Traduzione dei Significati del Sacro Corano - Traduzione filippina (tagalog) dell'Abbreviata Esegesi del Nobile Corano * - Indice Traduzioni


Traduzione dei significati Sura: An-Naml   Versetto:

An-Naml

Alcuni scopi di questa Sura comprendono:
الامتنان على النبي صلى الله عليه وسلم بنعمة القرآن وشكرها والصبر على تبليغه.
Ang pagmamagandang-loob sa Propeta – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – ng biyaya ng Qur'ān, ang pagpapasalamat sa [biyayang] iyon, at ang pagtitiis sa pagpapaabot nito.

طسٓۚ تِلۡكَ ءَايَٰتُ ٱلۡقُرۡءَانِ وَكِتَابٖ مُّبِينٍ
Ṭā. Sīn. Nauna na ang pagtalakay sa mga kapareho ng mga ito sa simula ng Kabanatang Al-Baqarah. Ang mga talatang ito na ibinaba sa iyo ay ang mga talata ng Qur’ān at ng isang Aklat na maliwanag, walang kalituhan dito. Ang sinumang nagbulaybulay rito ay nakaaalam na ito ay mula sa ganang kay Allāh.
Esegesi in lingua araba:
هُدٗى وَبُشۡرَىٰ لِلۡمُؤۡمِنِينَ
Ang mga talatang ito ay tagapatnubay sa katotohanan, tagagabay rito, tagabalita ng nakagagalak para sa mga mananampalataya hinggil kay Allāh at sa mga sugo Niya.
Esegesi in lingua araba:
ٱلَّذِينَ يُقِيمُونَ ٱلصَّلَوٰةَ وَيُؤۡتُونَ ٱلزَّكَوٰةَ وَهُم بِٱلۡأٓخِرَةِ هُمۡ يُوقِنُونَ
[Sila] ang mga nagsasagawa ng pagdarasal ayon sa pinakaganap na anyo, nagbibigay ng zakāh ng mga yaman nila sa pamamagitan ng pag-uukol nito sa mga pinag-uukulan nito, at sila ay mga nakatitiyak sa anumang nasa Kabilang-buhay na gantimpala at parusa.
Esegesi in lingua araba:
إِنَّ ٱلَّذِينَ لَا يُؤۡمِنُونَ بِٱلۡأٓخِرَةِ زَيَّنَّا لَهُمۡ أَعۡمَٰلَهُمۡ فَهُمۡ يَعۡمَهُونَ
Tunay na ang mga tagatangging sumampalataya na hindi sumasampalataya sa Kabilang-buhay at anumang naroon na gantimpala at parusa ay pinaganda Namin para sa kanila ang mga gawain nilang masagwa kaya naman nagpatuloy sila sa paggawa ng mga ito sapagkat sila ay mga nalilito na hindi napapatnubayan sa tama ni sa katinuan.
Esegesi in lingua araba:
أُوْلَٰٓئِكَ ٱلَّذِينَ لَهُمۡ سُوٓءُ ٱلۡعَذَابِ وَهُمۡ فِي ٱلۡأٓخِرَةِ هُمُ ٱلۡأَخۡسَرُونَ
Ang mga nailarawang iyon sa nabanggit ay ang mga ukol sa kanila ang kasagwaan ng pagdurusa sa Mundo sa pamamagitan ng pagpatay at pagbihag. Sila sa Kabilang-buhay ay ang pinakahigit sa mga tao sa pagkakalugi yayamang ipinalugi nila ang mga sarili nila at ang mga mag-anak nila sa Araw ng Pagbangon dahil sa pagpapawalang-hanggan sa kanila sa Apoy.
Esegesi in lingua araba:
وَإِنَّكَ لَتُلَقَّى ٱلۡقُرۡءَانَ مِن لَّدُنۡ حَكِيمٍ عَلِيمٍ
Tunay na ikaw, O Sugo, ay talagang ginagawaran nitong Qur’ān na pinababa sa iyo mula sa ganang Marunong sa paglikha Niya, pangangasiwa Niya, at pagbabatas Niya, Maalam: walang nakakukubli sa Kanya na anuman mula sa mga kapakanan ng mga lingkod Niya.
Esegesi in lingua araba:
إِذۡ قَالَ مُوسَىٰ لِأَهۡلِهِۦٓ إِنِّيٓ ءَانَسۡتُ نَارٗا سَـَٔاتِيكُم مِّنۡهَا بِخَبَرٍ أَوۡ ءَاتِيكُم بِشِهَابٖ قَبَسٖ لَّعَلَّكُمۡ تَصۡطَلُونَ
Banggitin mo, O Sugo, nang nagsabi si Moises sa mag-anak niya: "Tunay na ako ay nakakita ng apoy. Magdadala ako sa inyo mula roon ng isang balita kung sino ang tagapagpaningas niyon na gagabay sa atin sa daan, o magdadala ako sa inyo ng isang dingas ng apoy na makukuha mula roon, sa pag-asang mapainitan kayo sa pamamagitan niyon mula sa lamig."
Esegesi in lingua araba:
فَلَمَّا جَآءَهَا نُودِيَ أَنۢ بُورِكَ مَن فِي ٱلنَّارِ وَمَنۡ حَوۡلَهَا وَسُبۡحَٰنَ ٱللَّهِ رَبِّ ٱلۡعَٰلَمِينَ
Ngunit noong nakarating siya sa lugar ng apoy na nakita niya, tinawag siya ni Allāh: "Binanal ang sinumang nasa apoy at ang nasa paligid nito na mga anghel." [Ito ay] bilang pagdakila sa Panginoon ng mga nilalang at bilang pagpapawalang-kaugnayan sa Kanya sa anumang hindi naaangkop sa Kanya na mga katangiang ipinanlalarawan sa Kanya ng mga ligaw.
Esegesi in lingua araba:
يَٰمُوسَىٰٓ إِنَّهُۥٓ أَنَا ٱللَّهُ ٱلۡعَزِيزُ ٱلۡحَكِيمُ
Nagsabi si Allāh sa kanya: "O Moises, tunay na Ako ay si Allāh, ang Makapangyarihan na walang nakikipanaig sa Akin na isa man, ang Marunong sa paglikha Ko, pagtatakda Ko, at batas Ko.
Esegesi in lingua araba:
وَأَلۡقِ عَصَاكَۚ فَلَمَّا رَءَاهَا تَهۡتَزُّ كَأَنَّهَا جَآنّٞ وَلَّىٰ مُدۡبِرٗا وَلَمۡ يُعَقِّبۡۚ يَٰمُوسَىٰ لَا تَخَفۡ إِنِّي لَا يَخَافُ لَدَيَّ ٱلۡمُرۡسَلُونَ
Pumukol ka ng tungkod mo." Kaya sumunod si Moises; ngunit noong nakita niya ito na nangangatal at kumikilus-kilos na para bang ito ay isang ahas, tumalikod siya nang patakas at hindi bumalik. Nagsabi sa kanya si Allah: "O Moises, huwag kang mangamba riyan sapagkat tunay na Ako, sa piling Ko, ay hindi nangangamba ang mga isinugo sa ahas ni sa anumang iba pa rito,
Esegesi in lingua araba:
إِلَّا مَن ظَلَمَ ثُمَّ بَدَّلَ حُسۡنَۢا بَعۡدَ سُوٓءٖ فَإِنِّي غَفُورٞ رَّحِيمٞ
subalit ang sinumang lumabag sa katarungan sa sarili nila sa pamamagitan ng paggawa ng pagkakasala, pagkatapos nagbalik-loob matapos niyon. Tunay na Ako ay Mapagpatawad para sa kanya, Maawain sa kanya.
Esegesi in lingua araba:
وَأَدۡخِلۡ يَدَكَ فِي جَيۡبِكَ تَخۡرُجۡ بَيۡضَآءَ مِنۡ غَيۡرِ سُوٓءٖۖ فِي تِسۡعِ ءَايَٰتٍ إِلَىٰ فِرۡعَوۡنَ وَقَوۡمِهِۦٓۚ إِنَّهُمۡ كَانُواْ قَوۡمٗا فَٰسِقِينَ
Ipasok mo ang kamay mo sa bukasan ng kamisa mo na nalalapit sa leeg mo, lalabas ito, matapos ng pagpapasok mo nito, na maputi na tulad ng yelo, na walang sakit. Napaloob sa siyam na tanda na sasaksi sa katapatan mo, ang mga ito, kasama ang kamay, ay ang tungkod, ang mga taon, ang pagkakulang ng mga bunga, ang gunaw, ang balang, ang kuto, ang palaka, at ang dugo. [Sasaksi ang mga ito] kay Paraon at sa lipi niya. Tunay na sila noon ay mga taong lumalabas sa pagtalima kay Allah dahil sa kawalang-pananampalataya sa Kanya."
Esegesi in lingua araba:
فَلَمَّا جَآءَتۡهُمۡ ءَايَٰتُنَا مُبۡصِرَةٗ قَالُواْ هَٰذَا سِحۡرٞ مُّبِينٞ
Ngunit noong dumating sa kanila nang maliwanag na nakalantad ang mga tanda Naming ito na nag-alalay Kami sa pamamagitan ng mga ito kay Moises, nagsabi sila: "Ang inihatid na ito ni Moises na mga tanda ay isang panggagaway na malinaw."
Esegesi in lingua araba:
Alcuni insegnamenti da trarre da questi versi sono:
• القرآن هداية وبشرى للمؤمنين.
Ang Qur'ān ay kapatnubayan at balitang nakagagalak para sa mga mananampalataya.

• الكفر بالله سبب في اتباع الباطل من الأعمال والأقوال، والحيرة، والاضطراب.
Ang kawalang-pananampalataya kay Allāh ay isang kadahilanan sa pagsunod sa kabulaanan kabilang sa mga gawain, mga sinasabi, kalituhan, at pagkagitla.

