ಪವಿತ್ರ ಕುರ್‌ಆನ್ ಅರ್ಥಾನುವಾದ - ಅಲ್-ಮುಖ್ತಸರ್ ಫಿ ತಫ್ಸೀರಿಲ್ ಕುರ್‌ಆನಿಲ್ ಕರೀಮ್ - ಫಿಲಿಪ್ಪಿನಿಯನ್ (ಟ್ಯಾಗಲಾಗ್) ಅನುವಾದ * - ಅನುವಾದಗಳ ವಿಷಯಸೂಚಿ


ಅರ್ಥಗಳ ಅನುವಾದ ಅಧ್ಯಾಯ: ಸೂರ ಅಝ್ಝುಖ್ರುಫ್   ಶ್ಲೋಕ:

Az-Zukhruf

ಅಧ್ಯಾಯದ ಉದ್ದೇಶಗಳು:
التحذير من الافتتان بزخرف الحياة الدنيا؛ لئلا يكون وسيلة للشرك.
Ang pagbibigay-babala laban sa pagkatukso sa palamuti ng buhay pangmundo upang hindi ito maging isang kaparaanan sa shirk.

حمٓ
Ḥā. Mīm. Nauna na ang pagtatalakay sa mga kapareho ng mga ito sa simula ng Kabanatang Al-Baqarah.
ಅರಬ್ಬಿ ವ್ಯಾಖ್ಯಾನಗಳು:
وَٱلۡكِتَٰبِ ٱلۡمُبِينِ
Sumumpa si Allāh sa Qur'ān na nagliliwanag sa daan ng kapatnubayan tungo sa katotohanan.
ಅರಬ್ಬಿ ವ್ಯಾಖ್ಯಾನಗಳು:
إِنَّا جَعَلۡنَٰهُ قُرۡءَٰنًا عَرَبِيّٗا لَّعَلَّكُمۡ تَعۡقِلُونَ
Tunay na Kami ay gumawa nito bilang Qur’ān sa wika ng mga Arabe sa pag-asang kayo ay makapag-uunawa, O kapisanan ng mga taong bumaba ito sa wika ninyo, ng mga kahulugan nito at makaintindi ng mga ito upang maglipat kayo nito sa mga ibang kalipunan.
ಅರಬ್ಬಿ ವ್ಯಾಖ್ಯಾನಗಳು:
وَإِنَّهُۥ فِيٓ أُمِّ ٱلۡكِتَٰبِ لَدَيۡنَا لَعَلِيٌّ حَكِيمٌ
Tunay na ang Qur'ān na ito, sa Tablerong Pinag-iingatan, ay talagang may kataasan at kaangatan, at may karunungan, na tinahas ang mga talata nito kaugnay sa mga pag-uutos nito at mga pagsaway nito.
ಅರಬ್ಬಿ ವ್ಯಾಖ್ಯಾನಗಳು:
أَفَنَضۡرِبُ عَنكُمُ ٱلذِّكۡرَ صَفۡحًا أَن كُنتُمۡ قَوۡمٗا مُّسۡرِفِينَ
Kaya ba mag-iiwan Kami ng pagpapababa ng Qur'ān sa inyo bilang pag-ayaw dahil sa pagpaparami ninyo ng pagtatambal at mga pagsuway? Hindi Kami gagawa niyon, bagkus ang pagkaawa sa inyo ay humihiling ng kabaliktaran nito.
ಅರಬ್ಬಿ ವ್ಯಾಖ್ಯಾನಗಳು:
وَكَمۡ أَرۡسَلۡنَا مِن نَّبِيّٖ فِي ٱلۡأَوَّلِينَ
Kay rami ng ipinadala Namin na propeta sa mga kalipunang nauna.
ಅರಬ್ಬಿ ವ್ಯಾಖ್ಯಾನಗಳು:
وَمَا يَأۡتِيهِم مِّن نَّبِيٍّ إِلَّا كَانُواْ بِهِۦ يَسۡتَهۡزِءُونَ
Walang dumarating sa mga kalipunang naunang iyon na isang propeta mula sa ganang kay Allāh malibang sila noon sa kanya ay nanunuya.
ಅರಬ್ಬಿ ವ್ಯಾಖ್ಯಾನಗಳು:
فَأَهۡلَكۡنَآ أَشَدَّ مِنۡهُم بَطۡشٗا وَمَضَىٰ مَثَلُ ٱلۡأَوَّلِينَ
Kaya nagpahamak Kami sa kanila na higit na matindi sa bagsik kaysa sa mga kalipunang iyon sapagkat hindi Kami nawawalang-kakayahan sa pagpapahamak sa kanila na higit na mahina kaysa sa mga iyon. Nagdaan sa Qur'ān ang paglalarawan sa kapahamakan ng mga kalipunang nauna, tulad sa `Ād, Thamūd, mga kababayan ni Lot, at mga naninirahan sa Madyan.
ಅರಬ್ಬಿ ವ್ಯಾಖ್ಯಾನಗಳು:
وَلَئِن سَأَلۡتَهُم مَّنۡ خَلَقَ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضَ لَيَقُولُنَّ خَلَقَهُنَّ ٱلۡعَزِيزُ ٱلۡعَلِيمُ
Talagang kung nagtanong ka, O Sugo, sa mga tagapagtambal na tagapagpasinungaling na ito kung sino ang lumikha ng mga langit at kung sino ang lumikha ng lupa ay talagang magsasabi nga sila, bilang sagot sa tanong, mo na lumikha ng mga ito ang Makapangyarihan na walang nakadadaig sa Kanya na isa man, ang Maalam sa bawat bagay.
ಅರಬ್ಬಿ ವ್ಯಾಖ್ಯಾನಗಳು:
ٱلَّذِي جَعَلَ لَكُمُ ٱلۡأَرۡضَ مَهۡدٗا وَجَعَلَ لَكُمۡ فِيهَا سُبُلٗا لَّعَلَّكُمۡ تَهۡتَدُونَ
Si Allāh ay ang pumatag para sa inyo ng lupa kaya gumawa Siya nito para sa inyo bilang naapakan na inaapakan ng mga paa ninyo at gumawa Siya para sa inyo rito ng mga daan sa mga bundok nito at mga lambak nito, sa pag-asang magabayan kayo sa pamamagitan ng mga iyon sa paghayo ninyo.
ಅರಬ್ಬಿ ವ್ಯಾಖ್ಯಾನಗಳು:
ಈ ಪುಟದಲ್ಲಿರುವ ಶ್ಲೋಕಗಳ ಉಪಯೋಗಗಳು:
• سمي الوحي روحًا لأهمية الوحي في هداية الناس، فهو بمنزلة الروح للجسد.
Pinangalanan ang kasi bilang espiritu dahil sa kahalagahan ng kasi sa kapatnubayan ng mga tao sapagkat ito ay nasa antas ng espiritu para sa katawan.

• الهداية المسندة إلى الرسول صلى الله عليه وسلم هي هداية الإرشاد لا هداية التوفيق.
Ang kapatnubayang nakasalig sa Sugo – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – ay kapatnubayan ng paggabay hindi kapatnubayan ng pagtutuon.

• ما عند المشركين من توحيد الربوبية لا ينفعهم يوم القيامة.
Ang taglay ng mga tagapagtambal na paniniwala sa kaisahan ng pagkapanginoon ay hindi magpapakinabang sa kanila sa Araw ng Pagbangon.

