Check out the new design

Vertaling van de betekenissen Edele Qur'an - Filipijnse (Tagalog) vertaling van de samenvatting van de tafsier van de Heilige Koran * - Index van vertaling


Vertaling van de betekenissen Surah: al-Kahf   Vers:
وَدَخَلَ جَنَّتَهُۥ وَهُوَ ظَالِمٞ لِّنَفۡسِهِۦ قَالَ مَآ أَظُنُّ أَن تَبِيدَ هَٰذِهِۦٓ أَبَدٗا
Pumasok ang tagatangging sumampalataya sa taniman niya habang kasa-kasama ng mananampalataya upang ipakita rito iyon habang siya ay lumalabag sa katarungan sa sarili niya dahil sa kawalang-pananampalataya at paghanga [sa sarili]. Nagsabi ang tagatangging sumampalataya: "Hindi ako nagpapalagay na malilipol ang tanimang ito na nasasaksihan mo dahil sa ginawa ko para rito ng mga kadahilanan ng pananatili.
Arabische uitleg van de Qur'an:
وَمَآ أَظُنُّ ٱلسَّاعَةَ قَآئِمَةٗ وَلَئِن رُّدِدتُّ إِلَىٰ رَبِّي لَأَجِدَنَّ خَيۡرٗا مِّنۡهَا مُنقَلَبٗا
Hindi ako nagpalagay na ang Pagbangon [ng mga patay] ay mangyayari. [Ang buhay na] ito ay isang buhay na nagpapatuloy lamang. Ipagpalagay na magaganap ito, kapag binuhay ako at ibinalik ako sa Panginoon ko ay talagang makatatagpo nga ako matapos ng pagkabuhay ng panunumbalikan ko na higit na mainam kaysa sa taniman kong ito sapagkat ang pagiging mayaman ko sa Mundo ay humihiling na ako ay maging mayaman matapos ng pagkabuhay."
Arabische uitleg van de Qur'an:
قَالَ لَهُۥ صَاحِبُهُۥ وَهُوَ يُحَاوِرُهُۥٓ أَكَفَرۡتَ بِٱلَّذِي خَلَقَكَ مِن تُرَابٖ ثُمَّ مِن نُّطۡفَةٖ ثُمَّ سَوَّىٰكَ رَجُلٗا
Nagsabi sa kanya ang kasamahan niyang mananampalataya habang ito ay umuulit sa kanya ng pangungusap: "Tumanggi ka bang sumampalataya sa lumikha sa ama mong si Adan mula sa alabok, pagkatapos lumikha sa iyo mismo mula sa punlay, pagkatapos gumawa sa iyo bilang isang taong lalaki, nagpaangkop sa mga bahagi ng katawan mo, at gumawa sa iyong buo? Ang nakakaya niyon sa kabuuan niyon ay nakakakaya sa pagbuhay muli sa iyo.
Arabische uitleg van de Qur'an:
لَّٰكِنَّا۠ هُوَ ٱللَّهُ رَبِّي وَلَآ أُشۡرِكُ بِرَبِّيٓ أَحَدٗا
Subalit ako ay hindi nagsasabi ng sabi mong ito. Nagsasabi lamang ako: 'Siya ay si Allāh – kaluwalhatian sa Kanya – na Panginoon ko, ang tagapagmabuting-loob ng mga biyaya Niya sa atin. Hindi ako nagtatambal sa Kanya ng isa man sa pagsamba.
Arabische uitleg van de Qur'an:
وَلَوۡلَآ إِذۡ دَخَلۡتَ جَنَّتَكَ قُلۡتَ مَا شَآءَ ٱللَّهُ لَا قُوَّةَ إِلَّا بِٱللَّهِۚ إِن تَرَنِ أَنَا۠ أَقَلَّ مِنكَ مَالٗا وَوَلَدٗا
Bakit kaya – nang pumasok ka sa hardin mo – hindi ka nagsabi: 'Ang niloob ni Allāh [ay naganap]; walang lakas sa isa man malibang sa pamamagitan ni Allāh sapagkat Siya ay ang gumagawa ng niloloob Niya at Siya ay ang Malakas.' Kaya kung nangyaring nakikita mo ako na higit na maralita kaysa sa iyo at higit na kaunti sa mga anak,
Arabische uitleg van de Qur'an:
فَعَسَىٰ رَبِّيٓ أَن يُؤۡتِيَنِ خَيۡرٗا مِّن جَنَّتِكَ وَيُرۡسِلَ عَلَيۡهَا حُسۡبَانٗا مِّنَ ٱلسَّمَآءِ فَتُصۡبِحَ صَعِيدٗا زَلَقًا
ako ay umaasa na magbigay sa akin si Allāh ng higit na mabuti kaysa sa taniman mo at magpadala Siya sa taniman mo ng isang pagdurusa mula sa langit para ang taniman mo ay maging isang lupang walang halaman, na madudulas diyan ang mga paa dahil sa kakinisan niyan;
Arabische uitleg van de Qur'an:
أَوۡ يُصۡبِحَ مَآؤُهَا غَوۡرٗا فَلَن تَسۡتَطِيعَ لَهُۥ طَلَبٗا
o maalis ang tubig niyan palubog sa lupa kaya hindi mo kakayanin ang umabot doon gamit ng isang kaparaanan. Kapag lumubog ang tubig niyan ay walang matitira para riyan."
Arabische uitleg van de Qur'an:
وَأُحِيطَ بِثَمَرِهِۦ فَأَصۡبَحَ يُقَلِّبُ كَفَّيۡهِ عَلَىٰ مَآ أَنفَقَ فِيهَا وَهِيَ خَاوِيَةٌ عَلَىٰ عُرُوشِهَا وَيَقُولُ يَٰلَيۡتَنِي لَمۡ أُشۡرِكۡ بِرَبِّيٓ أَحَدٗا
Nagkatotoo ang inasahan ng mananampalataya sapagkat pumaligid ang kapahamakan sa mga bunga ng taniman ng tagatangging sumampalataya. Kaya nagsimula ang tagatangging sumampalataya na nagbaling-baling ng mga kamay niya dahil sa tindi ng panghihinayang at pagsisisi dahil sa mga salaping iniukol niya sa pagpapatayo niyon at pagsasaayos niyon. Ang taniman ay gumuho sa mga panukod niyon na ginagapangan ng mga sanga ng ubas. Nagsasabi siya: "O kung sana ako ay sumampalataya sa Panginoon ko lamang at hindi nagtambal kasama sa Kanya ng isa man sa pagsamba!"
Arabische uitleg van de Qur'an:
وَلَمۡ تَكُن لَّهُۥ فِئَةٞ يَنصُرُونَهُۥ مِن دُونِ ٱللَّهِ وَمَا كَانَ مُنتَصِرًا
Hindi nagkaroon ang tagatangging sumampalatayang ito ng isang pangkat na magtatanggol sa kanya laban sa pagdurusang dumapo sa kanya. Siya ay ang dating nagmamalaki ng pangkat niya. Hindi nangyaring siya ay nakapagsasanggalang sa pagpapahamak ni Allāh sa taniman niya.
Arabische uitleg van de Qur'an:
هُنَالِكَ ٱلۡوَلَٰيَةُ لِلَّهِ ٱلۡحَقِّۚ هُوَ خَيۡرٞ ثَوَابٗا وَخَيۡرٌ عُقۡبٗا
Sa katayuang iyon, ang pag-aadya ay ukol kay Allāh lamang. Siya – kaluwalhatian sa Kanya – ay pinakamabuti sa gantimpala sa mga katangkilik Niya kabilang sa mga mananampalataya sapagkat Siya ay nagpapaibayo para sa kanila ng gantimpala, at pinakamabuti sa kahihinatnan para sa kanila.
Arabische uitleg van de Qur'an:
وَٱضۡرِبۡ لَهُم مَّثَلَ ٱلۡحَيَوٰةِ ٱلدُّنۡيَا كَمَآءٍ أَنزَلۡنَٰهُ مِنَ ٱلسَّمَآءِ فَٱخۡتَلَطَ بِهِۦ نَبَاتُ ٱلۡأَرۡضِ فَأَصۡبَحَ هَشِيمٗا تَذۡرُوهُ ٱلرِّيَٰحُۗ وَكَانَ ٱللَّهُ عَلَىٰ كُلِّ شَيۡءٖ مُّقۡتَدِرًا
Maglahad ka, O Sugo, para sa mga nalilinlang sa Mundo, ng isang paghahalintulad. Ang paghahalintulad sa Mundo sa paglalaho nito at bilis ng pagwawakas nito ay tulad ng tubig ng ulan na pinababa Namin mula sa langit. Tumubo sa pamamagitan ng tubig na ito ang halaman ng lupa at nahinog ito, saka ang halamang ito ay naging nagkadurug-durog na nagkalugsu-lugso. Tinatangay ng hangin ang mga bahagi nito patungo sa ibang mga dako kaya nanumbalik sa lupa gaya ng dati. Laging si Allāh sa bawat bagay ay Kumakaya: hindi Siya napawawalang-kakayahan ng anuman, saka nagbibigay-buhay Siya sa anumang niloob Niya at lumilipol Siya sa anumang niloob Niya.
Arabische uitleg van de Qur'an:
Voordelen van de verzen op deze pagina:
• على المؤمن ألا يستكين أمام عزة الغني الكافر، وعليه نصحه وإرشاده إلى الإيمان بالله، والإقرار بوحدانيته، وشكر نعمه وأفضاله عليه.
Kailangan sa mananampalataya na hindi mangayupapa sa harap ng kapangyarihan ng mayamang tagatangging sumampalataya at kailangan sa kanya ang magpayo rito at ang gumabay rito tungo sa pananampalataya kay Allāh, sa pagkilala sa kaisahan Niya, at sa pagpapasalamat sa mga biyaya Niya at mga kagandahang-loob Niya rito.

