Kilniojo Korano reikšmių vertimas - Kilniojo Korano sutrumpinto aiškinimo vertimas į filipiniečių (taglog) kalbą * - Vertimų turinys


Reikšmių vertimas Aja (Korano eilutė): (58) Sūra: Sūra An-Nūr
يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ لِيَسۡتَـٔۡذِنكُمُ ٱلَّذِينَ مَلَكَتۡ أَيۡمَٰنُكُمۡ وَٱلَّذِينَ لَمۡ يَبۡلُغُواْ ٱلۡحُلُمَ مِنكُمۡ ثَلَٰثَ مَرَّٰتٖۚ مِّن قَبۡلِ صَلَوٰةِ ٱلۡفَجۡرِ وَحِينَ تَضَعُونَ ثِيَابَكُم مِّنَ ٱلظَّهِيرَةِ وَمِنۢ بَعۡدِ صَلَوٰةِ ٱلۡعِشَآءِۚ ثَلَٰثُ عَوۡرَٰتٖ لَّكُمۡۚ لَيۡسَ عَلَيۡكُمۡ وَلَا عَلَيۡهِمۡ جُنَاحُۢ بَعۡدَهُنَّۚ طَوَّٰفُونَ عَلَيۡكُم بَعۡضُكُمۡ عَلَىٰ بَعۡضٖۚ كَذَٰلِكَ يُبَيِّنُ ٱللَّهُ لَكُمُ ٱلۡأٓيَٰتِۗ وَٱللَّهُ عَلِيمٌ حَكِيمٞ
O mga sumampalataya kay Allāh at gumawa ayon sa isinabatas Niya para sa kanila, pahilingin mula sa inyo ng pahintulot ang mga lalaking alipin ninyo, at ang mga babaing alipin ninyo, at ang mga malayang bata na hindi umabot sa edad ng kahustuhang gulang sa tatlong sandali: mula sa bago ng pagdarasal sa madaling-araw sa oras ng pagpapalit ng mga kasuutan ng pagtulog ng mga kasuutan ng pagkagising, sa oras ng tanghali kapag naghubad kayo ng mga kasuutan ninyo para sa pag-idlip, at matapos ng pagdarasal sa gabi dahil ito ay oras ng pagtulog ninyo at paghuhubad ng mga kasuutan ng pagkagising at pagsusuot ng mga kasuutan ng pagtulog. Ang tatlong sandaling ito ay mga kahubaran para sa inyo. Hindi sila papasok sa mga [oras na] ito sa inyo malibang matapos ng isang pahintulot mula sa inyo. Wala sa inyong pagkaasiwa sa pagpasok nila nang walang paalam at wala sa kanilang pagkaasiwa sa anumang iba pa sa mga iyon na mga sandali. Sila ay madalas ang paglibut-libot sa inyo. Ang ilan sa inyo ay lumilibot sa iba, kaya nagiging imposible ang pagpigil sa kanila sa pagpasok sa bawat oras malibang may pagpaalam. Kung paanong naglinaw si Allāh para sa inyo ng mga patakaran ng pagpaalam, naglilinaw Siya para sa inyo ng mga talatang nagpapatunay sa isinabatas Niya para sa inyo na mga patakaran Niya. Si Allāh ay Maalam sa mga kapakanan ng mga lingkod Niya, Marunong sa isinasabatas Niya para sa kanila na mga patakaran.
Tafsyrai arabų kalba:
Šiame puslapyje pateiktų ajų nauda:
• اتباع الرسول صلى الله عليه وسلم علامة الاهتداء.
Ang pagsunod sa Sugo – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – ay palatandaan ng pagkapatnubay.

• على الداعية بذل الجهد في الدعوة، والنتائج بيد الله.
Kailangan sa tagapag-anyaya [tungo sa Islām] ang pag-uukol ng pagsisikap sa pag-aanyaya samantalang ang mga resulta ay nasa kamay ni Allāh.

• الإيمان والعمل الصالح سبب التمكين في الأرض والأمن.
Ang pananampalataya at ang gawang maayos ay isang kadahilanan ng pagbibigay-kapangyarihan sa lupa at katiwasayan.

• تأديب العبيد والأطفال على الاستئذان في أوقات ظهور عورات الناس.
Ang pagdidisiplina sa mga alipin at mga bata sa pagpapaalam sa mga sandali ng paglitaw ng mga kahubaran ng mga tao.

 
Reikšmių vertimas Aja (Korano eilutė): (58) Sūra: Sūra An-Nūr
Sūrų turinys Puslapio numeris
 
Kilniojo Korano reikšmių vertimas - Kilniojo Korano sutrumpinto aiškinimo vertimas į filipiniečių (taglog) kalbą - Vertimų turinys

Kilniojo Korano reikšmių vertimas į filipiniečių (tagalog) k., išleido Korano studijų interpretavimo centras.

Uždaryti