Kilniojo Korano reikšmių vertimas - Kilniojo Korano sutrumpinto aiškinimo vertimas į filipiniečių (taglog) kalbą * - Vertimų turinys


Reikšmių vertimas Sūra: Sūra Al-Hadid   Aja (Korano eilutė):

Al-Hadīd

Sūros prasmės:
الترقي بالنفوس للإيمان والإنفاق في سبيل الله.
Ang pag-angat ng mga kaluluwa dahil sa pananampalataya at paggugol sa landas ni Allāh.

سَبَّحَ لِلَّهِ مَا فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِۖ وَهُوَ ٱلۡعَزِيزُ ٱلۡحَكِيمُ
Nagpawalang-kapintasan kay Allāh at nagbanal sa Kanya ang anumang nasa mga langit at lupa kabilang sa mga nilikha Niya. Siya ay ang Makapangyarihan na hindi nadadaig ng isa man, ang Marunong sa paglikha Niya at pagtatakda Niya.
Tafsyrai arabų kalba:
لَهُۥ مُلۡكُ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِۖ يُحۡيِۦ وَيُمِيتُۖ وَهُوَ عَلَىٰ كُلِّ شَيۡءٖ قَدِيرٌ
Sa Kanya lamang ang paghahari sa mga langit at lupa. Nagbibigay-buhay Siya sa sinumang niloloob Niya na bigyang-buhay at nagbibigay-kamatayan Siya sa sinumang niloloob Niya na bigyang-kamatayan. Siya sa bawat bagay ay May-kakayahan: walang nagpapawalang-kakayahan sa Kanya na anuman.
Tafsyrai arabų kalba:
هُوَ ٱلۡأَوَّلُ وَٱلۡأٓخِرُ وَٱلظَّٰهِرُ وَٱلۡبَاطِنُۖ وَهُوَ بِكُلِّ شَيۡءٍ عَلِيمٌ
Siya ay ang Una na walang anuman bago Niya at Siya ay ang Huli na walang anuman matapos Niya. Siya ay ang Nakatataas na walang nasa ibabaw Niya na anuman at ang Nakalalalim na walang nasa ibaba Niya na anuman. Siya sa bawat bagay ay Maalam: walang nakalulusot sa Kanya na anuman.
Tafsyrai arabų kalba:
Šiame puslapyje pateiktų ajų nauda:
• شدة سكرات الموت وعجز الإنسان عن دفعها.
Ang tindi ng mga hapdi ng kamatayan at ang kawalang-kakayahan ng tao sa pagtulak niyon.

• الأصل أن البشر لا يرون الملائكة إلا إن أراد الله لحكمة.
Ang pangunahing panuntunan ay na ang mga tao ay hindi nakakikita sa mga anghel maliban kung ninais ni Allāh dahil sa isang kasanhian.

• أسماء الله (الأول، الآخر، الظاهر، الباطن) تقتضي تعظيم الله ومراقبته في الأعمال الظاهرة والباطنة.
Ang mga pangalan ni Allāh [na nangangahulugang] ang Una, ang Huli, ang Nakatataas, at ang Nakalalalim ay humihiling ng pagdakila kay Allāh at pagmamasid sa Kanya sa mga gawaing panlabas at panloob.

