அல்குர்ஆன் மொழிபெயர்ப்பு - பிலிப்பைன்ஸ் மொழிபெயர்ப்பு (டலாக்) * - மொழிபெயர்ப்பு அட்டவணை

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

மொழிபெயர்ப்பு அத்தியாயம்: ஸூரா அந்நிஸா   வசனம்:

An-Nisā’

يَٰٓأَيُّهَا ٱلنَّاسُ ٱتَّقُواْ رَبَّكُمُ ٱلَّذِي خَلَقَكُم مِّن نَّفۡسٖ وَٰحِدَةٖ وَخَلَقَ مِنۡهَا زَوۡجَهَا وَبَثَّ مِنۡهُمَا رِجَالٗا كَثِيرٗا وَنِسَآءٗۚ وَٱتَّقُواْ ٱللَّهَ ٱلَّذِي تَسَآءَلُونَ بِهِۦ وَٱلۡأَرۡحَامَۚ إِنَّ ٱللَّهَ كَانَ عَلَيۡكُمۡ رَقِيبٗا
O mga tao, mangilag kayong magkasala sa Panginoon ninyo na lumikha sa inyo mula sa nag-iisang kaluluwa, lumikha mula rito ng kabiyak nito, at nagkalat mula sa dalawang ito ng kalalakihang marami at kababaihan. Mangilag kayong magkasala kay Allāh, na naghihilingan kayo sa pamamagitan Niya, at sa mga kaanak. Tunay na si Allāh laging sa inyo ay Mapagmasid.
அரபு விரிவுரைகள்:
وَءَاتُواْ ٱلۡيَتَٰمَىٰٓ أَمۡوَٰلَهُمۡۖ وَلَا تَتَبَدَّلُواْ ٱلۡخَبِيثَ بِٱلطَّيِّبِۖ وَلَا تَأۡكُلُوٓاْ أَمۡوَٰلَهُمۡ إِلَىٰٓ أَمۡوَٰلِكُمۡۚ إِنَّهُۥ كَانَ حُوبٗا كَبِيرٗا
Ibigay ninyo sa mga ulila ang mga yaman nila. Huwag ninyong ipalit ang karima-rimarim ng kaaya-aya. Huwag ninyong kainin ang mga yaman nila kasama sa mga yaman ninyo. Tunay na ito ay laging isang kasalanang malaki.
அரபு விரிவுரைகள்:
وَإِنۡ خِفۡتُمۡ أَلَّا تُقۡسِطُواْ فِي ٱلۡيَتَٰمَىٰ فَٱنكِحُواْ مَا طَابَ لَكُم مِّنَ ٱلنِّسَآءِ مَثۡنَىٰ وَثُلَٰثَ وَرُبَٰعَۖ فَإِنۡ خِفۡتُمۡ أَلَّا تَعۡدِلُواْ فَوَٰحِدَةً أَوۡ مَا مَلَكَتۡ أَيۡمَٰنُكُمۡۚ ذَٰلِكَ أَدۡنَىٰٓ أَلَّا تَعُولُواْ
Kung nangamba kayo na hindi kayo magpakamakatarungan sa mga babaing ulila ay mag-asawa kayo ng naging kaaya-aya para sa inyo na mga babae: dalawahan o tatluhan o apatan. Ngunit kung nangamba kayo na hindi kayo maging makatarungan ay [mag-asawa ng] isa o anumang minay-ari ng mga kanang kamay ninyo. Iyon ay pinakamalapit na hindi kayo mang-api.
அரபு விரிவுரைகள்:
وَءَاتُواْ ٱلنِّسَآءَ صَدُقَٰتِهِنَّ نِحۡلَةٗۚ فَإِن طِبۡنَ لَكُمۡ عَن شَيۡءٖ مِّنۡهُ نَفۡسٗا فَكُلُوهُ هَنِيٓـٔٗا مَّرِيٓـٔٗا
Magbigay kayo sa mga babae ng mga bigay-kaya sa kanila bilang tungkuling regalo. Ngunit kung nagparaya sila para sa inyo ng anuman mula rito nang kusang-loob ay tanggapin ninyo ito nang kaiga-igayang kasiya-siya.
அரபு விரிவுரைகள்:
وَلَا تُؤۡتُواْ ٱلسُّفَهَآءَ أَمۡوَٰلَكُمُ ٱلَّتِي جَعَلَ ٱللَّهُ لَكُمۡ قِيَٰمٗا وَٱرۡزُقُوهُمۡ فِيهَا وَٱكۡسُوهُمۡ وَقُولُواْ لَهُمۡ قَوۡلٗا مَّعۡرُوفٗا
Huwag kayong magbigay sa mga hunghang ng mga yaman ninyo na ginawa ni Allāh para sa inyo bilang pantaguyod. Tumustos kayo sa kanila sa mga ito, magpadamit kayo sa kanila, at magsabi kayo sa kanila ng isang pagsabing nakabubuti.
அரபு விரிவுரைகள்:
