Check out the new design

وه‌رگێڕانی ماناكانی قورئانی پیرۆز - وەرگێڕاوی فلیپینی (تگالۆگ) بۆ پوختەی تەفسیری قورئانی پیرۆز * - پێڕستی وه‌رگێڕاوه‌كان


وه‌رگێڕانی ماناكان سوره‌تی: العنكبوت   ئایه‌تی:
فَمَا كَانَ جَوَابَ قَوۡمِهِۦٓ إِلَّآ أَن قَالُواْ ٱقۡتُلُوهُ أَوۡ حَرِّقُوهُ فَأَنجَىٰهُ ٱللَّهُ مِنَ ٱلنَّارِۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَأٓيَٰتٖ لِّقَوۡمٖ يُؤۡمِنُونَ
Ngunit walang iba ang sagot ng mga kababayan ni Abraham sa kanya – matapos ng pag-uutos niya sa kanila na pagsamba kay Allāh lamang at pag-iwan sa pagsamba sa iba pa sa Kanya gaya ng mga anito – kundi na nagsabi sila: "Patayin ninyo siya o ihagis ninyo siya sa apoy bilang pag-aadya sa mga diyos ninyo." Ngunit iniligtas siya ni Allāh mula sa apoy. Tunay na sa pagpapaligtas sa kanya mula sa apoy matapos ng pagtapon sa kanya roon ay talagang may mga maisasaalang-alang para sa mga taong sumasampalataya dahil sila ay ang mga makikinabang sa mga maisasaalang-alang.
تەفسیرە عەرەبیەکان:
وَقَالَ إِنَّمَا ٱتَّخَذۡتُم مِّن دُونِ ٱللَّهِ أَوۡثَٰنٗا مَّوَدَّةَ بَيۡنِكُمۡ فِي ٱلۡحَيَوٰةِ ٱلدُّنۡيَاۖ ثُمَّ يَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِ يَكۡفُرُ بَعۡضُكُم بِبَعۡضٖ وَيَلۡعَنُ بَعۡضُكُم بَعۡضٗا وَمَأۡوَىٰكُمُ ٱلنَّارُ وَمَا لَكُم مِّن نَّٰصِرِينَ
Nagsabi si Abraham – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – sa mga kababayan niya: "Gumawa lamang kayo ng mga diyus-diyusan bilang mga diyos na sinasamba ninyo dahil sa pagkakakilalahan at pagmamahalan sa pagsamba sa mga ito sa buhay na pangmundo. Pagkatapos sa Araw ng Pagbangon ay mapuputol ang pagmamahalan na iyon sa pagitan ninyo sapagkat magpapawalang-kaugnayan ang ilan sa inyo sa iba sa inyo sa sandali ng pagkakita sa pagdurusa at susumpa ang ilan sa inyo sa iba. Ang titigilan ninyong kakanlungan ninyo ay ang Apoy. Walang ukol sa inyo na mga tagaadya na magsasanggalang sa inyo laban sa pagdurusang dulot ni Allāh: wala mula sa mga diyus-diyusan ninyong dati ninyong sinasamba bukod pa kay Allāh, ni wala sa iba pa sa mga iyon."
تەفسیرە عەرەبیەکان:
۞ فَـَٔامَنَ لَهُۥ لُوطٞۘ وَقَالَ إِنِّي مُهَاجِرٌ إِلَىٰ رَبِّيٓۖ إِنَّهُۥ هُوَ ٱلۡعَزِيزُ ٱلۡحَكِيمُ
Ngunit naniwala sa kanya si Lot – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan. Nagsabi si Abraham – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan: "Tunay na ako ay lilikas tungo sa Panginoon ko, tungo sa pinagpalang lupain ng Sirya. Tunay na Siya ay ang Makapangyarihan na hindi napananaigan at hindi nahahamak ang sinumang lumikas sa Kanya, ang Marunong sa pagtatakda Niya at pangangasiwa Niya."
تەفسیرە عەرەبیەکان:
وَوَهَبۡنَا لَهُۥٓ إِسۡحَٰقَ وَيَعۡقُوبَ وَجَعَلۡنَا فِي ذُرِّيَّتِهِ ٱلنُّبُوَّةَ وَٱلۡكِتَٰبَ وَءَاتَيۡنَٰهُ أَجۡرَهُۥ فِي ٱلدُّنۡيَاۖ وَإِنَّهُۥ فِي ٱلۡأٓخِرَةِ لَمِنَ ٱلصَّٰلِحِينَ
Ibinigay kay Abraham si Isaac at ang anak nitong si Jacob. Ginawa sa mga anak niya ang pagkapropeta at ang mga kasulatang ibinaba mula sa ganang kay Allāh. Ibibigay sa kanya ang gantimpala sa pagtitiis niya sa katotohanan sa Mundo sa pamamagitan ng kaayusan ng mga anak at ng pagbubunying maganda. Tunay na siya sa Kabilang-buhay ay talagang gagantihan ng ganti sa mga maayos. Hindi makababawas ang ibinigay sa kanya sa Mundo sa inihanda para sa kanya na ganting masagana sa Kabilang-buhay.
