クルアーンの対訳 - クルアーン簡潔注釈(フィリピン - タガログ語対訳) * - 対訳の目次


対訳 章: まき散らすもの章   節:

Adh-Dhāriyāt

本章の趣旨:
تعريف الجن والإنس بأن مصدر رزقهم من الله وحده؛ ليخلصوا له العبادة.
Ang pagpapakilala sa jinn at tao na ang pinagmumulan ng panustos sa kanila ay mula kay Allāh lamang upang magpakawagas sila sa Kanya sa pagsamba.

وَٱلذَّٰرِيَٰتِ ذَرۡوٗا
Sumusumpa si Allāh sa mga hanging nagpapalipad ng alikabok,
アラビア語 クルアーン注釈:
فَٱلۡحَٰمِلَٰتِ وِقۡرٗا
at sa mga ulap na nagdadala ng masaganang tubig,
アラビア語 クルアーン注釈:
فَٱلۡجَٰرِيَٰتِ يُسۡرٗا
at sa mga daong na naglalayag sa dagat sa kadalian at kagaanan,
アラビア語 クルアーン注釈:
فَٱلۡمُقَسِّمَٰتِ أَمۡرًا
at sa mga anghel na nagbabahagi ng ipinag-utos ni Allāh na bahagiin kabilang sa mga nauukol sa mga lingkod,
アラビア語 クルアーン注釈:
إِنَّمَا تُوعَدُونَ لَصَادِقٞ
tunay na ang ipinangangako sa inyo ng Panginoon ninyo na pagtutuos at pagganti ay talagang walang pag-aatubili rito,
アラビア語 クルアーン注釈:
وَإِنَّ ٱلدِّينَ لَوَٰقِعٞ
at tunay na ang pagtutuos sa mga lingkod ay talagang magaganap sa Araw ng Pagbangon nang walang pasubali!
アラビア語 クルアーン注釈:
本諸節の功徳:
• الاعتبار بوقائع التاريخ من شأن ذوي القلوب الواعية.
Ang pagsasaalang-alang sa mga naganap sa kasaysayan ay kabilang sa gawi ng mga may pusong nakamamalay.

• خلق الله الكون في ستة أيام لِحِكَم يعلمها الله، لعل منها بيان سُنَّة التدرج.
Ang paglikha ni Allāh sa Sansinukob sa anim na araw ay dahil sa mga kasanhiang nalalaman ni Allāh. Marahil kabilang sa mga ito ang paglilinaw sa kalakaran ng pag-uunti-unti.

• سوء أدب اليهود في وصفهم الله تعالى بالتعب بعد خلقه السماوات والأرض، وهذا كفر بالله.
Ang kasagwaan ng kaasalan ng mga Hudyo sa pagkakalarawan kay Allāh – pagkataas-taas Siya – ng pagkapagod matapos ng paglikha Niya ng mga langit at lupa. Ito ay kawalang-pananampalataya kay Allāh.

