡ يَأۡنِ لِلَّذِينَ ءَامَنُوٓاْ أَن تَخۡشَعَ قُلُوبُهُمۡ لِذِكۡرِ ٱللَّهِ وَمَا نَزَلَ مِنَ ٱلۡحَقِّ وَلَا يَكُونُواْ كَٱلَّذِينَ أُوتُواْ ٱلۡكِتَٰبَ مِن قَبۡلُ فَطَالَ عَلَيۡهِمُ ٱلۡأَمَدُ فَقَسَتۡ قُلُوبُهُمۡۖ وَكَثِيرٞ مِّنۡهُمۡ فَٰسِقُونَ
Hindi ba sumapit para sa mga sumampalataya na magpakataimtim ang mga puso nila para sa pag-alaala kay Allāh at [para sa] anumang bumaba mula sa katotohanan at [na] hindi sila maging gaya ng mga nabigyan ng Kasulatan [na mga Hudyo at mga Kristiyano] bago pa niyan saka humaba sa mga ito ang yugto kaya tumigas ang mga puso ng mga ito? Marami sa mga ito ay mga suwail.
अरबी तफ़सीरें:
ٱعۡلَمُوٓاْ أَنَّ ٱللَّهَ يُحۡيِ ٱلۡأَرۡضَ بَعۡدَ مَوۡتِهَاۚ قَدۡ بَيَّنَّا لَكُمُ ٱلۡأٓيَٰتِ لَعَلَّكُمۡ تَعۡقِلُونَ
Alamin ninyo na si Allāh ay nagbibigay-buhay sa lupa matapos ng pagkamatay nito. Nilinaw na Namin para sa inyo ang mga tanda nang sa gayon kayo ay makapag-uunawa.
अरबी तफ़सीरें:
إِنَّ ٱلۡمُصَّدِّقِينَ وَٱلۡمُصَّدِّقَٰتِ وَأَقۡرَضُواْ ٱللَّهَ قَرۡضًا حَسَنٗا يُضَٰعَفُ لَهُمۡ وَلَهُمۡ أَجۡرٞ كَرِيمٞ
Tunay na ang mga lalaking tagapagkawanggawa at ang mga babaing tagapagkawanggawa at nagpapautang kay Allāh ng isang magandang pautang[612] ay magpapaibayo Siya para sa kanila [ng gantimpala]. Ukol sa kanila ay isang pabuyang marangal [sa Paraiso].
[612] Ibig sabihin: kusang-loob na gumugol sa kawanggawa dahil.
अरबी तफ़सीरें:
وَٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ بِٱللَّهِ وَرُسُلِهِۦٓ أُوْلَٰٓئِكَ هُمُ ٱلصِّدِّيقُونَۖ وَٱلشُّهَدَآءُ عِندَ رَبِّهِمۡ لَهُمۡ أَجۡرُهُمۡ وَنُورُهُمۡۖ وَٱلَّذِينَ كَفَرُواْ وَكَذَّبُواْ بِـَٔايَٰتِنَآ أُوْلَٰٓئِكَ أَصۡحَٰبُ ٱلۡجَحِيمِ
Ang mga sumampalataya kay Allāh at sa mga sugo Niya, ang mga iyon ay ang mga mapagpatotoo. Ang mga martir sa ganang Panginoon nila, ukol sa kanila ang pabuya nila at ang liwanag nila. Ang mga tumangging sumampalataya at nagpasinungaling sa mga talata Namin [sa Qur’ān], ang mga iyon ay ang mga maninirahan sa Impiyerno.
अरबी तफ़सीरें:
ٱعۡلَمُوٓاْ أَنَّمَا ٱلۡحَيَوٰةُ ٱلدُّنۡيَا لَعِبٞ وَلَهۡوٞ وَزِينَةٞ وَتَفَاخُرُۢ بَيۡنَكُمۡ وَتَكَاثُرٞ فِي ٱلۡأَمۡوَٰلِ وَٱلۡأَوۡلَٰدِۖ كَمَثَلِ غَيۡثٍ أَعۡجَبَ ٱلۡكُفَّارَ نَبَاتُهُۥ ثُمَّ يَهِيجُ فَتَرَىٰهُ مُصۡفَرّٗا ثُمَّ يَكُونُ حُطَٰمٗاۖ وَفِي ٱلۡأٓخِرَةِ عَذَابٞ شَدِيدٞ وَمَغۡفِرَةٞ مِّنَ ٱللَّهِ وَرِضۡوَٰنٞۚ وَمَا ٱلۡحَيَوٰةُ ٱلدُّنۡيَآ إِلَّا مَتَٰعُ ٱلۡغُرُورِ
Alamin ninyo na ang buhay na pangmundo ay isang laro, isang paglilibang, isang gayak, isang pagpapayabangan sa pagitan ninyo, at isang pagpaparamihan sa mga yaman at mga anak lamang, gaya ng paghahalintulad sa ulan na nagpagalak sa mga tagapagtanim ang halaman nito, pagkatapos nalalanta ito kaya nakikita mo ito na naninilaw, pagkatapos ito ay nagiging mga pira-piraso. Sa Kabilang-buhay ay may isang pagdurusang matindi [para sa mga tagatangging sumampalataya], isang kapatawaran mula kay Allāh, at isang pagkalugod [Niya para sa mga mananampalataya]. Walang iba ang buhay na pangmundo kundi ang natatamasa ng pagkalinlang.
