Tradução dos significados do Nobre Qur’an. - Tradução filipina (tagalo) de interpretação abreviada do Nobre Alcorão. * - Índice de tradução


Tradução dos significados Versículo: (52) Surah: Suratu Al-Kahf
وَيَوۡمَ يَقُولُ نَادُواْ شُرَكَآءِيَ ٱلَّذِينَ زَعَمۡتُمۡ فَدَعَوۡهُمۡ فَلَمۡ يَسۡتَجِيبُواْ لَهُمۡ وَجَعَلۡنَا بَيۡنَهُم مَّوۡبِقٗا
Banggitin mo sa kanila, O Sugo, ang Araw ng Pagbangon kapag magsasabi si Allāh sa mga nagtambal sa Kanya sa Mundo: "Dumalangin kayo sa mga katambal sa Akin, na inangkin ninyo na sila ay mga katambal para sa Akin, nang sa gayon sila ay mag-adya sa inyo." Kaya dadalangin sila sa mga iyon ngunit hindi tutugon ang mga iyon sa panalangin nila at hindi mag-aadya sa kanila. Maglalagay Kami sa pagitan ng mga tagasamba at mga sinasamba ng isang pagkakapahamak na makikibahagi sila roon, ang Apoy ng Impiyerno.
Os Tafssir em língua árabe:
Das notas do versículo nesta página:
• على العبد الإكثار من الباقيات الصالحات، وهي كل عمل صالح من قول أو فعل يبقى للآخرة.
Kailangan sa tao ang pagpaparami ng mga gawang nanatiling maayos. Ang mga ito ay ang bawat gawang maayos kabilang sa sinasabi o ginagawa, na mananatili para sa Kabilang-buhay.

• على العبد تذكر أهوال القيامة، والعمل لهذا اليوم حتى ينجو من أهواله، وينعم بجنة الله ورضوانه.
Kailangan sa tao ang pagsasaalaala sa mga hilakbot sa [Araw ng] Pagbangon at ang paggawa para sa araw na ito upang maligtas sa mga hilakbot nito at mabiyayaan ng Paraiso ni Allāh at kaluguran Niya.

• كَرَّم الله تعالى أبانا آدم عليه السلام والجنس البشري بأجمعه بأمره الملائكة أن تسجد له في بدء الخليقة سجود تحية وتكريم.
Nagparangal si Allāh – pagkataas-taas Siya – sa ama nating si Adan – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – at sa lahing tao sa kalahatan nito dahil sa pag-utos Niya sa mga anghel na magpatirapa kay Adan, sa simula ng paglikha, ng pagpapatirapa ng pagbati at pagpaparangal.

• في الآيات الحث على اتخاذ الشيطان عدوًّا.
Sa mga talata ng Qur'ān ay may paghimok sa pagturing sa demonyo bilang kaaway.

 
Tradução dos significados Versículo: (52) Surah: Suratu Al-Kahf
Índice de capítulos Número de página
 
Tradução dos significados do Nobre Qur’an. - Tradução filipina (tagalo) de interpretação abreviada do Nobre Alcorão. - Índice de tradução

Tradução filipina (tagalo), de interpretação abreviada do Nobre Alcorão , emitido pelo Centro de Interpretação de Estudos do Alcorão.

Fechar