وَٱلسَّمَآءِ ذَاتِ ٱلۡحُبُكِ
Sumusumpa si Allāh sa langit na maganda ang pagkalikha na may mga daan,
アラビア語 クルアーン注釈:
إِنَّكُمۡ لَفِي قَوۡلٖ مُّخۡتَلِفٖ
na tunay na kayo, O mga naninirahan sa Makkah, ay talagang nasa isang pagsasabing nagkakasalungatan na nagkakabanggaan. Minsan ay nagsasabi kayo na ang Qur'ān ay panggagaway, at minsan naman ay tula. Nagsasabi kayo na si Muḥammad ay manggagaway minsan, at minsan ay manunula.
アラビア語 クルアーン注釈:
يُؤۡفَكُ عَنۡهُ مَنۡ أُفِكَ
Naibabaling palayo sa pananampalataya sa Qur'ān at sa Propeta – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – ang sinumang naibaling palayo ayon sa pagkakaalam ni Allāh batay sa kaalaman Niya na iyon ay hindi nananampalataya kaya naman hindi itinutuon sa kapatnubayan.
アラビア語 クルアーン注釈:
قُتِلَ ٱلۡخَرَّٰصُونَ
Isinumpa ang mga palasinungaling na nagsabi hinggil sa Qur'ān at hinggil sa Propeta nila ng sinabi nila,
アラビア語 クルアーン注釈:
ٱلَّذِينَ هُمۡ فِي غَمۡرَةٖ سَاهُونَ
na sila sa kamangmangan ay mga nalilingat sa Tahanang Pangkabilang-buhay, na hindi pumapansin doon.
アラビア語 クルアーン注釈:
يَسۡـَٔلُونَ أَيَّانَ يَوۡمُ ٱلدِّينِ
Nagtatanong sila: "Kailan ang Araw ng Paggaganti?" Sila ay hindi nakaaalam niyon.
アラビア語 クルアーン注釈:
يَوۡمَ هُمۡ عَلَى ٱلنَّارِ يُفۡتَنُونَ
Kaya sasagot sa kanila si Allāh tungkol sa tanong nila: Sa araw na sila sa ibabaw ng Apoy ay pinagdurusa.
アラビア語 クルアーン注釈:
ذُوقُواْ فِتۡنَتَكُمۡ هَٰذَا ٱلَّذِي كُنتُم بِهِۦ تَسۡتَعۡجِلُونَ
Sasabihin sa kanila: "Lasapin ninyo ang pagdurusa ninyo; ito ay ang dati ninyong hinihiling ang pagpapadali nito nang namamanata kayo nito bilang pangungutya!"
アラビア語 クルアーン注釈:
إِنَّ ٱلۡمُتَّقِينَ فِي جَنَّٰتٖ وَعُيُونٍ
Tunay na ang mga tagapangilag magkasala sa Panginoon nila sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya sa Araw ng Pagbangon ay nasa mga taniman at mga bukal na dumadaloy,
アラビア語 クルアーン注釈:
ءَاخِذِينَ مَآ ءَاتَىٰهُمۡ رَبُّهُمۡۚ إِنَّهُمۡ كَانُواْ قَبۡلَ ذَٰلِكَ مُحۡسِنِينَ
habang mga kumukuha ng anumang ibinigay sa kanila ng Panginoon nila na masaganang ganti. Tunay na sila dati bago ng masaganang ganting ito ay mga tagagawa ng maganda sa Mundo.
アラビア語 クルアーン注釈:
كَانُواْ قَلِيلٗا مِّنَ ٱلَّيۡلِ مَا يَهۡجَعُونَ
Sila noon ay nagdarasal sa bahagi ng gabi; hindi sila natutulog kundi sa panahong kakaunti.
アラビア語 クルアーン注釈:
وَبِٱلۡأَسۡحَارِ هُمۡ يَسۡتَغۡفِرُونَ
Sa oras ng mga huling bahagi ng gabi, humihiling sila ng kapatawaran mula kay Allāh para sa mga pagkakasala nila.
アラビア語 クルアーン注釈:
وَفِيٓ أَمۡوَٰلِهِمۡ حَقّٞ لِّلسَّآئِلِ وَٱلۡمَحۡرُومِ
Sa mga yaman nila ay may karapatan – na ikinukusang-loob nila – para sa nanghihingi kabilang sa mga tao at para sa hindi nanghihingi sa kanila kabilang sa napagkaitan ng panustos dahil sa alinmang kadahilanang nangyari.
アラビア語 クルアーン注釈:
وَفِي ٱلۡأَرۡضِ ءَايَٰتٞ لِّلۡمُوقِنِينَ
Sa lupa at anumang inilagay ni Allāh rito na mga bundok, mga dagat, mga ilog, mga punong-kahoy, mga halaman, at mga hayop ay may mga katunayan sa kakayahan ni Allāh para sa mga nakatitiyak na si Allāh ay ang Tagalikha, ang Tagaanyo,
アラビア語 クルアーン注釈:
وَفِيٓ أَنفُسِكُمۡۚ أَفَلَا تُبۡصِرُونَ