تەفسیرە عەرەبیەکان:
وَلُوطًا إِذۡ قَالَ لِقَوۡمِهِۦٓ إِنَّكُمۡ لَتَأۡتُونَ ٱلۡفَٰحِشَةَ مَا سَبَقَكُم بِهَا مِنۡ أَحَدٖ مِّنَ ٱلۡعَٰلَمِينَ
Banggitin mo, O Sugo, si Lot nang nagsabi siya sa mga kababayan niya: "Tunay na kayo ay talagang gumagawa ng pagkakasalang masagwa, habang walang nakauna sa inyo sa paggawa niyon na isa man kabilang sa mga nilalang bago ninyo, sapagkat kayo ay ang kauna-unahan sa nagpasimula sa pagkakasalang ito, na tinatanggihan ng maayos na kalikasan ng pagkalalang (fiṭrah).
تەفسیرە عەرەبیەکان:
أَئِنَّكُمۡ لَتَأۡتُونَ ٱلرِّجَالَ وَتَقۡطَعُونَ ٱلسَّبِيلَ وَتَأۡتُونَ فِي نَادِيكُمُ ٱلۡمُنكَرَۖ فَمَا كَانَ جَوَابَ قَوۡمِهِۦٓ إِلَّآ أَن قَالُواْ ٱئۡتِنَا بِعَذَابِ ٱللَّهِ إِن كُنتَ مِنَ ٱلصَّٰدِقِينَ
Tunay na kayo ba ay talagang gumagawa [ng sodomiya] sa mga lalaki sa mga likod nila para sa pagtugon sa pagnanasa ninyo, nandarambong sa daan sa mga manlalakbay kaya hindi sila nagdaraan sa inyo sa takot sa ginagawa ninyong mahalay, at gumagawa sa mga umpukan ninyo ng mga gawaing nakasasama gaya ng paghuhubad at pananakit sa sinumang dumaraan sa inyo sa salita at gawa?" Ngunit walang iba ang sagot ng mga kababayan niya sa kanya matapos ng pagsaway niya sa kanila sa paggawa ng mga nakasasama kundi na nagsabi sila sa kanya: "Magdala ka sa amin ng pagdurusang dulot ni Allāh, na ibinabanta mo sa amin, kung ikaw ay naging tapat sa pinagsasabi mo."
تەفسیرە عەرەبیەکان:
قَالَ رَبِّ ٱنصُرۡنِي عَلَى ٱلۡقَوۡمِ ٱلۡمُفۡسِدِينَ
Nagsabi si Lot – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – habang dumadalangin sa Panginoon niya matapos ng pagmamatigas ng mga kababayan niya at paghiling nila ng pagpapababa ng pagdurusa sa kanila dala ng pagmamaliit sa kanya: "Panginoon ko, iadya Mo ako laban sa mga taong tagagulo sa lupa dahil sa ipinalalaganap nila na kawalang-pananampalataya at mga pagsuway na itinuturing na pangit."
تەفسیرە عەرەبیەکان:
سوودەکانی ئایەتەکان لەم پەڕەیەدا:
• عناية الله بعباده الصالحين حيث ينجيهم من مكر أعدائهم.
Ang pagmamalasakit ni Allāh sa mga lingkod Niyang maayos yayamang nagliligtas Siya sa kanila mula sa panlalansi ng mga kaaway nila.

• فضل الهجرة إلى الله.
Ang kalamangan ng paglikas tungo kay Allāh.

• عظم منزلة إبراهيم وآله عند الله تعالى.
Ang kadakilaan ng kalagayan ni Abraham at ng mag-anak niya sa ganang kay Allāh – pagkataas-taas Siya.

• تعجيل بعض الأجر في الدنيا لا يعني نقص الثواب في الآخرة.
Ang pagpapaaga ng ilan sa pabuya sa Mundo ay hindi nangangahulugan ng pagkabawas sa gantimpala sa Kabilang-buhay.

• قبح تعاطي المنكرات في المجالس العامة.
Ang kapangitan ng paggawa ng mga nakasasama sa mga umpukang pampubliko.

 
وه‌رگێڕانی ماناكان سوره‌تی: العنكبوت
پێڕستی سوره‌ته‌كان ژمارەی پەڕە
 
وه‌رگێڕانی ماناكانی قورئانی پیرۆز - وەرگێڕاوی فلیپینی (تگالۆگ) بۆ پوختەی تەفسیری قورئانی پیرۆز - پێڕستی وه‌رگێڕاوه‌كان

لە لایەن ناوەندی تەفسیر بۆ خوێندنەوە قورئانیەکان.

داخستن