وه‌رگێڕانی ماناكانی قورئانی پیرۆز - وەرگێڕاوی فلیپینی (تگالۆگ) بۆ پوختەی تەفسیری قورئانی پیرۆز * - پێڕستی وه‌رگێڕاوه‌كان


وه‌رگێڕانی ماناكان ئایه‌تی: (30) سوره‌تی: سورەتی البقرة
وَإِذۡ قَالَ رَبُّكَ لِلۡمَلَٰٓئِكَةِ إِنِّي جَاعِلٞ فِي ٱلۡأَرۡضِ خَلِيفَةٗۖ قَالُوٓاْ أَتَجۡعَلُ فِيهَا مَن يُفۡسِدُ فِيهَا وَيَسۡفِكُ ٱلدِّمَآءَ وَنَحۡنُ نُسَبِّحُ بِحَمۡدِكَ وَنُقَدِّسُ لَكَۖ قَالَ إِنِّيٓ أَعۡلَمُ مَا لَا تَعۡلَمُونَ
Nagpapabatid si Allāh – pagkataas-taas Siya – na Siya – kaluwalhatian sa Kanya – ay nagsabi sa mga anghel na Siya ay maglalagay sa lupa ng mga mortal na hahalili sa isa't isa sa kanila para sa pagsasagawa ng paglilinang nito ayon sa pagtalima kay Allāh. Nagtanong ang mga anghel sa Panginoon nila ng tanong ng pagpapagabay at pagpapaunawa tungkol sa kasanhian ng paglalagay ng mga anak ni Adan bilang mga kahalili sa lupa gayong ang mga ito ay gagawa ng kaguluhan doon at magpapadanak ng mga dugo dala ng kawalang-katarungan, na nagsasabi: "...samantalang kami ay mga alagad ng pagtalima sa Iyo. Nagpapawalang-kapintasan kami sa Iyo habang mga nagpupuri sa Iyo, na mga nagdadakila sa kapitaganan sa Iyo at kalubusan Mo. Hindi kami nanlalamig doon." Sumagot sa kanila si Allāh tungkol sa tanong nila: "Tunay na Ako ay nakaaalam ng hindi ninyo nalalaman na mga kasanhiang maningning sa paglikha sa kanila at mga layuning dakila sa pagpapahalili sa kanila."
تەفسیرە عەرەبیەکان:
سوودەکانی ئایەتەکان لەم پەڕەیەدا:
• الواجب على المؤمن إذا خفيت عليه حكمة الله في بعض خلقه وأَمْرِهِ أن يسلِّم لله في خلقه وأَمْرِهِ.
Ang kinakailangan sa mananampalataya kapag nakubli sa kanya ang kasanhian ni Allāh sa ilan sa paglikha Niya o pag-uutos Niya ay na sumuko kay Allāh kaugnay sa paglikha Niya at pag-uutos Niya.

• رَفَعَ القرآن الكريم منزلة العلم، وجعله سببًا للتفضيل بين الخلق.
Inangat Niya ang Marangal na Qur'ān sa antas ng kaalaman at ginawa Niya ito na isang dahilan sa pagtatangi sa pagitan ng mga nilikha.

• الكِبْرُ هو رأس المعاصي، وأساس كل بلاء ينزل بالخلق، وهو أول معصية عُصِيَ الله بها.
Ang pagkamapagmalaki ay ang ulo ng mga pagsuway at ang pundasyon ng bawat pagsubok na bumababa sa nilikha. Ito ay kauna-unahan sa pagsuway na ipinangsuway kay Allāh.

 
وه‌رگێڕانی ماناكان ئایه‌تی: (30) سوره‌تی: سورەتی البقرة
پێڕستی سوره‌ته‌كان ژمارەی پەڕە
 
وه‌رگێڕانی ماناكانی قورئانی پیرۆز - وەرگێڕاوی فلیپینی (تگالۆگ) بۆ پوختەی تەفسیری قورئانی پیرۆز - پێڕستی وه‌رگێڕاوه‌كان

وەرگێڕاوی فلیپینی (تگالۆگ) بۆ پوختەی تەفسیری قورئانی پیرۆز، لە لایەن ناوەندی تەفسیر بۆ خوێندنەوە قورئانیەکان.

داخستن