अरबी तफ़सीरें:
سَابِقُوٓاْ إِلَىٰ مَغۡفِرَةٖ مِّن رَّبِّكُمۡ وَجَنَّةٍ عَرۡضُهَا كَعَرۡضِ ٱلسَّمَآءِ وَٱلۡأَرۡضِ أُعِدَّتۡ لِلَّذِينَ ءَامَنُواْ بِٱللَّهِ وَرُسُلِهِۦۚ ذَٰلِكَ فَضۡلُ ٱللَّهِ يُؤۡتِيهِ مَن يَشَآءُۚ وَٱللَّهُ ذُو ٱلۡفَضۡلِ ٱلۡعَظِيمِ
Makipag-unahan kayo tungo sa isang kapatawaran mula sa Panginoon ninyo at isang paraiso na ang luwang nito ay gaya ng luwang [sa pagitan] ng langit at lupa, na inihanda para sa mga sumampalataya kay Allāh at sa mga sugo Niya. Iyon ay ang kabutihang-loob ni Allāh, na ibinibigay Niya sa sinumang niloloob Niya. Si Allāh ay may kabutihang-loob na sukdulan.
अरबी तफ़सीरें:
مَآ أَصَابَ مِن مُّصِيبَةٖ فِي ٱلۡأَرۡضِ وَلَا فِيٓ أَنفُسِكُمۡ إِلَّا فِي كِتَٰبٖ مِّن قَبۡلِ أَن نَّبۡرَأَهَآۚ إِنَّ ذَٰلِكَ عَلَى ٱللَّهِ يَسِيرٞ
Walang tumamang anumang kasawian sa lupa ni sa mga sarili ninyo malibang nasa isang talaan bago pa Kami lumalang niyon. Tunay na iyon kay Allāh ay madali.
अरबी तफ़सीरें:
لِّكَيۡلَا تَأۡسَوۡاْ عَلَىٰ مَا فَاتَكُمۡ وَلَا تَفۡرَحُواْ بِمَآ ءَاتَىٰكُمۡۗ وَٱللَّهُ لَا يُحِبُّ كُلَّ مُخۡتَالٖ فَخُورٍ
[Iyon ay] upang hindi kayo magdalamhati sa anumang nakaalpas sa inyo at hindi kayo matuwa sa anumang ibinigay Niya sa inyo. Si Allāh ay hindi umiibig sa bawat hambog na mayabang.
अरबी तफ़सीरें:
ٱلَّذِينَ يَبۡخَلُونَ وَيَأۡمُرُونَ ٱلنَّاسَ بِٱلۡبُخۡلِۗ وَمَن يَتَوَلَّ فَإِنَّ ٱللَّهَ هُوَ ٱلۡغَنِيُّ ٱلۡحَمِيدُ
Ang mga nagmamaramot at nag-uutos sa mga tao ng pagmamaramot [ay mga lugi]. Ang sinumang tatalikod, tunay na si Allāh ay ang Walang-pangangailangan, ang Kapuri-puri.
अरबी तफ़सीरें:
لَقَدۡ أَرۡسَلۡنَا رُسُلَنَا بِٱلۡبَيِّنَٰتِ وَأَنزَلۡنَا مَعَهُمُ ٱلۡكِتَٰبَ وَٱلۡمِيزَانَ لِيَقُومَ ٱلنَّاسُ بِٱلۡقِسۡطِۖ وَأَنزَلۡنَا ٱلۡحَدِيدَ فِيهِ بَأۡسٞ شَدِيدٞ وَمَنَٰفِعُ لِلنَّاسِ وَلِيَعۡلَمَ ٱللَّهُ مَن يَنصُرُهُۥ وَرُسُلَهُۥ بِٱلۡغَيۡبِۚ إِنَّ ٱللَّهَ قَوِيٌّ عَزِيزٞ
Talaga ngang nagsugo Kami ng mga sugo Namin kalakip ng mga malinaw na patunay at nagpababa Kami kasama sa kanila ng kasulatan at timbangan upang magpanatili ang mga tao ng pagkamakatarungan. Nagpababa Kami ng bakal, na dito ay may matinding kapangyarihan at mga pakinabang para sa mga tao, at upang maglantad si Allāh kung sino ang mag-aadya sa Kanya at mga sugo Niya nang nakalingid. Tunay na si Allāh ay Malakas, Makapangyarihan.