هُوَ ٱلَّذِي خَلَقَ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضَ فِي سِتَّةِ أَيَّامٖ ثُمَّ ٱسۡتَوَىٰ عَلَى ٱلۡعَرۡشِۖ يَعۡلَمُ مَا يَلِجُ فِي ٱلۡأَرۡضِ وَمَا يَخۡرُجُ مِنۡهَا وَمَا يَنزِلُ مِنَ ٱلسَّمَآءِ وَمَا يَعۡرُجُ فِيهَاۖ وَهُوَ مَعَكُمۡ أَيۡنَ مَا كُنتُمۡۚ وَٱللَّهُ بِمَا تَعۡمَلُونَ بَصِيرٞ
Siya ay ang lumikha ng mga langit at lupa sa anim na araw. Nagsimula ito sa araw ng Linggo at nagwakas ito sa araw ng Biyernes, gayong Siya ay nakakakaya ng paglikha sa mga ito sa higit na maikli sa isang kisap mata. Pagkatapos pumaitaas Siya at umangat Siya – kaluwalhatian sa Kanya – sa trono ayon sa kataasang nababagay sa Kanya – kaluwalhatian sa Kanya. Nakaaalam Siya sa anumang pumapasok sa lupa na ulan, binhi, at iba pa; anumang lumalabas mula rito na halaman, mga mina, at iba pa; anumang bumababa mula sa langit na ulan, kasi, at iba pa; at anumang pumapanik doon na mga anghel, mga gawain ng mga tao, at mga kaluluwa nila. Siya ay kasama sa inyo nasaan man kayo, O mga tao, sa pamamagitan ng kaalaman Niya: walang nakakukubli sa Kanya mula sa inyo na anuman. Si Allāh sa anumang ginagawa ninyo ay Nakakikita: walang nakakukubli sa inyo mula sa mga gawa ninyo na anuman at gaganti sa inyo sa mga ito.
Tafsyrai arabų kalba:
لَّهُۥ مُلۡكُ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِۚ وَإِلَى ٱللَّهِ تُرۡجَعُ ٱلۡأُمُورُ
Sa Kanya lamang ang paghahari sa mga langit at ang paghahari sa lupa. Tungo sa Kanya lamang pababalikin ang mga usapin para magtuos Siya sa mga nilikha sa Araw ng Pagbangon at gumanti Siya sa kanila sa mga gawa nila.
Tafsyrai arabų kalba:
يُولِجُ ٱلَّيۡلَ فِي ٱلنَّهَارِ وَيُولِجُ ٱلنَّهَارَ فِي ٱلَّيۡلِۚ وَهُوَ عَلِيمُۢ بِذَاتِ ٱلصُّدُورِ
Nagpapapasok Siya ng gabi sa maghapon kaya sumasapit ang dilim at natutulog ang mga tao. Nagpapapasok Siya ng maghapon sa gabi kaya sumasapit ang tanglaw kaya humahayo ang mga tao sa mga gawain nila. Siya ay Maalam sa anumang nasa mga dibdib ng mga lingkod Niya: walang nakakukubli sa Kanya na anuman mula roon.
Tafsyrai arabų kalba:
ءَامِنُواْ بِٱللَّهِ وَرَسُولِهِۦ وَأَنفِقُواْ مِمَّا جَعَلَكُم مُّسۡتَخۡلَفِينَ فِيهِۖ فَٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ مِنكُمۡ وَأَنفَقُواْ لَهُمۡ أَجۡرٞ كَبِيرٞ
Sumampalataya kayo kay Allāh at sumampalataya kayo sa Sugo Niya. Gumugol kayo mula sa yaman na ginawa Niya kayo na mga pinag-iiwanan nito: magsagawa kayo rito ng alinsunod sa isinabatas Niya para sa inyo. Kaya ang mga sumampalataya kabilang sa inyo kay Allāh at nagkaloob ng mga yaman nila sa landas ni Allāh, ukol sa kanila ay isang gantimpalang sukdulan sa piling Niya, ang paraiso.
Tafsyrai arabų kalba:
وَمَا لَكُمۡ لَا تُؤۡمِنُونَ بِٱللَّهِ وَٱلرَّسُولُ يَدۡعُوكُمۡ لِتُؤۡمِنُواْ بِرَبِّكُمۡ وَقَدۡ أَخَذَ مِيثَٰقَكُمۡ إِن كُنتُم مُّؤۡمِنِينَ
Aling bagay ang humahadlang sa inyo sa pananampalataya kay Allāh samantalang ang Sugo ay nag-aanyaya sa inyo tungo kay Allāh sa pag-asang sumampalataya kayo sa Panginoon ninyo – kaluwalhatian sa Kanya – gayong tumanggap nga si Allāh mula sa inyo ng pangako na sumampalataya kayo sa Kanya nang nagpalabas Siya sa inyo mula sa mga likod ng mga ama ninyo, kung kayo nga ay mga mananampalataya?
Tafsyrai arabų kalba:
هُوَ ٱلَّذِي يُنَزِّلُ عَلَىٰ عَبۡدِهِۦٓ ءَايَٰتِۭ بَيِّنَٰتٖ لِّيُخۡرِجَكُم مِّنَ ٱلظُّلُمَٰتِ إِلَى ٱلنُّورِۚ وَإِنَّ ٱللَّهَ بِكُمۡ لَرَءُوفٞ رَّحِيمٞ
Siya ay ang nagbababa sa Lingkod Niyang si Muḥammad – ang basbas at ang pagbati ng kapayapaan – ng mga tandang maliliwanag, upang magpalabas Siya sa inyo mula sa mga kadiliman ng kawalang-pananampalataya at kamangmangan tungo sa liwanag ng pananampalataya at kaalaman. Tunay na si Allāh sa inyo ay talagang Mahabagin, Maawain nang nagsugo Siya sa inyo ng Propeta Niya bilang tagapagpatnubay at bilang mapagbalita ng nakagagalak.
Tafsyrai arabų kalba:
وَمَا لَكُمۡ أَلَّا تُنفِقُواْ فِي سَبِيلِ ٱللَّهِ وَلِلَّهِ مِيرَٰثُ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِۚ لَا يَسۡتَوِي مِنكُم مَّنۡ أَنفَقَ مِن قَبۡلِ ٱلۡفَتۡحِ وَقَٰتَلَۚ أُوْلَٰٓئِكَ أَعۡظَمُ دَرَجَةٗ مِّنَ ٱلَّذِينَ أَنفَقُواْ مِنۢ بَعۡدُ وَقَٰتَلُواْۚ وَكُلّٗا وَعَدَ ٱللَّهُ ٱلۡحُسۡنَىٰۚ وَٱللَّهُ بِمَا تَعۡمَلُونَ خَبِيرٞ
May aling bagay na humahadlang sa inyo sa paggugol sa landas ni Allāh samantalang sa kay Allāh ang pagpapamana ng mga langit at lupa? Ang sinumang gumugol ng yaman niya sa landas ni Allāh sa paghahangad ng lugod Niya bago pa ng pagsakop ng Makkah at nakipaglaban sa mga tagatangging sumampalataya para sa pag-aadya sa Islām ay hindi nakapapantay kabilang sa inyo, O mga mananampalataya, sa sinumang gumugol matapos ng pagsakop [sa Makkah] at nakipaglaban sa mga tagatangging sumampalataya. Ang mga tagagugol bago pa ng pagsakop at ang mga nakikipaglabang iyon sa landas ni Allāh ay higit na dakila sa kalagayan sa ganang kay Allāh at higit na angat sa antas kaysa sa mga gumugol ng mga yaman nila sa landas Niya matapos ng pagsakop sa Makkah at nakipaglaban sa mga tagatangging sumampalataya. Nangako nga si Allāh sa kapwa pangkat ng Paraiso. Si Allāh sa anumang ginagawa ninyo ay Mapagbatid: walang nakakukubli sa Kanya na anuman mula sa mga gawa ninyo at gaganti sa inyo sa mga ito.
Tafsyrai arabų kalba:
مَّن ذَا ٱلَّذِي يُقۡرِضُ ٱللَّهَ قَرۡضًا حَسَنٗا فَيُضَٰعِفَهُۥ لَهُۥ وَلَهُۥٓ أَجۡرٞ كَرِيمٞ
Sino itong magkakaloob ng yaman niya dala ng kasiyahan ng sarili niya para sa [kaluguran ng] mukha ni Allāh para magbigay sa kanya si Allāh ng pinag-ibayong gantimpala sa ipinagkaloob niya mula sa yaman? Ukol sa kanya sa Araw ng Pagbangon ay gantimpalang marangal, ang Paraiso.
Tafsyrai arabų kalba:
Šiame puslapyje pateiktų ajų nauda:
• المال مال الله، والإنسان مُسْتَخْلَف فيه.
Ang yaman ay yaman ni Allāh at ang tao ay pinag-iiwanan nito.

