Check out the new design

Vertaling van de betekenissen Edele Qur'an - Filipijnse (Tagalog) vertaling van de samenvatting van de tafsier van de Heilige Koran * - Index van vertaling


Vertaling van de betekenissen Surah: al-Kahf   Vers:
وَلَقَدۡ صَرَّفۡنَا فِي هَٰذَا ٱلۡقُرۡءَانِ لِلنَّاسِ مِن كُلِّ مَثَلٖۚ وَكَانَ ٱلۡإِنسَٰنُ أَكۡثَرَ شَيۡءٖ جَدَلٗا
Talaga ngang naglinaw Kami at nagsarisari Kami sa Qur’ān na ito na pinababa kay Muḥammad – ang basbas at ang pagbati ng kapayapaan ay sumakanya – ng marami sa mga uri ng mga paghahalimbawa upang magsaalaala sila at mapangaralan sila subalit ang tao – lalo na ang tagatangging sumampalataya – ay pinakamadalas na bagay sa paglalantad ng pakikipagtalo sa hindi katotohanan.
Arabische uitleg van de Qur'an:
وَمَا مَنَعَ ٱلنَّاسَ أَن يُؤۡمِنُوٓاْ إِذۡ جَآءَهُمُ ٱلۡهُدَىٰ وَيَسۡتَغۡفِرُواْ رَبَّهُمۡ إِلَّآ أَن تَأۡتِيَهُمۡ سُنَّةُ ٱلۡأَوَّلِينَ أَوۡ يَأۡتِيَهُمُ ٱلۡعَذَابُ قُبُلٗا
Hindi humadlang sa pagitan ng mga tagatangging sumampalatayang nagmamatigas at ng pananampalataya sa inihatid niMuḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – mula sa Panginoon niya at hindi humadlang sa pagitan nila at ng paghiling ng kapatawaran mula kay Allāh para sa mga pagkakasala nila ang kakulangan ng paglilinaw sapagkat nailahad para sa kanila ang mga paghahalintulad sa Qur'ān at dumating sa kanila ang mga katwirang maliwanag. Pumigil lamang sa kanila ang paghiling nila – dahil sa kasutilan – ng pagpapabagsak sa kanila ng parusa sa mga kalipunang nauna at ang pagkakita sa parusa na ipinangako sa kanila.
Arabische uitleg van de Qur'an:
وَمَا نُرۡسِلُ ٱلۡمُرۡسَلِينَ إِلَّا مُبَشِّرِينَ وَمُنذِرِينَۚ وَيُجَٰدِلُ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ بِٱلۡبَٰطِلِ لِيُدۡحِضُواْ بِهِ ٱلۡحَقَّۖ وَٱتَّخَذُوٓاْ ءَايَٰتِي وَمَآ أُنذِرُواْ هُزُوٗا
Hindi Kami nagpapadala ng ipinadadala Namin na mga sugo kundi bilang mga tagapagbalita ng nakagagalak sa mga alagad ng pananampalataya at pagtalima, at bilang mga tagapagpangamba sa mga alagad ng kawalang-pananampalataya at pagsuway. Wala silang pangingibabaw sa mga puso sa pagdala sa mga ito sa kapatnubayan. Nakikipag-alitan ang mga tumangging sumampalataya kay Allāh at sa mga sugo sa kabila ng kaliwanagan ng patunay sa kanila upang maalis nila sa pamamagitan ng kabulaanan nila ang katotohanang pinababa kay Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan. Gumawa sila sa Qur'ān at sa anumang ipinangangamba sa kanila bilang katatawanan at bilang panunuya.
Arabische uitleg van de Qur'an:
وَمَنۡ أَظۡلَمُ مِمَّن ذُكِّرَ بِـَٔايَٰتِ رَبِّهِۦ فَأَعۡرَضَ عَنۡهَا وَنَسِيَ مَا قَدَّمَتۡ يَدَاهُۚ إِنَّا جَعَلۡنَا عَلَىٰ قُلُوبِهِمۡ أَكِنَّةً أَن يَفۡقَهُوهُ وَفِيٓ ءَاذَانِهِمۡ وَقۡرٗاۖ وَإِن تَدۡعُهُمۡ إِلَى ٱلۡهُدَىٰ فَلَن يَهۡتَدُوٓاْ إِذًا أَبَدٗا
Walang isang higit na matindi sa kawalang-katarungan kaysa sa sinumang napaalalahanan ng mga tanda ng Panginoon niya ngunit hindi siya umalintana sa nasaad dito na isang banta ng pagdurusa, umayaw siya na mapangaralan sa pamamagitan ng mga ito, at lumimot siya sa inihain niya sa buhay niya sa Mundo na kawalang-pananampalataya at mga pagsuway at hindi siya nagbalik-loob. Tunay na Kami ay naglagay sa mga puso ng mga ganito ang paglalarawan sa kanila ng mga panakip na pipigil sa mga ito sa pag-intindi sa Qur'ān, at [naglagay] sa mga tainga nila ng pagkabingi roon kaya hindi sila nakaririnig niyon ayon sa pagkarinig ng pagtanggap. Kung mag-aanyaya ka sa kanila sa patnubay ay hindi sila tutugon sa ipinaaanyaya mo sa kanila magpakailanman hanggat may nanatili sa mga puso nila na mga panakip at [may nanatili] sa mga tainga nila na pagkabingi.
