Check out the new design

ಪವಿತ್ರ ಕುರ್‌ಆನ್ ಅರ್ಥಾನುವಾದ - ಫಿಲಿಪ್ಪಿನಿಯನ್ (ಟ್ಯಾಗಲಾಗ್) ಅನುವಾದ - ರುವ್ವಾದ್ ಭಾಷಾಂತರ ಕೇಂದ್ರ * - ಅನುವಾದಗಳ ವಿಷಯಸೂಚಿ

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

ಅರ್ಥಗಳ ಅನುವಾದ ಅಧ್ಯಾಯ: ಅನ್ನಹ್ಲ್   ಶ್ಲೋಕ:
۞ يَوۡمَ تَأۡتِي كُلُّ نَفۡسٖ تُجَٰدِلُ عَن نَّفۡسِهَا وَتُوَفَّىٰ كُلُّ نَفۡسٖ مَّا عَمِلَتۡ وَهُمۡ لَا يُظۡلَمُونَ
[Banggitin] ang araw na pupunta ang bawat kaluluwa na makikipagtalo para sa sarili nito, lulubus-lubusin ang bawat kaluluwa sa [kabayaran sa] anumang ginawa nito at sila ay hindi lalabagin sa katarungan.
ಅರಬ್ಬಿ ವ್ಯಾಖ್ಯಾನಗಳು:
وَضَرَبَ ٱللَّهُ مَثَلٗا قَرۡيَةٗ كَانَتۡ ءَامِنَةٗ مُّطۡمَئِنَّةٗ يَأۡتِيهَا رِزۡقُهَا رَغَدٗا مِّن كُلِّ مَكَانٖ فَكَفَرَتۡ بِأَنۡعُمِ ٱللَّهِ فَأَذَٰقَهَا ٱللَّهُ لِبَاسَ ٱلۡجُوعِ وَٱلۡخَوۡفِ بِمَا كَانُواْ يَصۡنَعُونَ
Naglahad si Allāh ng isang paghahalintulad na isang pamayanan na iyon dati ay matiwasay at napapanatag. Pumupunta roon ang panustos niyon nang masagana mula sa bawat pook ngunit nagkaila iyon sa mga biyaya ni Allāh kaya nagpatikim doon si Allāh ng damit ng pagkagutom at pangamba dahil sa dati nilang niyayari [na kawalang-pananampalataya].
ಅರಬ್ಬಿ ವ್ಯಾಖ್ಯಾನಗಳು:
وَلَقَدۡ جَآءَهُمۡ رَسُولٞ مِّنۡهُمۡ فَكَذَّبُوهُ فَأَخَذَهُمُ ٱلۡعَذَابُ وَهُمۡ ظَٰلِمُونَ
Talaga ngang may dumating sa kanila na isang sugong kabilang sa kanila ngunit nagpasinungaling sila sa kanya kaya dumaklot sa kanila ang pagdurusa habang sila ay mga tagalabag sa katarungan.
ಅರಬ್ಬಿ ವ್ಯಾಖ್ಯಾನಗಳು:
فَكُلُواْ مِمَّا رَزَقَكُمُ ٱللَّهُ حَلَٰلٗا طَيِّبٗا وَٱشۡكُرُواْ نِعۡمَتَ ٱللَّهِ إِن كُنتُمۡ إِيَّاهُ تَعۡبُدُونَ
Kaya kumain kayo mula sa itinustos sa inyo ni Allāh bilang ipinahihintulot na kaaya-aya at magpasalamat kayo sa biyaya ni Allāh, kung kayo ay sa Kanya sumasamba.
ಅರಬ್ಬಿ ವ್ಯಾಖ್ಯಾನಗಳು:
إِنَّمَا حَرَّمَ عَلَيۡكُمُ ٱلۡمَيۡتَةَ وَٱلدَّمَ وَلَحۡمَ ٱلۡخِنزِيرِ وَمَآ أُهِلَّ لِغَيۡرِ ٱللَّهِ بِهِۦۖ فَمَنِ ٱضۡطُرَّ غَيۡرَ بَاغٖ وَلَا عَادٖ فَإِنَّ ٱللَّهَ غَفُورٞ رَّحِيمٞ
Nagbawal lamang Siya sa inyo ng namatay,[9] dugo, laman ng baboy, at anumang inialay sa iba pa kay Allāh; ngunit ang sinumang napilitan nang hindi lumalabag ni lumalampas, tunay na ang Panginoon mo ay Mapagpatawad, Maawain.
[9] O ang karne na hayop na namatay na hindi nakatay ayon sa panuntunan ng Islam.
ಅರಬ್ಬಿ ವ್ಯಾಖ್ಯಾನಗಳು:
وَلَا تَقُولُواْ لِمَا تَصِفُ أَلۡسِنَتُكُمُ ٱلۡكَذِبَ هَٰذَا حَلَٰلٞ وَهَٰذَا حَرَامٞ لِّتَفۡتَرُواْ عَلَى ٱللَّهِ ٱلۡكَذِبَۚ إِنَّ ٱلَّذِينَ يَفۡتَرُونَ عَلَى ٱللَّهِ ٱلۡكَذِبَ لَا يُفۡلِحُونَ
Huwag kayong magsabi ukol sa anumang naglalarawan ang mga dila ninyo ng kasinungalingan: “Ito ay ipinahihintulot at ito ay ipinagbabawal,” upang gumawa-gawa kayo laban kay Allāh ng kasinungalingan. Tunay na ang mga gumagawa-gawa laban kay Allāh ng kasinungalingan ay hindi magtatagumpay.
ಅರಬ್ಬಿ ವ್ಯಾಖ್ಯಾನಗಳು:
مَتَٰعٞ قَلِيلٞ وَلَهُمۡ عَذَابٌ أَلِيمٞ
[Ukol sa kanila ay] isang natatamasang kaunti at ukol sa kanila ay isang pagdurusang masakit.
ಅರಬ್ಬಿ ವ್ಯಾಖ್ಯಾನಗಳು:
وَعَلَى ٱلَّذِينَ هَادُواْ حَرَّمۡنَا مَا قَصَصۡنَا عَلَيۡكَ مِن قَبۡلُۖ وَمَا ظَلَمۡنَٰهُمۡ وَلَٰكِن كَانُوٓاْ أَنفُسَهُمۡ يَظۡلِمُونَ
Sa mga nagpakahudyo ay nagbawal Kami ng isinalaysay Namin sa iyo bago pa niyan. Hindi Kami lumabag sa kanila sa katarungan subalit sila dati sa mga sarili nila ay lumalabag sa katarungan.
ಅರಬ್ಬಿ ವ್ಯಾಖ್ಯಾನಗಳು:
 