وَٱلَّذِي نَزَّلَ مِنَ ٱلسَّمَآءِ مَآءَۢ بِقَدَرٖ فَأَنشَرۡنَا بِهِۦ بَلۡدَةٗ مَّيۡتٗاۚ كَذَٰلِكَ تُخۡرَجُونَ
[Si Allāh ay] ang nagbaba mula sa langit ng tubig ayon sa isang sukat na sasapat sa inyo at sasapat sa mga hayop ninyo at mga pananim ninyo kaya nagbigay-buhay sa pamamagitan nito sa isang bayang tuyot na walang halaman doon. Kung paanong pagbibigay-buhay ni Allāh sa lupang tuyot na iyon sa pamamagitan ng halaman, magbibigay-buhay Siya sa inyo sa pagkabuhay na muli.
ಅರಬ್ಬಿ ವ್ಯಾಖ್ಯಾನಗಳು:
وَٱلَّذِي خَلَقَ ٱلۡأَزۡوَٰجَ كُلَّهَا وَجَعَلَ لَكُم مِّنَ ٱلۡفُلۡكِ وَٱلۡأَنۡعَٰمِ مَا تَرۡكَبُونَ
[Si Allāh ay] ang lumikha sa mga magkapares sa kalahatan ng mga ito, gaya ng gabi at maghapon, lalaki at babae, at iba pa sa mga ito, at gumawa para sa inyo ng mga daong at mga hayupan na sinasakyan ninyo sa mga paglalakbay ninyo sapagkat sumasakay kayo sa mga daong sa dagat at sumasakay kayo sa mga hayupan ninyo sa katihan.
ಅರಬ್ಬಿ ವ್ಯಾಖ್ಯಾನಗಳು:
لِتَسۡتَوُۥاْ عَلَىٰ ظُهُورِهِۦ ثُمَّ تَذۡكُرُواْ نِعۡمَةَ رَبِّكُمۡ إِذَا ٱسۡتَوَيۡتُمۡ عَلَيۡهِ وَتَقُولُواْ سُبۡحَٰنَ ٱلَّذِي سَخَّرَ لَنَا هَٰذَا وَمَا كُنَّا لَهُۥ مُقۡرِنِينَ
Ginawa Niya para sa inyo iyon sa kabuuan niyon, sa pag-asang lumulan kayo sa mga likod ng sinasakyan ninyo kabilang sa mga ito sa mga paglalakbay ninyo, pagkatapos makaalaala kayo sa biyaya ng Panginoon ninyo sa pamamagitan ng pagpapasilbi sa mga ito para sa inyo kapag nakalulan na kayo sa mga likod ng mga ito, at magsabi kayo sa pamamagitan ng mga dila ninyo: "Nagpawalang-kapintasan Siya at nagpakabanal Siya na naglaan at nagpaamo para sa amin ng sinasakyang ito kaya nakapagyayari kami rito samantalang kami rito ay hindi mga makakakaya kung hindi dahil sa pagpapasilbi ni Allāh nito [sa amin].
ಅರಬ್ಬಿ ವ್ಯಾಖ್ಯಾನಗಳು:
وَإِنَّآ إِلَىٰ رَبِّنَا لَمُنقَلِبُونَ
Tunay na kami sa Panginoon namin lamang ay talagang mga babalik matapos ng kamatayan namin para sa pagtutuos at pagganti."
ಅರಬ್ಬಿ ವ್ಯಾಖ್ಯಾನಗಳು:
وَجَعَلُواْ لَهُۥ مِنۡ عِبَادِهِۦ جُزۡءًاۚ إِنَّ ٱلۡإِنسَٰنَ لَكَفُورٞ مُّبِينٌ
Naghaka-haka ang mga tagapagtambal na ang ilan sa mga nilikha ay ipinanganganak buhat sa Tagalikha – kaluwalhatian sa Kanya – nang nagsabi silang ang mga anghel ay mga babaing anak ni Allāh. Tunay na ang taong nagsasabi ng tulad ng sabing ito ay talagang isang mapagtangging sumampalataya, na malinaw ang kawalang-pananampalataya at ang pagkaligaw.
ಅರಬ್ಬಿ ವ್ಯಾಖ್ಯಾನಗಳು:
أَمِ ٱتَّخَذَ مِمَّا يَخۡلُقُ بَنَاتٖ وَأَصۡفَىٰكُم بِٱلۡبَنِينَ
O nagsasabi ba kayo, O mga tagapagtambal: "Gumawa si Allāh mula sa nililikha Niya ng mga babaing anak para sa sarili Niya at nagtangi Siya sa inyo ng mga lalaki sa mga anak, kaya anong paghahati ang paghahating ito na hinaka-haka ninyo?"
ಅರಬ್ಬಿ ವ್ಯಾಖ್ಯಾನಗಳು:
وَإِذَا بُشِّرَ أَحَدُهُم بِمَا ضَرَبَ لِلرَّحۡمَٰنِ مَثَلٗا ظَلَّ وَجۡهُهُۥ مُسۡوَدّٗا وَهُوَ كَظِيمٌ
Kapag binalitaan ang isa sa kanila [ng pagsilang ng] babaing anak na inuugnay niya sa Panginoon niya, ang mukha niya ay naging nangingitim dala ng tindi ng pagkabahala at pagkalungkot. Siya ay naging puno ng ngitngit. Kaya papaanong nag-uugnay siya sa Panginoon niya ng ikinalulumbay niya mismo kapag ibinalita sa kanya?
ಅರಬ್ಬಿ ವ್ಯಾಖ್ಯಾನಗಳು:
أَوَمَن يُنَشَّؤُاْ فِي ٱلۡحِلۡيَةِ وَهُوَ فِي ٱلۡخِصَامِ غَيۡرُ مُبِينٖ
O nag-uugnay ba sila sa Panginoon nila ng pinalalaki sa gayak, habang siya sa pakikipagtalo ay hindi malinaw ang pagsasalita dahil sa pagkababae niya?
ಅರಬ್ಬಿ ವ್ಯಾಖ್ಯಾನಗಳು:
وَجَعَلُواْ ٱلۡمَلَٰٓئِكَةَ ٱلَّذِينَ هُمۡ عِبَٰدُ ٱلرَّحۡمَٰنِ إِنَٰثًاۚ أَشَهِدُواْ خَلۡقَهُمۡۚ سَتُكۡتَبُ شَهَٰدَتُهُمۡ وَيُسۡـَٔلُونَ
Tumawag sila sa mga anghel na mga lingkod ng Napakamaawain – kaluwalhatian sa Kanya – bilang mga babae. Nakadalo kaya sila nang lumikha sa mga iyon si Allāh para mapaglinawan nila na ang mga iyon ay mga babae? Magsusulat ang mga anghel sa pagsaksi nilang ito, tatanungin sila tungkol dito sa Araw ng Pagbangon, at pagdurusahin sila hinggil doon dahil sa kasinungalingan nila.
ಅರಬ್ಬಿ ವ್ಯಾಖ್ಯಾನಗಳು:
وَقَالُواْ لَوۡ شَآءَ ٱلرَّحۡمَٰنُ مَا عَبَدۡنَٰهُمۗ مَّا لَهُم بِذَٰلِكَ مِنۡ عِلۡمٍۖ إِنۡ هُمۡ إِلَّا يَخۡرُصُونَ
Nagsabi sila habang mga nangangatwiran sa pagtatakda: "Kung sakaling niloob ni Allāh na hindi kami sumamba sa mga anghel ay hindi sana kami sumamba sa kanila. Kaya ang pangyayaring Siya ay lumuob niyon mula sa amin ay nagpapatunay sa pagkalugod Niya." Walang ukol sa kanila hinggil sa sabi nilang ito na anumang kaalaman. Walang iba sila kundi nagsisinungaling.
ಅರಬ್ಬಿ ವ್ಯಾಖ್ಯಾನಗಳು:
أَمۡ ءَاتَيۡنَٰهُمۡ كِتَٰبٗا مِّن قَبۡلِهِۦ فَهُم بِهِۦ مُسۡتَمۡسِكُونَ
O nagbigay ba Kami sa mga tagapagtambal na ito ng isang aklat bago pa ng Qur’an, na pumapayag para sa kanila ng pagsamba sa iba pa kay Allāh, kaya sila ay mga kumakapit sa aklat na iyon, na mga nangangatwiran sa pamamagitan niyon?
ಅರಬ್ಬಿ ವ್ಯಾಖ್ಯಾನಗಳು:
بَلۡ قَالُوٓاْ إِنَّا وَجَدۡنَآ ءَابَآءَنَا عَلَىٰٓ أُمَّةٖ وَإِنَّا عَلَىٰٓ ءَاثَٰرِهِم مُّهۡتَدُونَ
Hindi; hindi naganap iyon. Bagkus nagsabi sila habang mga nangangatwiran sa paggaya-gaya: "Tunay na kami ay nakatagpo sa mga magulang namin bago pa namin sa isang relihiyon at isang kapaniwalaan, na sila nga noon ay sumasamba sa mga anito. Tunay na kami ay mga dumadaan sa mga bakas nila sa pagsamba sa mga iyon."
ಅರಬ್ಬಿ ವ್ಯಾಖ್ಯಾನಗಳು:
ಈ ಪುಟದಲ್ಲಿರುವ ಶ್ಲೋಕಗಳ ಉಪಯೋಗಗಳು:
• كل نعمة تقتضي شكرًا.
Bawat biyaya ay humihiling ng isang pasasalamat.

• جور المشركين في تصوراتهم عن ربهم حين نسبوا الإناث إليه، وكَرِهوهنّ لأنفسهم.
Ang kawalang-katarungan ng mga tagapagtambal sa mga konsepto nila tungkol sa Panginoon nila nang nag-ugnay sila ng mga babaing anak sa Kanya samantalang nasuklam sila sa mga ito para sa mga sarili nila.