• تفاوت درجات المؤمنين بحسب السبق إلى الإيمان وأعمال البر.
Ang pagkakaibahan ng mga antas ng mga mananampalataya ay alinsunod sa pangunguna sa pananampalataya at mga gawain ng pagpapakabuti.

• الإنفاق في سبيل الله سبب في بركة المال ونمائه.
Ang paggugol sa landas ni Allāh ay isang kadahilanan sa pagpapala ng yaman at paglago nito.

يَوۡمَ تَرَى ٱلۡمُؤۡمِنِينَ وَٱلۡمُؤۡمِنَٰتِ يَسۡعَىٰ نُورُهُم بَيۡنَ أَيۡدِيهِمۡ وَبِأَيۡمَٰنِهِمۖ بُشۡرَىٰكُمُ ٱلۡيَوۡمَ جَنَّٰتٞ تَجۡرِي مِن تَحۡتِهَا ٱلۡأَنۡهَٰرُ خَٰلِدِينَ فِيهَاۚ ذَٰلِكَ هُوَ ٱلۡفَوۡزُ ٱلۡعَظِيمُ
Sa Araw na makakikita ka ng mga lalaking mananampalataya at mga babaing mananampalataya habang nangunguna sa kanila ang liwanag nila sa harapan nila at sa mga kanan nila. Sasabihin sa kanila sa Araw na iyon: "Ang balitang nakagagalak sa inyo sa Araw na ito ay mga hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga palasyo ng mga ito at mga punong-kahoy ng mga ito ang mga ilog bilang mga mamamalagi sa mga ito magpakailanman." Ang ganting iyon ay ang pagkatamong sukdulan na hindi napapantayan ng isang pagkatamo.
Tafsyrai arabų kalba:
يَوۡمَ يَقُولُ ٱلۡمُنَٰفِقُونَ وَٱلۡمُنَٰفِقَٰتُ لِلَّذِينَ ءَامَنُواْ ٱنظُرُونَا نَقۡتَبِسۡ مِن نُّورِكُمۡ قِيلَ ٱرۡجِعُواْ وَرَآءَكُمۡ فَٱلۡتَمِسُواْ نُورٗاۖ فَضُرِبَ بَيۡنَهُم بِسُورٖ لَّهُۥ بَابُۢ بَاطِنُهُۥ فِيهِ ٱلرَّحۡمَةُ وَظَٰهِرُهُۥ مِن قِبَلِهِ ٱلۡعَذَابُ
Sa araw na magsasabi ang mga lalaking mapagpaimbabaw at ang mga babaing mapagpaimbabaw sa mga sumampalataya: "Maghintay kayo sa amin sa pag-asang makapagparikit kami mula sa liwanag ninyo, na tutulong sa amin sa pagtawid sa landasin!" Sasabihin sa mga mapagpaimbabaw bilang pangungutya sa kanila: "Bumalik kayo sa likuran ninyo saka maghanap kayo ng isang liwanag na ipanliliwanag ninyo." Kaya maglalagay sa pagitan nila ng isang pader. Ang pader na iyon ay may isang pinto, na ang loob nito mula sa nalalapit sa mga mananampalataya ay naroon ang awa at ang labas nito mula sa nalalapit sa mga mapagpaimbabaw ay naroon ang pagdurusa.
Tafsyrai arabų kalba:
يُنَادُونَهُمۡ أَلَمۡ نَكُن مَّعَكُمۡۖ قَالُواْ بَلَىٰ وَلَٰكِنَّكُمۡ فَتَنتُمۡ أَنفُسَكُمۡ وَتَرَبَّصۡتُمۡ وَٱرۡتَبۡتُمۡ وَغَرَّتۡكُمُ ٱلۡأَمَانِيُّ حَتَّىٰ جَآءَ أَمۡرُ ٱللَّهِ وَغَرَّكُم بِٱللَّهِ ٱلۡغَرُورُ
Mananawagan ang mga mapagpaimbabaw sa mga mananampalataya, na mga nagsasabi: "Hindi ba kami dati ay kasama sa inyo sa Islām at pagtalima?" Magsasabi sa kanila ang mga mananampalataya: "Oo, kayo dati ay kasama sa amin; subalit kayo ay tumukso sa mga sarili ninyo dahil sa pagpapaimbabaw kaya nagpahamak kayo sa mga ito. Nag-abang kayo sa mga mananampalataya na madaig sila para magpahayag kayo ng kawalang-pananampalataya ninyo. Nagduda kayo sa pag-aadya ni Allāh sa mga mananampalataya at sa pagbubuhay [na muli] matapos ng kamatayan. Dumaya sa inyo ang mga sinungaling na ambisyon hanggang sa dumating sa inyo ang kamatayan habang kayo ay nasa [kalagayang] iyon. Luminlang sa inyo kay Allāh ang demonyo."
Tafsyrai arabų kalba:
