Check out the new design

Ibisobanuro bya qoran ntagatifu - Ibisobanuro bya Qur'an Ntagatifu mu rurimi rw'igifilipine (Tagalog) bikaba ari incamake y'ibisobanuro bya Qur'an Ntagatifu. * - Ishakiro ry'ibisobanuro


Ibisobanuro by'amagambo Isura: Aswafati   Umurongo:

As-Sāffāt

Impamvu y'isura:
تنزيه الله عما نسبه إليه المشركون، وإبطال مزاعمهم في الملائكة والجن.
Ang pagpapawalang-kaugnayan ni Allāh sa anumang inuugnay sa Kanya ng mga tagapagtambal at ang pagpapasinungaling sa mga haka-haka nila hinggil sa mga anghel at mga jinn.

وَٱلصَّٰٓفَّٰتِ صَفّٗا
Sumumpa Siya sa mga anghel na humahanay sa pagsamba nila nang nagsisiksikan.
Ibisobanuro by'icyarabu:
فَٱلزَّٰجِرَٰتِ زَجۡرٗا
Sumumpa si Allāh sa mga anghel na nagtataboy sa mga ulap at umaakay sa mga ito saanman Niya loloobin para sa mga ito na bumaba.
Ibisobanuro by'icyarabu:
فَٱلتَّٰلِيَٰتِ ذِكۡرًا
Sumumpa si Allāh sa mga anghel na bumibigkas ng salita Niya.
Ibisobanuro by'icyarabu:
إِنَّ إِلَٰهَكُمۡ لَوَٰحِدٞ
Tunay na ang sinasamba ninyo ayon sa karapatan, O mga tao, ay talagang nag-iisa na walang katambal sa Kanya. Siya ay si Allāh.
Ibisobanuro by'icyarabu:
رَّبُّ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ وَمَا بَيۡنَهُمَا وَرَبُّ ٱلۡمَشَٰرِقِ
Ang Panginoon ng mga langit, ang Panginoon ng lupa, ang Panginoon ng anumang nasa pagitan ng mga ito, at ang Panginoon ng araw sa mga sinisikatan nito at mga nilulubugan nito sa kahabaan ng taon.
Ibisobanuro by'icyarabu:
إِنَّا زَيَّنَّا ٱلسَّمَآءَ ٱلدُّنۡيَا بِزِينَةٍ ٱلۡكَوَاكِبِ
Tunay na Kami ay nagpaganda sa pinakamalapit sa mga langit sa lupa ng gayak na marikit, ang mga tala na sa paningin ay gaya ng mga hiyas na nagniningning.
Ibisobanuro by'icyarabu:
وَحِفۡظٗا مِّن كُلِّ شَيۡطَٰنٖ مَّارِدٖ
Nangalaga Kami sa langit na pinakamababa sa pamamagitan ng mga bituin laban sa bawat demonyong mapaghimagsik na lumalabas sa pagtalima, para ipambato.
Ibisobanuro by'icyarabu:
لَّا يَسَّمَّعُونَ إِلَى ٱلۡمَلَإِ ٱلۡأَعۡلَىٰ وَيُقۡذَفُونَ مِن كُلِّ جَانِبٖ
Hindi nakakakaya ang mga demonyong ito na makinig-kinig sa mga anghel sa langit kapag nagsalita sila ng ikinakasi sa kanila ng Panginoon nila mula sa batas Niya ni mula sa pagtatakda Niya. Binabato ang mga ito ng mga ningas mula sa bawat gilid
Ibisobanuro by'icyarabu:
دُحُورٗاۖ وَلَهُمۡ عَذَابٞ وَاصِبٌ
sa isang pagtataboy sa mga ito at isang pagpapalayo sa pakikinig sa kanila. Ukol sa mga ito sa Kabilang-buhay ay isang pagdurusang nakasasakit na mamamalagi, na hindi mapuputol,
Ibisobanuro by'icyarabu:
إِلَّا مَنۡ خَطِفَ ٱلۡخَطۡفَةَ فَأَتۡبَعَهُۥ شِهَابٞ ثَاقِبٞ
maliban sa sinumang nakahablot kabilang sa mga demonyo ng isang hablot. [Ang hablot] ay isang pangungusap mula sa napagsanggunian ng mga anghel at umiikot sa pagitan nila kabilang sa anumang hindi nakarating ang kaalaman nito sa mga mamamayan ng lupa. Ngunit sinusundan [ang demonyo] ito ng isang ningas na nagtatanglaw, na susunog dito. Marahil naipupukol ng demonyo ang pangungusap na iyon – bago ito nasunog ng ningas – sa mga kapatid niya, saka umaabot ito sa mga manghuhula, saka magsisinungaling sila kasama nito ng isang daang kasinungalingan.
