ការបកប្រែអត្ថន័យគួរអាន - ការអធិប្បាយសង្ខេបអំពីគម្ពីគួរអានជាភាសាហ្វីលីពីន (តាហ្គាឡុក) * - សន្ទស្សន៍នៃការបកប្រែ


ការបកប្រែអត្ថន័យ អាយ៉ាត់: (8) ជំពូក​: សូរ៉ោះអាលីអុិមរ៉ន
رَبَّنَا لَا تُزِغۡ قُلُوبَنَا بَعۡدَ إِذۡ هَدَيۡتَنَا وَهَبۡ لَنَا مِن لَّدُنكَ رَحۡمَةًۚ إِنَّكَ أَنتَ ٱلۡوَهَّابُ
Ang mga nagpakalalim na ito ay nagsasabi: "Panginoon namin, huwag Kang magpakiling sa mga puso namin palayo sa katotohanan matapos na nagpatnubay Ka sa amin tungo roon, mangalaga Ka sa amin laban sa tumama sa mga lumilihis na kumiling palayo sa katotohanan. Magkaloob Ka sa amin ng awang malawak mula sa ganang Iyo, na ipinapatnubay Mo sa mga puso namin. Magsanggalang Ka sa amin laban sa pagkaligaw. Tunay na Ikaw, O Panginoon namin, ay ang Mapagkaloob, ang maraming magbigay.
តាហ្វសៀរជាភាសា​អារ៉ាប់ជាច្រេីន:
ក្នុង​ចំណោម​អត្ថប្រយោជន៍​នៃអាយ៉ាត់ទាំងនេះក្នុងទំព័រនេះ:
• أقام الله الحجة وقطع العذر عن الخلق بإرسال الرسل وإنزال الكتب التي تهدي للحق وتحذر من الباطل.
Naglatag si Allāh ng katwiran at pinutol Niya ang pagdadahilan sa mga nilikha sa pamamagitan ng pagsusugo sa mga sugo at pagpapababa sa mga kasulatang nagpapatnubay sa katotohanan at nagbibigay-babala laban sa kabulaanan.

• كمال علم الله تعالى وإحاطته بخلقه، فلا يغيب عنه شيء في الأرض ولا في السماء، سواء كان ظاهرًا أو خفيًّا.
Ang kalubusan ng kaalaman ni Allāh – pagkataas-taas Siya – at ang pagkakasaklaw Niya sa mga nilikha Niya kaya walang nalilingid sa Kanya na anuman sa lupa ni sa langit maging lantaran man o pakubli.

• من أصول أهل الإيمان الراسخين في العلم أن يفسروا ما تشابه من الآيات بما أُحْكِم منها.
Bahagi ng mga saligan ng mga alagad ng pananampalataya, na mga nagpapakalalim sa kaalaman ay na magpaliwanag sila ng itinalinghaga sa mga talata ng Qur'ān sa pamamagitan ng itinahas mula sa mga ito.

• مشروعية دعاء الله تعالى وسؤاله الثبات على الحق، والرشد في الأمر، ولا سيما عند الفتن والأهواء.
Ang pagkaisinasabatas ng panalangin kay Allāh – pagkataas-taas Siya – at ang paghiling sa Kanya ng pagpapakatatag sa katotohanan, at ng gabay sa kalagayan lalo na sa sandali ng mga ligalig at mga pithaya.

 
ការបកប្រែអត្ថន័យ អាយ៉ាត់: (8) ជំពូក​: សូរ៉ោះអាលីអុិមរ៉ន
សន្ទស្សន៍នៃជំពូក លេខ​ទំព័រ
 
ការបកប្រែអត្ថន័យគួរអាន - ការអធិប្បាយសង្ខេបអំពីគម្ពីគួរអានជាភាសាហ្វីលីពីន (តាហ្គាឡុក) - សន្ទស្សន៍នៃការបកប្រែ

ការអធិប្បាយសង្ខេបអំពីគម្ពីគួរអានជាភាសាហ្វីលីពីន (តាហ្គាឡុក) ត្រូវបានចេញដោយមជ្ឈមណ្ឌល តាហ្វសៀរនៃការសិក្សាគម្ពីគួរអាន

បិទ