• تأمين الله لرسله وحفظه لهم سبحانه من كل سوء.
Ang pagpapatiwasay ni Allāh para sa mga sugo Niya at ang pangangalaga Niya para sa kanila – kaluwalhatian sa Kanya – laban sa bawat kasamaan.

وَجَحَدُواْ بِهَا وَٱسۡتَيۡقَنَتۡهَآ أَنفُسُهُمۡ ظُلۡمٗا وَعُلُوّٗاۚ فَٱنظُرۡ كَيۡفَ كَانَ عَٰقِبَةُ ٱلۡمُفۡسِدِينَ
Tumanggi silang sumampalataya sa mga tandang malilinaw na ito at hindi kumilala sa mga ito – samantalang tumiyak ang mga sarili nila na ang mga ito ay mula sa ganang kay Allāh – dahilan sa paglabag nila sa katarungan at pagmamalaki nila sa [pagtanggi sa] katotohanan. Kaya magnilay-nilay ka, o Sugo, kung papaano naging ang kinahinatnan ng mga tagagulo sa lupa dahil sa kawalang-pananampalataya nila at mga pagsuway nila sapagkat ipinahamak Namin sila at winasak Namin sila sa kabuuan nila.
Esegesi in lingua araba:
وَلَقَدۡ ءَاتَيۡنَا دَاوُۥدَ وَسُلَيۡمَٰنَ عِلۡمٗاۖ وَقَالَا ٱلۡحَمۡدُ لِلَّهِ ٱلَّذِي فَضَّلَنَا عَلَىٰ كَثِيرٖ مِّنۡ عِبَادِهِ ٱلۡمُؤۡمِنِينَ
Talaga ngang nagbigay Kami kay David at sa anak niyang si Solomon ng kaalaman, na bahagi nito ang kaalaman sa pakikipag-usap sa mga ibon. Nagsabi sina David at Solomon habang mga nagpapasalamat kay Allāh – kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan: "Ang papuri ay ukol kay Allāh na nagtangi sa amin ng inilaan Niya sa amin na kaalaman at pagkapropeta higit sa marami sa mga lingkod Niyang mga mananampalataya."
Esegesi in lingua araba:
وَوَرِثَ سُلَيۡمَٰنُ دَاوُۥدَۖ وَقَالَ يَٰٓأَيُّهَا ٱلنَّاسُ عُلِّمۡنَا مَنطِقَ ٱلطَّيۡرِ وَأُوتِينَا مِن كُلِّ شَيۡءٍۖ إِنَّ هَٰذَا لَهُوَ ٱلۡفَضۡلُ ٱلۡمُبِينُ
Nagmana si Solomon sa ama niyang si David sa pagkapropeta, kaalaman, at pagkahari. Nagsabi siya habang nagsasalita hinggil sa biyaya ni Allāh sa kanya at sa ama niya: "O mga tao, nagturo sa amin si Allāh ng pag-intindi sa mga huni ng ibon at nagbigay Siya sa amin mula sa bawat bagay na ibinigay Niya sa mga propeta at mga hari. Tunay na itong ibinigay sa amin ni Allāh – kaluwalhatian sa Kanya – ay talagang ang kabutihang-loob na maliwanag na malinaw."
Esegesi in lingua araba:
وَحُشِرَ لِسُلَيۡمَٰنَ جُنُودُهُۥ مِنَ ٱلۡجِنِّ وَٱلۡإِنسِ وَٱلطَّيۡرِ فَهُمۡ يُوزَعُونَ
Tinipon para kay Solomon ang mga kawal niya mula sa tao, jinn, at ibon, saka sila ay inaakay nang may kaayusan.
Esegesi in lingua araba:
حَتَّىٰٓ إِذَآ أَتَوۡاْ عَلَىٰ وَادِ ٱلنَّمۡلِ قَالَتۡ نَمۡلَةٞ يَٰٓأَيُّهَا ٱلنَّمۡلُ ٱدۡخُلُواْ مَسَٰكِنَكُمۡ لَا يَحۡطِمَنَّكُمۡ سُلَيۡمَٰنُ وَجُنُودُهُۥ وَهُمۡ لَا يَشۡعُرُونَ
Kaya hindi sila tumitigil na inaakay hanggang sa nang dumating sila sa lambak ng mga langgam (isang pook sa Sirya), may nagsabing isa sa mga langgam: "O mga langgam, magsipasok kayo sa mga tirahan ninyo upang hindi magpahamak sa inyo si Solomon at ang mga kawal niya habang sila ay hindi nakaaalam sa inyo yayamang kung sakaling nakaalam sila sa inyo ay talagang hindi sila aapak sa inyo."
Esegesi in lingua araba:
فَتَبَسَّمَ ضَاحِكٗا مِّن قَوۡلِهَا وَقَالَ رَبِّ أَوۡزِعۡنِيٓ أَنۡ أَشۡكُرَ نِعۡمَتَكَ ٱلَّتِيٓ أَنۡعَمۡتَ عَلَيَّ وَعَلَىٰ وَٰلِدَيَّ وَأَنۡ أَعۡمَلَ صَٰلِحٗا تَرۡضَىٰهُ وَأَدۡخِلۡنِي بِرَحۡمَتِكَ فِي عِبَادِكَ ٱلصَّٰلِحِينَ
Kaya noong nakarinig si Solomon sa salita niyon ay ngumiti-ngiti siya na natatawa sinabing ito niyon. Nagsabi siya, na dumadalangin sa Panginoon niya – kaluwalhatian sa Kanya: "Panginoon ko, magtuon Ka sa akin at magpahiwatig Ka sa akin na magpasalamat ako sa biyaya Mong ibiniyaya Mo sa akin at sa ama ko, magtuon Ka sa akin na gumawa ako ng gawang maayos na kinalulugdan Mo, at magpapasok Ka sa akin, sa pamamagitan ng awa Mo, sa kabuuan ng mga lingkod Mong mga maayos."
Esegesi in lingua araba:
وَتَفَقَّدَ ٱلطَّيۡرَ فَقَالَ مَالِيَ لَآ أَرَى ٱلۡهُدۡهُدَ أَمۡ كَانَ مِنَ ٱلۡغَآئِبِينَ
Nagsiyasat si Solomon sa mga ibon ngunit hindi siya nakakita sa abubilya kaya nagsabi siya: "Ano ang mayroon sa akin na hindi ako nakakikita sa abubilya? May pumigil ba sa akin na isang tagapigil sa pagkakita sa kanya, o siya ay naging kabilang sa mga lumiliban?"
Esegesi in lingua araba:
لَأُعَذِّبَنَّهُۥ عَذَابٗا شَدِيدًا أَوۡ لَأَاْذۡبَحَنَّهُۥٓ أَوۡ لَيَأۡتِيَنِّي بِسُلۡطَٰنٖ مُّبِينٖ
Kaya nagsabi siya noong luminaw sa kanya ang pagliban niyon: "Talagang pagdurusahin ko nga siya ng isang pagdurusang matindi, o talagang kakatayin ko nga siya bilang parusa sa kanya sa pagliban niya, o talagang magdadala nga siya sa akin ng isang katwirang maliwanag na maglilinaw sa pagdadahilan niya sa pagliban."
Esegesi in lingua araba:
فَمَكَثَ غَيۡرَ بَعِيدٖ فَقَالَ أَحَطتُ بِمَا لَمۡ تُحِطۡ بِهِۦ وَجِئۡتُكَ مِن سَبَإِۭ بِنَبَإٖ يَقِينٍ
Kaya namalagi ang abubilya sa pagkaliban nito sa panahong hindi matagal, saka noong dumating ito ay nagsabi ito kay Solomon – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan: "Napag-alaman ko ang hindi mo napag-alaman, at naghatid ako sa iyo mula sa mga naninirahan sa Shebah ng isang balitang tapat, na walang duda roon.
Esegesi in lingua araba:
Alcuni insegnamenti da trarre da questi versi sono:
• التبسم ضحك أهل الوقار.
Ang pagngiti-ngiti ay ang tawa ng mga may hinahon.

• شكر النعم أدب الأنبياء والصالحين مع ربهم.
Ang pagpapasalamat sa mga biyaya ay kaasalan ng mga propeta at mga matuwid sa Panginoon nila.

• الاعتذار عن أهل الصلاح بظهر الغيب.
Ang pagmamatuwid para sa mga may kaayusan ay isinasapuso.

• سياسة الرعية بإيقاع العقاب على من يستحقه، وقبول عذر أصحاب الأعذار.
Ang pamamahala sa mga nasasakupan ay sa pamamagitan ng pagpataw ng parusa sa sinumang nagiging karapat-dapat doon at ang pagtanggap ng pagdadahilan ng mga may pagdadahilan.

• قد يوجد من العلم عند الأصاغر ما لا يوجد عند الأكابر.
Maaaring nakatatagpo ng kaalaman buhat sa mga nakababata, na hindi natatagpuan buhat sa mga nakatatanda.