at sa mga sarili ninyo, O mga tao, ay may mga katunayan sa kakayahan ni Allāh. Kaya hindi ba kayo nakakikita upang magsaalang-alang kayo?
アラビア語 クルアーン注釈:
وَفِي ٱلسَّمَآءِ رِزۡقُكُمۡ وَمَا تُوعَدُونَ
Sa langit ay ang panustos ninyong pangmundo at panrelihiyon at naroon ang ipinangangako sa inyo na kabutihan o kasamaan.
アラビア語 クルアーン注釈:
فَوَرَبِّ ٱلسَّمَآءِ وَٱلۡأَرۡضِ إِنَّهُۥ لَحَقّٞ مِّثۡلَ مَآ أَنَّكُمۡ تَنطِقُونَ
Kaya sumpa man sa Panginoon ng langit at lupa, tunay na ang pagbubuhay ay talagang totoo na walang pagdududa roon, gaya ng walang pagdududa sa pagbigkas ninyo kapag bumibigkas kayo.
アラビア語 クルアーン注釈:
هَلۡ أَتَىٰكَ حَدِيثُ ضَيۡفِ إِبۡرَٰهِيمَ ٱلۡمُكۡرَمِينَ
Dumating kaya sa iyo, O Sugo, ang salaysay ng mga panauhin ni Abraham – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – kabilang sa mga anghel na pinarangalan niya?
アラビア語 クルアーン注釈:
إِذۡ دَخَلُواْ عَلَيۡهِ فَقَالُواْ سَلَٰمٗاۖ قَالَ سَلَٰمٞ قَوۡمٞ مُّنكَرُونَ
Nang pumasok sila sa kanya at nagsabi sila sa kanya ng kapayapaan ay nagsabi naman si Abraham bilang pagtugon sa kanila: "Kapayapaan," at nagsabi siya sa sarili niya: "Ang mga ito ay mga taong hindi namin nakikilala."
アラビア語 クルアーン注釈:
فَرَاغَ إِلَىٰٓ أَهۡلِهِۦ فَجَآءَ بِعِجۡلٖ سَمِينٖ
Kaya kumiling siya sa mag-anak niya nang pakubli, saka naghatid ang nasa piling nila ng isang guyang buo na mataba, dala ng isang pagpapalagay mula sa kanya na sila ay mga tao.
アラビア語 クルアーン注釈:
فَقَرَّبَهُۥٓ إِلَيۡهِمۡ قَالَ أَلَا تَأۡكُلُونَ
Kaya naglapit siya ng guya sa kanila at kinausap niya sila nang banayad: "Hindi ba kayo kakain ang inihain para sa inyo na pagkain?"
アラビア語 クルアーン注釈:
فَأَوۡجَسَ مِنۡهُمۡ خِيفَةٗۖ قَالُواْ لَا تَخَفۡۖ وَبَشَّرُوهُ بِغُلَٰمٍ عَلِيمٖ
Kaya noong hindi sila kumain, nagkimkim siya sa sarili niya ng pangamba sa kanila ngunit nakatalos sila sa kanya kaya nagsabi sila habang mga nagpapanatag sa kanya: "Huwag kang mangamba; tunay na kami ay mga sugo mula sa ganang kay Allāh." Nagpabatid sila sa kanya ng ikinagagalak niya, na siya ay magkakaanak ng isang batang lalaking may maraming kaalaman. Ang ibinalitang nakagagalak ay si Isaac – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan.
アラビア語 クルアーン注釈:
فَأَقۡبَلَتِ ٱمۡرَأَتُهُۥ فِي صَرَّةٖ فَصَكَّتۡ وَجۡهَهَا وَقَالَتۡ عَجُوزٌ عَقِيمٞ
Kaya noong narinig ng maybahay niya ang balitang nakasisiya, lumapit ito habang sumisigaw sa tuwa, saka tinampal nito ang mukha nito at nagsabi habang nagtataka: "Manganganak ba ang isang matandang babae gayong siya sa simula pa ay isang baog?"
アラビア語 クルアーン注釈:
قَالُواْ كَذَٰلِكِ قَالَ رَبُّكِۖ إِنَّهُۥ هُوَ ٱلۡحَكِيمُ ٱلۡعَلِيمُ
Nagsabi rito ang mga anghel: "Ang ipinabatid namin sa iyo ay sinabi ng Panginoon mo. Ang anumang sinabi Niya ay walang makapagtutulak doon; tunay na Siya ay ang Marunong sa paglikha Niya at pagtatakda Niya, ang Maalam sa nilikha Niya at anumang naaangkop para sa kanila."
アラビア語 クルアーン注釈:
本諸節の功徳:
• إحسان العمل وإخلاصه لله سبب لدخول الجنة.
Ang pagpapaganda ng gawa at ang pagpapawagas ng pag-ukol nito para kay Allāh ay isang kadahilanan ng pagpasok sa Paraiso.

