വിശുദ്ധ ഖുർആൻ പരിഭാഷ - അൽ മുഖ്തസ്വർ ഫീ തഫ്സീറിൽ ഖുർആനിൽ കരീം (ഫിലിപ്പീൻ വിവർത്തനം). * - വിവർത്തനങ്ങളുടെ സൂചിക


പരിഭാഷ അദ്ധ്യായം: സൂറത്തുൽ മുത്വഫ്ഫിഫീൻ   ആയത്ത്:

Al-Mutaffifīn

സൂറത്തിൻ്റെ ഉദ്ദേശ്യങ്ങളിൽ പെട്ടതാണ്:
تحذير المكذبين الظالمين من يوم القيامة وبشارة المؤمنين به.
Ang pagbibigay-babala laban sa Araw ng Pagbangon sa mga tagapagpasinungaling na tagalabag sa katarungan at ang pagbabalita ng nakagagalak sa mga mananampalataya hinggil dito.

وَيۡلٞ لِّلۡمُطَفِّفِينَ
Kasawian at pagkalugi ay ukol sa mga tagapag-umit-umit,
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
ٱلَّذِينَ إِذَا ٱكۡتَالُواْ عَلَى ٱلنَّاسِ يَسۡتَوۡفُونَ
Sila ang kapag nagpatakal sa iba sa kanila ay nagpapalubos sila ng karapatan nila nang kumpleto na walang bawas,
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
وَإِذَا كَالُوهُمۡ أَو وَّزَنُوهُمۡ يُخۡسِرُونَ
at kapag tumakal sila sa mga tao o tumimbang sila sa mga ito ay bumabawas sila sa takal at pagtimbang. Iyon dati ay ang kalagayan ng mga mamamayan ng Madīnah sa sandali ng paglikas ng Propeta – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – sa kanila.
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
أَلَا يَظُنُّ أُوْلَٰٓئِكَ أَنَّهُم مَّبۡعُوثُونَ
Hindi ba nagpapakatiyak itong mga gumagawa ng nakasasamang ito na sila ay mga bubuhayin tungo kay Allāh
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
ഈ പേജിലെ ആയത്തുകളിൽ നിന്നുള്ള പാഠങ്ങൾ:
• التحذير من الغرور المانع من اتباع الحق.
Ang pagbabala laban sa pagkadayang tagahadlang sa pagsunod sa katotohanan.

• الجشع من الأخلاق الذميمة في التجار ولا يسلم منه إلا من يخاف الله.
Ang kasibaan ay kabilang sa mga kaasalang napupulaan sa mga mangangalakal at walang naliligtas mula rito maliban sa sinumang nangangamba kay Allāh.

• تذكر هول القيامة من أعظم الروادع عن المعصية.
Ang pagsasaalaala sa hilakbot ng [Araw ng] Pagbangon ay kabilang sa pinakadakila sa mga tagapaudlot sa pagsuway.

