Kilniojo Korano reikšmių vertimas - Kilniojo Korano sutrumpinto aiškinimo vertimas į filipiniečių (taglog) kalbą * - Vertimų turinys


Reikšmių vertimas Aja (Korano eilutė): (15) Sūra: Sūra Al-Fath
سَيَقُولُ ٱلۡمُخَلَّفُونَ إِذَا ٱنطَلَقۡتُمۡ إِلَىٰ مَغَانِمَ لِتَأۡخُذُوهَا ذَرُونَا نَتَّبِعۡكُمۡۖ يُرِيدُونَ أَن يُبَدِّلُواْ كَلَٰمَ ٱللَّهِۚ قُل لَّن تَتَّبِعُونَا كَذَٰلِكُمۡ قَالَ ٱللَّهُ مِن قَبۡلُۖ فَسَيَقُولُونَ بَلۡ تَحۡسُدُونَنَاۚ بَلۡ كَانُواْ لَا يَفۡقَهُونَ إِلَّا قَلِيلٗا
Magsasabi ang mga pinaiwan ni Allāh kapag lumisan kayo, O mga mananampalataya, patungo sa mga samsam ng digmaan sa Khaybar na ipinangako sa inyo ni Allāh matapos ng Pakikipagpayapaan sa Ḥudaybīyah upang kumuha ng mga iyon: "Pabayaan ninyo kami na humayo kasama sa inyo para sa isang bahagi mula roon." Nagnanais ang mga pinaiwan na ito na magpalit sa pamamagitan ng hiling nilang ito sa ipinangako ni Allāh na ipinangako Niya sa mga mananampalataya, matapos ng Pakikipagpayapaan sa Ḥudaybīyah, na magbigay sa kanila lamang ng mga samsam ng digmaan sa Khaybar. Sabihin mo sa kanila, O Sugo: "Hindi kayo susunod sa amin patungo sa mga samsam na iyon sapagkat nangako nga sa amin si Allāh na ang mga samsam ng digmaan sa Khaybar ay natatangi sa sinumang nakadalo sa Ḥudaybīyah. Kaya magsasabi sila: "Ang pagpipigil ninyo sa amin sa pagsunod sa inyo patungo sa Khaybar ay hindi isang kautusan mula kay Allāh; bagkus dahilan sa inggit ninyo sa amin." Ang usapin ay hindi gaya ng inangkin ng mga pinaiwan na ito. Bagkus sila ay hindi nakauunawa sa mga ipinag-uutos ni Allāh at mga sinasaway Niya kundi kaunti. Dahil doon, nasadlak sila sa pagsuway sa Kanya.
Tafsyrai arabų kalba:
Šiame puslapyje pateiktų ajų nauda:
• مكانة بيعة الرضوان عند الله عظيمة، وأهلها من خير الناس على وجه الأرض.
Ang kalagayan ng Pagpapahayag ng Katapatan ng Pagkalugod sa ganang kay Allāh ay dakila at ang mga nagtaguyod nito ay kabilang sa pinakamabuti sa mga tao sa balat ng lupa.

• سوء الظن بالله من أسباب الوقوع في المعصية وقد يوصل إلى الكفر.
Ang kasagwaan ng pagpapalagay kay Allāh ay kabilang sa mga kadahilanan ng pagkasadlak sa pagsuway at maaaring magpahantong sa kawalang-pananampalataya.

• ضعاف الإيمان قليلون عند الفزع، كثيرون عند الطمع.
Ang mahihina ang pananampalataya ay kaunti sa sandali ng hilakbot, mararami sa sandali ng paghahangad.

 
Reikšmių vertimas Aja (Korano eilutė): (15) Sūra: Sūra Al-Fath
Sūrų turinys Puslapio numeris
 
Kilniojo Korano reikšmių vertimas - Kilniojo Korano sutrumpinto aiškinimo vertimas į filipiniečių (taglog) kalbą - Vertimų turinys

Kilniojo Korano reikšmių vertimas į filipiniečių (tagalog) k., išleido Korano studijų interpretavimo centras.

Uždaryti