• فضل قيام الليل وأنه من أفضل القربات.
Ang kainaman ng pagdarasal sa gabi [ng qiyāmullayl] at na ito ay kabilang sa pinakamainam na mga pampalapit-loob [kay Allāh].

• من آداب الضيافة: رد التحية بأحسن منها، وتحضير المائدة خفية، والاستعداد للضيوف قبل نزولهم، وعدم استثناء شيء من المائدة، والإشراف على تحضيرها، والإسراع بها، وتقريبها للضيوف، وخطابهم برفق.
Kabilang sa mga kaasalan sa pagtanggap ng panauhin: ang pagtugon sa pagbati ng higit na maganda kaysa roon, ang paghahanda ng hapag-kainan nang pakubli, ang paghahanda para sa mga panauhin bago ng panunuluyan nila, ang hindi pagwawaglit ng anuman sa hapag-kainan, ang pangangasiwa sa paghahanda nito, ang pagpapabilis dito, ang paglalapit nito sa mga panauhin, at ang pakikipag-usap sa kanila nang banayad.

۞ قَالَ فَمَا خَطۡبُكُمۡ أَيُّهَا ٱلۡمُرۡسَلُونَ
Nagsabi si Abraham – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – sa mga anghel: "Ano ang pumapatungkol sa inyo? Ano ang nilalayon ninyo?"
アラビア語 クルアーン注釈:
قَالُوٓاْ إِنَّآ أُرۡسِلۡنَآ إِلَىٰ قَوۡمٖ مُّجۡرِمِينَ
Nagsabi ang mga anghel bilang sagot sa kanya: "Tunay na kami ay ipinadala ni Allāh sa mga taong salarin na gumagawa ng mga pangit sa mga pagkakasala,
アラビア語 クルアーン注釈:
لِنُرۡسِلَ عَلَيۡهِمۡ حِجَارَةٗ مِّن طِينٖ
upang magpadala kami sa kanila ng mga batong yari sa luwad na nanigas,
アラビア語 クルアーン注釈:
مُّسَوَّمَةً عِندَ رَبِّكَ لِلۡمُسۡرِفِينَ
tinatakan sa ganang Panginoon mo, O Abraham, na ipinadadala sa mga lumalampas sa mga hangganan ni Allāh, na mga tagapagpalabis sa kawalang-pananampalataya at mga pagsuway."
アラビア語 クルアーン注釈:
فَأَخۡرَجۡنَا مَن كَانَ فِيهَا مِنَ ٱلۡمُؤۡمِنِينَ
Kaya nagpalabas Kami ng sinumang dati ay nasa pamayanan ng mga kababayan ni Lot kabilang sa mga mananampalataya upang hindi tumama sa kanila ang tatama sa mga salarin na pagdurusa.
アラビア語 クルアーン注釈:
فَمَا وَجَدۡنَا فِيهَا غَيۡرَ بَيۡتٖ مِّنَ ٱلۡمُسۡلِمِينَ
Ngunit wala kaming natagpuan sa pamayanan nilang ito maliban sa nag-iisang sambahayan ng mga tagapagpasakop. Sila ay ang mag-anak ni Lot – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan.
アラビア語 クルアーン注釈:
وَتَرَكۡنَا فِيهَآ ءَايَةٗ لِّلَّذِينَ يَخَافُونَ ٱلۡعَذَابَ ٱلۡأَلِيمَ
