Kilniojo Korano reikšmių vertimas - Kilniojo Korano sutrumpinto aiškinimo vertimas į filipiniečių (taglog) kalbą * - Vertimų turinys


Reikšmių vertimas Aja (Korano eilutė): (159) Sūra: Sūra Al-An’am
إِنَّ ٱلَّذِينَ فَرَّقُواْ دِينَهُمۡ وَكَانُواْ شِيَعٗا لَّسۡتَ مِنۡهُمۡ فِي شَيۡءٍۚ إِنَّمَآ أَمۡرُهُمۡ إِلَى ٱللَّهِ ثُمَّ يُنَبِّئُهُم بِمَا كَانُواْ يَفۡعَلُونَ
Tunay na ang mga gumawa sa relihiyon nila na nagkahati-hati kabilang sa mga Hudyo at mga Kristiyano yayamang kumuha sila ng isang bahagi nito at nag-iwan sila ng isang bahagi nito at sila ay naging mga sektang nagkaiba-iba, ikaw, O Sugo, ay hindi kabilang sa kanila sa anuman sapagkat ikaw ay walang-kaugnayan sa anumang taglay nilang pagkaligaw. Walang kailangan sa iyo kundi ang pagbibigay-babala sa kanila sapagkat ang nauukol sa kanila ay nakatalaga kay Allāh. Pagkatapos Siya, sa Araw ng Pagbangon, ay magpapabatid sa kanila hinggil sa anumang dati nilang ginagawa sa Mundo para gumanti Siya sa kanila roon.
Tafsyrai arabų kalba:
Šiame puslapyje pateiktų ajų nauda:
• أن الدين يأمر بالاجتماع والائتلاف، وينهى عن التفرق والاختلاف.
Tunay na ang Islām ay nag-uutos ng pagkakaisa at pagkakabuklod at sumasaway sa pagkakahati-hati at pagkakaiba-iba.

• من تمام عدله تعالى وإحسانه أنه يجازي بالسيئة مثلها، وبالحسنة عشرة أمثالها، وهذا أقل ما يكون من التضعيف.
Bahagi ng kalubusan ng katarungan Niya – pagkataas-taas Siya – at paggawa Niya ng maganda ay na Siya ay gumaganti sa masagwang gawa ng tulad nito at sa magandang gawa ng sampung tulad nito. Ito ay ang pinakakaunting nangyayaring pag-iibayo.

• الدين الحق القَيِّم يتطَلب تسخير كل أعمال العبد واهتماماته لله عز وجل، فله وحده يتوجه العبد بصلاته وعبادته ومناسكه وذبائحه وجميع قرباته وأعماله في حياته وما أوصى به بعد وفاته.
Ang relihiyong totoong matuwid ay humihiling ng pagpapasilbi ng lahat ng mga gawain ng tao at mga pinahahalagahan nito para kay Allāh – kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan Siya – sapagkat [dapat] sa Kanya lamang nagtutuon ang tao ng dasal nito, pagsamba nito, mga gawaing panrelihiyon nito, mga alay nito, lahat ng mga pampalapit-loob nito at mga gawain nito sa buhay nito, at anumang inihabilin nito matapos ng pagyao nito.

 
Reikšmių vertimas Aja (Korano eilutė): (159) Sūra: Sūra Al-An’am
Sūrų turinys Puslapio numeris
 
Kilniojo Korano reikšmių vertimas - Kilniojo Korano sutrumpinto aiškinimo vertimas į filipiniečių (taglog) kalbą - Vertimų turinys

Kilniojo Korano reikšmių vertimas į filipiniečių (tagalog) k., išleido Korano studijų interpretavimo centras.

Uždaryti