ಪವಿತ್ರ ಕುರ್‌ಆನ್ ಅರ್ಥಾನುವಾದ - ಅಲ್-ಮುಖ್ತಸರ್ ಫಿ ತಫ್ಸೀರಿಲ್ ಕುರ್‌ಆನಿಲ್ ಕರೀಮ್ - ಫಿಲಿಪ್ಪಿನಿಯನ್ (ಟ್ಯಾಗಲಾಗ್) ಅನುವಾದ * - ಅನುವಾದಗಳ ವಿಷಯಸೂಚಿ


ಅರ್ಥಗಳ ಅನುವಾದ ಶ್ಲೋಕ: (268) ಅಧ್ಯಾಯ: ಸೂರ ಅಲ್- ಬಕರ
ٱلشَّيۡطَٰنُ يَعِدُكُمُ ٱلۡفَقۡرَ وَيَأۡمُرُكُم بِٱلۡفَحۡشَآءِۖ وَٱللَّهُ يَعِدُكُم مَّغۡفِرَةٗ مِّنۡهُ وَفَضۡلٗاۗ وَٱللَّهُ وَٰسِعٌ عَلِيمٞ
Ang demonyo ay nagpapangamba sa inyo ng karalitaan, nag-uudyok sa inyo ng karamutan, at nag-aanyaya sa inyo ng paggawa ng mga kasalanan at mga pagsuway samantalang si Allāh ay nangangako sa inyo ng isang malaking kapatawaran sa mga pagkakasala ninyo at isang malawak na panustos. Si Allāh ay Malawak ang kabutihang-loob, Maalam sa mga kalagayan ng mga lingkod Niya.
ಅರಬ್ಬಿ ವ್ಯಾಖ್ಯಾನಗಳು:
ಈ ಪುಟದಲ್ಲಿರುವ ಶ್ಲೋಕಗಳ ಉಪಯೋಗಗಳು:
• المؤمنون بالله تعالى حقًّا واثقون من وعد الله وثوابه، فهم ينفقون أموالهم ويبذلون بلا خوف ولا حزن ولا التفات إلى وساوس الشيطان كالتخويف بالفقر والحاجة.
Ang mga mananampalataya kay Allāh – pagkataas-taas Siya – sa totoo ay mga nagtitiwala sa pangako ni Allāh at gantimpala Niya. Sila ay gumugugol ng mga salapi nila at nagkakaloob nang walang pangamba ni lungkot ni paglingon sa mga sulsol ng demonyo gaya ng pagpapangamba sa karukhaan at pangangailangan.

• الإخلاص من أعظم ما يبارك الأعمال ويُنمِّيها.
Ang pagpapakawagas ay kabilang sa pinakasukdulan sa nagpapala sa mga gawa at nagpapalago sa mga ito.

• أعظم الناس خسارة من يرائي بعمله الناس؛ لأنه ليس له من ثواب على عمله إلا مدحهم وثناؤهم.
Ang pinakasukdulan sa mga tao sa pagkalugi ay ang sinumang nagpapakitang-tao sa gawa niya dahil siya ay walang gantimpala sa gawa niya maliban sa pagmamapuri ng mga tao at pagbubunyi nila.

 
ಅರ್ಥಗಳ ಅನುವಾದ ಶ್ಲೋಕ: (268) ಅಧ್ಯಾಯ: ಸೂರ ಅಲ್- ಬಕರ
ಅಧ್ಯಾಯಗಳ ವಿಷಯಸೂಚಿ ಪುಟ ಸಂಖ್ಯೆ
 
ಪವಿತ್ರ ಕುರ್‌ಆನ್ ಅರ್ಥಾನುವಾದ - ಅಲ್-ಮುಖ್ತಸರ್ ಫಿ ತಫ್ಸೀರಿಲ್ ಕುರ್‌ಆನಿಲ್ ಕರೀಮ್ - ಫಿಲಿಪ್ಪಿನಿಯನ್ (ಟ್ಯಾಗಲಾಗ್) ಅನುವಾದ - ಅನುವಾದಗಳ ವಿಷಯಸೂಚಿ

ಅಲ್-ಮುಖ್ತಸರ್ ಫಿ ತಫ್ಸೀರಿಲ್ ಕುರ್‌ಆನಿಲ್ ಕರೀಮ್ - ಫಿಲಿಪ್ಪಿನಿಯನ್ (ಟ್ಯಾಗಲಾಗ್) ಅನುವಾದ - ಕುರ್‌ಆನ್ ತಫ್ಸೀರ್ ಸ್ಟಡಿ ಸೆಂಟರ್

ಮುಚ್ಚಿ