ಅರ್ಥಗಳ ಅನುವಾದ ಅಧ್ಯಾಯ: ಅನ್ನಹ್ಲ್
ಅಧ್ಯಾಯಗಳ ವಿಷಯಸೂಚಿ ಪುಟ ಸಂಖ್ಯೆ
 
ಪವಿತ್ರ ಕುರ್‌ಆನ್ ಅರ್ಥಾನುವಾದ - ಫಿಲಿಪ್ಪಿನಿಯನ್ (ಟ್ಯಾಗಲಾಗ್) ಅನುವಾದ - ರುವ್ವಾದ್ ಭಾಷಾಂತರ ಕೇಂದ್ರ - ಅನುವಾದಗಳ ವಿಷಯಸೂಚಿ

ರಬ್ವಾಹ್ನಲ್ಲಿರುವ ದಾವಾ ಸಂಸ್ಥೆ ಮತ್ತು ಭಾಷೆಗಳಲ್ಲಿ ಇಸ್ಲಾಮಿಕ್ ವಿಷಯವನ್ನು ಸೇವಿಸುವ ಸಂಸ್ಥೆಯ ಸಹಕಾರದೊಂದಿಗೆ ರುವ್ವಾದ್ ಅನುವಾದ ಕೇಂದ್ರದ ತಂಡದಿಂದ ಅನುವಾದಿಸಲಾಗಿದೆ.

ಮುಚ್ಚಿ