Ibisobanuro by'icyarabu:
فَٱسۡتَفۡتِهِمۡ أَهُمۡ أَشَدُّ خَلۡقًا أَم مَّنۡ خَلَقۡنَآۚ إِنَّا خَلَقۡنَٰهُم مِّن طِينٖ لَّازِبِۭ
Kaya magtanong ka, O Muḥammad, sa mga tagatangging sumampalataya na mga tagapagkaila sa pagkabuhay na muli: "Sila ba ay higit na matindi sa pagkakalikha, higit na malakas sa mga katawan, at higit na malaki sa mga bahagi ng katawan kaysa sa mga nilikha Namin mula sa mga langit at lupa, at sa mga anghel?" Tunay na Kami ay lumikha sa kanila mula sa isang putik na madikit. Kaya papaano silang nagkakaila sa pagkabuhay na muli gayong sila ay mga nilikha mula sa isang nilikhang mahina, ang putik na madikit?
Ibisobanuro by'icyarabu:
بَلۡ عَجِبۡتَ وَيَسۡخَرُونَ
Bagkus namangha ka, O Muḥammad, sa kakayahan ni Allāh at pangangasiwa Niya sa mga pumapatungkol sa nilikha Niya at namangha ka sa pagpapasinungaling ng mga tagapagtambal sa pagkabuhay na muli habang ang mga tagapagtambal na ito dahil sa tindi ng pagpapasinungaling nila sa pagkabuhay na muli ay nanunuya sa sinasabi mo hinggil sa pumapatungkol dito.
Ibisobanuro by'icyarabu:
وَإِذَا ذُكِّرُواْ لَا يَذۡكُرُونَ
Kapag pinangaralan ang mga tagapagtambal na ito ng isang pangaral kabilang sa mga pangaral ay hindi sila napangangaralan sa mga ito at hindi sila nakikinabang dahil sa taglay nila na katigasan ng mga puso.
Ibisobanuro by'icyarabu:
وَإِذَا رَأَوۡاْ ءَايَةٗ يَسۡتَسۡخِرُونَ
Kapag nakasaksi sila ng isang tanda kabilang sa mga tanda ng Propeta – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – na nagpapatunay sa katapatan niya, nagpapakalabis sila sa panunuya at pagtataka roon.
Ibisobanuro by'icyarabu:
وَقَالُوٓاْ إِنۡ هَٰذَآ إِلَّا سِحۡرٞ مُّبِينٌ
Nagsasabi sila: "Walang iba itong inihatid ni Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – kundi isang panggagaway na maliwanag.
Ibisobanuro by'icyarabu:
أَءِذَا مِتۡنَا وَكُنَّا تُرَابٗا وَعِظَٰمًا أَءِنَّا لَمَبۡعُوثُونَ
Kaya kapag namatay kami at kami ay naging alabok at mga butong bulok na nagkalansag-lansag, tunay bang kami ay talagang mga bubuhayin bilang mga buhay matapos niyon? Tunay na ito ay imposible.
Ibisobanuro by'icyarabu:
أَوَءَابَآؤُنَا ٱلۡأَوَّلُونَ
Bubuhayin ba ang mga ninuno naming sinauna na namatay bago namin?"
Ibisobanuro by'icyarabu:
قُلۡ نَعَمۡ وَأَنتُمۡ دَٰخِرُونَ
Sabihin mo, O Muḥammad, habang sumasagot sa kanila: "Oo, bubuhayin kayo matapos na kayo ay naging alabok at mga butong bulok at bubuhayin ang mga ninuno ninyong sinauna. Bubuhayin kayong lahat habang kayo ay mga mamaliiting hamak."
Ibisobanuro by'icyarabu:
فَإِنَّمَا هِيَ زَجۡرَةٞ وَٰحِدَةٞ فَإِذَا هُمۡ يَنظُرُونَ
Ito lamang ay nag-iisang ihip sa tambuli (sa ikalawang pag-ihip), saka biglang silang lahat ay nakatingin sa mga hilakbot ng Araw ng Pagbangon habang nag-aabang sa gagawin ni Allāh sa kanila.
