Check out the new design

Përkthimi i kuptimeve të Kuranit Fisnik - Përkthimi filipinisht (tagalogisht) - Qendra "Ruvad et-Terxheme * - Përmbajtja e përkthimeve

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

Përkthimi i kuptimeve Surja: Et Tevbe   Ajeti:
يَعۡتَذِرُونَ إِلَيۡكُمۡ إِذَا رَجَعۡتُمۡ إِلَيۡهِمۡۚ قُل لَّا تَعۡتَذِرُواْ لَن نُّؤۡمِنَ لَكُمۡ قَدۡ نَبَّأَنَا ٱللَّهُ مِنۡ أَخۡبَارِكُمۡۚ وَسَيَرَى ٱللَّهُ عَمَلَكُمۡ وَرَسُولُهُۥ ثُمَّ تُرَدُّونَ إِلَىٰ عَٰلِمِ ٱلۡغَيۡبِ وَٱلشَّهَٰدَةِ فَيُنَبِّئُكُم بِمَا كُنتُمۡ تَعۡمَلُونَ
Nagdadahi-dahilan sila[13] sa inyo kapag bumalik kayo sa kanila. Sabihin mo: “Huwag kayong magdahi-dahilan; hindi kami maniniwala sa inyo. Nagbalita na sa amin si Allāh ng mga ulat sa inyo. Makakikita si Allāh sa gawa ninyo at ang Sugo Niya, pagkatapos isasauli kayo [kay Allāh na] Tagaalam sa nakalingid at nasasaksihan saka magbabalita Siya sa inyo hinggil sa dati ninyong ginagawa.”
[13] Ibig sabihin: ang mga mapagpaimbabaw.
Tefsiret në gjuhën arabe:
سَيَحۡلِفُونَ بِٱللَّهِ لَكُمۡ إِذَا ٱنقَلَبۡتُمۡ إِلَيۡهِمۡ لِتُعۡرِضُواْ عَنۡهُمۡۖ فَأَعۡرِضُواْ عَنۡهُمۡۖ إِنَّهُمۡ رِجۡسٞۖ وَمَأۡوَىٰهُمۡ جَهَنَّمُ جَزَآءَۢ بِمَا كَانُواْ يَكۡسِبُونَ
Manunumpa sila[14] kay Allāh para sa inyo kapag umuwi kayo sa kanila upang umayaw kayo sa kanila kaya umayaw kayo sa kanila. Tunay na sila ay kasalaulaan. Ang kanlungan nila ay ang Impiyerno bilang ganti sa dati nilang nakakamit [na kasalanan].
[14] Ibig sabihin: ang mga mapagpaimbabaw.
Tefsiret në gjuhën arabe:
يَحۡلِفُونَ لَكُمۡ لِتَرۡضَوۡاْ عَنۡهُمۡۖ فَإِن تَرۡضَوۡاْ عَنۡهُمۡ فَإِنَّ ٱللَّهَ لَا يَرۡضَىٰ عَنِ ٱلۡقَوۡمِ ٱلۡفَٰسِقِينَ
Nanunumpa sila[15] para sa inyo upang malugod kayo sa kanila. Ngunit kung malulugod kayo sa kanila, tunay na si Allāh ay hindi nalulugod sa mga taong suwail.
[15] Ibig sabihin: ang mga mapagpaimbabaw.
Tefsiret në gjuhën arabe:
ٱلۡأَعۡرَابُ أَشَدُّ كُفۡرٗا وَنِفَاقٗا وَأَجۡدَرُ أَلَّا يَعۡلَمُواْ حُدُودَ مَآ أَنزَلَ ٱللَّهُ عَلَىٰ رَسُولِهِۦۗ وَٱللَّهُ عَلِيمٌ حَكِيمٞ
Ang mga Arabeng disyerto ay higit na matindi sa kawalang-pananampalataya at sa pagpapaimbabaw at higit na nababagay na hindi makaalam sa mga hangganan na pinababa ni Allāh sa Sugo Niya. Si Allāh ay Maalam, Marunong.
Tefsiret në gjuhën arabe:
وَمِنَ ٱلۡأَعۡرَابِ مَن يَتَّخِذُ مَا يُنفِقُ مَغۡرَمٗا وَيَتَرَبَّصُ بِكُمُ ٱلدَّوَآئِرَۚ عَلَيۡهِمۡ دَآئِرَةُ ٱلسَّوۡءِۗ وَٱللَّهُ سَمِيعٌ عَلِيمٞ
Mayroon sa mga Arabeng disyerto na nagtuturing sa ginugugol nila bilang pagkakamulta at nag-aabang sa inyo ng mga pananalanta. Sumakanila ang pananalanta ng kasagwaan! Si Allāh ay Madinigin, Maalam.
Tefsiret në gjuhën arabe:
وَمِنَ ٱلۡأَعۡرَابِ مَن يُؤۡمِنُ بِٱللَّهِ وَٱلۡيَوۡمِ ٱلۡأٓخِرِ وَيَتَّخِذُ مَا يُنفِقُ قُرُبَٰتٍ عِندَ ٱللَّهِ وَصَلَوَٰتِ ٱلرَّسُولِۚ أَلَآ إِنَّهَا قُرۡبَةٞ لَّهُمۡۚ سَيُدۡخِلُهُمُ ٱللَّهُ فِي رَحۡمَتِهِۦٓۚ إِنَّ ٱللَّهَ غَفُورٞ رَّحِيمٞ
Mayroon sa mga Arabeng disyerto na sumasampalataya kay Allāh at sa Kabilang-buhay at gumagawa sa ginugugol niya bilang mga pampalapit-loob sa ganang kay Allāh at [pagkamit ng] mga panalangin ng Sugo. Pansinin, tunay na ito ay pampalapit-loob para sa kanila. Magpapasok sa kanila si Allāh sa awa Niya. Tunay na si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain.
Tefsiret në gjuhën arabe:
 
Përkthimi i kuptimeve Surja: Et Tevbe
Përmbajtja e sureve Numri i faqes
 
Përkthimi i kuptimeve të Kuranit Fisnik - Përkthimi filipinisht (tagalogisht) - Qendra "Ruvad et-Terxheme - Përmbajtja e përkthimeve

Përkthyer nga ekipi i Qendrës "Ruvad et-Terxheme" në bashkëpunim me Shoqatën për predikim në Rabva dhe Shoqatën për shërbimin e përmbajtjes islame në gjuhë të ndryshme.

Mbyll