अरबी तफ़सीरें:
وَلَقَدۡ أَرۡسَلۡنَا نُوحٗا وَإِبۡرَٰهِيمَ وَجَعَلۡنَا فِي ذُرِّيَّتِهِمَا ٱلنُّبُوَّةَ وَٱلۡكِتَٰبَۖ فَمِنۡهُم مُّهۡتَدٖۖ وَكَثِيرٞ مِّنۡهُمۡ فَٰسِقُونَ
Talaga ngang nagsugo Kami kina Noe at Abraham at naglagay Kami sa mga supling nilang dalawa ng pagkapropeta at Kasulatan, kaya kabilang sa kanila ay napapatnubayan at marami kabilang sa kanila ay mga suwail.
अरबी तफ़सीरें:
ثُمَّ قَفَّيۡنَا عَلَىٰٓ ءَاثَٰرِهِم بِرُسُلِنَا وَقَفَّيۡنَا بِعِيسَى ٱبۡنِ مَرۡيَمَ وَءَاتَيۡنَٰهُ ٱلۡإِنجِيلَۖ وَجَعَلۡنَا فِي قُلُوبِ ٱلَّذِينَ ٱتَّبَعُوهُ رَأۡفَةٗ وَرَحۡمَةٗۚ وَرَهۡبَانِيَّةً ٱبۡتَدَعُوهَا مَا كَتَبۡنَٰهَا عَلَيۡهِمۡ إِلَّا ٱبۡتِغَآءَ رِضۡوَٰنِ ٱللَّهِ فَمَا رَعَوۡهَا حَقَّ رِعَايَتِهَاۖ فَـَٔاتَيۡنَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ مِنۡهُمۡ أَجۡرَهُمۡۖ وَكَثِيرٞ مِّنۡهُمۡ فَٰسِقُونَ
Pagkatapos nagpasunod Kami sa mga bakas nila ng mga sugo Namin. Nagpasunod Kami kay Jesus na anak ni Maria at nagbigay Kami sa kanya ng Ebanghelyo. Naglagay Kami sa mga puso ng mga sumunod sa kanya ng isang habag at isang awa. May monastisismo na pinauso nila, na hindi Kami nagsatungkulin nito sa kanila maliban bilang paghahangad sa pagkalugod ni Allāh, ngunit hindi sila nangalaga rito ayon sa totoong pangangalaga rito. Kaya nagbigay Kami sa mga sumampalataya kabilang sa kanila ng pabuya nila at marami sa kanila ay mga suwail.
अरबी तफ़सीरें:
يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ ٱتَّقُواْ ٱللَّهَ وَءَامِنُواْ بِرَسُولِهِۦ يُؤۡتِكُمۡ كِفۡلَيۡنِ مِن رَّحۡمَتِهِۦ وَيَجۡعَل لَّكُمۡ نُورٗا تَمۡشُونَ بِهِۦ وَيَغۡفِرۡ لَكُمۡۚ وَٱللَّهُ غَفُورٞ رَّحِيمٞ
O mga sumampalataya, mangilag kayong magkasala kay Allāh at sumampalataya kayo sa Sugo Niya, magbibigay Siya sa inyo ng dalawang bahagi mula sa awa Niya, maglalagay Siya para sa inyo ng isang liwanag,[613] na maglalakad kayo sa pamamagitan nito, at magpapatawad Siya para sa inyo. Si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain.
[613] Na napapatnubayan kayo sa pamamagitan nito sa buhay ninyo sa Mundo at ipinanliliwanag ninyo sa Landasin sa Kabilang-buhay.
अरबी तफ़सीरें:
لِّئَلَّا يَعۡلَمَ أَهۡلُ ٱلۡكِتَٰبِ أَلَّا يَقۡدِرُونَ عَلَىٰ شَيۡءٖ مِّن فَضۡلِ ٱللَّهِ وَأَنَّ ٱلۡفَضۡلَ بِيَدِ ٱللَّهِ يُؤۡتِيهِ مَن يَشَآءُۚ وَٱللَّهُ ذُو ٱلۡفَضۡلِ ٱلۡعَظِيمِ
[Ito ay] upang makaalam ang mga May Kasulatan[614] na hindi sila nakakakaya [na kumamit] sa anuman mula sa kabutihang-loob ni Allāh at na ang kabutihang-loob ay nasa kamay ni Allāh: nagbibigay Siya nito sa sinumang niloloob Niya. Si Allāh ay may kabutihang-loob na sukdulan.
[614] na mga Hudyo at mga Kristiyano
अरबी तफ़सीरें:
 
अर्थों का अनुवाद सूरा: सूरा अल्-ह़दीद
सूरों की सूची पृष्ठ संख्या
 
क़ुरआन के अर्थों का अनुवाद - फिलीपीनो (तगालोग) अनुवाद - अनुवादों की सूची

पवित्र क़ुरआन के अर्थों का फिलीपीनो (तगालोग) अनुवाद, अनुवादक : रुव्वाद अनुवाद केंद्र, वेबसाइट इस्लाम हाउस www.islamhouse.come के सहयोग से।

बंद करें