Check out the new design

Përkthimi i kuptimeve të Kuranit Fisnik - Përkthimi filipinisht (tagalogisht) - Qendra "Ruvad et-Terxheme * - Përmbajtja e përkthimeve

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

Përkthimi i kuptimeve Surja: El Enam   Ajeti:
وَكَذَٰلِكَ فَتَنَّا بَعۡضَهُم بِبَعۡضٖ لِّيَقُولُوٓاْ أَهَٰٓؤُلَآءِ مَنَّ ٱللَّهُ عَلَيۡهِم مِّنۢ بَيۡنِنَآۗ أَلَيۡسَ ٱللَّهُ بِأَعۡلَمَ بِٱلشَّٰكِرِينَ
Gayon Kami tumukso sa ilan sa kanila sa pamamagitan ng iba pa upang magsabi sila: “Ang mga ito ba ay nagmagandang-loob si Allāh [sa pagpatnubay] sa kanila sa gitna namin?” Hindi ba si Allāh ay higit na maalam sa mga tagapagpasalamat?
Tefsiret në gjuhën arabe:
وَإِذَا جَآءَكَ ٱلَّذِينَ يُؤۡمِنُونَ بِـَٔايَٰتِنَا فَقُلۡ سَلَٰمٌ عَلَيۡكُمۡۖ كَتَبَ رَبُّكُمۡ عَلَىٰ نَفۡسِهِ ٱلرَّحۡمَةَ أَنَّهُۥ مَنۡ عَمِلَ مِنكُمۡ سُوٓءَۢا بِجَهَٰلَةٖ ثُمَّ تَابَ مِنۢ بَعۡدِهِۦ وَأَصۡلَحَ فَأَنَّهُۥ غَفُورٞ رَّحِيمٞ
Kapag dumating sa iyo ang mga sumasampalataya sa mga talata Namin [sa Qur’ān] ay sabihin mo: “Kapayapaan ay sumainyo.” Nagtakda ang Panginoon ninyo sa sarili Niya ng pagkaawa: na ang sinumang gumawa kabilang sa inyo ng kasagwaan dahil sa kamangmangan, pagkatapos nagbalik-loob matapos na nito at nagsaayos, tunay na Siya ay Mapagpatawad, Maawain.
Tefsiret në gjuhën arabe:
وَكَذَٰلِكَ نُفَصِّلُ ٱلۡأٓيَٰتِ وَلِتَسۡتَبِينَ سَبِيلُ ٱلۡمُجۡرِمِينَ
Gayon Kami nagdedetalye ng mga tanda at upang magpalinaw ang landas ng mga salarin.
Tefsiret në gjuhën arabe:
قُلۡ إِنِّي نُهِيتُ أَنۡ أَعۡبُدَ ٱلَّذِينَ تَدۡعُونَ مِن دُونِ ٱللَّهِۚ قُل لَّآ أَتَّبِعُ أَهۡوَآءَكُمۡ قَدۡ ضَلَلۡتُ إِذٗا وَمَآ أَنَا۠ مِنَ ٱلۡمُهۡتَدِينَ
Sabihin mo: “Tunay na ako ay sinaway na sumamba sa mga dinadalanginan ninyo bukod pa kay Allāh.” Sabihin mo: “Hindi ako sumusunod sa mga pithaya ninyo; naligaw nga sana ako samakatuwid at hindi sana ako kabilang sa mga napapatnubayan.”
Tefsiret në gjuhën arabe:
قُلۡ إِنِّي عَلَىٰ بَيِّنَةٖ مِّن رَّبِّي وَكَذَّبۡتُم بِهِۦۚ مَا عِندِي مَا تَسۡتَعۡجِلُونَ بِهِۦٓۚ إِنِ ٱلۡحُكۡمُ إِلَّا لِلَّهِۖ يَقُصُّ ٱلۡحَقَّۖ وَهُوَ خَيۡرُ ٱلۡفَٰصِلِينَ
Sabihin mo: “Tunay na ako ay nasa isang malinaw na patunay mula sa Panginoon ko at nagpasinungaling kayo rito. Hindi nasa ganang akin ang minamadali ninyo. Ang paghahatol ay ukol kay Allāh lamang. Isinasalaysay Niya ang katotohanan at Siya ay ang pinakamainam sa mga tagabukod.”
Tefsiret në gjuhën arabe:
قُل لَّوۡ أَنَّ عِندِي مَا تَسۡتَعۡجِلُونَ بِهِۦ لَقُضِيَ ٱلۡأَمۡرُ بَيۡنِي وَبَيۡنَكُمۡۗ وَٱللَّهُ أَعۡلَمُ بِٱلظَّٰلِمِينَ
Sabihin mo: “Kung sakaling nasa ganang akin ang [pagdurusang] minamadali ninyo ay talaga sanang napagpasyahan ang usapin sa pagitan ko at ninyo. Si Allāh ay higit na maalam sa mga tagalabag sa katarungan.”
Tefsiret në gjuhën arabe:
۞ وَعِندَهُۥ مَفَاتِحُ ٱلۡغَيۡبِ لَا يَعۡلَمُهَآ إِلَّا هُوَۚ وَيَعۡلَمُ مَا فِي ٱلۡبَرِّ وَٱلۡبَحۡرِۚ وَمَا تَسۡقُطُ مِن وَرَقَةٍ إِلَّا يَعۡلَمُهَا وَلَا حَبَّةٖ فِي ظُلُمَٰتِ ٱلۡأَرۡضِ وَلَا رَطۡبٖ وَلَا يَابِسٍ إِلَّا فِي كِتَٰبٖ مُّبِينٖ
Taglay Niya ang mga susi ng nakalingid; walang nakaaalam sa mga iyon kundi Siya. Nalalaman Niya ang anumang nasa katihan at karagatan. Walang nalalaglag na anumang dahon malibang nalalaman Niya ito. Walang butil sa mga kadiliman ng lupa at walang mahalumigmig ni tuyot malibang nasa isang aklat na malinaw.
Tefsiret në gjuhën arabe:
 
Përkthimi i kuptimeve Surja: El Enam
Përmbajtja e sureve Numri i faqes
 
Përkthimi i kuptimeve të Kuranit Fisnik - Përkthimi filipinisht (tagalogisht) - Qendra "Ruvad et-Terxheme - Përmbajtja e përkthimeve

Përkthyer nga ekipi i Qendrës "Ruvad et-Terxheme" në bashkëpunim me Shoqatën për predikim në Rabva dhe Shoqatën për shërbimin e përmbajtjes islame në gjuhë të ndryshme.

Mbyll