• ينبغي لكل من أعجبه شيء من ماله أو ولده أن يضيف النعمة إلى مُولِيها ومُسْدِيها بأن يقول: ﴿ما شاءَ اللهُ لا قُوَّةَ إلَّا بِاللهِ﴾.
Nararapat sa bawat napahanga ng anuman sa yaman niya o anak niya na iugnay ang biyaya sa tagapagkatiwala nito at tagapagkaloob nito sa pamamagitan ng pagsabi ng: Mā shā'a – llāhu lā qūwata illā bi-llāh (Ang niloob ni Allāh [ay naganap]; walang lakas kundi sa pamamagitan ni Allāh).

• إذا أراد الله بعبد خيرًا عجل له العقوبة في الدنيا.
Kapag nagnais si Allāh ng kabutihan sa isang tao ay minamadali Niya ang kaparusahan sa Mundo.

• جواز الدعاء بتلف مال من كان ماله سبب طغيانه وكفره وخسرانه.
Ang pagpayag sa pagdalangin ng pagkasira ng yaman ng sinumang ang yaman niya ay dahilan ng paghahari-harian niya at kawalang-pananampalataya niya, at ng pagkalugi niya.

 
Vertaling van de betekenissen Surah: al-Kahf
Surah's Index Pagina nummer
 
Vertaling van de betekenissen Edele Qur'an - Filipijnse (Tagalog) vertaling van de samenvatting van de tafsier van de Heilige Koran - Index van vertaling

Uitgegeven door het Tafsier Centrum voor Koranstudies.

Sluit