ශුද්ධවූ අල් කුර්ආන් අර්ථ කථනය - ශුද්ධ වූ අල්කුර්ආන් අර්ථ විිවරණයේ සංෂිප්ත අනුවාදය- පිලිපීන පරිවර්තනය (ටගාලොග්) * - පරිවර්තන පටුන


අර්ථ කථනය වාක්‍යය: (189) පරිච්ඡේදය: සූරා අල් බකරා
۞ يَسۡـَٔلُونَكَ عَنِ ٱلۡأَهِلَّةِۖ قُلۡ هِيَ مَوَٰقِيتُ لِلنَّاسِ وَٱلۡحَجِّۗ وَلَيۡسَ ٱلۡبِرُّ بِأَن تَأۡتُواْ ٱلۡبُيُوتَ مِن ظُهُورِهَا وَلَٰكِنَّ ٱلۡبِرَّ مَنِ ٱتَّقَىٰۗ وَأۡتُواْ ٱلۡبُيُوتَ مِنۡ أَبۡوَٰبِهَاۚ وَٱتَّقُواْ ٱللَّهَ لَعَلَّكُمۡ تُفۡلِحُونَ
Nagtatanong sila sa iyo, O Sugo, tungkol sa pagkabuo ng mga bagong buwan at pagbabago ng mga kalagayan ng mga ito. Sabihin mo habang sumasagot sa kanila tungkol sa kasanhian niyon: "Tunay na ang mga ito ay mga sukatan ng panahon para sa mga tao. Nakaaalam sila sa pamamagitan ng mga ito sa mga oras ng mga pagsamba nila gaya ng mga buwan ng ḥajj, buwan ng pag-aayuno, at pagkalubos ng panahon sa [pagbibigay ng] zakāh, at nakaalam sila sa mga oras nila sa mga pakikitungo gaya ng pagtatakda ng mga taning ng mga bayad-pinsala at mga utang." Ang pagpapakabuti at ang kabutihan ay hindi na pumunta kayo sa mga bahay mula sa mga likod ng mga ito sa panahon ng iḥrām ninyo sa ḥajj at `umrah, gaya ng inaakala ninyo noon sa Panahon ng Kamangmangan, bagkus ang pagpapakabuti sa totohanan ay ang pagpapakabuti ng sinumang nangilag magkasala kay Allāh sa lantaran at pakubli. Subalit ang pagpunta ninyo sa mga bahay mula sa mga pintuan ng mga ito, iyan ay higit na madali para sa inyo at higit na malayo sa hirap dahil si Allāh ay hindi nag-atang sa inyo ng anumang may pabigat at pahirap sa inyo. Maglagay kayo sa pagitan ninyo at ng pagdurusang dulot ni Allāh ng isang pananggalang gaya ng gawang maayos, nang sa gayon kayo ay magtatagumpay sa pagtamo ng minimithi ninyo at ng kaligtasan mula sa kinasisindakan ninyo.
අල්කුර්ආන් අරාබි අර්ථ විවරණ:
මෙ⁣ම පිටුවේ තිබෙන වැකිවල ප්‍රයෝජන:
• مشروعية الاعتكاف، وهو لزوم المسجد للعبادة؛ ولهذا يُنهى عن كل ما يعارض مقصود الاعتكاف، ومنه مباشرة المرأة.
Ang pagkaisinasabatas ng i`tikāf, ang pananatili sa masjid para sa pagsamba. Dahil dito, sinasaway ang bawat anumang humahadlang sa layon ng i`tikāf at kabilang dito ang pakikipagtalik sa maybahay.

• النهي عن أكل أموال الناس بالباطل، وتحريم كل الوسائل والأساليب التي تقود لذلك، ومنها الرشوة.
Ang pagsaway sa paggamit sa mga yaman ng mga tao sa kabulaanan at ang pagbabawal sa lahat ng mga kaparaanan at mga istilong nagpapahantong doon at kabilang dito ang panunuhol.

• تحريم الاعتداء والنهي عنه؛ لأن هذا الدين قائم على العدل والإحسان.
Ang pagbabawal sa paglabag at ang pagsaway laban dito dahil ang relihiyong Islām na ito ay nakabatay sa katarungan at paggawa ng maganda.

 
අර්ථ කථනය වාක්‍යය: (189) පරිච්ඡේදය: සූරා අල් බකරා
සූරා පටුන පිටු අංක
 
ශුද්ධවූ අල් කුර්ආන් අර්ථ කථනය - ශුද්ධ වූ අල්කුර්ආන් අර්ථ විිවරණයේ සංෂිප්ත අනුවාදය- පිලිපීන පරිවර්තනය (ටගාලොග්) - පරිවර්තන පටුන

ශුද්ධ වූ අල්කුර්ආන් අර්ථ විිවරණයේ සංෂිප්ත අනුවාදය- පිලිපීන පරිවර්තනය (ටගාලොග්) අල්කුර්ආන් අධ්‍යයන සඳහා වූ තෆ්සීර් මධ්‍යස්ථානය විසින් නිකුත් කරන ලදී.

වසන්න