فَٱلۡيَوۡمَ لَا يُؤۡخَذُ مِنكُمۡ فِدۡيَةٞ وَلَا مِنَ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْۚ مَأۡوَىٰكُمُ ٱلنَّارُۖ هِيَ مَوۡلَىٰكُمۡۖ وَبِئۡسَ ٱلۡمَصِيرُ
Kaya sa Araw na iyon ay hindi kukuha mula sa inyo, O mga mapagpaimbabaw, ng isang pantubos laban sa pagdurusang dulot ni Allāh ni kukuha ng isang pantubos mula sa mga tumangging sumampalataya kay Allāh nang hayagan. Ang kahahantungan ninyo ay ang kahahantungan ng mga tagatangging sumampalataya: ang Apoy. Ito ay ang higit na nararapat sa inyo at kayo ay higit na nararapat dito. Kay saklap ang kahahantungan!
Tafsyrai arabų kalba:
۞ أَلَمۡ يَأۡنِ لِلَّذِينَ ءَامَنُوٓاْ أَن تَخۡشَعَ قُلُوبُهُمۡ لِذِكۡرِ ٱللَّهِ وَمَا نَزَلَ مِنَ ٱلۡحَقِّ وَلَا يَكُونُواْ كَٱلَّذِينَ أُوتُواْ ٱلۡكِتَٰبَ مِن قَبۡلُ فَطَالَ عَلَيۡهِمُ ٱلۡأَمَدُ فَقَسَتۡ قُلُوبُهُمۡۖ وَكَثِيرٞ مِّنۡهُمۡ فَٰسِقُونَ
Hindi ba sumapit para sa mga sumampalataya kay Allāh at sa Sugo Niya na lumambot ang mga puso nila at pumanatag ang mga ito para sa pag-alaala kay Allāh – kaluwalhatian sa Kanya – at sa bumaba mula sa Qur'ān na pangako o banta, at hindi sila maging tulad ng mga nabigyan ng Torah kabilang sa mga Hudyo at mga nabigyan ng Ebanghelyo kabilang sa mga Kristiyano sa katigasan ng mga puso? Humaba ang panahon sa pagitan ng mga ito at ng pagpapadala ng mga propeta nila kaya tumigas dahilan doon ang mga puso ng mga ito. Marami sa mga ito ay mga lumalabas sa pagtalima kay Allāh – pagkataas-taas Siya – patungo sa pagsuway sa Kanya!
Tafsyrai arabų kalba:
ٱعۡلَمُوٓاْ أَنَّ ٱللَّهَ يُحۡيِ ٱلۡأَرۡضَ بَعۡدَ مَوۡتِهَاۚ قَدۡ بَيَّنَّا لَكُمُ ٱلۡأٓيَٰتِ لَعَلَّكُمۡ تَعۡقِلُونَ
Alamin ninyo na si Allāh ay nagbibigay-buhay sa lupa sa pamamagitan ng pagpapatubo rito matapos na pagkatuyo nito. Nilinaw na para sa inyo, O mga tao, ang mga patunay at ang mga patotoo sa kakayahan ni Allāh at kaisahan Niya sa pag-asang makapag-unawa kayo para malaman ninyo na ang nagbigay-buhay sa lupa matapos ng pagkamatay nito ay nakakakaya sa pagbuhay sa inyo matapos ng kamatayan ninyo at nakakakaya sa paggawa sa mga puso ninyo na maging malambot matapos ng katigasan ng mga ito.
Tafsyrai arabų kalba:
إِنَّ ٱلۡمُصَّدِّقِينَ وَٱلۡمُصَّدِّقَٰتِ وَأَقۡرَضُواْ ٱللَّهَ قَرۡضًا حَسَنٗا يُضَٰعَفُ لَهُمۡ وَلَهُمۡ أَجۡرٞ كَرِيمٞ
Tunay na ang mga lalaking tagapagkawanggawa ng ilan sa mga yaman nila at ang mga babaing tagapagkawanggawa ng ilan sa mga yaman nila, at ang mga gumugugol nito dala ng kasiyahan ng mga sarili nila nang walang panunumbat ni pamiminsala ay magpapaibayo Siya para sa kanila ng gantimpala sa mga gawa nila. Ang magandang gawa ay tinutumbasan ng sampung tulad nito hanggang sa pitong daang ulit hanggang sa maraming ulit. Ukol sa kanila sa kabila niyon ay isang gantimpalang marangal sa ganang kay Allāh, ang Paraiso.
Tafsyrai arabų kalba:
Šiame puslapyje pateiktų ajų nauda:
• امتنان الله على المؤمنين بإعطائهم نورًا يسعى أمامهم وعن أيمانهم.
Ang pagmamagandang-loob ni Allāh sa mga mananampalataya sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng isang liwanag na sisinag sa harapan nila at sa dakong mga kanan nila.