إِنِّي وَجَدتُّ ٱمۡرَأَةٗ تَمۡلِكُهُمۡ وَأُوتِيَتۡ مِن كُلِّ شَيۡءٖ وَلَهَا عَرۡشٌ عَظِيمٞ
Tunay na ako ay nakatagpo ng isang babaing namumuno sa kanila. Nabigyan ang babaing ito mula sa bawat bagay kabilang sa mga kadahilanan ng lakas at paghahari. Mayroon siyang isang silyang dakila, na nagpapatakbo siya mula sa ibabaw niyon sa mga pumapatungkol sa mga tao niya.
Esegesi in lingua araba:
وَجَدتُّهَا وَقَوۡمَهَا يَسۡجُدُونَ لِلشَّمۡسِ مِن دُونِ ٱللَّهِ وَزَيَّنَ لَهُمُ ٱلشَّيۡطَٰنُ أَعۡمَٰلَهُمۡ فَصَدَّهُمۡ عَنِ ٱلسَّبِيلِ فَهُمۡ لَا يَهۡتَدُونَ
Nakatagpo ako sa babaing ito at nakatagpo ako sa mga tao niya na nagpapatirapa sa araw bukod pa kay Allāh – kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya. Pinaganda sa kanila ng demonyo ang nasa kanila na mga gawain ng shirk at mga pagsuway saka nagpalihis ito sa kanila palayo sa daan ng katotohanan kaya sila ay hindi napapatnubayan tungo roon.
Esegesi in lingua araba:
أَلَّاۤ يَسۡجُدُواْۤ لِلَّهِ ٱلَّذِي يُخۡرِجُ ٱلۡخَبۡءَ فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ وَيَعۡلَمُ مَا تُخۡفُونَ وَمَا تُعۡلِنُونَ
Pinaganda sa kanila ng demonyo ang mga gawain ng shirk at mga pagsuway upang hindi sila magpatirapa kay Allāh lamang, na nagpapalabas ng itinago Niya sa langit na ulan at sa lupa na mga halaman, at nakaaalam sa anumang ikinukubli nila na mga gawain at anumang inilalantad nila: walang nakakukubli sa Kanya na mula roon na anuman.
Esegesi in lingua araba:
ٱللَّهُ لَآ إِلَٰهَ إِلَّا هُوَ رَبُّ ٱلۡعَرۡشِ ٱلۡعَظِيمِ۩
Si Allāh – walang sinasamba ayon sa karapatan na iba pa sa Kanya – ay ang Panginoon ng tronong dakila."
Esegesi in lingua araba:
۞ قَالَ سَنَنظُرُ أَصَدَقۡتَ أَمۡ كُنتَ مِنَ ٱلۡكَٰذِبِينَ
Nagsabi si Solomon – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – sa abubilya: "Titingin kami kung nagtotoo ka ba sa pinagsasabi mo o ikaw ay naging kabilang sa mga sinungaling.
Esegesi in lingua araba:
ٱذۡهَب بِّكِتَٰبِي هَٰذَا فَأَلۡقِهۡ إِلَيۡهِمۡ ثُمَّ تَوَلَّ عَنۡهُمۡ فَٱنظُرۡ مَاذَا يَرۡجِعُونَ
Kaya sumulat si Solomon ng isang sulat. Iniabot niya ito sa abubilya at nagsabi siya rito: "Umalis ka kalakip ng sulat kong ito. Ipasa mo ito sa mga taga-Sheba at ipaabot mo sa kanila ito. Lumayo ka sa kanila sa isang tabi kung saan maririnig mo ang itutugon nila patungkol dito."
Esegesi in lingua araba:
قَالَتۡ يَٰٓأَيُّهَا ٱلۡمَلَؤُاْ إِنِّيٓ أُلۡقِيَ إِلَيَّ كِتَٰبٞ كَرِيمٌ
Natanggap ng reyna ang sulat at nagsabi siya: "O mga maharlika, tunay na ako ay pinadalhan ng isang sulat na marangal na kapita-pitagan.
Esegesi in lingua araba:
إِنَّهُۥ مِن سُلَيۡمَٰنَ وَإِنَّهُۥ بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ
Ang nilalaman nitong sulat na ipinadala mula kay Solomon ay ang pinasisimulan sa "ngalan ni Allāh, ang Napakamaawain, ang Maawain,"
Esegesi in lingua araba:
أَلَّا تَعۡلُواْ عَلَيَّ وَأۡتُونِي مُسۡلِمِينَ
na [nagsasaad]: Huwag kayong magpakamalaki sa akin at pumunta kayo sa akin bilang mga nagpapaakay na sumusuko sa inaanyaya ko sa inyo na paniniwala sa kaisahan ni Allāh at pag-iwan sa anumang nasa inyo na pagtatambal sa Kanya yayamang sumamba kayo sa araw kasama sa Kanya."
Esegesi in lingua araba:
قَالَتۡ يَٰٓأَيُّهَا ٱلۡمَلَؤُاْ أَفۡتُونِي فِيٓ أَمۡرِي مَا كُنتُ قَاطِعَةً أَمۡرًا حَتَّىٰ تَشۡهَدُونِ
Nagsabi ang reyna: "O mga maharlika at mga ginoo, linawin ninyo sa akin ang anyo ng pagkatama sa usapin ko. Hindi nangyaring ako ay maghuhusga sa isang usapin hanggang sa dumalo kayo sa akin at maglantad ng pananaw ninyo hinggil dito."
Esegesi in lingua araba:
قَالُواْ نَحۡنُ أُوْلُواْ قُوَّةٖ وَأُوْلُواْ بَأۡسٖ شَدِيدٖ وَٱلۡأَمۡرُ إِلَيۡكِ فَٱنظُرِي مَاذَا تَأۡمُرِينَ
Nagsabi sa kanya ang mga maharlika kabilang sa mga tao niya: "Tayo ay mga may lakas na malaki at mga may bagsik na malakas sa digmaan. Ang pananaw [na sinusunod] ay ang nakikita mo kaya tingnan mo kung ano ang ipag-uutos mo sa amin sapagkat kami ay mga nakakakaya sa pagpapatupad niyon."
Esegesi in lingua araba:
قَالَتۡ إِنَّ ٱلۡمُلُوكَ إِذَا دَخَلُواْ قَرۡيَةً أَفۡسَدُوهَا وَجَعَلُوٓاْ أَعِزَّةَ أَهۡلِهَآ أَذِلَّةٗۚ وَكَذَٰلِكَ يَفۡعَلُونَ
Nagsabi ang reyna: "Tunay na ang mga hari, kapag pumasok sa isa sa mga pamayanan, ay nanggugulo roon dahil sa isinasagawa nilang pagpatay, pangangamkam, at pandarambong. Ginagawa nila ang mga ginoo niyon at ang mga maharlika niyon na mga kaaba-aba matapos na nagkaroon ang mga ito ng karangalan at kapangyarihan. Gayon ang ginagawa ng mga hari palagi kapag nanaig sila sa mga mamamayan ng isang pamayanan upang makapagtanim sila ng sindak at hilakbot sa mga kaluluwa.
Esegesi in lingua araba:
وَإِنِّي مُرۡسِلَةٌ إِلَيۡهِم بِهَدِيَّةٖ فَنَاظِرَةُۢ بِمَ يَرۡجِعُ ٱلۡمُرۡسَلُونَ
Tunay na ako ay magsusugo ng isang regalo sa may-ari ng sulat at mga tao niya at titingin kung ano ang dadalhin ng mga sugo matapos ng pagsusugo ng regalong ito.
Esegesi in lingua araba:
Alcuni insegnamenti da trarre da questi versi sono:
• إنكار الهدهد على قوم سبأ ما هم عليه من الشرك والكفر دليل على أن الإيمان فطري عند الخلائق.
Ang pagmamasama ng abubilya sa mga tao ng Sheba sa taglay nila na shirk at kawalang-pananampalataya ay isang patunay na ang pananampalataya ay likas sa mga nilikha.

• التحقيق مع المتهم والتثبت من حججه.
Ang pagsisiyasat sa pinararatangan at ang pagtitiyak sa mga katwiran nito.

• مشروعية الكشف عن أخبار الأعداء.
Ang pagkaisinasabatas ng pagbubunyag sa mga ulat tungkol sa mga kaaway.

• من آداب الرسائل افتتاحها بالبسملة.
Kabilang sa mga kagandahang-asal sa mga sulat ang pagpapasimula sa mga ito sa ngalan ni Allāh.

• إظهار عزة المؤمن أمام أهل الباطل أمر مطلوب.
Ang paglalantad ng dangal ng mananampalataya sa harap ng mga alagad ng kabulaanan ay isang bagay na hinihiling.