Nag-iwan Kami sa pamayanan ng mga kababayan ni Lot ng mga bakas ng pagdurusa, na nagpapatunay sa pagkaganap ng pagdurusa sa kanila upang magsaalang-alang nito ang sinumang nangangamba sa pagdurusang nakasasakit na tumama sa kanila para hindi gumawa ayon sa gawain nila upang maligtas doon.
アラビア語 クルアーン注釈:
وَفِي مُوسَىٰٓ إِذۡ أَرۡسَلۡنَٰهُ إِلَىٰ فِرۡعَوۡنَ بِسُلۡطَٰنٖ مُّبِينٖ
Kay Moises, nang nagpadala Kami sa kanya kay Paraon kalakip ng mga katwirang maliwanag, ay may tanda para sa sinumang nangangamba sa pagdurusang nakasasakit.
アラビア語 クルアーン注釈:
فَتَوَلَّىٰ بِرُكۡنِهِۦ وَقَالَ سَٰحِرٌ أَوۡ مَجۡنُونٞ
Ngunit umayaw si Paraon – habang nangangaway sa pamamagitan ng lakas niya at kawal niya – sa katotohanan. Nagsabi siya tungkol kay Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan: "Siya ay manggagaway na nanggagaway ng mga tao, o baliw na nagsasabi ng hindi niya nauunawaan."
アラビア語 クルアーン注釈:
فَأَخَذۡنَٰهُ وَجُنُودَهُۥ فَنَبَذۡنَٰهُمۡ فِي ٱلۡيَمِّ وَهُوَ مُلِيمٞ
Kaya kinuha Namin siya mismo at ang mga kawal niya sa kabuuan nila at itinapon Namin sila sa dagat kaya nalunod sila at napahamak sila habang si Paraon ay nakagagawa ng maisisisi sa kanya na pagpapasinungaling at pag-aangkin na siya ay diyos.
アラビア語 クルアーン注釈:
وَفِي عَادٍ إِذۡ أَرۡسَلۡنَا عَلَيۡهِمُ ٱلرِّيحَ ٱلۡعَقِيمَ
Sa `Ād, ang lipi ni Hūd, ay may tanda para sa sinumang nangangamba sa pagdurusang nakasasakit nang nagpadala Kami sa kanila ng hangin na hindi nagdadala ng ulan, hindi nagpapabunga ng mga punung-kahoy, at walang biyaya.
アラビア語 クルアーン注釈:
مَا تَذَرُ مِن شَيۡءٍ أَتَتۡ عَلَيۡهِ إِلَّا جَعَلَتۡهُ كَٱلرَّمِيمِ
Hindi ito nang-iiwan ng anumang tao o ari-arian o iba pa sa mga ito na pinuntahan nito malibang winasak nito iyon at iniwan nito iyon gaya ng nalumang nagkapira-piraso.
アラビア語 クルアーン注釈:
وَفِي ثَمُودَ إِذۡ قِيلَ لَهُمۡ تَمَتَّعُواْ حَتَّىٰ حِينٖ
Sa Thamūd, ang lipi ni Ṣāliḥ – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – ay may tanda para sa sinumang nangangamba sa pagdurusang nakasasakit nang sinabi sa kanila: "Magtamasa kayo sa buhay ninyo bago ng pagwawakas ng mga taning ninyo."
アラビア語 クルアーン注釈:
فَعَتَوۡاْ عَنۡ أَمۡرِ رَبِّهِمۡ فَأَخَذَتۡهُمُ ٱلصَّٰعِقَةُ وَهُمۡ يَنظُرُونَ