• بطلان الاحتجاج على المعاصي بالقدر.
Ang kawalang-kabuluhan ng pangangatwiran para sa mga pagsuway sa pamamagitan ng pagtatakda.

• المشاهدة أحد الأسس لإثبات الحقائق.
Ang pagmamasid ay isa sa mga pundasyon ng pagpapatibay sa mga katunayan.

وَكَذَٰلِكَ مَآ أَرۡسَلۡنَا مِن قَبۡلِكَ فِي قَرۡيَةٖ مِّن نَّذِيرٍ إِلَّا قَالَ مُتۡرَفُوهَآ إِنَّا وَجَدۡنَآ ءَابَآءَنَا عَلَىٰٓ أُمَّةٖ وَإِنَّا عَلَىٰٓ ءَاثَٰرِهِم مُّقۡتَدُونَ
Kung paanong nagpasinungaling ang mga ito at nangatwiran ng paggaya-gaya nila sa mga magulang nila, hindi Kami nagpadala bago mo pa, O Sugo, sa isang pamayanan ng isang sugong nagbababala sa mga kababayan niya malibang nagsabi ang mga pinuno nila at ang mga malaking tao nila kabilang sa mga may kaya sa kanila: "Tunay na kami ay nakatagpo sa mga magulang namin sa isang relihiyon at isang kapaniwalaan, at tunay na kami ay mga sumusunod sa mga bakas nila." Kaya ang mga kababayan mo ay hindi una sa gayon."
ಅರಬ್ಬಿ ವ್ಯಾಖ್ಯಾನಗಳು:
۞ قَٰلَ أَوَلَوۡ جِئۡتُكُم بِأَهۡدَىٰ مِمَّا وَجَدتُّمۡ عَلَيۡهِ ءَابَآءَكُمۡۖ قَالُوٓاْ إِنَّا بِمَآ أُرۡسِلۡتُم بِهِۦ كَٰفِرُونَ
Nagsabi sa kanila ang sugo sa kanila: "Sumusunod ba kayo sa mga magulang ninyo kahit pa naghatid ako sa inyo ng higit na mabuti kaysa sa kapaniwalaan nila na sila noon ay naroon?" Nagsabi sila: "Tunay na kami ay mga tagatangging sumampalataya sa ipinasugo sa iyo mismo at sa sinumang nauna sa iyo kabilang sa mga sugo."
ಅರಬ್ಬಿ ವ್ಯಾಖ್ಯಾನಗಳು:
فَٱنتَقَمۡنَا مِنۡهُمۡۖ فَٱنظُرۡ كَيۡفَ كَانَ عَٰقِبَةُ ٱلۡمُكَذِّبِينَ
Kaya naghiganti Kami sa mga kalipunang nagpasinungaling sa mga sugo bago mo pa. Kaya nagpahamak Kami sa kanila. Kaya magnilay-nilay ka kung papaano naging ang wakas ng mga tagapagpasinungaling sa mga sugo sa kanila sapagkat iyon nga ay naging isang wakas na masakit.
ಅರಬ್ಬಿ ವ್ಯಾಖ್ಯಾನಗಳು:
وَإِذۡ قَالَ إِبۡرَٰهِيمُ لِأَبِيهِ وَقَوۡمِهِۦٓ إِنَّنِي بَرَآءٞ مِّمَّا تَعۡبُدُونَ
Banggitin mo, O Sugo, nang nagsabi si Abraham sa ama niya at mga kababayan niya: "Tunay na ako ay walang-kaugnayan sa anumang sinasamba ninyo na mga anito, bukod pa kay Allāh,
ಅರಬ್ಬಿ ವ್ಯಾಖ್ಯಾನಗಳು:
إِلَّا ٱلَّذِي فَطَرَنِي فَإِنَّهُۥ سَيَهۡدِينِ
maliban kay Allāh na lumikha sa akin sapagkat tunay na Siya ay gagabay sa akin tungo sa naroon ang kapakinabangan sa akin na pagsunod sa relihiyon Niyang matuwid."
ಅರಬ್ಬಿ ವ್ಯಾಖ್ಯಾನಗಳು:
وَجَعَلَهَا كَلِمَةَۢ بَاقِيَةٗ فِي عَقِبِهِۦ لَعَلَّهُمۡ يَرۡجِعُونَ
Gumawa si Abraham sa pangungusap ng paniniwala sa kaisahan ni Allāh (walang Diyos kundi si Allāh) na mananatili sa mga supling niya matapos niya sapagkat hindi matitigil sa kanila ang naniniwala sa kaisahan ni Allāh, na hindi nagtatambal sa Kanya ng anuman, sa pag-asang bumalik sila kay Allāh sa pamamagitan ng pagbabalik-loob sa Kanya mula sa pagtatambal at mga pagsuway.
ಅರಬ್ಬಿ ವ್ಯಾಖ್ಯಾನಗಳು:
بَلۡ مَتَّعۡتُ هَٰٓؤُلَآءِ وَءَابَآءَهُمۡ حَتَّىٰ جَآءَهُمُ ٱلۡحَقُّ وَرَسُولٞ مُّبِينٞ
Hindi ako nagmadali sa kapahamakan ng mga tagapagtambal na tagapagpasinungaling na ito. Bagkus nagpatamasa Ako sa kanila sa pamamagitan ng pananatili sa Mundo at nagpatamasa Ako sa mga magulang nila bago pa man nila hanggang sa dumating sa kanila ang Qur'ān at ang isang sugong malinaw, na si Muḥammad – ang basbas at ang pagbabati ng kapayapaan ay sumakanya.
ಅರಬ್ಬಿ ವ್ಯಾಖ್ಯಾನಗಳು:
وَلَمَّا جَآءَهُمُ ٱلۡحَقُّ قَالُواْ هَٰذَا سِحۡرٞ وَإِنَّا بِهِۦ كَٰفِرُونَ
Noong dumating sa kanila ang Qur'ān na ito na siyang katotohanan na walang mapag-aalinlanganan doon ay nagsabi sila: "Ito ay panggagaway na ginagaway kami sa pamamagitan nito ni Muḥammad, at tunay na kami rito ay mga tagatangging sumampalataya kaya hindi kami sasampalataya rito."
ಅರಬ್ಬಿ ವ್ಯಾಖ್ಯಾನಗಳು:
وَقَالُواْ لَوۡلَا نُزِّلَ هَٰذَا ٱلۡقُرۡءَانُ عَلَىٰ رَجُلٖ مِّنَ ٱلۡقَرۡيَتَيۡنِ عَظِيمٍ
Nagsabi ang mga tagapagtambal na tagapagpasinungaling: "Bakit kaya hindi nagpababa si Allāh ng Qur’ān na ito sa isa sa dalawang lalaking dakila mula sa Makkah o Ṭā'if sa halip ng pagpapababa nito kay Muḥammad, ang maralitang ulila."
ಅರಬ್ಬಿ ವ್ಯಾಖ್ಯಾನಗಳು:
أَهُمۡ يَقۡسِمُونَ رَحۡمَتَ رَبِّكَۚ نَحۡنُ قَسَمۡنَا بَيۡنَهُم مَّعِيشَتَهُمۡ فِي ٱلۡحَيَوٰةِ ٱلدُّنۡيَاۚ وَرَفَعۡنَا بَعۡضَهُمۡ فَوۡقَ بَعۡضٖ دَرَجَٰتٖ لِّيَتَّخِذَ بَعۡضُهُم بَعۡضٗا سُخۡرِيّٗاۗ وَرَحۡمَتُ رَبِّكَ خَيۡرٞ مِّمَّا يَجۡمَعُونَ
Sila ba ay namamahagi ng awa ng Panginoon mo, O Sugo, kaya nagbibigay sila nito sa sinumang niloloob nila at nagkakait sila nito sa sinumang niloloob nila, o si Allāh? Kami ay namamahagi sa pagitan nila ng mga panustos nila sa Mundo. Gumagawa Kami mula sa kanila ng mayaman at maralita upang ang iba sa kanila ay maging pinagsisilbi para sa iba pa. Ang awa ng Panginoon mo para sa mga lingkod Niya sa Kabilang-buhay ay higit na mabuti kaysa sa anumang tinitipon ng mga ito na naglalahong basura ng Mundo.
ಅರಬ್ಬಿ ವ್ಯಾಖ್ಯಾನಗಳು:
وَلَوۡلَآ أَن يَكُونَ ٱلنَّاسُ أُمَّةٗ وَٰحِدَةٗ لَّجَعَلۡنَا لِمَن يَكۡفُرُ بِٱلرَّحۡمَٰنِ لِبُيُوتِهِمۡ سُقُفٗا مِّن فِضَّةٖ وَمَعَارِجَ عَلَيۡهَا يَظۡهَرُونَ
Kung hindi dahil sa ang mga tao ay magiging nag-iisang kalipunan sa kawalang-pananampalataya ay talaga sanang gumawa para sa mga bahay ng mga tumatangging sumampalataya kay Allāh ng mga bubong na pilak at gumawa para sa kanila ng mga hagdan na doon ay papanik sila,
ಅರಬ್ಬಿ ವ್ಯಾಖ್ಯಾನಗಳು:
ಈ ಪುಟದಲ್ಲಿರುವ ಶ್ಲೋಕಗಳ ಉಪಯೋಗಗಳು:
• التقليد من أسباب ضلال الأمم السابقة.
Ang paggaya-gaya ay kabilang sa mga kadahilanan ng pagkaligaw ng mga kalipunang nauna.

