Check out the new design

Traduzione dei Significati del Sacro Corano - Traduzione filippina (tagalog) dell'Abbreviata Esegesi del Nobile Corano * - Indice Traduzioni


Traduzione dei significati Sura: Al-Kahf   Versetto:
ٱلۡمَالُ وَٱلۡبَنُونَ زِينَةُ ٱلۡحَيَوٰةِ ٱلدُّنۡيَاۖ وَٱلۡبَٰقِيَٰتُ ٱلصَّٰلِحَٰتُ خَيۡرٌ عِندَ رَبِّكَ ثَوَابٗا وَخَيۡرٌ أَمَلٗا
Ang yaman at ang mga anak ay kabilang sa ipinanggagayak sa buhay na pangmundo. Walang pakinabang sa yaman sa Kabilang-buhay maliban kung ginugol ito sa nagpapalugod kay Allāh. Ang mga gawa at ang mga salita na kinalulugdan sa ganang kay Allāh ay higit na mabuti sa gantimpala kaysa sa bawat anumang nasa Mundo na gayak. Ito ay higit na mabuting maaasahan ng tao dahil ang gayak sa Mundo ay maglalaho samantalang ang gantimpala sa mga gawa at mga salitang kinalulugdan sa ganang kay Allāh ay mananatili.
Esegesi in lingua araba:
وَيَوۡمَ نُسَيِّرُ ٱلۡجِبَالَ وَتَرَى ٱلۡأَرۡضَ بَارِزَةٗ وَحَشَرۡنَٰهُمۡ فَلَمۡ نُغَادِرۡ مِنۡهُمۡ أَحَدٗا
[Banggitin mo] ang Araw na mag-aalis Kami ng mga bundok mula sa mga kinalalagyan ng mga ito. Makikita mo ang lupa na nakalantad dahil sa paglaho ng anumang nasa ibaba nito na mga bundok, mga punong-kahoy, at gusali. Magtitipon Kami ng lahat ng mga nilikha saka hindi Kami mag-iwan mula sa kanila ng isa man malibang bubuhayin Namin.
Esegesi in lingua araba:
وَعُرِضُواْ عَلَىٰ رَبِّكَ صَفّٗا لَّقَدۡ جِئۡتُمُونَا كَمَا خَلَقۡنَٰكُمۡ أَوَّلَ مَرَّةِۭۚ بَلۡ زَعَمۡتُمۡ أَلَّن نَّجۡعَلَ لَكُم مَّوۡعِدٗا
Itatanghal ang mga tao sa Panginoon mo sa mga hanay para tumuos Siya sa kanila. Sasabihin sa kanila: "Talaga ngang pumunta kayo sa Amin bilang mga individuwal na mga nakayapak na mga nakahubad na mga di-tuli gaya ng nilikha Namin kayo sa unang pagkakataon. Bagkus nag-angkin kayo na kayo ay hindi bubuhaying muli at na Kami ay hindi gagawa para sa inyo ng isang panahon at isang pook na gaganti Kami sa inyo roon sa mga gawa ninyo."
Esegesi in lingua araba:
وَوُضِعَ ٱلۡكِتَٰبُ فَتَرَى ٱلۡمُجۡرِمِينَ مُشۡفِقِينَ مِمَّا فِيهِ وَيَقُولُونَ يَٰوَيۡلَتَنَا مَالِ هَٰذَا ٱلۡكِتَٰبِ لَا يُغَادِرُ صَغِيرَةٗ وَلَا كَبِيرَةً إِلَّآ أَحۡصَىٰهَاۚ وَوَجَدُواْ مَا عَمِلُواْ حَاضِرٗاۗ وَلَا يَظۡلِمُ رَبُّكَ أَحَدٗا
Ilalagay ang talaan ng mga gawa saka may kukuha ng talaan nito sa pamamagitan ng kanang kamay nito at may kukuha niyon sa pamamagitan ng kaliwang kamay nito. Makakikita ka, O tao, sa mga tagatangging sumampalataya na mga nangangamba dahil sa nasaad dito dahil sila ay nakaaalam sa inilahad nila rito na kawalang-pananampalataya at mga pagsuway. Magsasabi sila: "O kapahamakan namin at kasawian namin! Ano ang mayroon sa talaang ito na hindi nag-iiwan ng isang maliit ni isang malaki sa mga gawa namin malibang iningatan nito iyon at binilang nito iyon." Matatagpuan nila ang mga pagsuway na ginawa nila sa buhay nila sa Mundo na nakasulat at pinagtibay. Hindi lumalabag sa katarungan ang Panginoon mo, O Sugo, sa isa man, kaya hindi Siya nagpaparusa sa isa man nang walang pagkakasala at hindi Siya bumabawas sa tagatalima ng anuman mula sa pabuya ng pagtalima nito.
Esegesi in lingua araba:
وَإِذۡ قُلۡنَا لِلۡمَلَٰٓئِكَةِ ٱسۡجُدُواْ لِأٓدَمَ فَسَجَدُوٓاْ إِلَّآ إِبۡلِيسَ كَانَ مِنَ ٱلۡجِنِّ فَفَسَقَ عَنۡ أَمۡرِ رَبِّهِۦٓۗ أَفَتَتَّخِذُونَهُۥ وَذُرِّيَّتَهُۥٓ أَوۡلِيَآءَ مِن دُونِي وَهُمۡ لَكُمۡ عَدُوُّۢۚ بِئۡسَ لِلظَّٰلِمِينَ بَدَلٗا
Banggitin mo, O Sugo, noong nagsabi Kami sa mga anghel: "Magpatirapa kayo kay Adan ng patirapa ng pagbati," at nagpatirapa naman sila sa kabuuan nila sa kanya, bilang pagsunod sa utos ng Panginoon nila maliban kay Satanas; siya noon ay kabilang sa mga jinn at hindi nangyaring siya ay kabilang sa mga anghel. Tumanggi siya at nagmalaki sa pag-ayaw sa pagpapatirapa kaya lumabas siya sa pagtalima sa Panginoon niya. Kaya ba gagawa kayo, O mga tao, sa kanya at sa mga anak niya bilang mga katangkilik na tatangkilikin ninyo bukod pa sa Akin, samantalang sila ay mga kaaway para sa inyo? Papaanong nagagawa ninyo na ang mga katangkilik para sa inyo ay ang mga kaaway ninyo? Kaaba-aba at kapangit-pangit ng gawain ng mga tagalabag sa katarungan na ginawa nilang ang demonyo ay ang katangkilik para sa kanila bilang pamalit sa pagtangkilik kay Allāh – pagkataas-taas Siya!
Esegesi in lingua araba:
۞ مَّآ أَشۡهَدتُّهُمۡ خَلۡقَ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ وَلَا خَلۡقَ أَنفُسِهِمۡ وَمَا كُنتُ مُتَّخِذَ ٱلۡمُضِلِّينَ عَضُدٗا
Itong mga ginawa ninyo bilang mga katangkilik bukod pa sa Akin ay mga aliping mga tulad ninyo. Hindi Ko sila pinasaksi sa paglikha sa mga langit ni sa paglikha sa lupa nang nilikha Ko ang mga ito. Bagkus hindi sila noon mga umiiral. Hindi Ko pinasaksi ang iba sa kanila sa paglikha sa iba pa sapagkat Ako ay ang Namumukod-tangi sa paglikha at pangangasiwa. Hindi nangyaring Ako ay gagawa sa mga tagapagpaligaw kabilang sa mga demonyo ng tao at jinn bilang mga katulong sapagkat Ako ay walang-pangangailangan sa mga katulong.
Esegesi in lingua araba:
وَيَوۡمَ يَقُولُ نَادُواْ شُرَكَآءِيَ ٱلَّذِينَ زَعَمۡتُمۡ فَدَعَوۡهُمۡ فَلَمۡ يَسۡتَجِيبُواْ لَهُمۡ وَجَعَلۡنَا بَيۡنَهُم مَّوۡبِقٗا
Banggitin mo sa kanila, O Sugo, ang Araw ng Pagbangon kapag magsasabi si Allāh sa mga nagtambal sa Kanya sa Mundo: "Dumalangin kayo sa mga katambal sa Akin, na inangkin ninyo na sila ay mga katambal para sa Akin, nang sa gayon sila ay mag-adya sa inyo." Kaya dadalangin sila sa mga iyon ngunit hindi tutugon ang mga iyon sa panalangin nila at hindi mag-aadya sa kanila. Maglalagay Kami sa pagitan ng mga tagasamba at mga sinasamba ng isang pagkakapahamak na makikibahagi sila roon, ang Apoy ng Impiyerno.
Esegesi in lingua araba:
وَرَءَا ٱلۡمُجۡرِمُونَ ٱلنَّارَ فَظَنُّوٓاْ أَنَّهُم مُّوَاقِعُوهَا وَلَمۡ يَجِدُواْ عَنۡهَا مَصۡرِفٗا
Mapagmamasdan ng mga tagapagtambal ang Apoy saka matitiyak nila nang lubusang katiyakan na sila ay mga babagsak doon at hindi sila makatatagpo palayo roon ng isang pook na lilihisan nila.
Esegesi in lingua araba:
Alcuni insegnamenti da trarre da questi versi sono:
• على العبد الإكثار من الباقيات الصالحات، وهي كل عمل صالح من قول أو فعل يبقى للآخرة.
Kailangan sa tao ang pagpaparami ng mga gawang nanatiling maayos. Ang mga ito ay ang bawat gawang maayos kabilang sa sinasabi o ginagawa, na mananatili para sa Kabilang-buhay.