• المعاصي والنفاق سبب للظلمة والهلاك يوم القيامة.
Ang mga pagsuway at ang pagpapaimbabaw ay isang kadahilanan para sa kadiliman at kapahamakan sa Araw ng Pagbangon.

• التربُّص بالمؤمنين والشك في البعث، والانخداع بالأماني، والاغترار بالشيطان: من صفات المنافقين.
Ang pag-aabang ng masama sa mga mananampalataya, ang pagdududa sa pagbubuhay, ang pagkadaya dahil sa mga mithiin, ang pagkalinlang dahil sa demonyo ay kabilang sa mga katangian ng mga mapagpaimbabaw.

• خطر الغفلة المؤدية لقسوة القلوب.
Ang panganib ng pagkalingat na humahantong sa katigasan ng mga puso.

وَٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ بِٱللَّهِ وَرُسُلِهِۦٓ أُوْلَٰٓئِكَ هُمُ ٱلصِّدِّيقُونَۖ وَٱلشُّهَدَآءُ عِندَ رَبِّهِمۡ لَهُمۡ أَجۡرُهُمۡ وَنُورُهُمۡۖ وَٱلَّذِينَ كَفَرُواْ وَكَذَّبُواْ بِـَٔايَٰتِنَآ أُوْلَٰٓئِكَ أَصۡحَٰبُ ٱلۡجَحِيمِ
Ang mga sumampalataya kay Allāh at sumampalataya sa mga sugo Niya nang walang pagtatangi-tangi sa pagitan nila, ang mga iyon ay ang mga mapagpatotoo. Ang mga martir sa ganang Panginoon nila, ukol sa kanila ang gantimpala nilang marangal na inihanda para sa kanila at ukol sa kanila ang liwanag nila na sisinag sa harapan nila at sa mga kanan nila sa Araw ng Pagbangon. Ang mga tumangging sumampalataya kay Allāh at sa mga sugo Niya at nagpasinungaling sa mga tanda Niyang pinababa sa Sugo Niya, ang mga iyon ay ang mga maninirahan sa Impiyerno. Papasok sila roon sa Araw ng Pagbangon bilang mga mananatili roon magpakailanman; hindi sila lalabas mula roon.
Tafsyrai arabų kalba:
ٱعۡلَمُوٓاْ أَنَّمَا ٱلۡحَيَوٰةُ ٱلدُّنۡيَا لَعِبٞ وَلَهۡوٞ وَزِينَةٞ وَتَفَاخُرُۢ بَيۡنَكُمۡ وَتَكَاثُرٞ فِي ٱلۡأَمۡوَٰلِ وَٱلۡأَوۡلَٰدِۖ كَمَثَلِ غَيۡثٍ أَعۡجَبَ ٱلۡكُفَّارَ نَبَاتُهُۥ ثُمَّ يَهِيجُ فَتَرَىٰهُ مُصۡفَرّٗا ثُمَّ يَكُونُ حُطَٰمٗاۖ وَفِي ٱلۡأٓخِرَةِ عَذَابٞ شَدِيدٞ وَمَغۡفِرَةٞ مِّنَ ٱللَّهِ وَرِضۡوَٰنٞۚ وَمَا ٱلۡحَيَوٰةُ ٱلدُّنۡيَآ إِلَّا مَتَٰعُ ٱلۡغُرُورِ
Alamin ninyo na ang buhay pangmundo ay isang laro nilalaro ng mga katawan, isang paglilibang ipinanlilibang ng mga puso, isang gayak na ipinapampaganda ninyo, isang pagpapayabangan sa pagitan ninyo dahil sa dulot nitong pagmamay-ari at pagtatamasa, at isang pagpapahambugan sa dami ng mga yaman at dami ng mga anak. Ito ay gaya ng paghahalintulad sa ulan na nagpatuwa sa mga magsasaka ang halaman nito. Pagkatapos hindi nagtagal ang halamang luntiang ito at natuyo kaya makikita mo ito, o nakakikita, na matapos ng pagiging luntian nito ay naging naninilaw. Pagkatapos ginagawa ito ni Allāh na pira-pirasong nagkakadurug-durog. Sa Kabilang-buhay ay may isang pagdurusang matindi para sa mga tagatangging sumampalataya at mga mapagpaimbabaw, isang kapatawaran mula kay Allāh para sa mga pagkakasala ng mga lingkod Niyang mga mananampalataya, at isang kaluguran mula sa Kanya. Walang iba ang buhay pangmundo kundi isang pagtatamasa naglalaho na walang pananatili para rito. Kaya ang sinumang nagtangi sa pagtatamasang ditong naglalaho higit sa kaginhawahan ng Kabilang-buhay, siya ay isang luging nadaya.