• البراءة من الكفر والكافرين لازمة.
Ang kawalang-kaugnayan sa kawalang-pananampalataya at mga tagatangging sumampalataya ay kinakailangan.

• تقسيم الأرزاق خاضع لحكمة الله.
Ang pamamahagi ng mga panustos ay sumasailalim sa karunungan ni Allāh.

• حقارة الدنيا عند الله، فلو كانت تزن عنده جناح بعوضة ما سقى منها كافرًا شربة ماء.
Ang pagkahamak ng Mundo sa ganang kay Allāh sapagkat kung sakaling ito ay tumitimbang sa ganang Kanya ng gaya ng isang pakpak ng lamok, hindi sana Siya nagpainom mula rito sa isang tagatangging sumampalataya ng isang inom na tubig.

وَلِبُيُوتِهِمۡ أَبۡوَٰبٗا وَسُرُرًا عَلَيۡهَا يَتَّكِـُٔونَ
at gumawa para sa mga bahay nila ng mga pinto, gumawa para sa kanila ng mga kama na sa mga ito sasandal sila, bilang pagpapain para sa kanila at bilang pagsubok,
ಅರಬ್ಬಿ ವ್ಯಾಖ್ಯಾನಗಳು:
وَزُخۡرُفٗاۚ وَإِن كُلُّ ذَٰلِكَ لَمَّا مَتَٰعُ ٱلۡحَيَوٰةِ ٱلدُّنۡيَاۚ وَٱلۡأٓخِرَةُ عِندَ رَبِّكَ لِلۡمُتَّقِينَ
Talaga sanang gumawa Kami para sa kanila ng [palamuting] ginto. Walang iba ang lahat ng iyon kundi pagtatamasa sa buhay na pangmundo sapagkat ang pakinabang nito ay kakaunti dahil sa kawalan ng pananatili nito. Ang nasa Kabilang-buhay na kaginhawahan ay higit na mabuti sa ganang Panginoon mo, O Sugo, para sa mga tagapangilag magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya.
ಅರಬ್ಬಿ ವ್ಯಾಖ್ಯಾನಗಳು:
وَمَن يَعۡشُ عَن ذِكۡرِ ٱلرَّحۡمَٰنِ نُقَيِّضۡ لَهُۥ شَيۡطَٰنٗا فَهُوَ لَهُۥ قَرِينٞ
Ang sinumang tumitingin nang tingin na hindi mahusay sa Qur'ān, na nagpapahantong sa kanya sa pag-ayaw, ay parurusahan sa pamamagitan ng pagpapangibabaw sa isang demonyong dumidikit sa kanya, na nagdaragdag sa kanya sa kalisyaan.
ಅರಬ್ಬಿ ವ್ಯಾಖ್ಯಾನಗಳು:
وَإِنَّهُمۡ لَيَصُدُّونَهُمۡ عَنِ ٱلسَّبِيلِ وَيَحۡسَبُونَ أَنَّهُم مُّهۡتَدُونَ
Tunay na ang mga kapisang ito na mga pinangingibabaw sa mga tagaayaw sa Qur'ān ay talagang bumabalakid sa kanila sa relihiyon ni Allāh kaya hindi sila sumusunod sa mga ipinag-uutos Niya at hindi sila umiiwas sa mga sinasaway Niya habang nagpapalagay sila na sila ay mga napapatnubayan sa katotohanan at dahil doon sila ay hindi nagbabalik-loob mula sa pagligaw nila.
ಅರಬ್ಬಿ ವ್ಯಾಖ್ಯಾನಗಳು:
حَتَّىٰٓ إِذَا جَآءَنَا قَالَ يَٰلَيۡتَ بَيۡنِي وَبَيۡنَكَ بُعۡدَ ٱلۡمَشۡرِقَيۡنِ فَبِئۡسَ ٱلۡقَرِينُ
Hanggang sa kapag dumating kay Allāh ang tagaayaw sa pag-alaala sa Kanya sa Araw ng Pagbangon, magsasabi siya habang nagmimithi: "O kung sana sa pagitan ko at pagitan mo, O kapisan, ay may distansiya ng nasa pagitan ng silangan at kanluran sapagkat pinapangit ka na kapisan!"
ಅರಬ್ಬಿ ವ್ಯಾಖ್ಯಾನಗಳು:
وَلَن يَنفَعَكُمُ ٱلۡيَوۡمَ إِذ ظَّلَمۡتُمۡ أَنَّكُمۡ فِي ٱلۡعَذَابِ مُشۡتَرِكُونَ
Magsasabi si Allāh sa mga tagatangging sumampalataya sa Araw ng Pagbangon: "Hindi magpapakinabang sa inyo sa Araw na ito – yayamang lumabag nga kayo sa katarungan sa mga sarili ninyo dahil sa pagtatambal at mga pagsuway – ang pagkakalahok ninyo sa pagdurusa sapagkat hindi magpapasan ang mga pantambal ninyo [sa Akin] para sa inyo ng anuman mula sa pagdurusa ninyo."
ಅರಬ್ಬಿ ವ್ಯಾಖ್ಯಾನಗಳು:
أَفَأَنتَ تُسۡمِعُ ٱلصُّمَّ أَوۡ تَهۡدِي ٱلۡعُمۡيَ وَمَن كَانَ فِي ضَلَٰلٖ مُّبِينٖ
Tunay na ang mga ito ay mga bingi sa pagdinig ng katotohanan, mga bulag sa pagkakita nito. Kaya ikaw ba, O Sugo, ay nakakakaya sa pagpaparinig sa mga bingi o pagpapatnubay sa mga bulag o pagpapatnubay sa sinumang naging nasa isang pagkaligaw na maliwanag palayo sa daang tuwid?
ಅರಬ್ಬಿ ವ್ಯಾಖ್ಯಾನಗಳು:
فَإِمَّا نَذۡهَبَنَّ بِكَ فَإِنَّا مِنۡهُم مُّنتَقِمُونَ
Kaya kung nag-aalis Kami sa iyo sa pamamagitan ng pagbibigay-kamatayan sa iyo bago Namin sila pagdurusahin, tunay na Kami ay maghihiganti sa kanila sa pamamagitan ng pagdudulot ng pagdurusa sa kanila sa Mundo at Kabilang-buhay,
ಅರಬ್ಬಿ ವ್ಯಾಖ್ಯಾನಗಳು:
أَوۡ نُرِيَنَّكَ ٱلَّذِي وَعَدۡنَٰهُمۡ فَإِنَّا عَلَيۡهِم مُّقۡتَدِرُونَ
o magpapakita nga Kami sa iyo ng ilan sa ipinangako Namin sa kanila na pagdurusa saka tunay na Kami sa kanila ay nakakakaya: hindi sila nakakakaya sa pakikinaig sa Amin sa anuman.
ಅರಬ್ಬಿ ವ್ಯಾಖ್ಯಾನಗಳು:
فَٱسۡتَمۡسِكۡ بِٱلَّذِيٓ أُوحِيَ إِلَيۡكَۖ إِنَّكَ عَلَىٰ صِرَٰطٖ مُّسۡتَقِيمٖ
Kaya kumapit ka, O Sugo, sa ikinasi sa iyo ng Panginoon mo at gumawa ka ayon doon; tunay na ikaw ay nasa isang daang totoo, na walang pagkalito rito.
ಅರಬ್ಬಿ ವ್ಯಾಖ್ಯಾನಗಳು:
وَإِنَّهُۥ لَذِكۡرٞ لَّكَ وَلِقَوۡمِكَۖ وَسَوۡفَ تُسۡـَٔلُونَ
Tunay na ang Qur'ān na ito ay talagang isang dangal para sa iyo at isang dangal para sa mga kababayan mo, at tatanungin kayo sa Araw ng Pagbangon tungkol sa pananampalataya rito, pagsunod sa patnubay nito, at pag-anyaya tungo rito.
ಅರಬ್ಬಿ ವ್ಯಾಖ್ಯಾನಗಳು:
وَسۡـَٔلۡ مَنۡ أَرۡسَلۡنَا مِن قَبۡلِكَ مِن رُّسُلِنَآ أَجَعَلۡنَا مِن دُونِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ءَالِهَةٗ يُعۡبَدُونَ
Magtanong ka, O Sugo, sa mga ipinadala Namin, bago mo pa, na mga sugo: "Nagtalaga ba Kami, bukod pa sa Napakamaawain, ng mga sinasamba na sasambahin?
ಅರಬ್ಬಿ ವ್ಯಾಖ್ಯಾನಗಳು:
وَلَقَدۡ أَرۡسَلۡنَا مُوسَىٰ بِـَٔايَٰتِنَآ إِلَىٰ فِرۡعَوۡنَ وَمَلَإِيْهِۦ فَقَالَ إِنِّي رَسُولُ رَبِّ ٱلۡعَٰلَمِينَ
Talaga ngang nagpadala Kami kay Moises, kalakip ng mga tanda Namin, kay Paraon at sa mga maharlika kabilang sa mga tao nito kaya nagsabi siya sa kanila: "Tunay na ako ay sugo ng Panginoon ng mga nilikha sa kabuuan ng mga ito."
ಅರಬ್ಬಿ ವ್ಯಾಖ್ಯಾನಗಳು:
فَلَمَّا جَآءَهُم بِـَٔايَٰتِنَآ إِذَا هُم مِّنۡهَا يَضۡحَكُونَ
Ngunit noong naghatid siya sa kanila ng mga tanda Namin, sila sa mga ito ay tumatawa dala ng panunuya at pangungutya.
ಅರಬ್ಬಿ ವ್ಯಾಖ್ಯಾನಗಳು:
ಈ ಪುಟದಲ್ಲಿರುವ ಶ್ಲೋಕಗಳ ಉಪಯೋಗಗಳು:
• خطر الإعراض عن القرآن.
Ang panganib ng pag-ayaw sa Qur'ān.

