ශුද්ධවූ අල් කුර්ආන් අර්ථ කථනය - ශුද්ධ වූ අල්කුර්ආන් අර්ථ විිවරණයේ සංෂිප්ත අනුවාදය- පිලිපීන පරිවර්තනය (ටගාලොග්) * - පරිවර්තන පටුන


අර්ථ කථනය වාක්‍යය: (148) පරිච්ඡේදය: සූරා අල් බකරා
وَلِكُلّٖ وِجۡهَةٌ هُوَ مُوَلِّيهَاۖ فَٱسۡتَبِقُواْ ٱلۡخَيۡرَٰتِۚ أَيۡنَ مَا تَكُونُواْ يَأۡتِ بِكُمُ ٱللَّهُ جَمِيعًاۚ إِنَّ ٱللَّهَ عَلَىٰ كُلِّ شَيۡءٖ قَدِيرٞ
Bawat kalipunan kabilang sa mga kalipunan ay may dakong hinaharapan ng mga ito pisikal man o espirituwal. Bahagi niyon ang pagkakaiba-iba ng mga kalipunan sa qiblah ng mga ito at sa isinabatas ni Allāh para sa mga ito kaya hindi nakapipinsala ang pagkasarisari ng mga dako nila kung ayon sa utos ni Allāh at batas Niya. Kaya mag-unahan kayo, O mga mananampalataya, sa paggawa ng mga kabutihan na ipinag-utos sa inyong gawin ninyo. Magtitipon sa inyo si Allāh mula sa alinmang pook kayo naroon sa Araw ng Pagbangon upang gumanti Siya sa inyo sa gawa ninyo. Tunay na si Allāh sa bawat bagay ay May-kakayahan kaya hindi Siya nawawalang-kakayahan sa pagtipon sa inyo at pagganti sa inyo.
අල්කුර්ආන් අරාබි අර්ථ විවරණ:
මෙ⁣ම පිටුවේ තිබෙන වැකිවල ප්‍රයෝජන:
• إطالة الحديث في شأن تحويل القبلة؛ لما فيه من الدلالة على نبوة محمد صلى الله عليه وسلم.
Ang pagpapahaba ng pag-uusap kaugnay sa pumapatungkol sa paglipat ng qiblah dahil sa nasasaad dito na pahiwatig sa pagkapropeta ni Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan.

• ترك الجدال والاشتغالُ بالطاعات والمسارعة إلى الله أنفع للمؤمن عند ربه يوم القيامة.
Ang pagtigil sa pakikipagtalo, ang pagpapakaabala sa mga pagtalima, at ang pagdadali-dali tungo kay Allāh ay higit na kapaki-pakinabang para sa mananampalataya sa ganang Panginoon niya sa Araw ng Pagbangon.

• أن الأعمال الصالحة الموصلة إلى الله متنوعة ومتعددة، وينبغي للمؤمن أن يسابق إلى فعلها؛ طلبًا للأجر من الله تعالى.
Na ang mga maayos na gawaing ipinararating kay Allāh ay sinarisari at marami at nararapat sa mananampalataya na makipag-unahan sa paggawa ng mga ito para humiling ng pabuya mula kay Allāh – pagkataas-taas Siya.

• عظم شأن ذكر الله -جلّ وعلا- حيث يكون ثوابه ذكر العبد في الملأ الأعلى.
Ang laki ng kahalagahan ng pag-aalaala kay Allāh – kapita-pitagan Siya at kataas-taasan – yayamang ang paggagantimpala Niya ay ang pagbanggit sa tao sa Kapulungang Kataas-taasan.

 
අර්ථ කථනය වාක්‍යය: (148) පරිච්ඡේදය: සූරා අල් බකරා
සූරා පටුන පිටු අංක
 
ශුද්ධවූ අල් කුර්ආන් අර්ථ කථනය - ශුද්ධ වූ අල්කුර්ආන් අර්ථ විිවරණයේ සංෂිප්ත අනුවාදය- පිලිපීන පරිවර්තනය (ටගාලොග්) - පරිවර්තන පටුන

ශුද්ධ වූ අල්කුර්ආන් අර්ථ විිවරණයේ සංෂිප්ත අනුවාදය- පිලිපීන පරිවර්තනය (ටගාලොග්) අල්කුර්ආන් අධ්‍යයන සඳහා වූ තෆ්සීර් මධ්‍යස්ථානය විසින් නිකුත් කරන ලදී.

වසන්න