د قرآن کریم د معناګانو ژباړه - د المختصر فی تفسیر القرآن الکریم فلیپیني (تجالوج) ژباړه * - د ژباړو فهرست (لړلیک)


د معناګانو ژباړه آیت: (41) سورت: المائدة
۞ يَٰٓأَيُّهَا ٱلرَّسُولُ لَا يَحۡزُنكَ ٱلَّذِينَ يُسَٰرِعُونَ فِي ٱلۡكُفۡرِ مِنَ ٱلَّذِينَ قَالُوٓاْ ءَامَنَّا بِأَفۡوَٰهِهِمۡ وَلَمۡ تُؤۡمِن قُلُوبُهُمۡۛ وَمِنَ ٱلَّذِينَ هَادُواْۛ سَمَّٰعُونَ لِلۡكَذِبِ سَمَّٰعُونَ لِقَوۡمٍ ءَاخَرِينَ لَمۡ يَأۡتُوكَۖ يُحَرِّفُونَ ٱلۡكَلِمَ مِنۢ بَعۡدِ مَوَاضِعِهِۦۖ يَقُولُونَ إِنۡ أُوتِيتُمۡ هَٰذَا فَخُذُوهُ وَإِن لَّمۡ تُؤۡتَوۡهُ فَٱحۡذَرُواْۚ وَمَن يُرِدِ ٱللَّهُ فِتۡنَتَهُۥ فَلَن تَمۡلِكَ لَهُۥ مِنَ ٱللَّهِ شَيۡـًٔاۚ أُوْلَٰٓئِكَ ٱلَّذِينَ لَمۡ يُرِدِ ٱللَّهُ أَن يُطَهِّرَ قُلُوبَهُمۡۚ لَهُمۡ فِي ٱلدُّنۡيَا خِزۡيٞۖ وَلَهُمۡ فِي ٱلۡأٓخِرَةِ عَذَابٌ عَظِيمٞ
O Sugo, huwag magpalungkot sa iyo ang mga nagmamabilis sa paglalantad sa mga gawain ng kawalang-pananampalataya upang magpangitngit sila sa iyo sa mga mapagpaimbabaw na naglalantad ng pananampalataya habang naglilingid ng kawalang-pananampalataya. Huwag magpalungkot sa iyo ang mga Hudyo na nakikinig sa kasinungalingan ng mga nakatatanda nila at tumatanggap nito bilang mga gumagaya sa mga pinuno nila na hindi pumunta sa iyo dala ng isang pag-ayaw nila sa iyo. Nagpapalit sila sa Salita ni Allāh sa Torah ayon sa umaalinsunod sa mga pithaya nila. Nagsasabi sila sa mga tagasunod nila: "Kung umayon ang kahatulan ni Muḥammad sa mga pithaya ninyo ay sumunod kayo sa kanya. Kung sumalungat iyon sa mga ito ay mangilag kayo sa kanya." Ang sinumang nagnais si Allāh ng pagliligaw sa kanya kabilang sa mga tao ay hindi ka makatatagpo, O Sugo, ng sinumang magtutulak palayo sa kanya ng pagkaligaw at magpapatnubay sa kanya tungo sa landas ng katotohanan. Ang mga inilalarawang iyon sa pamamagitan ng mga katangiang ito kabilang sa mga Hudyo at mga mapagpaimbabaw ay ang mga hindi nagnais si Allāh ng pagdadalisay sa mga puso nila mula sa kawalang-pananampalataya. Ukol sa kanila sa Mundo ay isang kahihiyan at isang kasiraang-puri. Ukol sa kanila sa Kabilang-buhay ay isang pagdurusang sukdulan, ang pagdurusa sa Apoy.
عربي تفسیرونه:
په دې مخ کې د ایتونو د فایدو څخه:
• حكمة مشروعية حد السرقة: ردع السارق عن التعدي على أموال الناس، وتخويف من عداه من الوقوع في مثل ما وقع فيه.
Ang kasanhian ng pagkaisinasabatas ng takdang parusa sa pagnanakaw ay para sa pagsawata sa magnanakaw sa paglabag sa mga ari-arian ng mga tao at pagpapangamba sa sinumang nilabag niya laban sa pagkakasadlak sa tulad ng kinasadlakan niya.

• قَبول توبة السارق ما لم يبلغ السلطان وعليه إعادة ما سرق، فإذا بلغ السلطان وجب الحكم، ولا يسقط بالتوبة.
Ang pagtanggap sa pagbabalik-loob ng magnanakaw ay hanggat hindi umabot sa pamahalaan. Kailangan sa kanya ang pagsasauli sa anumang ninakaw niya, ngunit kung umabot na ito sa pamahalaan, maoobliga ang kahatulan at hindi ito maaalis dahil sa pagbabalik-loob.

• يحسن بالداعية إلى الله ألَّا يحمل همًّا وغمًّا بسبب ما يحصل من بعض الناس مِن كُفر ومكر وتآمر؛ لأن الله تعالى يبطل كيد هؤلاء.
Nakabubuti sa tagaanyaya tungo kay Allāh na hindi magpatangay sa pagkabahala at dalamhati dahilan sa nangyayari sa iba sa mga tao gaya ng kawalang-pananampalataya, panlalansi, at sabwatan dahil si Allāh – pagkataas-taas Siya – ay magpapawalang-saysay sa pakana ng mga ito.

• حِرص المنافقين على إغاظة المؤمنين بإظهار أعمال الكفر مع ادعائهم الإسلام.
Ang sigasig ng mga mapagpaimbabaw sa pagpapangitngit sa mga mananampalataya sa pamamagitan ng paglalantad ng kawalang-pananampalataya kasabay ng pag-aangkin nila ng pagyakap sa Islām.

 
د معناګانو ژباړه آیت: (41) سورت: المائدة
د سورتونو فهرست (لړلیک) د مخ نمبر
 
د قرآن کریم د معناګانو ژباړه - د المختصر فی تفسیر القرآن الکریم فلیپیني (تجالوج) ژباړه - د ژباړو فهرست (لړلیک)

د المختصر فی تفسیر القرآن الکریم فلیپیني (تجالوج) ژباړه، د مرکز تفسیر للدارسات القرآنیة لخوا خپور شوی.

بندول