Tafsyrai arabų kalba:
سَابِقُوٓاْ إِلَىٰ مَغۡفِرَةٖ مِّن رَّبِّكُمۡ وَجَنَّةٍ عَرۡضُهَا كَعَرۡضِ ٱلسَّمَآءِ وَٱلۡأَرۡضِ أُعِدَّتۡ لِلَّذِينَ ءَامَنُواْ بِٱللَّهِ وَرُسُلِهِۦۚ ذَٰلِكَ فَضۡلُ ٱللَّهِ يُؤۡتِيهِ مَن يَشَآءُۚ وَٱللَّهُ ذُو ٱلۡفَضۡلِ ٱلۡعَظِيمِ
Makipag-unahan kayo, O mga tao, tungo sa mga gawang maayos na magtatamo kayo sa pamamagitan ng mga ito ng kapatawaran ng mga pagkakasala ninyo dahil sa isang pagbabalik-loob at iba pa rito kabilang sa mga pampapalapit-loob [kay Allāh], at upang magtamo kayo sa pamamagitan ng mga ito ng isang paraiso na ang luwang nito ay tulad ng luwang [sa pagitan] ng langit at lupa. Ang paraisong ito ay inihanda ni Allāh para sa mga sumampalataya sa Kanya at sumampalataya sa mga sugo Niya. Ang ganting iyon ay ang kabutihang-loob ni Allāh; nagbibigay Siya nito sa sinumang niloloob Niya kabilang sa mga lingkod Niya. Si Allāh – kaluwalhatian sa Kanya – ay may kabutihang-loob na sukdulan sa mga lingkod Niyang mga mananampalataya.
Tafsyrai arabų kalba:
مَآ أَصَابَ مِن مُّصِيبَةٖ فِي ٱلۡأَرۡضِ وَلَا فِيٓ أَنفُسِكُمۡ إِلَّا فِي كِتَٰبٖ مِّن قَبۡلِ أَن نَّبۡرَأَهَآۚ إِنَّ ذَٰلِكَ عَلَى ٱللَّهِ يَسِيرٞ
Walang tumama sa mga tao na anumang kasawian sa lupa gaya ng tagtuyot at iba pa rito, ni tumama sa kanila na anumang kasawian sa mga sarili nila malibang ito ay napagtibay sa Tablerong Pinag-iingatan mula bago pa Kami lumikha ng mga nilikha. Tunay na iyon kay Allāh ay magaan.
Tafsyrai arabų kalba:
لِّكَيۡلَا تَأۡسَوۡاْ عَلَىٰ مَا فَاتَكُمۡ وَلَا تَفۡرَحُواْ بِمَآ ءَاتَىٰكُمۡۗ وَٱللَّهُ لَا يُحِبُّ كُلَّ مُخۡتَالٖ فَخُورٍ
Iyon ay upang hindi kayo malungkot, O mga tao, sa anumang nakaalpas sa inyo at upang hindi kayo matuwa sa anumang ibinigay Niya sa inyo na mga biyaya ayon sa pagkatuwa ng kawalan ng utang na loob. Tunay na si Allāh ay hindi umiibig sa bawat nagpapakamalaki na hambog sa mga tao dahil sa ibinigay sa kanya ni Allāh.
Tafsyrai arabų kalba:
ٱلَّذِينَ يَبۡخَلُونَ وَيَأۡمُرُونَ ٱلنَّاسَ بِٱلۡبُخۡلِۗ وَمَن يَتَوَلَّ فَإِنَّ ٱللَّهَ هُوَ ٱلۡغَنِيُّ ٱلۡحَمِيدُ
Ang mga nagmamaramot ng kinakailangan sa kanila na ipagkaloob at nag-uutos sa iba pa sa kanila ng pagmamaramot ay mga lugi. Ang sinumang tatalikod sa pagtalima kay Allāh ay hindi makapipinsala kay Allāh at makapipinsala lamang sa sarili niya. Tunay na si Allāh ay ang Walang-pangangailangan kaya hindi Siya nangangailangan sa pagtalima ng mga alipin Niya, ang Pinapupurihan sa bawat kalagayan.
Tafsyrai arabų kalba:
Šiame puslapyje pateiktų ajų nauda:
• الزهد في الدنيا وما فيها من شهوات، والترغيب في الآخرة وما فيها من نعيم دائم يُعينان على سلوك الصراط المستقيم.
Ang kawalang-pagpapahalaga sa Mundo at anumang narito na mga ninanasa at ang pagpapaibig sa Kabilang-buhay at anumang naroon na kaginhawahang mamamalagi ay nakatutulong sa pagtahak sa landasing tuwid.

