Check out the new design

クルアーンの対訳 - フィリピン(タガログ)語対訳 - ルゥワード翻訳事業センター * - 対訳の目次

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

対訳 章: 悔悟章   節:
رَضُواْ بِأَن يَكُونُواْ مَعَ ٱلۡخَوَالِفِ وَطُبِعَ عَلَىٰ قُلُوبِهِمۡ فَهُمۡ لَا يَفۡقَهُونَ
Nalugod sila na sila ay maging kasama sa mga naiiwan. Nagpinid sa mga puso nila kaya sila ay hindi nakauunawa.
アラビア語 クルアーン注釈:
لَٰكِنِ ٱلرَّسُولُ وَٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ مَعَهُۥ جَٰهَدُواْ بِأَمۡوَٰلِهِمۡ وَأَنفُسِهِمۡۚ وَأُوْلَٰٓئِكَ لَهُمُ ٱلۡخَيۡرَٰتُۖ وَأُوْلَٰٓئِكَ هُمُ ٱلۡمُفۡلِحُونَ
Subalit ang Sugo at ang mga sumampalataya kasama sa kanya ay nakibaka sa pamamagitan ng mga yaman nila at mga sarili nila. Ang mga iyon ay ukol sa kanila ang mga mabuti at ang mga iyon ay ang mga magtatagumpay.
アラビア語 クルアーン注釈:
أَعَدَّ ٱللَّهُ لَهُمۡ جَنَّٰتٖ تَجۡرِي مِن تَحۡتِهَا ٱلۡأَنۡهَٰرُ خَٰلِدِينَ فِيهَاۚ ذَٰلِكَ ٱلۡفَوۡزُ ٱلۡعَظِيمُ
Naghanda si Allāh para sa kanila ng mga hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog bilang mga mananatili sa mga ito. Iyon ang pagkatamong sukdulan.
アラビア語 クルアーン注釈:
وَجَآءَ ٱلۡمُعَذِّرُونَ مِنَ ٱلۡأَعۡرَابِ لِيُؤۡذَنَ لَهُمۡ وَقَعَدَ ٱلَّذِينَ كَذَبُواْ ٱللَّهَ وَرَسُولَهُۥۚ سَيُصِيبُ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ مِنۡهُمۡ عَذَابٌ أَلِيمٞ
Dumating [sa Sugo] ang mga nagdadahi-dahilan kabilang sa mga Arabeng disyerto upang mapahintulutan sila [na hindi makipaglaban] at nanatili ang mga nagpasinungaling kay Allāh at sa Sugo Niya. Tatamaan ang mga tumangging sumampalataya kabilang sa kanila ng isang pagdurusang masakit.
アラビア語 クルアーン注釈:
لَّيۡسَ عَلَى ٱلضُّعَفَآءِ وَلَا عَلَى ٱلۡمَرۡضَىٰ وَلَا عَلَى ٱلَّذِينَ لَا يَجِدُونَ مَا يُنفِقُونَ حَرَجٌ إِذَا نَصَحُواْ لِلَّهِ وَرَسُولِهِۦۚ مَا عَلَى ٱلۡمُحۡسِنِينَ مِن سَبِيلٖۚ وَٱللَّهُ غَفُورٞ رَّحِيمٞ
Hindi pagkaasiwa sa mga mahina, ni sa mga may-sakit, ni sa mga hindi nakatatagpo ng igugugol nila kapag nagpakatapat sila kay Allāh at sa Sugo Niya. Wala sa mga tagagawa ng maganda na anumang daan [para masisi]. Si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain.
アラビア語 クルアーン注釈:
وَلَا عَلَى ٱلَّذِينَ إِذَا مَآ أَتَوۡكَ لِتَحۡمِلَهُمۡ قُلۡتَ لَآ أَجِدُ مَآ أَحۡمِلُكُمۡ عَلَيۡهِ تَوَلَّواْ وَّأَعۡيُنُهُمۡ تَفِيضُ مِنَ ٱلدَّمۡعِ حَزَنًا أَلَّا يَجِدُواْ مَا يُنفِقُونَ
Walang [pagkaasiwa sa] mga nang pumunta sa iyo upang magpasakay ka sana sa kanila ay nagsabi ka: “Hindi ako nakatatagpo ng maipasasakay ko sa inyo.” Tumalikod sila habang ang mga mata nila ay nag-uumapaw sa luha dala ng pagkalungkot na hindi sila nakatatagpo[12] ng maigugugol nila.
[12] mula sa ganang sarili nila ni mula sa Propeta
アラビア語 クルアーン注釈:
۞ إِنَّمَا ٱلسَّبِيلُ عَلَى ٱلَّذِينَ يَسۡتَـٔۡذِنُونَكَ وَهُمۡ أَغۡنِيَآءُۚ رَضُواْ بِأَن يَكُونُواْ مَعَ ٱلۡخَوَالِفِ وَطَبَعَ ٱللَّهُ عَلَىٰ قُلُوبِهِمۡ فَهُمۡ لَا يَعۡلَمُونَ
Ang landas [para masisi] ay sa mga humingi ng pahintulot sa iyo [na magpaiwan] samantalang sila ay mga mayaman. Nalugod sila na sila ay maging kasama ng mga naiiwan. Nagpinid si Allāh sa mga puso nila kaya sila ay hindi nakauunawa [sa kapakanan nila].
アラビア語 クルアーン注釈:
 
対訳 章: 悔悟章
章名の目次 ページ番号
 
クルアーンの対訳 - フィリピン(タガログ)語対訳 - ルゥワード翻訳事業センター - 対訳の目次

ルゥワード翻訳事業センターとラブワ招待協会およびイスラームコンテンツサービス協会の共訳

閉じる