ಪವಿತ್ರ ಕುರ್‌ಆನ್ ಅರ್ಥಾನುವಾದ - ಅಲ್-ಮುಖ್ತಸರ್ ಫಿ ತಫ್ಸೀರಿಲ್ ಕುರ್‌ಆನಿಲ್ ಕರೀಮ್ - ಫಿಲಿಪ್ಪಿನಿಯನ್ (ಟ್ಯಾಗಲಾಗ್) ಅನುವಾದ * - ಅನುವಾದಗಳ ವಿಷಯಸೂಚಿ


ಅರ್ಥಗಳ ಅನುವಾದ ಶ್ಲೋಕ: (102) ಅಧ್ಯಾಯ: ಸೂರ ಅಲ್- ಅನ್ ಆಮ್
ذَٰلِكُمُ ٱللَّهُ رَبُّكُمۡۖ لَآ إِلَٰهَ إِلَّا هُوَۖ خَٰلِقُ كُلِّ شَيۡءٖ فَٱعۡبُدُوهُۚ وَهُوَ عَلَىٰ كُلِّ شَيۡءٖ وَكِيلٞ
Iyon, O mga tao, ang nailalarawan sa mga katangiang iyon. Siya ay Panginoon ninyo sapagkat walang Panginoon para sa inyo na iba pa sa Kanya at walang sinasamba ayon sa karapatan na iba pa sa Kanya. Siya ay tagapairal ng bawat bagay kaya sumamba kayo sa Kanya lamang sapagkat Siya ay ang karapat-dapat sa pagsamba. Siya sa bawat bagay ay Mapag-ingat.
ಅರಬ್ಬಿ ವ್ಯಾಖ್ಯಾನಗಳು:
ಈ ಪುಟದಲ್ಲಿರುವ ಶ್ಲೋಕಗಳ ಉಪಯೋಗಗಳು:
• تنزيه الله تعالى عن الظلم الذي ترسِّخُه عقيدة (الجَبْر)، وبيان أن كفر العباد وشركهم أمر يحدث باختيارهم.
Ang pagwawalang-kinalaman kay Allāh – pagkataas-taas Siya – sa kawalang-katarungang ikinikintal ng Paniniwala ng Pagpilit at ang paglilinaw na ang kawalang-pananampalataya ng mga tao at ang pagtatambal nila kay Allāh ay isang bagay na nangyayari dahil sa pagpili nila.

• ليس بمقدور نبي من الأنبياء أن يأتي بآية من عند نفسه، أو متى شاء، بل ذلك أمر مردود لله تعالى، فهو القادر وحده على ذلك، وهو الحكيم الذي يُقَدِّر نوع الآية ووقت إظهارها.
Wala sa kakayahan ng isa sa mga propeta na magdulot ng isang tanda mula sa ganang sarili niya o kapag niloob niya, bagkus iyon ay isang bagay na isinasauli kay Allāh – pagkataas-taas Siya – sapagkat Siya ay ang Nakakakaya lamang roon at Siya ay ang Marunong na nagtatakda sa uri ng tanda at oras ng paglalantad nito.

• النهي عن سب آلهة المشركين حذرًا من مفسدة أكبر وهي التعدي بالسب على جناب رب العالمين.
Ang pagsaway sa pag-alipusta sa mga diyos ng mga tagapagtambal bilang pag-iingat sa katiwaliang higit na malaki, ang paglapastangan sa pamamagitan ng pag-alipusta sa kabanalan ng Panginoon ng mga nilalang.

• قد يحول الله سبحانه وتعالى بين العبد والهداية، ويُصرِّف بصره وقلبه على غير الطاعة؛ عقوبة له على اختياره الكفر.
Maaaring humarang si Allāh – kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya – sa pagitan ng tao at ng kapatnubayan, at magbaling Siya ng paningin nito at puso nito sa hindi pagtalima bilang kaparusahan para rito sa pagpili nito sa kawalang-pananampalataya.

 
ಅರ್ಥಗಳ ಅನುವಾದ ಶ್ಲೋಕ: (102) ಅಧ್ಯಾಯ: ಸೂರ ಅಲ್- ಅನ್ ಆಮ್
ಅಧ್ಯಾಯಗಳ ವಿಷಯಸೂಚಿ ಪುಟ ಸಂಖ್ಯೆ
 
ಪವಿತ್ರ ಕುರ್‌ಆನ್ ಅರ್ಥಾನುವಾದ - ಅಲ್-ಮುಖ್ತಸರ್ ಫಿ ತಫ್ಸೀರಿಲ್ ಕುರ್‌ಆನಿಲ್ ಕರೀಮ್ - ಫಿಲಿಪ್ಪಿನಿಯನ್ (ಟ್ಯಾಗಲಾಗ್) ಅನುವಾದ - ಅನುವಾದಗಳ ವಿಷಯಸೂಚಿ

ಅಲ್-ಮುಖ್ತಸರ್ ಫಿ ತಫ್ಸೀರಿಲ್ ಕುರ್‌ಆನಿಲ್ ಕರೀಮ್ - ಫಿಲಿಪ್ಪಿನಿಯನ್ (ಟ್ಯಾಗಲಾಗ್) ಅನುವಾದ - ಕುರ್‌ಆನ್ ತಫ್ಸೀರ್ ಸ್ಟಡಿ ಸೆಂಟರ್

ಮುಚ್ಚಿ