• وجوب الإيمان بالقدر.
Ang pagkatungkulin ng Pananampalataya sa Pagtatakda.

• من فوائد الإيمان بالقدر عدم الحزن على ما فات من حظوظ الدنيا.
Kabilang sa mga pakinabang ng pananampalataya sa pagtatakda ang kawalan ng pagkalungkot sa anumang nakaalpas na mga bahagi sa Mundo.

• البخل والأمر به خصلتان ذميمتان لا يتصف بهما المؤمن.
Ang karamutan at ang pag-uutos dito ay dalawang katangian napupulaan na hindi nailalarawan sa mga ito ang mananampalataya.

لَقَدۡ أَرۡسَلۡنَا رُسُلَنَا بِٱلۡبَيِّنَٰتِ وَأَنزَلۡنَا مَعَهُمُ ٱلۡكِتَٰبَ وَٱلۡمِيزَانَ لِيَقُومَ ٱلنَّاسُ بِٱلۡقِسۡطِۖ وَأَنزَلۡنَا ٱلۡحَدِيدَ فِيهِ بَأۡسٞ شَدِيدٞ وَمَنَٰفِعُ لِلنَّاسِ وَلِيَعۡلَمَ ٱللَّهُ مَن يَنصُرُهُۥ وَرُسُلَهُۥ بِٱلۡغَيۡبِۚ إِنَّ ٱللَّهَ قَوِيٌّ عَزِيزٞ
Talaga ngang nagsugo Kami ng mga sugo Namin kalakip ng mga katwirang maliwanag at mga patotoong hayag. Nagpababa Kami kasama sa kanila ng mga kasulatan. Nagpababa Kami kasama sa kanila ng timbangan upang magpanatili ang mga tao ng katarungan. Nagpababa Kami ng bakal, na dito ay may kapangyarihang malakas sapagkat mula rito niyayari ang mga sandata, at dito ay may mga pakinabang para sa mga tao sa mga industriya nila at mga gawain nila. [Ito ay] upang maglantad si Allāh ayon sa kaalamang maglalantad para sa mga tao kung sino ang mag-aadya sa Kanya mula sa mga lingkod Niya nang lingid. Tunay na si Allāh ay Malakas, Makapangyarihan na hindi nadadaig ng anuman at hindi Siya nawawalang-kakayahan sa anuman.
Tafsyrai arabų kalba:
وَلَقَدۡ أَرۡسَلۡنَا نُوحٗا وَإِبۡرَٰهِيمَ وَجَعَلۡنَا فِي ذُرِّيَّتِهِمَا ٱلنُّبُوَّةَ وَٱلۡكِتَٰبَۖ فَمِنۡهُم مُّهۡتَدٖۖ وَكَثِيرٞ مِّنۡهُمۡ فَٰسِقُونَ
Talaga ngang nagsugo Kami kina Noe at Abraham – sumakanilang dalawa ang pagbati ng kapayapaan – at naglagay Kami sa mga supling nilang dalawa ng pagkapropeta at mga kasulatang pinababa, kaya kabilang sa mga supling nilang dalawa ay napapatnubayan tungo sa landasing tuwid, na naitutuon [doon], at marami kabilang sa kanila ay mga lumalabas sa pagtalima kay Allāh.
Tafsyrai arabų kalba:
ثُمَّ قَفَّيۡنَا عَلَىٰٓ ءَاثَٰرِهِم بِرُسُلِنَا وَقَفَّيۡنَا بِعِيسَى ٱبۡنِ مَرۡيَمَ وَءَاتَيۡنَٰهُ ٱلۡإِنجِيلَۖ وَجَعَلۡنَا فِي قُلُوبِ ٱلَّذِينَ ٱتَّبَعُوهُ رَأۡفَةٗ وَرَحۡمَةٗۚ وَرَهۡبَانِيَّةً ٱبۡتَدَعُوهَا مَا كَتَبۡنَٰهَا عَلَيۡهِمۡ إِلَّا ٱبۡتِغَآءَ رِضۡوَٰنِ ٱللَّهِ فَمَا رَعَوۡهَا حَقَّ رِعَايَتِهَاۖ فَـَٔاتَيۡنَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ مِنۡهُمۡ أَجۡرَهُمۡۖ وَكَثِيرٞ مِّنۡهُمۡ فَٰسِقُونَ
Pagkatapos pinasundan Namin ang mga sugo Namin kaya nagpadala Kami sa kanila nang sunud-sunod sa mga kalipunan nila. Pinasundan Namin si Jesus na anak ni Maria at ibinigay Namin sa kanya ang Ebanghelyo. Naglagay Kami sa mga puso ng mga sumampalataya sa kanya at sumunod sa kanya ng habag at awa, kaya sila noon ay mga nagmamahalan, mga nag-aawaan sa isa't isa sa kanila. Nagpauso sila ng pagpapakalabis-labis sa relihiyon nila kaya iniwan nila ang ilan sa ipinahintulot ni Allāh para sa kanila gaya ng pag-aasawa at mga minamasarap. Hindi Siya humiling sa kanila niyon. Nag-obliga lamang sila nito sa mga sarili bilang pagpapauso mula sa kanila sa relihiyon. Humiling lamang [sa kanila] ng pagsunod sa kaluguran ni Allāh ngunit hindi nila ginawa. Nagbigay Siya sa mga sumampalataya kabilang sa kanila ng gantimpala nila. Marami sa kanila ay mga lumabas sa pagtalima kay Allāh sa pamamagitan ng pagpapasinungaling sa inihatid sa kanila ng Sugo Niyang si Muḥammad – ang basbas at ang pangangalaga ay sumakanya.