Ngunit nagpakamalaki sila sa utos ng Panginoon nila at nagmataas sila bilang pagmamalaki sa pag-ayaw sa pananampalataya at pagtalima kaya dumaklot sa kanila ang lintik ng pagdurusa habang sila ay naghihintay ng pagbaba nito yayamang sila dati ay pinangakuan ng pagdurusa tatlong araw bago ng pagbaba nito.
アラビア語 クルアーン注釈:
فَمَا ٱسۡتَطَٰعُواْ مِن قِيَامٖ وَمَا كَانُواْ مُنتَصِرِينَ
Kaya hindi sila nakakaya na magtulak palayo sa kanila ng bumaba sa kanila na pagdurusa, at hindi sila nagkaroon ng lakas na maipampipigil nila.
アラビア語 クルアーン注釈:
وَقَوۡمَ نُوحٖ مِّن قَبۡلُۖ إِنَّهُمۡ كَانُواْ قَوۡمٗا فَٰسِقِينَ
Nagpasawi nga Kami sa mga kababayan ni Noe sa pamamagitan ng pagkalunod bago pa man ng mga nabanggit na ito; tunay na sila dati ay mga taong lumalabas sa pagtalima kay Allāh kaya naging karapat-dapat sila sa parusa Niya.
アラビア語 クルアーン注釈:
وَٱلسَّمَآءَ بَنَيۡنَٰهَا بِأَيۡيْدٖ وَإِنَّا لَمُوسِعُونَ
Ang langit ay ipinatayo Namin ito at hinusayan Namin ang pagpapatayo nito sa pamamagitan ng lakas, at tunay na Kami ay talagang tagapagpalawak ng mga gilid nito.
アラビア語 クルアーン注釈:
وَٱلۡأَرۡضَ فَرَشۡنَٰهَا فَنِعۡمَ ٱلۡمَٰهِدُونَ
Ang lupa ay ginawa Namin ito na nakahimlay para sa mga nakatira sa ibabaw nito gaya ng banig para sa kanila, saka kay inam na tagapaghimlay Kami yayamang naghimlay Kami nito para sa kanila.
アラビア語 クルアーン注釈:
وَمِن كُلِّ شَيۡءٍ خَلَقۡنَا زَوۡجَيۡنِ لَعَلَّكُمۡ تَذَكَّرُونَ
Mula sa bawat bagay ay lumikha kami ng magkapareha gaya ng lalaki at babae, ng langit at lupa, at ng katihan at karagatan nang sa gayon kayo ay magsasaalaala sa kaisahan ni Allāh na lumikha mula sa bawat bagay ng magkapareha at magsasaalaala kayo sa kakayahan Niya.
アラビア語 クルアーン注釈:
فَفِرُّوٓاْ إِلَى ٱللَّهِۖ إِنِّي لَكُم مِّنۡهُ نَذِيرٞ مُّبِينٞ
Kaya tumakas kayo mula sa parusa ni Allāh patungo sa gantimpala Niya sa pamamagitan ng pagtalima sa Kanya at kawalan ng pagsuway sa Kanya; tunay na ako para sa inyo, O mga tao, ay isang mapagbabala laban sa parusa Niya, na malinaw ang pagbabala.
アラビア語 クルアーン注釈:
وَلَا تَجۡعَلُواْ مَعَ ٱللَّهِ إِلَٰهًا ءَاخَرَۖ إِنِّي لَكُم مِّنۡهُ نَذِيرٞ مُّبِينٞ
Huwag kayong gumawa kasama kay Allāh ng isang iba pang sinasamba na sinasamba ninyo bukod pa sa Kanya; tunay na ako para sa inyo ay isang mapagbabalang laban dito, na malinaw ang pagbabala.
アラビア語 クルアーン注釈:
本諸節の功徳:
• الإيمان أعلى درجة من الإسلام.
Ang pananampalataya ay pinakamataas na antas ng Islām.

