ಪವಿತ್ರ ಕುರ್‌ಆನ್ ಅರ್ಥಾನುವಾದ - ಅಲ್-ಮುಖ್ತಸರ್ ಫಿ ತಫ್ಸೀರಿಲ್ ಕುರ್‌ಆನಿಲ್ ಕರೀಮ್ - ಫಿಲಿಪ್ಪಿನಿಯನ್ (ಟ್ಯಾಗಲಾಗ್) ಅನುವಾದ * - ಅನುವಾದಗಳ ವಿಷಯಸೂಚಿ


ಅರ್ಥಗಳ ಅನುವಾದ ಶ್ಲೋಕ: (89) ಅಧ್ಯಾಯ: ಸೂರ ಅಲ್ -ಮಾಇದ
لَا يُؤَاخِذُكُمُ ٱللَّهُ بِٱللَّغۡوِ فِيٓ أَيۡمَٰنِكُمۡ وَلَٰكِن يُؤَاخِذُكُم بِمَا عَقَّدتُّمُ ٱلۡأَيۡمَٰنَۖ فَكَفَّٰرَتُهُۥٓ إِطۡعَامُ عَشَرَةِ مَسَٰكِينَ مِنۡ أَوۡسَطِ مَا تُطۡعِمُونَ أَهۡلِيكُمۡ أَوۡ كِسۡوَتُهُمۡ أَوۡ تَحۡرِيرُ رَقَبَةٖۖ فَمَن لَّمۡ يَجِدۡ فَصِيَامُ ثَلَٰثَةِ أَيَّامٖۚ ذَٰلِكَ كَفَّٰرَةُ أَيۡمَٰنِكُمۡ إِذَا حَلَفۡتُمۡۚ وَٱحۡفَظُوٓاْ أَيۡمَٰنَكُمۡۚ كَذَٰلِكَ يُبَيِّنُ ٱللَّهُ لَكُمۡ ءَايَٰتِهِۦ لَعَلَّكُمۡ تَشۡكُرُونَ
Hindi magtutuos sa inyo si Allāh, O mga mananampalataya, sa nangyayari sa mga dila ninyo na panunumpa nang hindi sadyaan. Magtutuos lamang Siya sa inyo dahil sa [panunumpang] nagpasya kayo niyon, nagbigkis kayo sa mga puso [ninyo] roon, at nagsinungaling kayo [matapos ng panunumpa]. Kaya papawi Siya sa inyo ng kasalanan ng pinagpasyahan ninyo na mga panunumpa at binigkas ninyo nang nagsinungaling kayo. [Ang panakip-sala ay] isa sa tatlong bagay ayon sa pipiliin: ang pagpapakain sa sampung dukha ng katamtaman sa pagkain ng mga naninirahan sa bayan ninyo: para sa bawat dukha ay kalahating Sā`, o ang pagpapadamit sa kanila ng itinuturing sa kaugalian bilang damit, o ang pagpapalaya sa isang aliping mananampalataya. Ngunit kapag hindi nakatagpo ang nagtatakip-sala sa panunumpa niya ng isa sa tatlong bagay na ito, magtatakip-sala siya rito sa pamamagitan ng pag-aayuno nang tatlong araw. Ang nabanggit na iyon ay panakip-sala sa mga panunumpa ninyo, O mga mananampalataya, kapag nanumpa kayo kay Allāh at nagsinungaling kayo [matapos ng panunumpa]. Mangalaga kayo sa mga panunumpa ninyo laban sa pagsumpa kay Allāh nang pasinungaling, laban sa kadalasan ng panunumpa kay Allāh, at laban sa kawalan ng pagtupad sa panunumpa hanggat ang kawalan ng pagtupad ay hindi mabuti. Kaya gumawa kayo ng kabutihan at magtakip-sala kayo sa mga panunumpa ninyo gaya ng nilinaw ni Allāh sa inyo na panakip-sala sa mga [sinirang] panunumpa. Naglilinaw si Allāh para sa inyo ng mga kahatulan Niyang tagapaglinaw sa ipinahihintulot at ipinagbabawal, nang sa gayon kayo ay magpapasalamat kay Allāh dahil nagturo Siya sa inyo ng hindi ninyo dati nalalaman.
ಅರಬ್ಬಿ ವ್ಯಾಖ್ಯಾನಗಳು:
ಈ ಪುಟದಲ್ಲಿರುವ ಶ್ಲೋಕಗಳ ಉಪಯೋಗಗಳು:
• الأمر بتوخي الطيب من الأرزاق وترك الخبيث.
Ang pag-uutos sa paglalayon ng kaaya-aya sa mga panustos at pag-iwan sa karima-rimarin.

• عدم المؤاخذة على الحلف عن غير عزم للقلب، والمؤاخذة على ما كان عن عزم القلب ليفعلنّ أو لا يفعلنّ.
Ang kawalan ng paninisi sa panunumpang dala ng hindi pagpapasya ng puso at ang paninisi sa anumang buhat sa pagpapasya ng puso na talagang gagawin nga o hindi nga gagawin.

• بيان أن كفارة اليمين: إطعام عشرة مساكين، أو كسوتهم، أو عتق رقبة مؤمنة، فإذا لم يستطع المكفِّر عن يمينه الإتيان بواحد من الأمور السابقة، فليكفِّر عن يمينه بصيام ثلاثة أيام.
Ang paglilinaw na ang panakip-sala sa panunumpa ay ang pagpapakain ng sampung dukha o ang pagpapadamit sa kanila o ang pagpapalaya ng isang aliping mananampalataya, ngunit kapag hindi nakakaya ang nagtatakip-sala sa panunumpa niya sa pagsasagawa sa iisa man sa mga naunang gawain ay magtakip-sala siya sa panunumpa niya sa pamamagitan ng pag-ayuno nang tatlong araw.

• قوله تعالى: ﴿... إنَّمَا الْخَمْرُ ...﴾ هي آخر آية نزلت في الخمر، وهي نص في تحريمه.
Ang sabi Niya – pagkataas-taas Siya: "...ang alak..." ay ang kahuli-hulihang talatang bumaba kaugnay sa alak. Ito ay isang teksto sa pagbabawal nito.

 
ಅರ್ಥಗಳ ಅನುವಾದ ಶ್ಲೋಕ: (89) ಅಧ್ಯಾಯ: ಸೂರ ಅಲ್ -ಮಾಇದ
ಅಧ್ಯಾಯಗಳ ವಿಷಯಸೂಚಿ ಪುಟ ಸಂಖ್ಯೆ
 
ಪವಿತ್ರ ಕುರ್‌ಆನ್ ಅರ್ಥಾನುವಾದ - ಅಲ್-ಮುಖ್ತಸರ್ ಫಿ ತಫ್ಸೀರಿಲ್ ಕುರ್‌ಆನಿಲ್ ಕರೀಮ್ - ಫಿಲಿಪ್ಪಿನಿಯನ್ (ಟ್ಯಾಗಲಾಗ್) ಅನುವಾದ - ಅನುವಾದಗಳ ವಿಷಯಸೂಚಿ

ಅಲ್-ಮುಖ್ತಸರ್ ಫಿ ತಫ್ಸೀರಿಲ್ ಕುರ್‌ಆನಿಲ್ ಕರೀಮ್ - ಫಿಲಿಪ್ಪಿನಿಯನ್ (ಟ್ಯಾಗಲಾಗ್) ಅನುವಾದ - ಕುರ್‌ಆನ್ ತಫ್ಸೀರ್ ಸ್ಟಡಿ ಸೆಂಟರ್

ಮುಚ್ಚಿ