• القرآن شرف لرسول الله صلى الله عليه وسلم ولأمته.
Ang Qur'ān ay karangalan para sa Sugo ni Allāh – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – at para sa Kalipunan niya.

• اتفاق الرسالات كلها على نبذ الشرك.
Ang pagkakasundo ng mga mensahe sa kabuuan ng mga ito sa pagtatwa sa shirk.

• السخرية من الحق صفة من صفات الكفر.
Ang panunuya sa katotohanan ay isa sa mga katangian ng kawalang-pananampalataya.

وَمَا نُرِيهِم مِّنۡ ءَايَةٍ إِلَّا هِيَ أَكۡبَرُ مِنۡ أُخۡتِهَاۖ وَأَخَذۡنَٰهُم بِٱلۡعَذَابِ لَعَلَّهُمۡ يَرۡجِعُونَ
Hindi Kami nagpapakita kay Paraon at sa mga maharlika kabilang sa mga tao niya ng anumang katwiran sa katumpakan sa inihatid ni Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – malibang ito ay higit na mabigat kaysa sa katwiran na bago nito. Nagpataw Kami sa kanila ng pagdurusa sa Mundo, sa pag-asang bumalik sila [sa Amin] palayo sa taglay nila na kawalang-pananampalataya subalit walang anumang silbi.
ಅರಬ್ಬಿ ವ್ಯಾಖ್ಯಾನಗಳು:
وَقَالُواْ يَٰٓأَيُّهَ ٱلسَّاحِرُ ٱدۡعُ لَنَا رَبَّكَ بِمَا عَهِدَ عِندَكَ إِنَّنَا لَمُهۡتَدُونَ
Kaya nagsabi sila kay Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – noong sumapit sa kanila ang ilan sa pagdurusa: "O manggagaway, dumalangin ka para sa amin sa Panginoon mo ng binanggit Niya sa iyo na pagpapawi ng pagdurusa kung sumampalataya kami; tunay na kami ay talagang mga mapapatnubayan tungo sa Kanya kung papawiin Niya ito sa amin."
ಅರಬ್ಬಿ ವ್ಯಾಖ್ಯಾನಗಳು:
فَلَمَّا كَشَفۡنَا عَنۡهُمُ ٱلۡعَذَابَ إِذَا هُمۡ يَنكُثُونَ
Ngunit noong nagbaling Kami palayo sa kanila ng pagdurusa, biglang sila ay sumisira sa kasunduan nila at hindi tumutupad dito.
ಅರಬ್ಬಿ ವ್ಯಾಖ್ಯಾನಗಳು:
وَنَادَىٰ فِرۡعَوۡنُ فِي قَوۡمِهِۦ قَالَ يَٰقَوۡمِ أَلَيۡسَ لِي مُلۡكُ مِصۡرَ وَهَٰذِهِ ٱلۡأَنۡهَٰرُ تَجۡرِي مِن تَحۡتِيٓۚ أَفَلَا تُبۡصِرُونَ
Nanawagan si Paraon sa mga tao niya, na nagsasabi sa pagyayabang sa kaharian niya: "O mga tao ko, hindi ba sa akin ang paghahari sa Ehipto habang ang mga ilog na ito na Nilo ay dumadaloy mula sa ilalim ng mga palasyo ko? Kaya hindi ba kayo nakakikita sa kaharian ko at nakakikilala sa kadakilaan ko?
ಅರಬ್ಬಿ ವ್ಯಾಖ್ಯಾನಗಳು:
أَمۡ أَنَا۠ خَيۡرٞ مِّنۡ هَٰذَا ٱلَّذِي هُوَ مَهِينٞ وَلَا يَكَادُ يُبِينُ
Saka ako ay higit na mabuti kaysa kay Moises, ang itinaboy, ang mahina, na hindi humuhusay sa pagsasalita?
ಅರಬ್ಬಿ ವ್ಯಾಖ್ಯಾನಗಳು:
فَلَوۡلَآ أُلۡقِيَ عَلَيۡهِ أَسۡوِرَةٞ مِّن ذَهَبٍ أَوۡ جَآءَ مَعَهُ ٱلۡمَلَٰٓئِكَةُ مُقۡتَرِنِينَ
Kaya bakit kaya hindi nag-ukol si Allāh, na nagsugo sa kanya, ng mga pulseras na ginto sa kanya para sa paglilinaw na siya ay sugo ni Allāh, o dumating kasama sa kanya ang mga anghel na nagsusunuran sa isa't isa?"
ಅರಬ್ಬಿ ವ್ಯಾಖ್ಯಾನಗಳು:
فَٱسۡتَخَفَّ قَوۡمَهُۥ فَأَطَاعُوهُۚ إِنَّهُمۡ كَانُواْ قَوۡمٗا فَٰسِقِينَ
Kaya nag-udyok si Paraon sa mga tao niya saka tumalima naman sila sa pagkaligaw niya. Tunay na sila ay dating mga taong lumalabas sa pagtalima kay Allāh.
ಅರಬ್ಬಿ ವ್ಯಾಖ್ಯಾನಗಳು:
فَلَمَّآ ءَاسَفُونَا ٱنتَقَمۡنَا مِنۡهُمۡ فَأَغۡرَقۡنَٰهُمۡ أَجۡمَعِينَ
Kaya noong nagpagalit sila sa Amin dahil sa pagpapatuloy nila sa kawalang-pananampalataya, naghiganti Kami sa kanila saka lumunod Kami sa kanila sa kabuuan nila.
ಅರಬ್ಬಿ ವ್ಯಾಖ್ಯಾನಗಳು:
فَجَعَلۡنَٰهُمۡ سَلَفٗا وَمَثَلٗا لِّلۡأٓخِرِينَ
Kaya gumawa Kami kay Paraon at sa konseho na pang-una na mangunguna sa baka para sa mga tao at mga tagatangging sumampalataya sa mga tao mo para sa kanila. Gumawa Kami sa kanila ng isang maisasaalang-alang para sa sinumang magsasaalang-alang upang hindi siya gumawa ng gawain nila saka dadapo sa kanya ang dumapo sa kanila.
ಅರಬ್ಬಿ ವ್ಯಾಖ್ಯಾನಗಳು:
۞ وَلَمَّا ضُرِبَ ٱبۡنُ مَرۡيَمَ مَثَلًا إِذَا قَوۡمُكَ مِنۡهُ يَصِدُّونَ
Noong nag-akala ang mga tagapagtambal na si Hesus na sinamba ng mga Kristiyano ay napaloloob sa kalahatan ng sabi ni Allāh – pagkataas-taas Siya – (Qur'ān 21:98): "Tunay na kayo at ang sinasamba ninyo bukod pa kay Allāh ay mga panggatong ng Impiyerno; kayo doon ay mga sasapit." samantalang sumaway na si Allāh laban sa pagsamba kay Hesus gaya ng pagsaway Niya laban sa pagsamba sa mga anito, biglang ang mga tao mo, O Sugo, ay nag-iingay at sumisigaw sa pag-aalitan habang mga nagsasabi: "Nalugod kami na ang mga diyos namin ay maging nasa antas ni Hesus." Kaya nagpababa si Allāh ng isang tugon sa kanila (Qur'ān 21:101): "Tunay na ang mga nauna, ukol sa kanila mula sa Amin ang pinakamaganda; ang mga iyon buhat doon ay mga pinalayo."
ಅರಬ್ಬಿ ವ್ಯಾಖ್ಯಾನಗಳು:
وَقَالُوٓاْ ءَأَٰلِهَتُنَا خَيۡرٌ أَمۡ هُوَۚ مَا ضَرَبُوهُ لَكَ إِلَّا جَدَلَۢاۚ بَلۡ هُمۡ قَوۡمٌ خَصِمُونَ
Nagsabi sila: "Ang mga sinasamba namin ba ay higit na mabuti o si Jesus?" Hindi naglahad para sa iyo ang Anak ni Az-Ziba`rā at ang mga tulad nito ng paghahalintulad na ito bilang pagkaibig sa pag-abot sa katotohanan, subalit bilang pagkaibig sa pakikipagtalo sapagkat sila ay mga taong naisakalikasan sa pakikipag-alitan.
ಅರಬ್ಬಿ ವ್ಯಾಖ್ಯಾನಗಳು:
إِنۡ هُوَ إِلَّا عَبۡدٌ أَنۡعَمۡنَا عَلَيۡهِ وَجَعَلۡنَٰهُ مَثَلٗا لِّبَنِيٓ إِسۡرَٰٓءِيلَ
Walang iba si Jesus na anak ni Maria kundi isang lingkod kabilang sa mga lingkod ni Allāh, na biniyayaan ng pagkapropeta at pagkasugo. Gumawa si Allāh sa kanya bilang paghahalimbawa para sa mga anak ni Israel, na ipinapampatunay nila sa kakayahan ni Allāh nang lumikha Siya kay Jesus nang walang ama gaya ng pagkalikha kay Adan nang walang mga magulang.
ಅರಬ್ಬಿ ವ್ಯಾಖ್ಯಾನಗಳು:
وَلَوۡ نَشَآءُ لَجَعَلۡنَا مِنكُم مَّلَٰٓئِكَةٗ فِي ٱلۡأَرۡضِ يَخۡلُفُونَ
Kung sakaling loloobin Namin ang pagpapahamak sa inyo, O mga anak ni Adan, ay talaga sanang nagpahamak Kami sa inyo at gumawa Kami kapalit ninyo ng mga anghel na hahalili sa inyo sa lupa, na sasamba kay Allāh, na hindi magtatambal sa Kanya ng anuman.
ಅರಬ್ಬಿ ವ್ಯಾಖ್ಯಾನಗಳು:
ಈ ಪುಟದಲ್ಲಿರುವ ಶ್ಲೋಕಗಳ ಉಪಯೋಗಗಳು:
• نَكْث العهود من صفات الكفار.
Ang pagsira sa mga kasunduan ay kabilang sa mga katangian ng mga tagatangging sumampalataya.