فَلَمَّا جَآءَ سُلَيۡمَٰنَ قَالَ أَتُمِدُّونَنِ بِمَالٖ فَمَآ ءَاتَىٰنِۦَ ٱللَّهُ خَيۡرٞ مِّمَّآ ءَاتَىٰكُمۚ بَلۡ أَنتُم بِهَدِيَّتِكُمۡ تَفۡرَحُونَ
Kaya noong dumating ang sugo ng reyna at ang kasama rito na mga katulong nito na nagdadala ng regalo kay Solomon, minasama sa kanila ni Solomon ang pagpapadala ng regalo habang nagsasabi: "Mag-aayuda ba kayo sa akin ng mga yaman upang maglihis kayo sa akin palayo sa inyo gayong ang ibinigay sa akin ni Allāh na pagkapropeta, paghahari, at yaman ay higit na mabuti kaysa sa ibinigay Niya sa inyo? Bagkus kayo ay ang natutuwa sa iniregalo sa inyo mula sa mga latak ng Mundo.
Esegesi in lingua araba:
ٱرۡجِعۡ إِلَيۡهِمۡ فَلَنَأۡتِيَنَّهُم بِجُنُودٖ لَّا قِبَلَ لَهُم بِهَا وَلَنُخۡرِجَنَّهُم مِّنۡهَآ أَذِلَّةٗ وَهُمۡ صَٰغِرُونَ
Nagsabi si Solomon – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – sa sugo ng reyna: "Ibalik mo sa kanila ang dinala mong regalo sapagkat talagang magdadala nga kami sa kanya at sa mga tao niya ng mga kawal na walang kakayahan sa kanila sa pakikipagharap sa mga ito, at talagang magpapalabas nga Kami sa kanila mula sa Sheba habang sila ay mga hamak na inaaba matapos ng dati nilang taglay na dangal, kung hindi sila pupunta sa akin na mga nagpapasailalim."
Esegesi in lingua araba:
قَالَ يَٰٓأَيُّهَا ٱلۡمَلَؤُاْ أَيُّكُمۡ يَأۡتِينِي بِعَرۡشِهَا قَبۡلَ أَن يَأۡتُونِي مُسۡلِمِينَ
Nagsabi si Solomon – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – habang nakikipag-usap sa mga pili sa mga mamamayan ng kaharian niya: "O konseho, alin sa inyo ang magdadala sa akin ng silya ng kaharian niya bago sila pumunta sa akin bilang mga nagpapasailalim?"
Esegesi in lingua araba:
قَالَ عِفۡرِيتٞ مِّنَ ٱلۡجِنِّ أَنَا۠ ءَاتِيكَ بِهِۦ قَبۡلَ أَن تَقُومَ مِن مَّقَامِكَۖ وَإِنِّي عَلَيۡهِ لَقَوِيٌّ أَمِينٞ
May sumagot sa kanya na isang tagapaghimagsik kabilang sa mga jinn, na nagsasabi: "Ako ay magdadala sa iyo ng silya niya bago ka makatayo mula sa inuupuan mong ito na ikaw ay nakaupo. Tunay na ako ay talagang malakas sa pagbuhat niyon, na mapagkakatiwalaan sa anumang naroon kay hindi ako magbabawas mula roon ng anuman."
Esegesi in lingua araba:
قَالَ ٱلَّذِي عِندَهُۥ عِلۡمٞ مِّنَ ٱلۡكِتَٰبِ أَنَا۠ ءَاتِيكَ بِهِۦ قَبۡلَ أَن يَرۡتَدَّ إِلَيۡكَ طَرۡفُكَۚ فَلَمَّا رَءَاهُ مُسۡتَقِرًّا عِندَهُۥ قَالَ هَٰذَا مِن فَضۡلِ رَبِّي لِيَبۡلُوَنِيٓ ءَأَشۡكُرُ أَمۡ أَكۡفُرُۖ وَمَن شَكَرَ فَإِنَّمَا يَشۡكُرُ لِنَفۡسِهِۦۖ وَمَن كَفَرَ فَإِنَّ رَبِّي غَنِيّٞ كَرِيمٞ
Nagsabi ang isang maayos na lalaking nakaaalam, na nasa piling ni Solomon, na may taglay na kaalaman mula sa kasulatan, na napaloob dito ang pinakadakilang pangalan ni Allāh, na kapag dinalanginan Siya sa pamamagitan nito ay tutugon Siya: "Ako ay magdadala sa iyo ng silya niya, bago makakisap ang mga mata mo, sa pamamagitan ng pagdalangin ko kay Allāh para magdala Siya niyon." Kaya dumalangin siya saka tumugon naman si Allāh sa kanya sa panalangin niya. Kaya noong nakita ni Solomon ang silya ng reyna na nakalapag sa piling niya ay nagsabi siya: "Ito ay mula sa kabutihang-loob ng Panginoon ko – kaluwalhatian sa Kanya – upang sumubok Siya sa akin kung magpapasalamat ba ako sa mga biyaya Niya o tatanggi akong magpasalamat sa mga ito? Ang sinumang nagpasalamat kay Allāh, ang pakinabang ng pasasalamat niya ay bumabalik lamang sa kanya sapagkat si Allāh ay Walang-pangangailangan: walang naidadagdag sa Kanya ang pasasalamat ng mga tao. Ang sinumang nagkaila sa mga biyaya ni Allāh saka hindi ipinagpasalamat ang mga ito sa Kanya, tunay na ang Panginoon ko ay Walang-pangangailangan sa pasasalamat niyon, at Mapagbigay, na bahagi ng pagkamapagbigay Niya ang pagtatangi Niya roon higit sa sinumang nagkakaila sa mga ito."
Esegesi in lingua araba:
قَالَ نَكِّرُواْ لَهَا عَرۡشَهَا نَنظُرۡ أَتَهۡتَدِيٓ أَمۡ تَكُونُ مِنَ ٱلَّذِينَ لَا يَهۡتَدُونَ
Nagsabi si Solomon – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan: "Baguhin ninyo para sa kanya ang silya ng kaharian niya buhat sa anyo nito na dating taglay nito, titingnan natin kung mapapatnubayan kaya siya sa pagkakilala na ito ay silya niya, o siya ay magiging kabilang sa mga hindi napapatnubayan sa pagkakilala sa mga bagay-bagay nila."
Esegesi in lingua araba:
فَلَمَّا جَآءَتۡ قِيلَ أَهَٰكَذَا عَرۡشُكِۖ قَالَتۡ كَأَنَّهُۥ هُوَۚ وَأُوتِينَا ٱلۡعِلۡمَ مِن قَبۡلِهَا وَكُنَّا مُسۡلِمِينَ
Kaya noong dumating ang reyna ng Sheba kay Solomon ay sinabi sa kanya bilang pagsubok sa kanya: "Ito ba ay tulad ng trono mo?" Kaya sumagot siya alinsunod sa tanong: "Para bang ito ay iyon." Kaya nagsabi si Solomon: "Nagbigay si Allāh sa amin ng kaalaman bago pa niya dahil sa kakayahan ni Allāh sa tulad ng mga bagay na ito. Dati na kaming mga nagpapasailalim sa utos ni Allāh, ng mga tagatalima sa Kanya."
Esegesi in lingua araba:
وَصَدَّهَا مَا كَانَت تَّعۡبُدُ مِن دُونِ ٱللَّهِۖ إِنَّهَا كَانَتۡ مِن قَوۡمٖ كَٰفِرِينَ
Nagpabaling sa kanya palayo sa paniniwala sa kaisahan ni Allāh ang dati nang sinasamba niya bukod pa kay Allāh bilang pagsunod sa mga tao niya at bilang paggaya-gaya sa kanila. Tunay na siya dati ay kabilang sa mga taong tagatangging sumampalataya kay Allāh sapagkat siya dati ay isang tagatangging sumampalataya tulad nila.
Esegesi in lingua araba:
قِيلَ لَهَا ٱدۡخُلِي ٱلصَّرۡحَۖ فَلَمَّا رَأَتۡهُ حَسِبَتۡهُ لُجَّةٗ وَكَشَفَتۡ عَن سَاقَيۡهَاۚ قَالَ إِنَّهُۥ صَرۡحٞ مُّمَرَّدٞ مِّن قَوَارِيرَۗ قَالَتۡ رَبِّ إِنِّي ظَلَمۡتُ نَفۡسِي وَأَسۡلَمۡتُ مَعَ سُلَيۡمَٰنَ لِلَّهِ رَبِّ ٱلۡعَٰلَمِينَ
Sinabi sa kanya: "Pumasok ka sa palasyo." Ito ay gaya ng anyo ng terasa. Kaya noong nakita niya ito, nagpalagay siyang ito ay isang tubigan kaya naglantad siya ng mga lulod niya upang sumuong dito. Nagsabi si Solomon – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan: "Tunay na ito ay isang palasyong pinakintaban ng mga salamin." Nag-anyaya si Solomon sa kanya sa Islām saka tumugon naman siya sa paanyaya nito sa kanya habang nagsasabi: "Panginoon ko, tunay na ako ay lumabag sa katarungan sa sarili ko dahil sa pagsamba sa iba pa sa Iyo kasama sa Iyo. Nagpaakay ako kasama kay Solomon kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilikha sa kalahatan ng mga ito."
Esegesi in lingua araba:
Alcuni insegnamenti da trarre da questi versi sono:
• عزة الإيمان تحصّن المؤمن من التأثر بحطام الدنيا.
Ang dangal ng pananampalataya ay nagpapatibay sa mananampalataya laban sa pagpapaapekto sa mga latak ng Mundo.

• الفرح بالماديات والركون إليها صفة من صفات الكفار.
Ang pagkatuwa sa mga materyal at ang pagsandig sa mga ito ay isa sa mga katangian ng mga tagatangging sumampalataya.

• يقظة شعور المؤمن تجاه نعم الله.
Ang pagkagising ng damdamin ng mananampalataya tungo sa mga biyaya ni Allāh.

• اختبار ذكاء الخصم بغية التعامل معه بما يناسبه.
Ang pagsubok sa talino ng kaalitan sa paghahangad ng pakikitungo sa kanya ayon sa naaangkop sa kanya.

• إبراز التفوق على الخصم للتأثير فيه.
Ang pagtatampok ng pangingibabaw sa kaalitan ay para sa pag-apekto sa kanya.