لِيَوۡمٍ عَظِيمٖ
para sa pagtutuos at pagganti sa isang araw na sukdulan dahil sa taglay nito na mga sigalot at mga hilakbot,
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
يَوۡمَ يَقُومُ ٱلنَّاسُ لِرَبِّ ٱلۡعَٰلَمِينَ
sa araw na tatayo ang mga tao sa [harap ng] Panginoon ng mga nilikha sa kabuuan nila para sa pagtutuos?
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
كَلَّآ إِنَّ كِتَٰبَ ٱلۡفُجَّارِ لَفِي سِجِّينٖ
Ang usapin ay hindi gaya ng ginuniguni ninyo na walang pagbubuhay matapos ng kamatayan! Tunay na ang talaan ng mga may kasamaang-loob kabilang sa mga tagatangging sumampalataya at mga mapagpaimbabaw ay talagang nasa pagkalugi sa lupang pinakamababa.
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
وَمَآ أَدۡرَىٰكَ مَا سِجِّينٞ
Ano ang nagpaalam sa iyo, O Sugo, kung ano ang Sijjīn?
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
كِتَٰبٞ مَّرۡقُومٞ
Tunay na ang talaan nila ay sinulatan, na hindi maglalaho ni madadagdagan ni mababawasan.
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
وَيۡلٞ يَوۡمَئِذٖ لِّلۡمُكَذِّبِينَ
Kasawian at pagkalugi sa Araw na iyon ay ukol sa mga tagapagpasinungaling,
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
ٱلَّذِينَ يُكَذِّبُونَ بِيَوۡمِ ٱلدِّينِ
na mga nagpapasinungaling sa Araw ng Pagganti na gaganti roon si Allāh sa mga lingkod Niya sa mga gawain nila sa Mundo.
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
وَمَا يُكَذِّبُ بِهِۦٓ إِلَّا كُلُّ مُعۡتَدٍ أَثِيمٍ
Walang nagpapasinungaling sa Araw ng iyon kundi bawat lumalampas sa mga hangganan ni Allāh, na marami ang mga kasalanan.
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
إِذَا تُتۡلَىٰ عَلَيۡهِ ءَايَٰتُنَا قَالَ أَسَٰطِيرُ ٱلۡأَوَّلِينَ
Kapag binibigkas sa kanya ang mga tanda Naming pinababa sa Sugo Namin ay nagsasabi siya: "Ang mga iyan ay mga kuwento ng mga kalipunang sinauna at hindi mula sa ganang kay Allāh!"
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
كَلَّاۖ بَلۡۜ رَانَ عَلَىٰ قُلُوبِهِم مَّا كَانُواْ يَكۡسِبُونَ
Ang usapin ay hindi gaya ng ginuniguni ng mga tagapagpasinungaling na ito! Bagkus, nanaig sa mga isip nila at bumalot sa mga ito ang dati nilang nakakamit na mga pagsuway, kaya hindi sila nakakita sa katotohanan sa pamamagitan ng mga puso nila.
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
كَلَّآ إِنَّهُمۡ عَن رَّبِّهِمۡ يَوۡمَئِذٖ لَّمَحۡجُوبُونَ
Sa totoo, tunay na sila, sa pagkakita sa Panginoon nila sa Araw ng Pagbangon, ay talagang mga pipigilan.
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
ثُمَّ إِنَّهُمۡ لَصَالُواْ ٱلۡجَحِيمِ
Pagkatapos tunay na sila ay talagang papasok sa Apoy, na magpapakasakit sa init niyon.
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
ثُمَّ يُقَالُ هَٰذَا ٱلَّذِي كُنتُم بِهِۦ تُكَذِّبُونَ
Pagkatapos sasabihin sa kanila sa Araw ng Pagbangon bilang panunumbat sa kanila: "Itong pagdurusang nakatagpo ninyo ay ang dati ninyong pinasisinungalingan sa Mundo nang nagpapabatid sa inyo hinggil dito ang Sugo ninyo."
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
كَلَّآ إِنَّ كِتَٰبَ ٱلۡأَبۡرَارِ لَفِي عِلِّيِّينَ
Ang usapin ay hindi gaya ng ginuniguni ninyo na walang pagtutuos at walang pagganti! Tunay na ang talaan ng mga may pagtalima ay talagang nasa `Illīyūn.
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
وَمَآ أَدۡرَىٰكَ مَا عِلِّيُّونَ
Ano ang nagpaalam sa iyo, O Sugo, kung ano ang `Illīyūn?
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
كِتَٰبٞ مَّرۡقُومٞ
Tunay na ang talaan nila ay sinulatan, na hindi maglalaho ni madadagdagan ni mababawasan.
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
يَشۡهَدُهُ ٱلۡمُقَرَّبُونَ
Dadalo sa talaang ito ang mga inilapit sa bawat langit kabilang sa mga anghel.
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
إِنَّ ٱلۡأَبۡرَارَ لَفِي نَعِيمٍ
Tunay na ang mga tagapagparami ng mga pagtalima ay talagang nasa isang kaginhawahang mamamalagi sa Araw ng Pagbangon,
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
عَلَى ٱلۡأَرَآئِكِ يَنظُرُونَ
habang nasa mga higaang ginayakan habang nakatingin sa Panginoon nila at sa anumang nagpapatuwa sa mga sarili nila at nagpapagalak sa kanila.
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
تَعۡرِفُ فِي وُجُوهِهِمۡ نَضۡرَةَ ٱلنَّعِيمِ
Kapag nakakita ka sa kanila ay makakikita ka sa mga mukha nila ng bakas ng pagpapakaginhawa sa kagandahan at karikitan.
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
يُسۡقَوۡنَ مِن رَّحِيقٖ مَّخۡتُومٍ
Magpapainom sa kanila ang mga alila nila mula sa alak na ipininid sa sisidlan nito.
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
خِتَٰمُهُۥ مِسۡكٞۚ وَفِي ذَٰلِكَ فَلۡيَتَنَافَسِ ٱلۡمُتَنَٰفِسُونَ
Kakalat ang halimuyak ng musk mula rito hanggang sa wakas nito. Alang-alang sa masaganang pagganting ito ay kinakailangan na mag-unahan ang mga nag-uunahan sa paggawa ng nagpapalugod kay Allāh at sa pag-iwan ng nagpapainis sa Kanya.
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
وَمِزَاجُهُۥ مِن تَسۡنِيمٍ
Hahaluan ang inuming ipininid na ito ng mula sa bukal ng Tasnīm.
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
عَيۡنٗا يَشۡرَبُ بِهَا ٱلۡمُقَرَّبُونَ
Iyon ay isang bukal sa pinakamataas na bahagi ng Paraiso, na mula roon ang mga inilapit ay iinom ng isang purong dalisay at iinom ang lahat ng mga mananampalataya mula roon ng isang hinaluan ng iba pa.
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
إِنَّ ٱلَّذِينَ أَجۡرَمُواْ كَانُواْ مِنَ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ يَضۡحَكُونَ
Tunay na ang mga nagpakasalarin dahil sa taglay nila dati na kawalang-pananampalataya ay tumatawa dati sa mga sumampalataya bilang pangungutya sa mga ito.
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
وَإِذَا مَرُّواْ بِهِمۡ يَتَغَامَزُونَ
Kapag naparaan sila sa mga mananampalataya ay kumikindat ang isa't isa sa kanila bilang panunuya at bilang pagbibiro.
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
وَإِذَا ٱنقَلَبُوٓاْ إِلَىٰٓ أَهۡلِهِمُ ٱنقَلَبُواْ فَكِهِينَ
Kapag bumalik sila sa mga kapwa nila ay bumabalik sila na mga natutuwa sa taglay nila na kawalang-pananampalataya at pangungutya sa mga mananampalataya.
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
وَإِذَا رَأَوۡهُمۡ قَالُوٓاْ إِنَّ هَٰٓؤُلَآءِ لَضَآلُّونَ
Kapag nakasaksi sila sa mga Muslim ay nagsasabi sila: "Tunay na ang mga ito ay talagang mga naliligaw palayo sa daan ng katotohanan yayamang umiwan sila ng relihiyon ng mga ninuno nila."
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
وَمَآ أُرۡسِلُواْ عَلَيۡهِمۡ حَٰفِظِينَ
Hindi nagtalaga sa kanila si Allāh para sa pag-iingat sa mga gawain ng mga iyon upang magsabi ang mga iyon nitong sinabi ng mga iyon.
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
ഈ പേജിലെ ആയത്തുകളിൽ നിന്നുള്ള പാഠങ്ങൾ:
• خطر الذنوب على القلوب.
Ang panganib ng mga pagkakasala sa mga puso.

