وه‌رگێڕانی ماناكانی قورئانی پیرۆز - وەرگێڕاوی فلیپینی (تگالۆگ) بۆ پوختەی تەفسیری قورئانی پیرۆز * - پێڕستی وه‌رگێڕاوه‌كان


وه‌رگێڕانی ماناكان ئایه‌تی: (29) سوره‌تی: سورەتی الفتح
مُّحَمَّدٞ رَّسُولُ ٱللَّهِۚ وَٱلَّذِينَ مَعَهُۥٓ أَشِدَّآءُ عَلَى ٱلۡكُفَّارِ رُحَمَآءُ بَيۡنَهُمۡۖ تَرَىٰهُمۡ رُكَّعٗا سُجَّدٗا يَبۡتَغُونَ فَضۡلٗا مِّنَ ٱللَّهِ وَرِضۡوَٰنٗاۖ سِيمَاهُمۡ فِي وُجُوهِهِم مِّنۡ أَثَرِ ٱلسُّجُودِۚ ذَٰلِكَ مَثَلُهُمۡ فِي ٱلتَّوۡرَىٰةِۚ وَمَثَلُهُمۡ فِي ٱلۡإِنجِيلِ كَزَرۡعٍ أَخۡرَجَ شَطۡـَٔهُۥ فَـَٔازَرَهُۥ فَٱسۡتَغۡلَظَ فَٱسۡتَوَىٰ عَلَىٰ سُوقِهِۦ يُعۡجِبُ ٱلزُّرَّاعَ لِيَغِيظَ بِهِمُ ٱلۡكُفَّارَۗ وَعَدَ ٱللَّهُ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّٰلِحَٰتِ مِنۡهُم مَّغۡفِرَةٗ وَأَجۡرًا عَظِيمَۢا
Si Muḥammad ay ang Sugo ni Allāh. Ang mga Kasamahan niya na kasama sa kanya ay mga matindi sa mga tagatangging sumasampalataya na mga nakikidigma, mga maawain sa isa’t isa sa kanila, na mga nagmamalasakitan, na mga nagmamahalan. Makikita mo sila, O tagatingin, na mga nakayukod na mga nakapatirapa kay Allāh – kaluwalhatian sa Kanya – na humihiling mula kay Allāh na magmagandang-loob Siya sa kanila ng kapatawaran at gantimpalang masagana, at na malugod Siya sa kanila. Ang palatandaan nila ay nasa mga mukha nila mula sa mga bakas ng pagpapatirapa, na nagpapahayag ng patnubay, paraan, at liwanag ng pagdarasal sa mga mukha nila. Iyon ay ang paglalarawan sa kanila na ipinanlarawan ng Torah, ang kasulatan na pinababa kay Jesus – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan. Tungkol naman sa pagkakalarawan sa kanila sa Ebanghelyo, ang Kasulatan na pinababa kay Jesus – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – iyon ay na sila dahil sa pagtutulungan nila at kalubusan nila ay gaya ng tanim na nagluwal ng mga tubo nito, saka lumakas ito, saka kumapal ito, saka tumayo ito sa puno nito. Nagpatuwa sa mga tagatanim ang lakas nito at ang pagkalubos nito, upang magpangitngit si Allāh sa pamamagitan nila sa mga tagatangging sumampalataya dahil sa nakita ng mga ito sa kanila na lakas, pagbubukluran, at kalubusan. Nangako si Allāh sa mga sumampalataya sa Kanya at mga gumawa ng mga gawang maayos kabilang sa mga Kasamahan [ng Propeta] ng isang kapatawaran para sa mga pagkakasala nila kaya hindi sila masisisi dahil sa mga iyon, at isang gantimpalang sukdulan mula sa ganang Kanya, ang Paraiso.
تەفسیرە عەرەبیەکان:
سوودەکانی ئایەتەکان لەم پەڕەیەدا:
• تشرع الرحمة مع المؤمن، والشدة مع الكافر المحارب.
Isinasabatas ang pagkaawa sa mananampalataya at ang kabangisan sa tagatangging sumampalataya na nakikidigma.

• التماسك والتعاون من أخلاق أصحابه صلى الله عليه وسلم.
Ang pagbubukluran at ang pagtutulungan ay kabilang sa mga kaasalan ng Propeta – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan.

• من يجد في قلبه كرهًا للصحابة الكرام يُخْشى عليه من الكفر.
Ang sinumang nakatagpo sa puso niya ng pagkasuklam sa mga Marangal na Kasamahan [ng Propeta] ay katatakutan para sa kanya ang kawalang-pananampalataya.

• وجوب التأدب مع رسول الله صلى الله عليه وسلم، ومع سُنَّته، ومع ورثته (العلماء).
Ang pagkatungkulin ng pagmamagandang-asal sa Sugo ni Allāh – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – sa Sunnah niya, at sa mga tagapagmana niya (ang mga maalam sa Islām).

 
وه‌رگێڕانی ماناكان ئایه‌تی: (29) سوره‌تی: سورەتی الفتح
پێڕستی سوره‌ته‌كان ژمارەی پەڕە
 
وه‌رگێڕانی ماناكانی قورئانی پیرۆز - وەرگێڕاوی فلیپینی (تگالۆگ) بۆ پوختەی تەفسیری قورئانی پیرۆز - پێڕستی وه‌رگێڕاوه‌كان

وەرگێڕاوی فلیپینی (تگالۆگ) بۆ پوختەی تەفسیری قورئانی پیرۆز، لە لایەن ناوەندی تەفسیر بۆ خوێندنەوە قورئانیەکان.

داخستن