ಪವಿತ್ರ ಕುರ್‌ಆನ್ ಅರ್ಥಾನುವಾದ - ಅಲ್-ಮುಖ್ತಸರ್ ಫಿ ತಫ್ಸೀರಿಲ್ ಕುರ್‌ಆನಿಲ್ ಕರೀಮ್ - ಫಿಲಿಪ್ಪಿನಿಯನ್ (ಟ್ಯಾಗಲಾಗ್) ಅನುವಾದ * - ಅನುವಾದಗಳ ವಿಷಯಸೂಚಿ


ಅರ್ಥಗಳ ಅನುವಾದ ಶ್ಲೋಕ: (144) ಅಧ್ಯಾಯ: ಸೂರ ಅಲ್- ಬಕರ
قَدۡ نَرَىٰ تَقَلُّبَ وَجۡهِكَ فِي ٱلسَّمَآءِۖ فَلَنُوَلِّيَنَّكَ قِبۡلَةٗ تَرۡضَىٰهَاۚ فَوَلِّ وَجۡهَكَ شَطۡرَ ٱلۡمَسۡجِدِ ٱلۡحَرَامِۚ وَحَيۡثُ مَا كُنتُمۡ فَوَلُّواْ وُجُوهَكُمۡ شَطۡرَهُۥۗ وَإِنَّ ٱلَّذِينَ أُوتُواْ ٱلۡكِتَٰبَ لَيَعۡلَمُونَ أَنَّهُ ٱلۡحَقُّ مِن رَّبِّهِمۡۗ وَمَا ٱللَّهُ بِغَٰفِلٍ عَمَّا يَعۡمَلُونَ
Nakakita nga si Allāh, O Propeta, sa pagbaling ng mukha mo at pagtingin mo sa dako ng langit dala ng pag-aabang at pagsisiyasat para sa pagbaba ng pagkasi ng pumapatungkol sa qiblah at paglilipat niyon sa kung saan mo iniibig kaya ibabaling ka nga Niya sa isang qiblah na kalulugdan mo iyon at iibigin mo iyon. Ito ay ang Bahay na Pinakababanal ni Allāh sa halip ng Bahay ng Pinagbanalan ngayon. Kaya magbaling ka ng mukha mo sa dako ng Bahay na Pinakababanal ni Allāh sa Makkah al-Mukarramah. Saan man kayo naroon, O mga mananampalataya, ay humarap kayo sa dako niyon sa sandali ng pagsasagawa ng dasal. Tunay na ang mga binigyan ng Kasulatan kabilang sa mga Hudyo at mga Kristiyano ay talagang nakaaalam na ang paglipat ng qiblah ay ang katotohanang pinababa mula sa Tagalikha nila at Tagapangasiwa ng kapakanan nila dahil sa pagtitibay nito sa Kasulatan nila. Si Allāh ay hindi nalilingat sa anumang ginagawa ng mga tagaayaw na ito sa katotohanan. Bagkus Siya – kaluwalhatian sa Kanya – ay nakaaalam doon at maggagantimpala sa kanila roon.
ಅರಬ್ಬಿ ವ್ಯಾಖ್ಯಾನಗಳು:
ಈ ಪುಟದಲ್ಲಿರುವ ಶ್ಲೋಕಗಳ ಉಪಯೋಗಗಳು:
• أن الاعتراض على أحكام الله وشرعه والتغافل عن مقاصدها دليل على السَّفَه وقلَّة العقل.
Na ang pagtutol sa mga patakaran ni Allāh at batas Niya at ang pagpapanggap ng pagkalingat sa mga layon ng mga ito ay patunay ng kahunghangan at kaliitan ng pagkaunawa.

• فضلُ هذه الأمة وشرفها، حيث أثنى عليها الله ووصفها بالوسطية بين سائر الأمم.
Ang kalamangan ng Kalipunang ito at dangal nito yayamang ipinagkapuri ito ni Allāh at inilarawan Niya ito ng pagkakatamtaman sa gitna ng lahat ng mga kalipunan.

• التحذير من متابعة أهل الكتاب في أهوائهم؛ لأنهم أعرضوا عن الحق بعد معرفته.
Ang pagbibigay-babala laban sa pagsunod sa mga May Kasulatan sa mga pithaya nila dahil sila ay umayaw sa katotohanan matapos ng pagkakilala rito.

• جواز نَسْخِ الأحكام الشرعية في الإسلام زمن نزول الوحي، حيث نُسِخَ التوجه إلى بيت المقدس، وصار إلى المسجد الحرام.
Ang pagpayag sa pagpapawalang-bisa sa mga patakarang pambatas sa Islām sa panahon ng pagbaba ng pagkasi yayamang pinawalang-bisa ang pagharap sa Bahay ng Pinagbanalan [sa Jerusalem], at naging sa Bahay na Pinakababanal [sa Makkah].

 
ಅರ್ಥಗಳ ಅನುವಾದ ಶ್ಲೋಕ: (144) ಅಧ್ಯಾಯ: ಸೂರ ಅಲ್- ಬಕರ
ಅಧ್ಯಾಯಗಳ ವಿಷಯಸೂಚಿ ಪುಟ ಸಂಖ್ಯೆ
 
ಪವಿತ್ರ ಕುರ್‌ಆನ್ ಅರ್ಥಾನುವಾದ - ಅಲ್-ಮುಖ್ತಸರ್ ಫಿ ತಫ್ಸೀರಿಲ್ ಕುರ್‌ಆನಿಲ್ ಕರೀಮ್ - ಫಿಲಿಪ್ಪಿನಿಯನ್ (ಟ್ಯಾಗಲಾಗ್) ಅನುವಾದ - ಅನುವಾದಗಳ ವಿಷಯಸೂಚಿ

ಅಲ್-ಮುಖ್ತಸರ್ ಫಿ ತಫ್ಸೀರಿಲ್ ಕುರ್‌ಆನಿಲ್ ಕರೀಮ್ - ಫಿಲಿಪ್ಪಿನಿಯನ್ (ಟ್ಯಾಗಲಾಗ್) ಅನುವಾದ - ಕುರ್‌ಆನ್ ತಫ್ಸೀರ್ ಸ್ಟಡಿ ಸೆಂಟರ್

ಮುಚ್ಚಿ