Ibisobanuro by'icyarabu:
وَقَالُواْ يَٰوَيۡلَنَا هَٰذَا يَوۡمُ ٱلدِّينِ
Magsasabi ang mga tagapagtambal na tagapagpasinungaling sa pagkabuhay na muli: "O kapahamakan sa amin! Ito ay ang Araw ng Pagganti na gaganti rito si Allāh sa mga lingkod Niya sa anumang ipinauna nila na gawain sa buhay nilang pangmundo."
Ibisobanuro by'icyarabu:
هَٰذَا يَوۡمُ ٱلۡفَصۡلِ ٱلَّذِي كُنتُم بِهِۦ تُكَذِّبُونَ
Kaya sasabihin sa kanila: "Ito ay ang Araw ng Paghuhusga sa pagitan ng mga tao na kayo dati ay nagkakaila at nagpapasinungaling dito sa Mundo.
Ibisobanuro by'icyarabu:
۞ ٱحۡشُرُواْ ٱلَّذِينَ ظَلَمُواْ وَأَزۡوَٰجَهُمۡ وَمَا كَانُواْ يَعۡبُدُونَ
22.-23. Sasabihin sa mga anghel sa Araw na iyon: "Tipunin ninyo ang mga tagapagtambal na tagalabag sa katarungan dahil sa shirk nila mismo, ang mga kawangis nila sa shirk at ang mga tagakampi sa kanila sa pagpapasinungaling, at ang mga anitong dati nilang sinasamba bukod pa kay Allāh, saka ipakilala ninyo sa kanila ang daan ng Apoy, ituro ninyo sa kanila iyon, at akayin ninyo sila tungo roon sapagkat tunay na iyon ay ang kahahantungan nila.
Ibisobanuro by'icyarabu:
مِن دُونِ ٱللَّهِ فَٱهۡدُوهُمۡ إِلَىٰ صِرَٰطِ ٱلۡجَحِيمِ
22.-23. Sasabihin sa mga anghel sa Araw na iyon: "Tipunin ninyo ang mga tagapagtambal na tagalabag sa katarungan dahil sa shirk nila mismo, ang mga kawangis nila sa shirk at ang mga tagakampi sa kanila sa pagpapasinungaling, at ang mga anitong dati nilang sinasamba bukod pa kay Allāh, saka ipakilala ninyo sa kanila ang daan ng Apoy, ituro ninyo sa kanila iyon, at akayin ninyo sila tungo roon sapagkat tunay na iyon ay ang kahahantungan nila.
Ibisobanuro by'icyarabu:
وَقِفُوهُمۡۖ إِنَّهُم مَّسۡـُٔولُونَ
Ikulong ninyo sila para sa pagtutuos bago ng pagpapasok sa kanila sa Impiyerno sapagkat tunay na sila ay mga pananagutin. Pagkatapos matapos niyon ay akayin ninyo sila tungo sa Apoy."
Ibisobanuro by'icyarabu:
Inyungu dukura muri ayat kuri Uru rupapuro:
• تزيين السماء الدنيا بالكواكب لمنافع؛ منها: تحصيل الزينة، والحفظ من الشيطان المارد.
Ang paggayak sa pinakamababang langit sa pamamagitan ng mga tala para sa mga pakinabang, na kabilang sa mga ito ay ang pagdudulot ng gayak at pangangalaga laban sa demonyong naghihimagsik.

• إثبات الصراط؛ وهو جسر ممدود على متن جهنم يعبره أهل الجنة، وتزل به أقدام أهل النار.
Ang pagpapatunay sa landasin (ṣirāṭ). Ito ay isang tulay na nakalatag sa ibabaw ng Impiyerno, na tatawirin ng mga mamamayan ng Hardin at matitisod rito ang mga paa ng mga mamamayan ng Apoy.

 
Ibisobanuro by'amagambo Isura: Aswafati
Urutonde rw'amasura numero y'urupapuro
 
Ibisobanuro bya qoran ntagatifu - Ibisobanuro bya Qur'an Ntagatifu mu rurimi rw'igifilipine (Tagalog) bikaba ari incamake y'ibisobanuro bya Qur'an Ntagatifu. - Ishakiro ry'ibisobanuro

Yasohowe n'ikigo Tafsir of Quranic Studies.

Gufunga