وَلَقَدۡ أَرۡسَلۡنَآ إِلَىٰ ثَمُودَ أَخَاهُمۡ صَٰلِحًا أَنِ ٱعۡبُدُواْ ٱللَّهَ فَإِذَا هُمۡ فَرِيقَانِ يَخۡتَصِمُونَ
Talaga ngang nagpadala Kami sa Thamūd ng kapatid nila sa kaangkanan na si Ṣāliḥ – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan, na [nagsasabi]: "Sumamba kayo kay Allāh lamang," saka biglang sila, matapos ng pag-anyaya niya sa kanila, ay [naging] dalawang pangkatin: isang pangkating mananampalataya at isa pang tagatangging sumampalataya na, naghihidwaan kung alin sa kanila ang nasa katotohanan.
Esegesi in lingua araba:
قَالَ يَٰقَوۡمِ لِمَ تَسۡتَعۡجِلُونَ بِٱلسَّيِّئَةِ قَبۡلَ ٱلۡحَسَنَةِۖ لَوۡلَا تَسۡتَغۡفِرُونَ ٱللَّهَ لَعَلَّكُمۡ تُرۡحَمُونَ
Nagsabi sa kanila si Ṣaliḥ – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan: "O mga kalipi ko, bakit kayo humihiling ng pagmamadali sa pagdurusa bago ng awa? Bakit nga kaya hindi kayo humiling ng kapatawaran mula kay Allāh para sa mga pagkakasala ninyo sa pag-asang maawa Siya sa inyo?"
Esegesi in lingua araba:
قَالُواْ ٱطَّيَّرۡنَا بِكَ وَبِمَن مَّعَكَۚ قَالَ طَٰٓئِرُكُمۡ عِندَ ٱللَّهِۖ بَلۡ أَنتُمۡ قَوۡمٞ تُفۡتَنُونَ
Nagsabi sa kanya ang mga kalipi niya dahil sa pagkayamot sa katotohanan: "Nagturing kami ng kamalasan sa iyo at sa sinumang kasama sa iyo kabilang sa mga mananampalataya." Nagsabi sa kanila si Ṣāliḥ: "Ang itinaboy ninyong masamang pangitain dahil sa dumadapo sa inyo na mga kinasusuklaman ay nasa ganang kay Allāh ang kaalaman niyon: walang nakakukubli sa Kanya mula roon na anuman. Bagkus kayo ay mga taong sinusubok sa pamamagitan ng inaabot sa inyo na kabutihan at sa pamamagitan ng ipinatatamo sa inyo na kasamaan."
Esegesi in lingua araba:
وَكَانَ فِي ٱلۡمَدِينَةِ تِسۡعَةُ رَهۡطٖ يُفۡسِدُونَ فِي ٱلۡأَرۡضِ وَلَا يُصۡلِحُونَ
Dati sa lungsod ng Ḥijr ay may siyam na lalaking nanggugulo sa lupain sa pamamagitan ng kawalang-pananampalataya at mga pagsuway, at hindi nagsasaayos doon sa pamamagitan ng pananampalataya at gawang maayos.
Esegesi in lingua araba:
قَالُواْ تَقَاسَمُواْ بِٱللَّهِ لَنُبَيِّتَنَّهُۥ وَأَهۡلَهُۥ ثُمَّ لَنَقُولَنَّ لِوَلِيِّهِۦ مَا شَهِدۡنَا مَهۡلِكَ أَهۡلِهِۦ وَإِنَّا لَصَٰدِقُونَ
Nagsabi ang iba sa kanila sa iba pa: "Manumpa ang bawat isa sa inyo kay Allāh na talagang pupunta nga kami sa kanya sa bahay niya sa gabi saka talagang papatay nga kami sa kanya at mag-anak niya, pagkatapos talagang magsasabi nga kami sa katangkilik ng buhay niya: "Hindi kami pumunta sa pagpatay kay Ṣāliḥ at mag-anak niya at tunay na kami ay talagang mga tapat sa sinabi namin."
Esegesi in lingua araba:
وَمَكَرُواْ مَكۡرٗا وَمَكَرۡنَا مَكۡرٗا وَهُمۡ لَا يَشۡعُرُونَ
Nagpakana sila ng panlalansi nang pakubli para sa pagpapahamak kay Ṣāliḥ at sa mga tagasunod niya kabilang sa mga mananampalataya. Nanlansi Kami ng isang panlalansi para sa pag-aadya sa kanya at pagliligtas sa kanya laban sa pakana nila at pagpapahamak ng mga tagatangging sumampalataya kabilang sa mga kalipi niya samantalang sila ay hindi nakaaalam niyon.
Esegesi in lingua araba:
فَٱنظُرۡ كَيۡفَ كَانَ عَٰقِبَةُ مَكۡرِهِمۡ أَنَّا دَمَّرۡنَٰهُمۡ وَقَوۡمَهُمۡ أَجۡمَعِينَ
Kaya magnilay-nilay ka, O Sugo, kung papaano naging ang kinauwian ng pagpapakana nila at panlalansi nila, na Kami ay pumuksa sa kanila sa pamamagitan ng isang pagdurusang mula sa ganang Amin kaya naman napahamak sila hanggang sa kahuli-hulihan nila.
Esegesi in lingua araba:
فَتِلۡكَ بُيُوتُهُمۡ خَاوِيَةَۢ بِمَا ظَلَمُوٓاْۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَأٓيَةٗ لِّقَوۡمٖ يَعۡلَمُونَ
Kaya ang mga iyon ay ang mga bahay nila na gumuho na ang mga dingding ng mga iyon sa ibabaw ng mga bubong ng mga ito. Nanatili ang mga ito na bakante sa mga naninirahan sa mga ito dahilan sa paglabag nila sa katarungan. Tunay na sa anumang dumapo sa kanila na pagdurusa dahilan sa paglabag nila sa katarungan ay talagang may maisasaalang-alang para sa mga taong mananampalataya sapagkat sila ang nagsasaalang-alang sa mga tanda.
Esegesi in lingua araba:
وَأَنجَيۡنَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَكَانُواْ يَتَّقُونَ
Sinagip ang mga sumampalataya kay Allāh kabilang sa mga kalipi ni Ṣaliḥ – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – at dati na silang nangingilag magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya.
Esegesi in lingua araba:
وَلُوطًا إِذۡ قَالَ لِقَوۡمِهِۦٓ أَتَأۡتُونَ ٱلۡفَٰحِشَةَ وَأَنتُمۡ تُبۡصِرُونَ
Banggitin mo, O Sugo, si Lot nang nagsabi siya sa mga kababayan niya habang naninisi sa kanila at nagmamasama sa kanila: "Pumupunta ba kayo sa gawaing pangit, ang sodomiya, sa mga bulwagan ninyo nang hayagan habang nakakikita ang iba sa inyo sa iba pa?"
Esegesi in lingua araba:
أَئِنَّكُمۡ لَتَأۡتُونَ ٱلرِّجَالَ شَهۡوَةٗ مِّن دُونِ ٱلنِّسَآءِۚ بَلۡ أَنتُمۡ قَوۡمٞ تَجۡهَلُونَ
Tunay na kayo ba ay talagang pumupunta sa mga lalaki dahil sa pagnanasa [sa kanila] bukod pa sa mga babae at hindi nagnanais ng pagpapakabini ni ng anak bagkus ng pagtugon ng nasang makahayop lamang? Bagkus kayo ay mga taong nagpakamangmang sa kinakailangan sa inyo na pagsampalataya, kadalisayan, at paglayo sa mga pagsuway.
Esegesi in lingua araba:
Alcuni insegnamenti da trarre da questi versi sono:
• الاستغفار من المعاصي سبب لرحمة الله.
Ang paghingi ng tawad para sa mga pagsuway ay isang kadahilanan ng awa ni Allāh.

• التشاؤم بالأشخاص والأشياء ليس من صفات المؤمنين.
Ang pagtuturing ng kamalasan sa mga tao at mga bagay ay hindi kabilang sa mga katangian ng mananampalataya.

• عاقبة التمالؤ على الشر والمكر بأهل الحق سيئة.
Ang kinahihinatnan ng pagtutulungan sa kasamaan at panlalansi sa mga alagad ng katotohanan ay masagwa.

• إعلان المنكر أقبح من الاستتار به.
Ang pagpapahayag ng [nagawang] nakasasama ay higit na pangit kaysa sa pagtatago nito.

• الإنكار على أهل الفسوق والفجور واجب.
Ang pagmamasama sa mga alagad ng kasuwailan at pagkamasamang-loob ay kinakailangan.

