Check out the new design

Përkthimi i kuptimeve të Kuranit Fisnik - Përkthimi filipinisht (tagalogisht) - Qendra "Ruvad et-Terxheme * - Përmbajtja e përkthimeve

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

Përkthimi i kuptimeve Surja: Et Tevbe   Ajeti:
يُبَشِّرُهُمۡ رَبُّهُم بِرَحۡمَةٖ مِّنۡهُ وَرِضۡوَٰنٖ وَجَنَّٰتٖ لَّهُمۡ فِيهَا نَعِيمٞ مُّقِيمٌ
Nagbabalita ng nakagagalak sa kanila ang Panginoon nila hinggil sa isang awa mula sa Kanya, isang pagkalugod, at mga harding may ukol sa kanila sa mga iyon na isang kaginhawahang mamamalagi,
Tefsiret në gjuhën arabe:
خَٰلِدِينَ فِيهَآ أَبَدًاۚ إِنَّ ٱللَّهَ عِندَهُۥٓ أَجۡرٌ عَظِيمٞ
bilang mga mananatili sa mga iyon magpakailanman. Tunay na si Allāh, sa ganang Kanya, ay may isang pabuyang sukdulan.
Tefsiret në gjuhën arabe:
يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ لَا تَتَّخِذُوٓاْ ءَابَآءَكُمۡ وَإِخۡوَٰنَكُمۡ أَوۡلِيَآءَ إِنِ ٱسۡتَحَبُّواْ ٱلۡكُفۡرَ عَلَى ٱلۡإِيمَٰنِۚ وَمَن يَتَوَلَّهُم مِّنكُمۡ فَأُوْلَٰٓئِكَ هُمُ ٱلظَّٰلِمُونَ
O mga sumampalataya, huwag kayong gumawa sa mga magulang ninyo at mga kapatid ninyo bilang mga katangkilik kung napaibig sila sa kawalang-pananampalataya higit sa pananampalataya. Ang sinumang tumangkilik sa kanila kabilang sa inyo, ang mga iyon ay ang mga tagalabag sa katarungan.
Tefsiret në gjuhën arabe:
قُلۡ إِن كَانَ ءَابَآؤُكُمۡ وَأَبۡنَآؤُكُمۡ وَإِخۡوَٰنُكُمۡ وَأَزۡوَٰجُكُمۡ وَعَشِيرَتُكُمۡ وَأَمۡوَٰلٌ ٱقۡتَرَفۡتُمُوهَا وَتِجَٰرَةٞ تَخۡشَوۡنَ كَسَادَهَا وَمَسَٰكِنُ تَرۡضَوۡنَهَآ أَحَبَّ إِلَيۡكُم مِّنَ ٱللَّهِ وَرَسُولِهِۦ وَجِهَادٖ فِي سَبِيلِهِۦ فَتَرَبَّصُواْ حَتَّىٰ يَأۡتِيَ ٱللَّهُ بِأَمۡرِهِۦۗ وَٱللَّهُ لَا يَهۡدِي ٱلۡقَوۡمَ ٱلۡفَٰسِقِينَ
Sabihin mo: “Kung ang mga magulang ninyo, ang mga kapatid ninyo, ang mga asawa ninyo, ang angkan ninyo, ang ilang yamang nakamtan ninyo, ang isang pangangalakal na kinatatakutan ninyo ang pagtumal nito, at ang ilang tirahang kinalulugdan ninyo ay higit na kaibig-ibig sa inyo kaysa kay Allāh, sa Sugo Niya, at sa isang pakikibaka ayon sa landas Niya, mag-abang kayo hanggang sa magparating si Allāh ng utos Niya.” Si Allāh ay hindi nagpapatnubay sa mga taong suwail.
Tefsiret në gjuhën arabe:
لَقَدۡ نَصَرَكُمُ ٱللَّهُ فِي مَوَاطِنَ كَثِيرَةٖ وَيَوۡمَ حُنَيۡنٍ إِذۡ أَعۡجَبَتۡكُمۡ كَثۡرَتُكُمۡ فَلَمۡ تُغۡنِ عَنكُمۡ شَيۡـٔٗا وَضَاقَتۡ عَلَيۡكُمُ ٱلۡأَرۡضُ بِمَا رَحُبَتۡ ثُمَّ وَلَّيۡتُم مُّدۡبِرِينَ
Talaga ngang nag-adya sa inyo si Allāh sa maraming larangan ng labanan, at sa araw ng [labanan sa] Ḥunayn noong nagpahanga sa inyo ang dami ninyo ngunit hindi nagdulot sa inyo ng anuman at sumikip sa inyo ang lupa gayong malawak ito, pagkatapos lumisan kayo na mga tumatalikod.
Tefsiret në gjuhën arabe:
ثُمَّ أَنزَلَ ٱللَّهُ سَكِينَتَهُۥ عَلَىٰ رَسُولِهِۦ وَعَلَى ٱلۡمُؤۡمِنِينَ وَأَنزَلَ جُنُودٗا لَّمۡ تَرَوۡهَا وَعَذَّبَ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْۚ وَذَٰلِكَ جَزَآءُ ٱلۡكَٰفِرِينَ
Pagkatapos nagpababa si Allāh ng katahimikan Niya sa Sugo Niya at sa mga mananampalataya, nagpababa Siya ng mga kawal na hindi ninyo nakita, at nagparusa Siya sa mga tumangging sumampalataya. Iyon ay ang ganti sa mga tagatangging sumampalataya.
Tefsiret në gjuhën arabe:
 
Përkthimi i kuptimeve Surja: Et Tevbe
Përmbajtja e sureve Numri i faqes
 
Përkthimi i kuptimeve të Kuranit Fisnik - Përkthimi filipinisht (tagalogisht) - Qendra "Ruvad et-Terxheme - Përmbajtja e përkthimeve

Përkthyer nga ekipi i Qendrës "Ruvad et-Terxheme" në bashkëpunim me Shoqatën për predikim në Rabva dhe Shoqatën për shërbimin e përmbajtjes islame në gjuhë të ndryshme.

Mbyll