Tafsyrai arabų kalba:
يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ ٱتَّقُواْ ٱللَّهَ وَءَامِنُواْ بِرَسُولِهِۦ يُؤۡتِكُمۡ كِفۡلَيۡنِ مِن رَّحۡمَتِهِۦ وَيَجۡعَل لَّكُمۡ نُورٗا تَمۡشُونَ بِهِۦ وَيَغۡفِرۡ لَكُمۡۚ وَٱللَّهُ غَفُورٞ رَّحِيمٞ
O mga sumampalataya kay Allāh at gumawa ayon sa isinabatas Niya para sa kanila, mangilag kayong magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya at sumampalataya kayo sa Sugo Niya, magbibigay Siya sa inyo ng dalawang bahagi mula sa gantimpala at pabuya dahil sa pananampalataya ninyo kay Muḥammad – sumakanya ang basbas at ang pagbati ng kapayapaan – at pananampalataya ninyo sa mga sugong nauna, maglalagay Siya para sa inyo ng isang liwanag na mapapatnubayan kayo sa pamamagitan nito sa buhay ninyong pangmundo at maliliwanagan kayo sa pamamagitan nito sa landasing tuwid sa Araw ng Pagbangon, at magpapatawad Siya para sa inyo ng mga pagkakasala ninyo kaya magtatakip Siya sa mga ito at hindi Siya maninisi sa inyo dahil sa mga ito. Si Allāh – kaluwalhatian sa Kanya – ay Mapagpatawad sa mga lingkod Niya, Maawain sa kanila.
Tafsyrai arabų kalba:
لِّئَلَّا يَعۡلَمَ أَهۡلُ ٱلۡكِتَٰبِ أَلَّا يَقۡدِرُونَ عَلَىٰ شَيۡءٖ مِّن فَضۡلِ ٱللَّهِ وَأَنَّ ٱلۡفَضۡلَ بِيَدِ ٱللَّهِ يُؤۡتِيهِ مَن يَشَآءُۚ وَٱللَّهُ ذُو ٱلۡفَضۡلِ ٱلۡعَظِيمِ
Naglinaw nga Kami para sa inyo ng kabutihang-loob Naming sukdulan sa pamamagitan ng inihanda Namin para sa inyo, O mga mananampalataya, na gantimpalang pinag-ibayo upang makaalam ang mga May Kasulatan na mga nauna kabilang sa mga Hudyo at mga Kristiyano na sila ay hindi makakakaya sa anuman mula sa kabutihang-loob ni Allāh kung saan magkakaloob sila nito sa sinumang niloloob nila at magkakait sila nito sa sinumang niloloob nila. [Ito ay] upang malaman nila na ang kabutihang-loob ay nasa kamay ni Allāh – kaluwalhatian sa Kanya; nagbibigay Siya nito sa sinumang niloloob Niya kabilang sa mga lingkod Niya. Si Allāh ay may kabutihang-loob na sukdulan na natatangi dito ang sinumang niloloob Niya mula sa mga lingkod Niya.
Tafsyrai arabų kalba:
Šiame puslapyje pateiktų ajų nauda:
• الحق لا بد له من قوة تحميه وتنشره.
Ang katotohanan ay hindi maiiwasan na may lakas na magtatanggol dito at magpapalaganap nito.

• بيان مكانة العدل في الشرائع السماوية.
Ang paglilinaw ng kalagayan ng katarungan sa mga batas na makalangit.

• صلة النسب بأهل الإيمان والصلاح لا تُغْنِي شيئًا عن الإنسان ما لم يكن هو مؤمنًا.
Ang ugnayan ng kaangkanan sa mga may pananampalataya at kaayusan ay hindi magpapakinabang ng anuman para sa tao hanggat hindi siya naging isang mananampalataya.

• بيان تحريم الابتداع في الدين.
Ang paglilinaw sa pagbabawal sa paggagawa-gawa ng katuruan sa relihiyon.

 
Reikšmių vertimas Sūra: Sūra Al-Hadid
Sūrų turinys Puslapio numeris
 
Kilniojo Korano reikšmių vertimas - Kilniojo Korano sutrumpinto aiškinimo vertimas į filipiniečių (taglog) kalbą - Vertimų turinys

Kilniojo Korano reikšmių vertimas į filipiniečių (tagalog) k., išleido Korano studijų interpretavimo centras.

Uždaryti