۞ فَمَا كَانَ جَوَابَ قَوۡمِهِۦٓ إِلَّآ أَن قَالُوٓاْ أَخۡرِجُوٓاْ ءَالَ لُوطٖ مِّن قَرۡيَتِكُمۡۖ إِنَّهُمۡ أُنَاسٞ يَتَطَهَّرُونَ
Ngunit hindi nagkaroon ang mga kababayan niya ng anumang sagot kundi ang pagsabi nila: "Palabasin ninyo ang mag-anak ni Lot mula sa pamayanan ninyo; tunay na sila ay mga taong nagpapawalang-kaugnayan sa mga karumihan at mga kasalaulaan." Nagsabi sila niyon bilang pangungutya sa mag-anak ni Lot, na hindi nakikilahok sa kanila sa anumang ginagawa nilang mga mahalay, bagkus minasama ng mga ito sa kanila ang paggawa ng mga iyon.
Esegesi in lingua araba:
فَأَنجَيۡنَٰهُ وَأَهۡلَهُۥٓ إِلَّا ٱمۡرَأَتَهُۥ قَدَّرۡنَٰهَا مِنَ ٱلۡغَٰبِرِينَ
Kaya iniligtas Namin siya at iniligtas Namin ang mag-anak niya maliban sa maybahay niya; humatol Kami rito na ito ay maging kabilang sa mga maiiwan sa pagdurusa upang maging kabilang sa mga napahamak.
Esegesi in lingua araba:
وَأَمۡطَرۡنَا عَلَيۡهِم مَّطَرٗاۖ فَسَآءَ مَطَرُ ٱلۡمُنذَرِينَ
Nagpaulan Kami sa kanila ng mga bato mula sa langit, saka iyon ay naging isang masagwang ulang nagpapahamak sa mga pinangamba ng pagdurusa at hindi tumugon.
Esegesi in lingua araba:
قُلِ ٱلۡحَمۡدُ لِلَّهِ وَسَلَٰمٌ عَلَىٰ عِبَادِهِ ٱلَّذِينَ ٱصۡطَفَىٰٓۗ ءَآللَّهُ خَيۡرٌ أَمَّا يُشۡرِكُونَ
Sabihin mo, O Sugo: "Ang papuri ay ukol kay Allāh sa mga biyaya Niya. Katiwasayan mula sa Kanya laban sa pagdurusang dulot Niya, na pinagdusa Niya sa pamamagitan nito ang mga tao nina Lot at Ṣāliḥ, ay ukol sa mga Kasamahan ng Propeta – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan. Si Allāh ba na sinasamba ayon sa karapatan, na nasa kamay Niya ang kaharian sa bawat bagay, ay higit na mabuti o ang sinasamba ng mga tagapagtambal, na mga sinasambang hindi nakapagdudulot ng isang pakinabang ni isang pinsala?
Esegesi in lingua araba:
أَمَّنۡ خَلَقَ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضَ وَأَنزَلَ لَكُم مِّنَ ٱلسَّمَآءِ مَآءٗ فَأَنۢبَتۡنَا بِهِۦ حَدَآئِقَ ذَاتَ بَهۡجَةٖ مَّا كَانَ لَكُمۡ أَن تُنۢبِتُواْ شَجَرَهَآۗ أَءِلَٰهٞ مَّعَ ٱللَّهِۚ بَلۡ هُمۡ قَوۡمٞ يَعۡدِلُونَ
O ang lumikha ng mga langit at lupa ayon sa walang pagkakatulad na nauna at nagpababa para sa inyo, O mga tao, mula sa langit ng tubig ng ulan kaya nagpatubo para sa inyo sa pamamagitan nito ng mga hardin na may kagandahan at karikitan, na hindi naging ukol sa inyo na magpatubo kayo ng mga puno ng mga harding iyon dahil sa kawalang-kakayahan ninyo roon sapagkat si Allāh ang nagpatubo sa mga iyon, ay isang sinasamba bang gumawa nito kasama kay Allāh? Hindi! Bagkus sila ay mga taong nalilihis palayo sa katotohanan sapagkat ipinapantay nila ang Tagalikha sa mga nilikha dala ng kawalang-katarungan.
Esegesi in lingua araba:
أَمَّن جَعَلَ ٱلۡأَرۡضَ قَرَارٗا وَجَعَلَ خِلَٰلَهَآ أَنۡهَٰرٗا وَجَعَلَ لَهَا رَوَٰسِيَ وَجَعَلَ بَيۡنَ ٱلۡبَحۡرَيۡنِ حَاجِزًاۗ أَءِلَٰهٞ مَّعَ ٱللَّهِۚ بَلۡ أَكۡثَرُهُمۡ لَا يَعۡلَمُونَ
O ang gumawa ba sa lupa bilang pinamamalagiang matatag na hindi umaalog sa sinumang nasa ibabaw nito, gumawa sa loob nito ng mga ilog na dumadaloy, gumawa para rito ng mga bundok na matatag, at gumawa sa pagitan ng dalawang dagat: ang maalat at ang tabang, ng isang tagapaghiwalay na pumipigil sa pagkakahalo ng maalat sa tabang upang hindi makasira nito para hindi bumagay para sa pag-inom, ay isang sinasamba bang gumawa niyon kasama kay Allāh? Bagkus ang karamihan sa kanila ay hindi nakaaalam. Kung sakaling sila ay nakaaalam, talaga sanang hindi sila nagtambal kay Allāh ng isa man kabilang sa mga nilikha Niya.
Esegesi in lingua araba:
أَمَّن يُجِيبُ ٱلۡمُضۡطَرَّ إِذَا دَعَاهُ وَيَكۡشِفُ ٱلسُّوٓءَ وَيَجۡعَلُكُمۡ خُلَفَآءَ ٱلۡأَرۡضِۗ أَءِلَٰهٞ مَّعَ ٱللَّهِۚ قَلِيلٗا مَّا تَذَكَّرُونَ
O ang sumasagot ba sa sinumang sumikip dito ang lagay nito at tumindi kapag dumalangin ito sa Kanya, pumapawi ng nagaganap sa tao na karamdaman, karalitaan, at iba pa, at gumagawa sa inyo bilang mga kahalili sa lupa: humahalili ang iba sa inyo sa iba pa bilang salinlahi matapos ng isang salinlahi, ay isang sinasamba bang gumawa niyon kasama kay Allāh? Hindi! Madalang kayong tumatanggap ng pangaral at nagsasaalang-alang.
Esegesi in lingua araba:
أَمَّن يَهۡدِيكُمۡ فِي ظُلُمَٰتِ ٱلۡبَرِّ وَٱلۡبَحۡرِ وَمَن يُرۡسِلُ ٱلرِّيَٰحَ بُشۡرَۢا بَيۡنَ يَدَيۡ رَحۡمَتِهِۦٓۗ أَءِلَٰهٞ مَّعَ ٱللَّهِۚ تَعَٰلَى ٱللَّهُ عَمَّا يُشۡرِكُونَ
O ang nagpapatnubay sa inyo sa mga kadiliman ng katihan at mga kadiliman ng karagatan sa pamamagitan ng inilapat Niya para sa inyo na mga palatandaan at mga bituin, at ang nagpapadala ng mga hangin bilang mga tagapagbalita ng nakagagalak hinggil sa lapit ng pagbaba ng ulan na naaawa Siya sa pamamagitan nito sa mga lingkod Niya, ay isang sinasamba bang gumagawa niyon kasama kay Allāh? Nagpawalang-kaugnayan si Allāh at nagpakabanal palayo sa anumang itinatambal nila kabilang sa mga nilikha Niya.
Esegesi in lingua araba:
Alcuni insegnamenti da trarre da questi versi sono:
• لجوء أهل الباطل للعنف عندما تحاصرهم حجج الحق.
Ang pagdulog ng mga alagad ng kabulaanan sa karahasan kapag kumubkob sa kanila ang mga katwiran ng katotohanan.

• رابطة الزوجية دون الإيمان لا تنفع في الآخرة.
Ang bigkis ng pagkamag-asawa nang walang pananampalataya ay hindi magpapakinabang sa Kabilang-buhay.

• ترسيخ عقيدة التوحيد من خلال التذكير بنعم الله.
Ang pagkikintal ng paniniwala sa kaisahan ni Allāh sa pamamagitan ng pagpapaalaala sa mga biyaya ni Allāh.

• كل مضطر من مؤمن أو كافر فإن الله قد وعده بالإجابة إذا دعاه.
Sa bawat nagigipit na mananampalataya o tagatangging sumampalataya, tunay na si Allāh ay nangako nga rito ng pagsagot [sa panalangin] kapag dumalangin ito sa Kanya.

أَمَّن يَبۡدَؤُاْ ٱلۡخَلۡقَ ثُمَّ يُعِيدُهُۥ وَمَن يَرۡزُقُكُم مِّنَ ٱلسَّمَآءِ وَٱلۡأَرۡضِۗ أَءِلَٰهٞ مَّعَ ٱللَّهِۚ قُلۡ هَاتُواْ بُرۡهَٰنَكُمۡ إِن كُنتُمۡ صَٰدِقِينَ
O ang nagsisimula ng paglikha sa mga sinapupunan sa isang baitang matapos ng isang baitang, pagkatapos nagbibigay-buhay rito matapos ng pagbibigay-kamatayan dito, at ang nagtutustos sa inyo mula sa langit sa pamamagitan ng ulang pinabababa mula sa dako niyon at nagtutustos sa inyo mula sa lupa sa pamamagitan ng mga halamang pinatutubo rito ay isang sinasamba bang gumagawa niyon kasama kay Allāh?" Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagtambal na ito: "Magbigay kayo ng mga patunay ninyo sa taglay ninyo na shirk kung kayo ay mga tapat sa anumang pinagsasabi ninyo na kayo ay nasa katotohanan."
Esegesi in lingua araba:
قُل لَّا يَعۡلَمُ مَن فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ ٱلۡغَيۡبَ إِلَّا ٱللَّهُۚ وَمَا يَشۡعُرُونَ أَيَّانَ يُبۡعَثُونَ
Sabihin mo, O Sugo: "Hindi nalalaman ang Lingid ng sinumang nasa mga langit na mga anghel ni ng sinumang nasa lupa na mga tao, subalit si Allāh lamang ay ang nakaaalam niyon. Hindi nalalaman ng lahat ng mga nasa mga langit at ng mga nasa lupa kung kailan sila bubuhayin para sa pagganti maliban kay Allāh."
Esegesi in lingua araba:
بَلِ ٱدَّٰرَكَ عِلۡمُهُمۡ فِي ٱلۡأٓخِرَةِۚ بَلۡ هُمۡ فِي شَكّٖ مِّنۡهَاۖ بَلۡ هُم مِّنۡهَا عَمُونَ
O nagkasunud-sunod kaya ang kaalaman nila kaugnay sa Kabilang-buhay saka nakatiyak sila roon? Hindi. Bagkus sila ay nasa isang pagdududa at isang pagkalito hinggil sa Kabilang-buhay. Bagkus nabulag na ang mga paningin nila mula roon.
Esegesi in lingua araba:
وَقَالَ ٱلَّذِينَ كَفَرُوٓاْ أَءِذَا كُنَّا تُرَٰبٗا وَءَابَآؤُنَآ أَئِنَّا لَمُخۡرَجُونَ
Nagsabi ang mga tumangging sumampalataya habang mga nagmamasama: "Kapag namatay ba kami at kami ay naging alabok, maaari ba na pabangunin kami bilang mga buhay?
Esegesi in lingua araba:
لَقَدۡ وُعِدۡنَا هَٰذَا نَحۡنُ وَءَابَآؤُنَا مِن قَبۡلُ إِنۡ هَٰذَآ إِلَّآ أَسَٰطِيرُ ٱلۡأَوَّلِينَ
Talaga ngang pinangakuan Kami mismo at pinangakuan ang mga magulang namin bago pa man kami ay bubuhayin sa kalahatan ngunit hindi kami nakakita ng isang pagsasakatuparan para sa pangakong iyon. Walang iba ang pangakong ito na ipinangako sa amin sa kalahatan kundi ang mga kasinungalingan ng mga sinauna na nagtala ng mga ito sa mga aklat nila."
Esegesi in lingua araba:
قُلۡ سِيرُواْ فِي ٱلۡأَرۡضِ فَٱنظُرُواْ كَيۡفَ كَانَ عَٰقِبَةُ ٱلۡمُجۡرِمِينَ
Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagkailang ito sa pagbubuhay: "Humayo kayo sa alinmang dako ng lupa saka magnilay-nilay kayo kung papaano naging ang wakas ng mga salaring tagapagpasinungaling sa pagkabuhay sapagkat nagpahamak nga Kami sa kanila dahil sa pagpapasinungaling nila rito."
Esegesi in lingua araba:
وَلَا تَحۡزَنۡ عَلَيۡهِمۡ وَلَا تَكُن فِي ضَيۡقٖ مِّمَّا يَمۡكُرُونَ
Huwag kang malungkot dahilan sa pag-ayaw ng mga tagapagtambal sa paanyaya mo at huwag manikip ang dibdib mo dahil sa pakana nila sapagkat si Allāh ay Tagapag-adya mo laban sa kanila.
Esegesi in lingua araba:
وَيَقُولُونَ مَتَىٰ هَٰذَا ٱلۡوَعۡدُ إِن كُنتُمۡ صَٰدِقِينَ
Nagsasabi ang mga tagatangging sumampalataya na mga nagkakaila sa pagbubuhay kabilang sa mga kalipi mo: "Kailan magkakatotoo ang ipinangangako mo mismo sa amin at ng mga mananampalataya na pagdurusa, kung kayo ay mga tapat sa anumang pinagsasabi ninyo mula roon?"
Esegesi in lingua araba:
قُلۡ عَسَىٰٓ أَن يَكُونَ رَدِفَ لَكُم بَعۡضُ ٱلَّذِي تَسۡتَعۡجِلُونَ
Sabihin mo sa kanila, O Sugo: "Marahil maging nalapit para sa inyo ang ilan sa minamadali ninyo na pagdurusa."
Esegesi in lingua araba:
وَإِنَّ رَبَّكَ لَذُو فَضۡلٍ عَلَى ٱلنَّاسِ وَلَٰكِنَّ أَكۡثَرَهُمۡ لَا يَشۡكُرُونَ
Tunay na ang Panginoon mo, O Sugo, ay talagang may kabutihang-loob sa mga tao yayamang nag-isang-tabi Siya ng pagmamadali sa kanila sa kaparusahan sa kabila ng taglay nila na kawalang-pananampalataya at mga pagsuway, subalit ang karamihan sa mga tao ay hindi nagpapasalamat kay Allāh sa ibiniyaya Niya sa kanila.
Esegesi in lingua araba:
وَإِنَّ رَبَّكَ لَيَعۡلَمُ مَا تُكِنُّ صُدُورُهُمۡ وَمَا يُعۡلِنُونَ
Tunay na ang Panginoon mo ay talagang nakaaalam ng anumang inililihim ng mga puso ng mga lingkod Niya at anumang inilalantad nila: walang nakakukubli sa Kanya na anuman mula roon at gaganti Siya sa kanila roon.
Esegesi in lingua araba:
وَمَا مِنۡ غَآئِبَةٖ فِي ٱلسَّمَآءِ وَٱلۡأَرۡضِ إِلَّا فِي كِتَٰبٖ مُّبِينٍ
Walang anumang bagay na nakalingid sa mga tao, na nasa langit, ni nakalingid sa kanila, na nasa lupa, malibang iyon ay nasa isang talaang malinaw, ang Tablerong Pinag-iingatan.
Esegesi in lingua araba:
إِنَّ هَٰذَا ٱلۡقُرۡءَانَ يَقُصُّ عَلَىٰ بَنِيٓ إِسۡرَٰٓءِيلَ أَكۡثَرَ ٱلَّذِي هُمۡ فِيهِ يَخۡتَلِفُونَ
Tunay na itong Qur’ān na ibinaba kay Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – ay nagsasalaysay sa mga anak ni Israel ng higit na marami sa anumang nagkakaiba-iba sila hinggil doon at nagbubunyag sa mga pagkakalihis nila.
Esegesi in lingua araba:
Alcuni insegnamenti da trarre da questi versi sono:
• علم الغيب مما اختص به الله، فادعاؤه كفر.
Ang kaalaman sa Lingid ay kabilang sa natatangi kay Allāh kaya ang pag-aangkin nito ay kawalang-pananampalataya.