Arabische uitleg van de Qur'an:
وَرَبُّكَ ٱلۡغَفُورُ ذُو ٱلرَّحۡمَةِۖ لَوۡ يُؤَاخِذُهُم بِمَا كَسَبُواْ لَعَجَّلَ لَهُمُ ٱلۡعَذَابَۚ بَل لَّهُم مَّوۡعِدٞ لَّن يَجِدُواْ مِن دُونِهِۦ مَوۡئِلٗا
Upang hindi mag-asam-asam ang Propeta – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – sa pakikipagmadalian sa mga tagapagpasinungaling sa pagdurusa, nagsabi si Allāh sa kanya: "Ang Panginoon mo, O Propeta, ay ang Mapagpatawad sa mga pagkakasala ng mga lingkod Niyang mga nagbabalik-loob, ang may awa na sumakop sa bawat bagay." Bahagi ng awa Niya na Siya ay nagpapalugit sa mga suwail nang sa gayon sila ay magbabalik-loob sa Kanya. Ngunit kung sakaling Siya – pagkataas-taas Siya – ay magpaparusa sa mga taga-ayaw na ito, talaga sanang nag-apura Siya para sa kanila ng pagdurusa sa buhay na pangmundo subalit Siya ay Matimpiin, Maawain, na nag-antala sa kanila ng pagdurusa upang magbalik-loob sila. Bagkus may ukol sa kanila na isang pook at isang panahon na mga tinakdaan, na gagantihan sila sa mga iyon dahil sa kawalang-pananampalataya nila at pag-ayaw nila kung hindi sila nagbalik-loob. Hindi sila makatatagpo bukod pa rito ng isang madudulugan na dudulugan nila.
Arabische uitleg van de Qur'an:
وَتِلۡكَ ٱلۡقُرَىٰٓ أَهۡلَكۡنَٰهُمۡ لَمَّا ظَلَمُواْ وَجَعَلۡنَا لِمَهۡلِكِهِم مَّوۡعِدٗا
Yaong mga pamayanang tumatangging sumampalataya na malapit sa inyo tulad ng mga pamayanan ng nina Hūd, Ṣāliḥ, at Shu`ayb, nagpahamak Kami sa kanila nang lumabag sila sa katarungan sa mga sarili nila dahil sa kawalang-pananampalataya at mga pagsuway at gumawa Kami para sa pagpapahamak sa kanila ng isang panahong tinakdaan.
Arabische uitleg van de Qur'an:
وَإِذۡ قَالَ مُوسَىٰ لِفَتَىٰهُ لَآ أَبۡرَحُ حَتَّىٰٓ أَبۡلُغَ مَجۡمَعَ ٱلۡبَحۡرَيۡنِ أَوۡ أَمۡضِيَ حُقُبٗا
Banggitin mo, O Sugo, nang nagsabi si Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – sa tagapaglingkod niyang si Josue na anak ni Nūn: "Hindi ako titigil maglakbay hanggang sa makarating ako sa pinagtatagpuan ng dalawang dagat o maglakbay nang isang matagal na panahon hanggang sa makatagpo ko ang lingkod na maayos para matuto ako mula sa kanya."
Arabische uitleg van de Qur'an:
فَلَمَّا بَلَغَا مَجۡمَعَ بَيۡنِهِمَا نَسِيَا حُوتَهُمَا فَٱتَّخَذَ سَبِيلَهُۥ فِي ٱلۡبَحۡرِ سَرَبٗا
Kaya naglakbay silang dalawa, saka noong nakarating silang dalawa sa pinagtatagpuan ng dalawang dagat ay nakalimot silang dalawa sa isda nilang dalawa na ginawa nilang dalawa bilang baon para sa kanilang dalawa kaya binuhay ni Allāh ang isda at gumawa ito ng isang daan sa dagat tulad ng lagusan na hindi nag-uugnay ang tubig doon.
Arabische uitleg van de Qur'an:
Voordelen van de verzen op deze pagina:
• عظمة القرآن وجلالته وعمومه؛ لأن فيه كل طريق موصل إلى العلوم النافعة، والسعادة الأبدية، وكل طريق يعصم من الشر.
Ang kadakilaan ng Qur'ān, ang kapitaganan nito, at ang pagkapangkalahatan nito dahil narito ang bawat daang nagpaparating sa mga kaalamang napakikinabangan at kaligayahang walang-hanggan, at ang bawat daan na nangangalaga laban sa kasamaan.