• الفاسق خفيف العقل يستخفّه من أراد استخفافه.
Ang suwail ay mahina ang pag-iisip, na nagmamaliit sa sinumang nagnais siyang magmaliit.

• غضب الله يوجب الخسران.
Ang galit ni Allāh ay nag-oobliga ng pagkalugi.

• أهل الضلال يسعون إلى تحريف دلالات النص القرآني حسب أهوائهم.
Ang mga alagad ng pagkaligaw ay nagpupunyagi sa paglilihis ng mga katunayan ng tekstong pang-Qur'ān alinsunod sa mga pithaya nila.

وَإِنَّهُۥ لَعِلۡمٞ لِّلسَّاعَةِ فَلَا تَمۡتَرُنَّ بِهَا وَٱتَّبِعُونِۚ هَٰذَا صِرَٰطٞ مُّسۡتَقِيمٞ
Tunay na si Jesus ay talagang isang palatandaan kabilang sa mga palatandaan ng Malaking Huling Sandali kapag bumaba siya sa wakas ng panahon kaya huwag kayong magduda na ang Huling Sandali ay magaganap, at sumunod kayo sa akin sa inihatid ko sa inyo mula sa ganang kay Allāh. Itong inihatid ko sa inyo ay ang daang tuwid na walang kabaluktutan dito.
ಅರಬ್ಬಿ ವ್ಯಾಖ್ಯಾನಗಳು:
وَلَا يَصُدَّنَّكُمُ ٱلشَّيۡطَٰنُۖ إِنَّهُۥ لَكُمۡ عَدُوّٞ مُّبِينٞ
Huwag ngang magpapalihis sa inyo ang demonyo palayo sa landasing tuwid sa pamamagitan ng pagpapalisya niya at pag-uudyok niya; tunay na siya para sa inyo ay isang kaaway na malinaw ang pangangaway.
ಅರಬ್ಬಿ ವ್ಯಾಖ್ಯಾನಗಳು:
وَلَمَّا جَآءَ عِيسَىٰ بِٱلۡبَيِّنَٰتِ قَالَ قَدۡ جِئۡتُكُم بِٱلۡحِكۡمَةِ وَلِأُبَيِّنَ لَكُم بَعۡضَ ٱلَّذِي تَخۡتَلِفُونَ فِيهِۖ فَٱتَّقُواْ ٱللَّهَ وَأَطِيعُونِ
Noong naghatid si Jesus – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – sa mga kababayan niya ng mga patunay na maliwanag na siya ay sugo, nagsabi siya sa kanila: "Naghatid nga ako sa inyo mula sa ganang kay Allāh ng karunungan at upang magpaliwanag ako para sa inyo ng ilan sa nagkakaiba-iba kayo hinggil doon kabilang sa mga nauukol sa relihiyon ninyo. Kaya mangilag kayong magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya, at tumalima kayo sa akin kaugnay sa ipinag-uutos Ko sa inyo at sinasaway Ko sa inyo.
ಅರಬ್ಬಿ ವ್ಯಾಖ್ಯಾನಗಳು:
إِنَّ ٱللَّهَ هُوَ رَبِّي وَرَبُّكُمۡ فَٱعۡبُدُوهُۚ هَٰذَا صِرَٰطٞ مُّسۡتَقِيمٞ
Tunay na si Allāh ay Panginoon ko at Panginoon ninyo – walang Panginoon ukol sa atin na iba pa sa Kanya – kaya magpakawagas kayo para sa Kanya lamang sa pagsamba. Ang paniniwala sa kaisahan Niyang ito ay ang daang tuwid na walang kabaluktutan dito."
ಅರಬ್ಬಿ ವ್ಯಾಖ್ಯಾನಗಳು:
فَٱخۡتَلَفَ ٱلۡأَحۡزَابُ مِنۢ بَيۡنِهِمۡۖ فَوَيۡلٞ لِّلَّذِينَ ظَلَمُواْ مِنۡ عَذَابِ يَوۡمٍ أَلِيمٍ
Ngunit nagkaiba-iba ang mga pangkatin ng mga Kristiyano hinggil sa pumapatungkol kay Jesus. Mayroon sa kanila na nagsasabing siya ay diyos at nagsasabing siya ay anak ng Diyos. Mayroon sa kanila na nagsasabing siya at ang ina niya ay mga diyos. Kaya kapighatian ay ukol sa mga lumabag sa katarungan sa mga sarili nila – dahil sa paglalarawan nila kay Jesus ng pagkadiyos o pagkapropeta o na siya ay isa sa tatlong persona – mula sa isang pagdurusang nakasasakit na naghihintay sa kanila sa Araw ng Pagbangon.
ಅರಬ್ಬಿ ವ್ಯಾಖ್ಯಾನಗಳು:
هَلۡ يَنظُرُونَ إِلَّا ٱلسَّاعَةَ أَن تَأۡتِيَهُم بَغۡتَةٗ وَهُمۡ لَا يَشۡعُرُونَ
Naghihintay kaya ang mga lapiang nagkakaiba-ibang ito hinggil sa pumapatungkol kay Jesus maliban ng Huling Sandali, na sumapit ito sa kanila nang biglaan habang sila ay hindi nakadarama ng pagsapit nito? Kaya kung dumating ito sa kanila habang sila ay nasa kawalang-pananampalataya nila, tunay na ang kahahantungan nila ay ang pagdurusang nakasasakit.
ಅರಬ್ಬಿ ವ್ಯಾಖ್ಯಾನಗಳು:
ٱلۡأَخِلَّآءُ يَوۡمَئِذِۭ بَعۡضُهُمۡ لِبَعۡضٍ عَدُوٌّ إِلَّا ٱلۡمُتَّقِينَ
Ang mga magkakatoto at ang mga magkakaibigan sa kawalang-pananampalataya at pagkaligaw, ang ilan sa kanila para sa iba pa mga magkaaway sa Araw ng Pagbangon, maliban sa mga tagapangilag sa pagkakasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya sapagkat ang pagkakaibigan nila ay palagi, hindi napuputol.
ಅರಬ್ಬಿ ವ್ಯಾಖ್ಯಾನಗಳು:
يَٰعِبَادِ لَا خَوۡفٌ عَلَيۡكُمُ ٱلۡيَوۡمَ وَلَآ أَنتُمۡ تَحۡزَنُونَ
Magsasabi sa kanila si Allāh: "O mga lingkod Ko, walang pangamba sa inyo sa Araw na ito sa anumang kahaharapin ninyo at kayo ay hindi malulungkot sa nakaalpas sa inyo na mga bahagi sa Mundo."
ಅರಬ್ಬಿ ವ್ಯಾಖ್ಯಾನಗಳು:
ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ بِـَٔايَٰتِنَا وَكَانُواْ مُسۡلِمِينَ
[Sila ay] ang mga sumampalataya sa Qur'ān na pinababa sa Sugo sa kanila at sila noon ay mga nagpapaakay sa Qur'ān, sumusunod sa mga ipinag-uutos nito, at umiiwas sa mga sinasaway nito.
ಅರಬ್ಬಿ ವ್ಯಾಖ್ಯಾನಗಳು:
ٱدۡخُلُواْ ٱلۡجَنَّةَ أَنتُمۡ وَأَزۡوَٰجُكُمۡ تُحۡبَرُونَ
Pumasok kayo sa Paraiso habang kayo at ang mga tulad ninyo sa pananampalataya ay pinatutuwa dahil sa daranasin ninyo na kaginhawahang mananatili na hindi mauubos at hindi mapuputol.
ಅರಬ್ಬಿ ವ್ಯಾಖ್ಯಾನಗಳು:
يُطَافُ عَلَيۡهِم بِصِحَافٖ مِّن ذَهَبٖ وَأَكۡوَابٖۖ وَفِيهَا مَا تَشۡتَهِيهِ ٱلۡأَنفُسُ وَتَلَذُّ ٱلۡأَعۡيُنُۖ وَأَنتُمۡ فِيهَا خَٰلِدُونَ
Magpapalibot sa kanila ang mga tagapaglingkod nila ng mga lalagyang yari sa ginto at ng mga basong walang hawakan. Nasa paraiso ang ninanasa ng mga sarili at minamasarap ng mga mata na makita, habang kayo roon ay mga mamamalagi; hindi kayo lalabas mula roon magpakailanman.
ಅರಬ್ಬಿ ವ್ಯಾಖ್ಯಾನಗಳು:
وَتِلۡكَ ٱلۡجَنَّةُ ٱلَّتِيٓ أُورِثۡتُمُوهَا بِمَا كُنتُمۡ تَعۡمَلُونَ
Ang Harding iyon na inilarawan sa inyo ay ang ipinamana ni Allāh sa inyo dahil sa mga gawa ninyo bilang kabutihang-loob mula sa Kanya.
ಅರಬ್ಬಿ ವ್ಯಾಖ್ಯಾನಗಳು:
لَكُمۡ فِيهَا فَٰكِهَةٞ كَثِيرَةٞ مِّنۡهَا تَأۡكُلُونَ
Para sa inyo roon ay bungang-kahoy na marami, na hindi mauubos, at mula sa mga ito ay kakain kayo.
ಅರಬ್ಬಿ ವ್ಯಾಖ್ಯಾನಗಳು:
ಈ ಪುಟದಲ್ಲಿರುವ ಶ್ಲೋಕಗಳ ಉಪಯೋಗಗಳು:
• نزول عيسى من علامات الساعة الكبرى.
Ang pagbaba ni Jesus ay kabilang sa mga palatandaan ng Malaking Huling Sandali.

• انقطاع خُلَّة الفساق يوم القيامة، ودوام خُلَّة المتقين.
Ang pagkaputol ng pagkakaibigan ng mga suwail sa Araw ng Pagbangon at ang pamamalagi ng pagkakaibigan ng mga tagapangilag sa pagkakasala.

• بشارة الله للمؤمنين وتطمينه لهم عما خلفوا وراءهم من الدنيا وعما يستقبلونه في الآخرة.
Ang pagbabalita ng nakagagalak ni Allāh para sa mga mananampalataya, at ang pagpapakalma Niya sa kanila tungkol sa naiwan nila sa likuran nila sa Mundo at tungkol sa kahaharapin nila sa Kabilang-buhay.