• الاعتبار بالأمم السابقة من حيث مصيرها وأحوالها طريق النجاة.
Ang pagsasaalang-alang sa mga kalipunang nauna kaugnay sa kinahantungan ng mga ito at mga kalagayan ng mga ito ay daan ng kaligtasan.

• إحاطة علم الله بأعمال عباده.
Ang pagkasaklaw ng kaalaman ni Allāh sa mga gawain ng mga lingkod Niya.

• تصحيح القرآن لانحرافات بني إسرائيل وتحريفهم لكتبهم.
Ang pagtutumpak ng Qur'ān sa mga pagkakalihis ng mga anak ni Israel at ang paglilihis nila sa mga kasulatan nila.

وَإِنَّهُۥ لَهُدٗى وَرَحۡمَةٞ لِّلۡمُؤۡمِنِينَ
Tunay na ito ay talagang isang kapatnubayan at isang awa para sa mga mananampalatayang nagsasagawa sa anumang nasaad dito.
Esegesi in lingua araba:
إِنَّ رَبَّكَ يَقۡضِي بَيۡنَهُم بِحُكۡمِهِۦۚ وَهُوَ ٱلۡعَزِيزُ ٱلۡعَلِيمُ
Tunay na ang Panginoon mo, O Sugo, ay huhusga sa pagitan ng mga tao: sa mananampalataya sa kanila at sa tagatangging sumampalataya sa kanila sa Araw ng Pagbangon sa pamamagitan ng kahatulan Niyang makatarungan. Kaya maaawa Siya sa mananampalataya at magpaparusa Siya sa tagatangging sumampalataya. Siya ay ang Makapangyarihan na naghihiganti sa mga kaaway Niya, na walang nakikipanaig sa Kanya na isa man, ang Maalam, na hindi nakalilito sa Kanya ang isang nagpapakatotoo sa isang nagpapakabulaan.
Esegesi in lingua araba:
فَتَوَكَّلۡ عَلَى ٱللَّهِۖ إِنَّكَ عَلَى ٱلۡحَقِّ ٱلۡمُبِينِ
Kaya manalig ka kay Allāh at sumalig ka sa Kanya sa lahat ng mga nauukol sa iyo; tunay na ikaw ay nasa katotohanang maliwanag.
Esegesi in lingua araba:
إِنَّكَ لَا تُسۡمِعُ ٱلۡمَوۡتَىٰ وَلَا تُسۡمِعُ ٱلصُّمَّ ٱلدُّعَآءَ إِذَا وَلَّوۡاْ مُدۡبِرِينَ
Tunay na ikaw, O Sugo, ay hindi nakapagpaparinig sa mga patay na namatay ang mga puso nila dahilan sa kawalang-pananampalataya kay Allāh at hindi nakapagpaparinig sa sinumang biningi ni Allāh ang pandinig niya sa pagdinig sa katotohanan na ipinaaanyaya mo sa kanila kapag bumalik sila habang mga umaayaw sa iyo.
Esegesi in lingua araba:
وَمَآ أَنتَ بِهَٰدِي ٱلۡعُمۡيِ عَن ضَلَٰلَتِهِمۡۖ إِن تُسۡمِعُ إِلَّا مَن يُؤۡمِنُ بِـَٔايَٰتِنَا فَهُم مُّسۡلِمُونَ
Hindi ka isang tagapagpatnubay ng mga nabulag ang mga paningin nila palayo sa katotohanan kaya huwag kang malungkot para sa kanila at huwag kang pumagod sa sarili mo. Hindi ka nakakakaya na magpaintindi sa katotohanan maliban sa mga sumasampalataya sa mga tanda sapagkat sila ay mga nagpapaakay sa mga utos ni Allāh.
Esegesi in lingua araba:
۞ وَإِذَا وَقَعَ ٱلۡقَوۡلُ عَلَيۡهِمۡ أَخۡرَجۡنَا لَهُمۡ دَآبَّةٗ مِّنَ ٱلۡأَرۡضِ تُكَلِّمُهُمۡ أَنَّ ٱلنَّاسَ كَانُواْ بِـَٔايَٰتِنَا لَا يُوقِنُونَ
Kapag kinailangan ang pagdurusa at napagtibay ito sa kanila dahil sa pagpupumilit nila sa kawalang-pananampalataya nila at mga pagsuway nila, at nanatili ang masasama sa mga tao, magpapalabas Kami para sa kanila sa sandali ng pagkakalapit ng Huling Sandali ng isa sa mga tanda nitong pinakamalaki. Ito ay isang hayop mula sa lupa, na kakausap sa kanila sa pamamagitan ng naiintindihan nila: na ang mga tao noon, sa mga tanda Naming ibinaba sa Propeta Namin, ay hindi nagpapatotoo.
Esegesi in lingua araba:
وَيَوۡمَ نَحۡشُرُ مِن كُلِّ أُمَّةٖ فَوۡجٗا مِّمَّن يُكَذِّبُ بِـَٔايَٰتِنَا فَهُمۡ يُوزَعُونَ
Banggitin mo, O Sugo, ang araw na kakalap Kami mula sa bawat kalipunan kabilang sa mga kalipunan ng isang pangkat kabilang sa mga malaking tao nila, kabilang sa nagpapasinungaling sa mga tanda Namin. Itutulak ang kauna-unahan nila tungo sa kahuli-hulihan nila, pagkatapos sila ay ihahanay patungo sa pagtutuos.
Esegesi in lingua araba:
حَتَّىٰٓ إِذَا جَآءُو قَالَ أَكَذَّبۡتُم بِـَٔايَٰتِي وَلَمۡ تُحِيطُواْ بِهَا عِلۡمًا أَمَّاذَا كُنتُمۡ تَعۡمَلُونَ
Magpapatuloy ang pag-akay sa kanila hanggang sa nang dumating sila sa pook ng pagtutuos sa kanila ay magsasabi sa kanila si Allāh bilang paninisi sa kanila: "Nagpasinungaling ba kayo sa mga tanda Ko na nagpapatunay sa pagkaiisa Ko at naglalaman ng Batas Ko habang hindi kayo nakasaklaw sa kaalaman na ang mga ito ay kabulaanan, kaya naipahihintulot para sa inyo ang pagpapasinungaling sa mga ito, o ano ang dati ninyong ginagawa sa mga ito na pagpapatotoo o pagpapasinungaling?"
Esegesi in lingua araba:
وَوَقَعَ ٱلۡقَوۡلُ عَلَيۡهِم بِمَا ظَلَمُواْ فَهُمۡ لَا يَنطِقُونَ
Magaganap sa kanila ang pagdurusa dahilan sa kawalang-katarungan nila dahil sa kawalang-pananampalataya kay Allāh at pagpapasinungaling sa mga tanda Niya, kaya sila ay hindi makapagsasalita para sa pagtatanggol sa mga sarili nila dahil sa kawalang-kakayahan nila roon at kabulaanan ng mga katwiran nila.
Esegesi in lingua araba:
أَلَمۡ يَرَوۡاْ أَنَّا جَعَلۡنَا ٱلَّيۡلَ لِيَسۡكُنُواْ فِيهِ وَٱلنَّهَارَ مُبۡصِرًاۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَأٓيَٰتٖ لِّقَوۡمٖ يُؤۡمِنُونَ
Hindi ba tumingin ang mga tagapagpasinungaling na ito sa pagkabuhay na Kami ay gumawa sa gabi upang matiwasay sila rito sa pamamagitan ng pagtulog at gumawa sa maghapon bilang tagatanglaw upang makakita sila rito para magsigasig sila sa mga gawain nila? Tunay na sa kamatayang paulit-ulit na iyon at pagkabuhay matapos niyon ay talagang may mga palatandaang maliwanag para sa mga taong sumasampalataya.
Esegesi in lingua araba:
وَيَوۡمَ يُنفَخُ فِي ٱلصُّورِ فَفَزِعَ مَن فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَمَن فِي ٱلۡأَرۡضِ إِلَّا مَن شَآءَ ٱللَّهُۚ وَكُلٌّ أَتَوۡهُ دَٰخِرِينَ
Banggitin mo, O Sugo, ang araw na iihip ang anghel na itinalaga sa pag-ihip sa sungay sa ikalawang pag-ihip saka manghihilakbot ang sinumang nasa mga langit at ang sinumang nasa mga lupa, maliban sa sinumang ibinukod ni Allāh laban sa panghihilakbot bilang pagmamagandang-loob mula sa Kanya, habang bawat [isa] sa mga nilikha ni Allāh ay pupunta sa Kanya sa araw na iyon bilang mga tumatalimang hamak.
Esegesi in lingua araba:
وَتَرَى ٱلۡجِبَالَ تَحۡسَبُهَا جَامِدَةٗ وَهِيَ تَمُرُّ مَرَّ ٱلسَّحَابِۚ صُنۡعَ ٱللَّهِ ٱلَّذِيٓ أَتۡقَنَ كُلَّ شَيۡءٍۚ إِنَّهُۥ خَبِيرُۢ بِمَا تَفۡعَلُونَ
Makikita mo ang mga bundok sa Araw na iyon, habang nag-aakala kang ang mga ito ay nakapirmi na hindi gumagalaw samantalang ang mga ito sa reyalidad ng kalagayan ay umuusad nang mabilis gaya ng pag-usad ng mga ulap, bilang pagkayari ni Allāh sapagkat Siya ang nagpapagalaw sa mga ito. Tunay na Siya ay Mapagbatid sa anumang ginagawa ninyo: walang nakakukubli sa Kanya na anuman mula sa mga gawain ninyo, at gaganti sa inyo sa mga iyon.
Esegesi in lingua araba:
Alcuni insegnamenti da trarre da questi versi sono:
• أهمية التوكل على الله.
Ang kahalagahan ng pananalig kay Allāh.