• من حكمة الله ورحمته أن تقييضه المبطلين المجادلين الحق بالباطل من أعظم الأسباب إلى وضوح الحق، وتبيُّن الباطل وفساده.
Bahagi ng karunungan ni Allāh at awa Niya na ang pagtatalaga Niya sa mga tagapagpabulang nakikipagtalo sa katotohanan sa pamamagitan ng kabulaanan ay kabilang sa pinakadakila sa mga kadahilanan tungo sa kaliwanagan ng katotohanan at pagkalinaw ng kabulaanan at kaguluhan nito.

• في الآيات من التخويف لمن ترك الحق بعد علمه أن يحال بينه وبين الحق، ولا يتمكن منه بعد ذلك، ما هو أعظم مُرَهِّب وزاجر عن ذلك.
May nasaad sa mga talata [ng Qur'ān] na pagpapangamba sa sinumang nag-iwan sa katotohanan matapos ng pagkaalam niya na may hahadlang sa pagitan niya at ng katotohanan at hindi makakaya rito matapos niyon ang pinakasukdulang tagapagpangilabot at tagapagtulak niyon.

• فضيلة العلم والرحلة في طلبه، واغتنام لقاء الفضلاء والعلماء وإن بعدت أقطارهم.
Ang kahigitan ng kaalaman, ang paglalakbay sa paghahanap nito, ang pagsamantala sa pakikipagtagpo sa mga nakalalamang at mga nakaaalam kahit pa man naging malayo ang mga lugar nila.

• الحوت يطلق على السمكة الصغيرة والكبيرة ولم يرد في القرآن لفظ السمك، وإنما ورد الحوت والنون واللحم الطري.
Ang ḥūt ay itinataguri sa isdang maliit at malaki. Hindi nasaad sa Qu'rān ang katagang samak. Tanging ang nasaad ay ang ḥūt, ang nūn, at ang sariwang laman.

 
Vertaling van de betekenissen Surah: al-Kahf
Surah's Index Pagina nummer
 
Vertaling van de betekenissen Edele Qur'an - Filipijnse (Tagalog) vertaling van de samenvatting van de tafsier van de Heilige Koran - Index van vertaling

Uitgegeven door het Tafsier Centrum voor Koranstudies.

Sluit