• حرمان الكفار من رؤية ربهم يوم القيامة.
Ang pagkakait sa mga tagatangging sumampalataya ng pagkakita sa Panginoon nila sa Araw ng Pagbangon.

• السخرية من أهل الدين صفة من صفات الكفار.
Ang panunuya sa mga alagad ng relihiyon ay isa sa mga katangian ng mga tagatangging sumampalataya.

فَٱلۡيَوۡمَ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ مِنَ ٱلۡكُفَّارِ يَضۡحَكُونَ
Kaya sa Araw ng Pagbangon ang mga sumampalataya kay Allāh ay tatawa sa mga tagatangging sumampalataya, kung paano dati ang mga tagatangging sumampalataya ay tumatawa sa kanila sa Mundo,
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
عَلَى ٱلۡأَرَآئِكِ يَنظُرُونَ
habang nasa mga higaang ginayakan habang nakatingin sa inihanda ni Allāh para sa kanila na kaginhawahang mamamalagi.
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
هَلۡ ثُوِّبَ ٱلۡكُفَّارُ مَا كَانُواْ يَفۡعَلُونَ
Talaga ngang gagantihan ang mga tagatangging sumampalataya, dahil sa mga gawa nila na ginawa nila sa Mundo, ng pagdurusang manghahamak.
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
ഈ പേജിലെ ആയത്തുകളിൽ നിന്നുള്ള പാഠങ്ങൾ:
• خضوع السماء والأرض لربهما.
Ang pagpapakumbaba ng langit at lupa sa Panginoon nila.

• كل إنسان ساعٍ إما لخير وإما لشرّ.
Bawat tao ay nagpupunyagi para sa kabutihan o para sa kasamaan.

• علامة السعادة يوم القيامة أخذ الكتاب باليمين، وعلامة الشقاء أخذه بالشمال.
Ang palatandaan ng kaligayahan sa Araw ng Pagbangon ay ang pagtanggap ng talaan sa kanang kamay at ang palatandaan ng kalumbayan ay ang pagtanggap nito sa kaliwang kamay.

 
പരിഭാഷ അദ്ധ്യായം: സൂറത്തുൽ മുത്വഫ്ഫിഫീൻ
സൂറത്തുകളുടെ സൂചിക പേജ് നമ്പർ
 
വിശുദ്ധ ഖുർആൻ പരിഭാഷ - അൽ മുഖ്തസ്വർ ഫീ തഫ്സീറിൽ ഖുർആനിൽ കരീം (ഫിലിപ്പീൻ വിവർത്തനം). - വിവർത്തനങ്ങളുടെ സൂചിക

അൽ മുഖ്തസ്വർ ഫീ തഫ്സീറിൽ ഖുർആനിൽ കരീം (ഫിലിപ്പീൻ വിവർത്തനം). മർകസ് തഫ്സീർ പുറത്തിറക്കിയത്.

അടക്കുക