Check out the new design

Përkthimi i kuptimeve të Kuranit Fisnik - Përkthimi filipinisht (tagalogisht) - Qendra "Ruvad et-Terxheme * - Përmbajtja e përkthimeve

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

Përkthimi i kuptimeve Surja: El Enam   Ajeti:
وَلَا تَقۡرَبُواْ مَالَ ٱلۡيَتِيمِ إِلَّا بِٱلَّتِي هِيَ أَحۡسَنُ حَتَّىٰ يَبۡلُغَ أَشُدَّهُۥۚ وَأَوۡفُواْ ٱلۡكَيۡلَ وَٱلۡمِيزَانَ بِٱلۡقِسۡطِۖ لَا نُكَلِّفُ نَفۡسًا إِلَّا وُسۡعَهَاۖ وَإِذَا قُلۡتُمۡ فَٱعۡدِلُواْ وَلَوۡ كَانَ ذَا قُرۡبَىٰۖ وَبِعَهۡدِ ٱللَّهِ أَوۡفُواْۚ ذَٰلِكُمۡ وَصَّىٰكُم بِهِۦ لَعَلَّكُمۡ تَذَكَّرُونَ
Huwag kayong lumapit sa yaman ng ulila kundi sa [paraang] pinakamaganda hanggang sa umabot siya sa katindihan niya. Magpalubus-lubos kayo sa pagtatakal at timbangan ayon sa pagkamakatarungan. Hindi Kami nag-aatang sa isang kaluluwa malibang ayon sa kakayahan nito. Kapag nagsabi kayo ay magpakamakatarungan kayo kahit pa sa isang may pagkakamag-anak. Sa kasunduan kay Allāh ay magpatupad kayo. Iyon ay itinagubilin Niya sa inyo, nang sa gayon kayo ay magsasaalaala.
Tefsiret në gjuhën arabe:
وَأَنَّ هَٰذَا صِرَٰطِي مُسۡتَقِيمٗا فَٱتَّبِعُوهُۖ وَلَا تَتَّبِعُواْ ٱلسُّبُلَ فَتَفَرَّقَ بِكُمۡ عَن سَبِيلِهِۦۚ ذَٰلِكُمۡ وَصَّىٰكُم بِهِۦ لَعَلَّكُمۡ تَتَّقُونَ
Na [ang Islām na] ito ay ang landasin Ko, tuwid, kaya sumunod kayo rito. Huwag kayong sumunod sa mga [ibang] landas para magpahiwa-hiwalay ang mga ito sa inyo palayo sa landas Niya. Iyon ay itinagubilin Niya sa inyo, nang sa gayon kayo ay mangingilag magkasala.
Tefsiret në gjuhën arabe:
ثُمَّ ءَاتَيۡنَا مُوسَى ٱلۡكِتَٰبَ تَمَامًا عَلَى ٱلَّذِيٓ أَحۡسَنَ وَتَفۡصِيلٗا لِّكُلِّ شَيۡءٖ وَهُدٗى وَرَحۡمَةٗ لَّعَلَّهُم بِلِقَآءِ رَبِّهِمۡ يُؤۡمِنُونَ
Karagdagan, nagbigay Kami kay Moises ng kasulatan bilang paglulubos [ng biyaya] para sa gumawa ng maganda, bilang pagdedetalye para sa bawat bagay, bilang patnubay, at bilang awa, nang sa gayon sila, sa pakikipagkita sa Panginoon nila, ay sasampalataya.
Tefsiret në gjuhën arabe:
وَهَٰذَا كِتَٰبٌ أَنزَلۡنَٰهُ مُبَارَكٞ فَٱتَّبِعُوهُ وَٱتَّقُواْ لَعَلَّكُمۡ تُرۡحَمُونَ
[Ang Qur’ān na] ito ay isang Aklat na pinababa Namin, na pinagpala, kaya sumunod kayo rito at mangilag kayong magkasala, nang sa gayon kayo ay kaaawaan,
Tefsiret në gjuhën arabe:
أَن تَقُولُوٓاْ إِنَّمَآ أُنزِلَ ٱلۡكِتَٰبُ عَلَىٰ طَآئِفَتَيۡنِ مِن قَبۡلِنَا وَإِن كُنَّا عَن دِرَاسَتِهِمۡ لَغَٰفِلِينَ
dahil [baka] magsabi kayo: “Pinababa lamang ang kasulatan sa dalawang pangkatin [na mga Hudyo at mga Kristiyano] bago pa namin at tunay na kami noon, sa pag-aaral nila, ay talagang mga nalilingat,”
Tefsiret në gjuhën arabe:
أَوۡ تَقُولُواْ لَوۡ أَنَّآ أُنزِلَ عَلَيۡنَا ٱلۡكِتَٰبُ لَكُنَّآ أَهۡدَىٰ مِنۡهُمۡۚ فَقَدۡ جَآءَكُم بَيِّنَةٞ مِّن رَّبِّكُمۡ وَهُدٗى وَرَحۡمَةٞۚ فَمَنۡ أَظۡلَمُ مِمَّن كَذَّبَ بِـَٔايَٰتِ ٱللَّهِ وَصَدَفَ عَنۡهَاۗ سَنَجۡزِي ٱلَّذِينَ يَصۡدِفُونَ عَنۡ ءَايَٰتِنَا سُوٓءَ ٱلۡعَذَابِ بِمَا كَانُواْ يَصۡدِفُونَ
o [dahil baka] magsabi kayo: “Kung sakaling kami ay pinababaan ng kasulatan, talaga sanang kami ay naging higit na napatnubayan kaysa sa kanila [na binabaan ng kasulatan],” sapagkat may dumating nga sa inyo na isang malinaw na patunay mula sa Panginoon ninyo, isang patnubay, at isang awa. Kaya sino pa ang higit na tagalabag sa katarungan kaysa sa sinumang nagpasinungaling sa mga tanda ni Allāh at lumihis palayo sa mga ito? Gaganti Kami sa mga lumilihis palayo sa mga tanda Namin ng kasagwaan ng pagdurusa dahil sila noon ay lumilihis.
Tefsiret në gjuhën arabe:
 
Përkthimi i kuptimeve Surja: El Enam
Përmbajtja e sureve Numri i faqes
 
Përkthimi i kuptimeve të Kuranit Fisnik - Përkthimi filipinisht (tagalogisht) - Qendra "Ruvad et-Terxheme - Përmbajtja e përkthimeve

Përkthyer nga ekipi i Qendrës "Ruvad et-Terxheme" në bashkëpunim me Shoqatën për predikim në Rabva dhe Shoqatën për shërbimin e përmbajtjes islame në gjuhë të ndryshme.

Mbyll