• تزكية النبي صلى الله عليه وسلم بأنه على الحق الواضح.
Ang patotoo ng Propeta – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – na siya ay nasa katotohanang maliwanag.

• هداية التوفيق بيد الله، وليست بيد الرسول صلى الله عليه وسلم.
Ang kapatnubayan sa pagtutuon ay nasa kamay ni Allāh at hindi nasa kamay ng Sugo – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan.

• دلالة النوم على الموت، والاستيقاظ على البعث.
Ang pagpapahiwatig ng pagtulog sa kamatayan at ng pagkagising sa pagkabuhay.

مَن جَآءَ بِٱلۡحَسَنَةِ فَلَهُۥ خَيۡرٞ مِّنۡهَا وَهُم مِّن فَزَعٖ يَوۡمَئِذٍ ءَامِنُونَ
Ang sinumang maghatid sa Araw ng Pagbangon ng pananampalataya at gawang maayos, ukol sa kanya ay ang Paraiso. Sila ay mga matitiwasay dahil sa pagpapatiwasay ni Allāh sa kanila laban sa hilakbot ng Araw ng Pagbangon.
Esegesi in lingua araba:
وَمَن جَآءَ بِٱلسَّيِّئَةِ فَكُبَّتۡ وُجُوهُهُمۡ فِي ٱلنَّارِ هَلۡ تُجۡزَوۡنَ إِلَّا مَا كُنتُمۡ تَعۡمَلُونَ
Ang sinumang maghatid ng kawalang-pananampalataya at mga pagsuway, ukol sa kanila ay ang Apoy; ingungudngud sila roon sa mga mukha nila. Sasabihin sa kanila bilang paninisi sa kanila at paghamak: "Gagantihan kaya kayo maliban pa ng anumang dati ninyong ginagawa sa Mundo na kawalang-pananampalataya at mga pagsuway."
Esegesi in lingua araba:
إِنَّمَآ أُمِرۡتُ أَنۡ أَعۡبُدَ رَبَّ هَٰذِهِ ٱلۡبَلۡدَةِ ٱلَّذِي حَرَّمَهَا وَلَهُۥ كُلُّ شَيۡءٖۖ وَأُمِرۡتُ أَنۡ أَكُونَ مِنَ ٱلۡمُسۡلِمِينَ
Sabihin mo sa kanila, O Sugo: "Inutusan lamang ako na sumamba sa Panginoon ng Makkah, na nagpabanal nito kaya hindi padadanakin dito ang dugo, hindi lalabagin sa katarungan dito ang isa man, hindi papatayin ang ligaw na hayop nito, at hindi puputulin ang mga puno nito; at sa Kanya – kaluwalhatian sa Kanya – ang pagmamay-ari sa bawat bagay; at inutusan ako na maging kabilang ako sa mga sumusuko kay Allāh, na mga nagpapaakay sa Kanya sa pagtalima,
Esegesi in lingua araba:
وَأَنۡ أَتۡلُوَاْ ٱلۡقُرۡءَانَۖ فَمَنِ ٱهۡتَدَىٰ فَإِنَّمَا يَهۡتَدِي لِنَفۡسِهِۦۖ وَمَن ضَلَّ فَقُلۡ إِنَّمَآ أَنَا۠ مِنَ ٱلۡمُنذِرِينَ
at inutusan ako na bumigkas ako ng Qur’ān sa mga tao." Kaya ang sinumang napatnubayan dahil sa patnubay nito at gumawa ayon sa nasaad dito, ang pakinabang sa kapatnubayan niya ay para sa sarili niya. Ang sinumang naligaw, nalihis palayo sa nasaad dito, nagkaila rito, at hindi gumawa ayon dito ay sabihin mo: "Ako ay kabilang sa mga tagapagbabala lamang; nagbababala ako sa inyo laban sa pagdurusang dulot ni Allāh. Hindi nasa kamay ko ang kapatnubayan ninyo."
Esegesi in lingua araba:
وَقُلِ ٱلۡحَمۡدُ لِلَّهِ سَيُرِيكُمۡ ءَايَٰتِهِۦ فَتَعۡرِفُونَهَاۚ وَمَا رَبُّكَ بِغَٰفِلٍ عَمَّا تَعۡمَلُونَ
Sabihin mo, O Sugo: "Ang papuri ay ukol kay Allāh dahil sa mga biyaya Niyang hindi nabibilang. Magpapakita sa inyo si Allāh ng mga tanda Niya sa mga sarili ninyo at sa langit, lupa, at panustos kaya makakikilala kayo sa mga ito ayon sa pagkakilalang papatnubay sa inyo tungo sa pagpapasakop sa katotohanan. Ang Panginoon mo ay hindi nalilingat sa anumang ginagawa ninyo, bagkus Siya ay nakatatalos doon: walang nakakukubli sa Kanya mula roon na anuman, at gaganti sa inyo roon."
Esegesi in lingua araba:
Alcuni insegnamenti da trarre da questi versi sono:
• الإيمان والعمل الصالح سببا النجاة من الفزع يوم القيامة.
Ang pananampalataya at ang gawang maayos ay dalawang kadahilanan ng kaligtasan sa hilakbot ng Araw ng Pagbangon.

• الكفر والعصيان سبب في دخول النار.
Ang kawalang-pananampalataya at ang pagsuway ay dahilan sa pagpasok sa Apoy.

• تحريم القتل والظلم والصيد في الحرم.
Ang pagbabawal sa pagpatay, kawalang-katarungan, at pangangaso sa Ḥaram.

• النصر والتمكين عاقبة المؤمنين.
Ang pag-aadya at ang pagbibigay-kapangyarihan ay ang kahihinatnan ng mga mananampalataya.

 
Traduzione dei significati Sura: An-Naml
Indice delle Sure Numero di pagina
 
Traduzione dei Significati del Sacro Corano - Traduzione filippina (tagalog) dell'Abbreviata Esegesi del Nobile Corano - Indice Traduzioni

Traduzione filippina (tagalog) dell'Abbrevviata Esegesi del Corano, edita da Tafseer Center for Quranic Studies.

Chiudi