ការបកប្រែអត្ថន័យគួរអាន - ការអធិប្បាយសង្ខេបអំពីគម្ពីគួរអានជាភាសាហ្វីលីពីន (តាហ្គាឡុក) * - សន្ទស្សន៍នៃការបកប្រែ


ការបកប្រែអត្ថន័យ អាយ៉ាត់: (251) ជំពូក​: សូរ៉ោះអាល់ហ្ពាក៏រ៉ោះ
فَهَزَمُوهُم بِإِذۡنِ ٱللَّهِ وَقَتَلَ دَاوُۥدُ جَالُوتَ وَءَاتَىٰهُ ٱللَّهُ ٱلۡمُلۡكَ وَٱلۡحِكۡمَةَ وَعَلَّمَهُۥ مِمَّا يَشَآءُۗ وَلَوۡلَا دَفۡعُ ٱللَّهِ ٱلنَّاسَ بَعۡضَهُم بِبَعۡضٖ لَّفَسَدَتِ ٱلۡأَرۡضُ وَلَٰكِنَّ ٱللَّهَ ذُو فَضۡلٍ عَلَى ٱلۡعَٰلَمِينَ
Kaya tinalo nila ang mga iyon ayon sa pahintulot ni Allāh. Pinatay ni David ang pinuno nilang si Goliat. Nagbigay rito si Allāh ng paghahari at pagkapropeta at nagturo Siya rito ng mula sa anumang niloloob Niya na mga uri ng mga kaalaman kaya nagtipon Siya para rito ng nakabubuti sa Mundo at Kabilang-buhay. Kung hindi dahil bahagi ng kalakaran ni Allāh na supilin sa pamamagitan ng iba sa mga tao ang kaguluhan ng iba sa kanila, talaga sanang nagulo ang lupa dahil sa paghahari-harian ng mga tagagulo rito, subalit si Allāh ay may kabutihang-loob sa lahat ng mga nilikha.
តាហ្វសៀរជាភាសា​អារ៉ាប់ជាច្រេីន:
ក្នុង​ចំណោម​អត្ថប្រយោជន៍​នៃអាយ៉ាត់ទាំងនេះក្នុងទំព័រនេះ:
• من حكمة القائد أن يُعرِّض جيشه لأنواع الاختبارات التي يتميز بها جنوده ويعرف الثابت من غيره.
Bahagi ng karunungan ng pinuno na magsalang siya sa kasundaluhan niya sa mga uri ng mga pagsubok na matatangi sa pamamagitan ng mga ito ang mga hukbo niya at malalaman ang matatag sa hindi matatag.

• العبرة في النصر ليست بمجرد كثرة العدد والعدة فقط، وإنما معونة الله وتوفيقه أعظم الأسباب للنصر والظَّفَر.
Ang isinasaalang-alang sa pagwawagi ay hindi ang payak na dami ng bilang at mga kasangkapan lamang. Tanging ang tulong ni Allāh at ang pagtutuon Niya ang pinakamabigat sa mga kadahilanan ng pagwawagi at tagumpay.

• لا يثبت عند الفتن والشدائد إلا من عَمَرَ اليقينُ بالله قلوبَهم، فمثل أولئك يصبرون عند كل محنة، ويثبتون عند كل بلاء.
Walang nagpapakatatag sa sandali ng mga sigalot at mga matinding pangyayari maliban sa mga namahay ang katiyakan kay Allāh sa mga puso nila sapagkat ang tulad ng mga iyon ay nagtitiis sa sandali ng bawat pagsusulit at nagpapakatatag sa sandali ng bawat pagsubok.

• الضراعة إلى الله تعالى بقلب صادق متعلق به من أعظم أسباب إجابة الدعاء، ولا سيما في مواطن القتال.
Ang pagsusumamo kay Allāh – pagkataas-taas Siya – nang may pusong tapat na nahuhumaling sa Kanya ay kabilang sa pinakamabigat sa mga kadahilanan ng pagsagot sa panalangin, lalo na sa mga sandali ng pakikipaglaban.

• من سُنَّة الله تعالى وحكمته أن يدفع شر بعض الخلق وفسادهم في الأرض ببعضهم.
Bahagi ng kalakaran ni Allāh – pagkataas-taas Siya – at karunungan Niya na magtaboy Siya ng kasamaan ng iba sa mga nilikha at kaguluhan nila sa lupa sa pamamagitan ng iba sa kanila.

 
ការបកប្រែអត្ថន័យ អាយ៉ាត់: (251) ជំពូក​: សូរ៉ោះអាល់ហ្ពាក៏រ៉ោះ
សន្ទស្សន៍នៃជំពូក លេខ​ទំព័រ
 
ការបកប្រែអត្ថន័យគួរអាន - ការអធិប្បាយសង្ខេបអំពីគម្ពីគួរអានជាភាសាហ្វីលីពីន (តាហ្គាឡុក) - សន្ទស្សន៍នៃការបកប្រែ

ការអធិប្បាយសង្ខេបអំពីគម្ពីគួរអានជាភាសាហ្វីលីពីន (តាហ្គាឡុក) ត្រូវបានចេញដោយមជ្ឈមណ្ឌល តាហ្វសៀរនៃការសិក្សាគម្ពីគួរអាន

បិទ