• على العبد تذكر أهوال القيامة، والعمل لهذا اليوم حتى ينجو من أهواله، وينعم بجنة الله ورضوانه.
Kailangan sa tao ang pagsasaalaala sa mga hilakbot sa [Araw ng] Pagbangon at ang paggawa para sa araw na ito upang maligtas sa mga hilakbot nito at mabiyayaan ng Paraiso ni Allāh at kaluguran Niya.

• كَرَّم الله تعالى أبانا آدم عليه السلام والجنس البشري بأجمعه بأمره الملائكة أن تسجد له في بدء الخليقة سجود تحية وتكريم.
Nagparangal si Allāh – pagkataas-taas Siya – sa ama nating si Adan – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – at sa lahing tao sa kalahatan nito dahil sa pag-utos Niya sa mga anghel na magpatirapa kay Adan, sa simula ng paglikha, ng pagpapatirapa ng pagbati at pagpaparangal.

• في الآيات الحث على اتخاذ الشيطان عدوًّا.
Sa mga talata ng Qur'ān ay may paghimok sa pagturing sa demonyo bilang kaaway.

 
Traduzione dei significati Sura: Al-Kahf
Indice delle Sure Numero di pagina
 
Traduzione dei Significati del Sacro Corano - Traduzione filippina (tagalog) dell'Abbreviata Esegesi del Nobile Corano - Indice Traduzioni

Emesso dal Tafseer Center per gli Studi Coranici.

Chiudi