إِنَّ ٱلۡمُجۡرِمِينَ فِي عَذَابِ جَهَنَّمَ خَٰلِدُونَ
Tunay na ang mga salarin dahil sa kawalang-pananampalataya at mga pagsuway, sa pagdurusa sa Impiyerno sa Araw ng Pagbangon, ay mga mamamalagi roon magpakailanman.
ಅರಬ್ಬಿ ವ್ಯಾಖ್ಯಾನಗಳು:
لَا يُفَتَّرُ عَنۡهُمۡ وَهُمۡ فِيهِ مُبۡلِسُونَ
Hindi pagagaanin para sa kanila ang pagdurusa, habang sila roon ay mga nawawalan ng pag-asa sa awa ni Allāh.
ಅರಬ್ಬಿ ವ್ಯಾಖ್ಯಾನಗಳು:
وَمَا ظَلَمۡنَٰهُمۡ وَلَٰكِن كَانُواْ هُمُ ٱلظَّٰلِمِينَ
Hindi Kami lumabag sa katarungan sa kanila kapag magpapasok Kami sa kanila sa Apoy, subalit sila dati ay ang mga tagalabag sa katarungan sa mga sarili nila dahil sa kawalang-pananampalataya.
ಅರಬ್ಬಿ ವ್ಯಾಖ್ಯಾನಗಳು:
وَنَادَوۡاْ يَٰمَٰلِكُ لِيَقۡضِ عَلَيۡنَا رَبُّكَۖ قَالَ إِنَّكُم مَّٰكِثُونَ
Mananawagan sila sa tagatanod ng Apoy, kay Anghel Mālik, na mga nagsasabi: "O Mālik, magbigay-kamatayan sa amin ang Panginoon mo para makapagpahinga kami sa pagdurusa." Kaya sasagot sa kanila si Mālik sa pamamagitan ng sabi niya: "Tunay na kayo ay mga mamamalagi sa pagdurusa palagi, habang hindi mamamatay at hindi napuputol sa inyo ang pagdurusa."
ಅರಬ್ಬಿ ವ್ಯಾಖ್ಯಾನಗಳು:
لَقَدۡ جِئۡنَٰكُم بِٱلۡحَقِّ وَلَٰكِنَّ أَكۡثَرَكُمۡ لِلۡحَقِّ كَٰرِهُونَ
Talaga ngang naghatid Kami sa inyo sa Mundo ng katotohanang walang mapag-aalinlanganan doon, subalit ang karamihan sa inyo sa katotohanan ay mga nasusuklam.
ಅರಬ್ಬಿ ವ್ಯಾಖ್ಯಾನಗಳು:
أَمۡ أَبۡرَمُوٓاْ أَمۡرٗا فَإِنَّا مُبۡرِمُونَ
Ngunit kung nanlansi sila sa Propeta – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – at naghanda sila para sa kanya ng isang pakana, tunay na Kami ay tagapatatag para sa kanila ng isang panukalang hihigit sa pakana nila.
ಅರಬ್ಬಿ ವ್ಯಾಖ್ಯಾನಗಳು:
أَمۡ يَحۡسَبُونَ أَنَّا لَا نَسۡمَعُ سِرَّهُمۡ وَنَجۡوَىٰهُمۚ بَلَىٰ وَرُسُلُنَا لَدَيۡهِمۡ يَكۡتُبُونَ
O nagpapalagay sila na tunay na Kami ay hindi nakaririnig ng lihim nila na ikinukubli nila sa mga puso nila o ng lihim nilang nagtatalakayan sila hinggil dito nang pakubli. Bagkus tunay na Kami ay nakaririnig niyon sa kabuuan niyon, at ang mga anghel sa piling nila ay nagtatala ng bawat ginagawa nila.
ಅರಬ್ಬಿ ವ್ಯಾಖ್ಯಾನಗಳು:
قُلۡ إِن كَانَ لِلرَّحۡمَٰنِ وَلَدٞ فَأَنَا۠ أَوَّلُ ٱلۡعَٰبِدِينَ
Sabihin mo, O Sugo, sa mga nag-uugnay ng mga babaing anak kay Allāh – pagkataas-taas ni Allāh sa sabi nila ayon sa kataasang malaki: "Hindi nagkaroon si Allāh ng anak. Nagpakawalang-kaugnayan Siya roon at nagpakabanal, saka ako ay ang una sa mga tagasamba kay Allāh – pagkataas-taas Siya – na mga nawawalang-kaugnayan [niyon] sa Kanya."
ಅರಬ್ಬಿ ವ್ಯಾಖ್ಯಾನಗಳು:
سُبۡحَٰنَ رَبِّ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ رَبِّ ٱلۡعَرۡشِ عَمَّا يَصِفُونَ
Nagpawalang-kaugnayan ang Panginoon ng mga langit at lupa at ang Panginoon ng Trono tungkol sa sinasabi ng mga tagapagtambal na ito na pag-uugnay ng katambal, asawa, at anak sa Kanya.
ಅರಬ್ಬಿ ವ್ಯಾಖ್ಯಾನಗಳು:
فَذَرۡهُمۡ يَخُوضُواْ وَيَلۡعَبُواْ حَتَّىٰ يُلَٰقُواْ يَوۡمَهُمُ ٱلَّذِي يُوعَدُونَ
Kaya iwan mo sila, O Sugo, na mag-usap hinggil sa taglay nila na kabulaanan at maglaro hanggang sa makipagkita sila sa araw nilang ipinangangako sa kanila, ang Araw ng Pagbangon.
ಅರಬ್ಬಿ ವ್ಯಾಖ್ಯಾನಗಳು:
وَهُوَ ٱلَّذِي فِي ٱلسَّمَآءِ إِلَٰهٞ وَفِي ٱلۡأَرۡضِ إِلَٰهٞۚ وَهُوَ ٱلۡحَكِيمُ ٱلۡعَلِيمُ
Siya – kaluwalhatian sa Kanya – ay ang sinasamba sa langit ayon sa karapatan at Siya ay ang sinasamba sa lupa ayon sa karapatan. Siya ay ang Marunong sa paglikha Niya, pagtatakda Niya, at pangangasiwa Niya; ang Maalam sa mga kalagayan ng mga lingkod Niya: walang nakakukubli sa Kanya mula sa mga iyon na anuman.
ಅರಬ್ಬಿ ವ್ಯಾಖ್ಯಾನಗಳು:
وَتَبَارَكَ ٱلَّذِي لَهُۥ مُلۡكُ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ وَمَا بَيۡنَهُمَا وَعِندَهُۥ عِلۡمُ ٱلسَّاعَةِ وَإِلَيۡهِ تُرۡجَعُونَ
Nagkadagdagan ang kabutihan ni Allāh at ang pagpapala Niya – kaluwalhatian sa Kanya – na ukol sa Kanya lamang ang paghahari sa mga langit, ang paghahari sa lupa, at ang paghahari sa anumang nasa pagitan ng mga ito. Nasa Kanya lamang ang kaalaman sa Huling Sandali kung kailan sasapit ang Pagbangon, na walang nakaaalam dito na iba pa sa Kanya. Tungo sa Kanya lamang pababalikin kayo sa Kabilang-buhay para sa pagtutuos at pagganti.
ಅರಬ್ಬಿ ವ್ಯಾಖ್ಯಾನಗಳು:
وَلَا يَمۡلِكُ ٱلَّذِينَ يَدۡعُونَ مِن دُونِهِ ٱلشَّفَٰعَةَ إِلَّا مَن شَهِدَ بِٱلۡحَقِّ وَهُمۡ يَعۡلَمُونَ
Hindi nakapagdudulot ang mga sinasamba ng mga tagapagtambal bukod pa kay Allāh ng pamamagitan sa piling ni Allāh maliban sa mga sumaksi na walang Diyos kundi si Allāh samantalang siya ay nakaaalam sa sinaksihan niya, tulad ni Jesus, ni Ezra, at ng mga anghel.
ಅರಬ್ಬಿ ವ್ಯಾಖ್ಯಾನಗಳು:
وَلَئِن سَأَلۡتَهُم مَّنۡ خَلَقَهُمۡ لَيَقُولُنَّ ٱللَّهُۖ فَأَنَّىٰ يُؤۡفَكُونَ
Talagang kung nagtanong ka sa kanila kung sino ang lumikha sa kanila ay talagang magsasabi nga sila: "Lumikha sa amin si Allāh." Kaya papaanong nalilihis sila sa pagsamba sa Kanya matapos ng pag-aming ito?
ಅರಬ್ಬಿ ವ್ಯಾಖ್ಯಾನಗಳು:
وَقِيلِهِۦ يَٰرَبِّ إِنَّ هَٰٓؤُلَآءِ قَوۡمٞ لَّا يُؤۡمِنُونَ
Nasa Kanya – kaluwalhatian sa Kanya – ang kaalaman sa hinaing ng Sugo Niya na pagpapasinungaling ng mga kababayan niya. Ang sabi niya hinggil doon: "O Panginoon ko, tunay na ang mga ito ay mga taong hindi sumasampalataya sa ipinasugo Mo sa akin sa kanila."
ಅರಬ್ಬಿ ವ್ಯಾಖ್ಯಾನಗಳು:
فَٱصۡفَحۡ عَنۡهُمۡ وَقُلۡ سَلَٰمٞۚ فَسَوۡفَ يَعۡلَمُونَ
Kaya umayaw ka sa kanila at magsabi ka sa kanila ng magtutulak sa kasamaan nila – ito noon ay sa Makkah – sapagkat malalaman nila ang daranasin nila na parusa.
ಅರಬ್ಬಿ ವ್ಯಾಖ್ಯಾನಗಳು:
ಈ ಪುಟದಲ್ಲಿರುವ ಶ್ಲೋಕಗಳ ಉಪಯೋಗಗಳು:
• كراهة الحق خطر عظيم.
Ang pagkasuklam sa katotohanan ay isang panganib na mabigat.

• مكر الكافرين يعود عليهم ولو بعد حين.
Ang panlalansi ng mga tagatangging sumampalataya ay nanunumbalik sa kanila, kahit pa man matapos ng isang panahon.

• كلما ازداد علم العبد بربه، ازداد ثقة بربه وتسليمًا لشرعه.
Sa tuwing nadaragdagan ang kaalaman ng tao hinggil sa Panginoon niya, nadaragdagan siya ng tiwala sa Panginoon niya at pagpapasakop sa batas Niya.

• اختصاص الله بعلم وقت الساعة.
Ang pamumukod ni Allāh hinggil sa kaalaman sa oras ng Huling Sandali.

 
ಅರ್ಥಗಳ ಅನುವಾದ ಅಧ್ಯಾಯ: ಸೂರ ಅಝ್ಝುಖ್ರುಫ್
ಅಧ್ಯಾಯಗಳ ವಿಷಯಸೂಚಿ ಪುಟ ಸಂಖ್ಯೆ
 
ಪವಿತ್ರ ಕುರ್‌ಆನ್ ಅರ್ಥಾನುವಾದ - ಅಲ್-ಮುಖ್ತಸರ್ ಫಿ ತಫ್ಸೀರಿಲ್ ಕುರ್‌ಆನಿಲ್ ಕರೀಮ್ - ಫಿಲಿಪ್ಪಿನಿಯನ್ (ಟ್ಯಾಗಲಾಗ್) ಅನುವಾದ - ಅನುವಾದಗಳ ವಿಷಯಸೂಚಿ

ಅಲ್-ಮುಖ್ತಸರ್ ಫಿ ತಫ್ಸೀರಿಲ್ ಕುರ್‌ಆನಿಲ್ ಕರೀಮ್ - ಫಿಲಿಪ್ಪಿನಿಯನ್ (ಟ್ಯಾಗಲಾಗ್) ಅನುವಾದ - ಕುರ್‌ಆನ್ ತಫ್ಸೀರ್ ಸ್ಟಡಿ ಸೆಂಟರ್

ಮುಚ್ಚಿ