• إهلاك الله للأمم المكذبة درس للناس جميعًا.
Ang pagpapahamak ni Allāh sa mga kalipunang tagapagpasinungaling ay isang aralin para sa mga tao sa kalahatan.

• الخوف من الله يقتضي الفرار إليه سبحانه بالعمل الصالح، وليس الفرار منه.
Ang pangamba kay Allāh ay humihiling ng pagtakas patungo sa Kanya – kaluwalhatian sa Kanya – sa pamamagitan ng gawang maayos, at hindi ang pagtakas mula sa Kanya.

كَذَٰلِكَ مَآ أَتَى ٱلَّذِينَ مِن قَبۡلِهِم مِّن رَّسُولٍ إِلَّا قَالُواْ سَاحِرٌ أَوۡ مَجۡنُونٌ
Tulad ng pagpapasinungaling na iyon na nagpasinungaling ang mga mamamayan ng Makkah, nagpasinungaling ang mga kalipunang nauna sapagkat walang dumating sa kanila na isang sugo mula sa ganang kay Allāh malibang nagsabi sila tungkol sa kanya: "Siya ay isang manggagaway o isang baliw."
アラビア語 クルアーン注釈:
أَتَوَاصَوۡاْ بِهِۦۚ بَلۡ هُمۡ قَوۡمٞ طَاغُونَ
Nagtagubilinan ba ang mga tagapanguna kabilang sa mga tagatangging sumampalataya at ang mga tagapagpahuli kabilang sa kanila sa pagpapasinungaling sa mga sugo? Hindi; bagkus nagbuklod sa kanila rito ang pagmamalabis nila.
アラビア語 クルアーン注釈:
فَتَوَلَّ عَنۡهُمۡ فَمَآ أَنتَ بِمَلُومٖ
Kaya umayaw ka, O Sugo, palayo sa mga tagapagpasinungaling na ito sapagkat ikaw ay hindi masisisi sapagkat dumating na sa kanila ang ipinasugo sa iyo sa kanila.
アラビア語 クルアーン注釈:
وَذَكِّرۡ فَإِنَّ ٱلذِّكۡرَىٰ تَنفَعُ ٱلۡمُؤۡمِنِينَ
Huwag pumigil sa iyo ang pag-ayaw mo sa kanila sa pangangaral sa kanila at pagpapaalaala sa kanila. Kaya mangaral ka sa kanila at magpaalaala ka sa kanila sapagkat tunay na ang pagpapaalaala ay nagpapakinabang sa mga may pananampalataya kay Allāh.
アラビア語 クルアーン注釈:
وَمَا خَلَقۡتُ ٱلۡجِنَّ وَٱلۡإِنسَ إِلَّا لِيَعۡبُدُونِ
Hindi Ako lumikha ng jinn at tao kundi para sa pagsamba sa Akin lamang at hindi Ako lumikha sa kanila upang gumawa sila para sa Akin ng katambal.
アラビア語 クルアーン注釈:
مَآ أُرِيدُ مِنۡهُم مِّن رِّزۡقٖ وَمَآ أُرِيدُ أَن يُطۡعِمُونِ
Hindi Ako nagnanais mula sa kanila ng isang panustos at hindi Ako nagnanais mula sa kanila na magpakain sila sa Akin.
アラビア語 クルアーン注釈:
إِنَّ ٱللَّهَ هُوَ ٱلرَّزَّاقُ ذُو ٱلۡقُوَّةِ ٱلۡمَتِينُ
Tunay na si Allāh ay ang Palatustos sa mga lingkod Niya sapagkat ang lahat ay mga nangangailangan ng panustos Niya, ang May Lakas, ang Matibay na walang nakadadaig sa Kanya na anuman. Ang lahat ng jinn at tao ay mga napasasailalim sa lakas Niya – kaluwalhatian sa Kanya.
アラビア語 クルアーン注釈:
فَإِنَّ لِلَّذِينَ ظَلَمُواْ ذَنُوبٗا مِّثۡلَ ذَنُوبِ أَصۡحَٰبِهِمۡ فَلَا يَسۡتَعۡجِلُونِ
Saka tunay na ukol sa mga lumabag sa katarungan sa mga sarili nila dahil sa pagpapasinungaling sa iyo, O Sugo, ay isang bahagi ng pagdurusa tulad ng bahagi ng mga kasamahan nilang nauna. Mayroon itong isang taning na tinakdaan, kaya huwag silang humiling mula sa Akin ng pagpapadali niyon bago ng taning niyon.
アラビア語 クルアーン注釈:
فَوَيۡلٞ لِّلَّذِينَ كَفَرُواْ مِن يَوۡمِهِمُ ٱلَّذِي يُوعَدُونَ
Kaya kapahamakan at kalugihan ay ukol sa mga tumangging sumampalataya kay Allāh at nagpasinungaling sa Sugo nila mula sa araw nila na pinangangakuan sila roon ng pagpababa ng pagdurusa sa kanila.
アラビア語 クルアーン注釈:
本諸節の功徳:
• الكفر ملة واحدة وإن اختلفت وسائله وتنوع أهله ومكانه وزمانه.
Ang Kawalang-pananampalataya ay nag-iisang kapaniwalaan kahit nagkaiba-iba man ang mga kaparaanan nito at nagsarisari man ang mga alagad nito, ang pook nito, at ang panahon nito.

• شهادة الله لرسوله صلى الله عليه وسلم بتبليغ الرسالة.
Ang pagsaksi ni Allāh sa Sugo Niya – basbasan ito ni Allāh at batiin ng kapayapaan – ay sa pamamagitan ng pagpapaabot ng mensahe.

• الحكمة من خلق الجن والإنس تحقيق عبادة الله بكل مظاهرها.
Ang kasanhian sa paglikha sa jinn at tao ay ang pagsasakatuparan sa pagsamba kay Allāh sa lahat ng mga pagkakahayag nito.

• سوف تتغير أحوال الكون يوم القيامة.
Mapapalitan ang mga kalagayan ng Sansinukob sa Araw ng Pagbangon.

 
対訳 章: まき散らすもの章
章名の目次 ページ番号
 
クルアーンの対訳 - クルアーン簡潔注釈(フィリピン - タガログ語対訳) - 対訳の目次

クルアーン簡潔注釈(フィリピン - タガログ語対訳)- Tafsir Center for Quranic Studies - 発行

閉じる