وَٱبۡتَلُواْ ٱلۡيَتَٰمَىٰ حَتَّىٰٓ إِذَا بَلَغُواْ ٱلنِّكَاحَ فَإِنۡ ءَانَسۡتُم مِّنۡهُمۡ رُشۡدٗا فَٱدۡفَعُوٓاْ إِلَيۡهِمۡ أَمۡوَٰلَهُمۡۖ وَلَا تَأۡكُلُوهَآ إِسۡرَافٗا وَبِدَارًا أَن يَكۡبَرُواْۚ وَمَن كَانَ غَنِيّٗا فَلۡيَسۡتَعۡفِفۡۖ وَمَن كَانَ فَقِيرٗا فَلۡيَأۡكُلۡ بِٱلۡمَعۡرُوفِۚ فَإِذَا دَفَعۡتُمۡ إِلَيۡهِمۡ أَمۡوَٰلَهُمۡ فَأَشۡهِدُواْ عَلَيۡهِمۡۚ وَكَفَىٰ بِٱللَّهِ حَسِيبٗا
Subukin ninyo ang mga ulila hanggang sa kapag umabot sila sa pag-aasawa; saka kung nakapansin kayo mula sa kanila ng isang pagkagabay, ibigay ninyo sa kanila ang mga yaman nila. Huwag kayong gumamit ng mga ito sa pagpapakalabis at pagdadali-dali na baka lumaki sila. Ang sinumang naging mayaman ay magpigil [sa pagpapabayad] at ang sinumang naging maralita ay kumuha ayon sa makatwiran. Kaya kapag nag-abot kayo sa kanila ng mga yaman nila ay magpasaksi kayo sa kanila. Sumapat si Allāh bilang Mapagtuos.
அரபு விரிவுரைகள்:
لِّلرِّجَالِ نَصِيبٞ مِّمَّا تَرَكَ ٱلۡوَٰلِدَانِ وَٱلۡأَقۡرَبُونَ وَلِلنِّسَآءِ نَصِيبٞ مِّمَّا تَرَكَ ٱلۡوَٰلِدَانِ وَٱلۡأَقۡرَبُونَ مِمَّا قَلَّ مِنۡهُ أَوۡ كَثُرَۚ نَصِيبٗا مَّفۡرُوضٗا
Ukol sa mga lalaki ay isang bahagi mula sa naiwan ng mga magulang at mga pinakamalapit na kaanak at ukol sa mga babae ay isang bahagi mula sa naiwan ng mga magulang at mga pinakamalapit na kaanak, na kaunti man mula roon o marami, bilang bahaging isinatungkulin.
அரபு விரிவுரைகள்:
وَإِذَا حَضَرَ ٱلۡقِسۡمَةَ أُوْلُواْ ٱلۡقُرۡبَىٰ وَٱلۡيَتَٰمَىٰ وَٱلۡمَسَٰكِينُ فَٱرۡزُقُوهُم مِّنۡهُ وَقُولُواْ لَهُمۡ قَوۡلٗا مَّعۡرُوفٗا
Kapag dumalo sa paghahati ang mga mayroong pagkakamag-anak, ang mga ulila, at ang mga dukha ay magkaloob kayo sa kanila mula rito at magsabi kayo sa kanila ng nakabubuti.
அரபு விரிவுரைகள்:
وَلۡيَخۡشَ ٱلَّذِينَ لَوۡ تَرَكُواْ مِنۡ خَلۡفِهِمۡ ذُرِّيَّةٗ ضِعَٰفًا خَافُواْ عَلَيۡهِمۡ فَلۡيَتَّقُواْ ٱللَّهَ وَلۡيَقُولُواْ قَوۡلٗا سَدِيدًا
Matakot ang mga [tagapagpatupad na] kung sakaling nag-iwan sila sa pagyao nila ng mga supling na mahina ay mangangamba sila para sa mga ito. Kaya mangilag silang magkasala kay Allāh at magsabi sila ng sinasabing tama.
அரபு விரிவுரைகள்:
إِنَّ ٱلَّذِينَ يَأۡكُلُونَ أَمۡوَٰلَ ٱلۡيَتَٰمَىٰ ظُلۡمًا إِنَّمَا يَأۡكُلُونَ فِي بُطُونِهِمۡ نَارٗاۖ وَسَيَصۡلَوۡنَ سَعِيرٗا
Tunay na ang mga kumakain ng mga yaman ng mga ulila dala ng kawalang-katarungan ay kumakain lamang sa mga tiyan nila ng apoy at masusunog sila sa isang liyab [ng Impiyerno].
அரபு விரிவுரைகள்:
يُوصِيكُمُ ٱللَّهُ فِيٓ أَوۡلَٰدِكُمۡۖ لِلذَّكَرِ مِثۡلُ حَظِّ ٱلۡأُنثَيَيۡنِۚ فَإِن كُنَّ نِسَآءٗ فَوۡقَ ٱثۡنَتَيۡنِ فَلَهُنَّ ثُلُثَا مَا تَرَكَۖ وَإِن كَانَتۡ وَٰحِدَةٗ فَلَهَا ٱلنِّصۡفُۚ وَلِأَبَوَيۡهِ لِكُلِّ وَٰحِدٖ مِّنۡهُمَا ٱلسُّدُسُ مِمَّا تَرَكَ إِن كَانَ لَهُۥ وَلَدٞۚ فَإِن لَّمۡ يَكُن لَّهُۥ وَلَدٞ وَوَرِثَهُۥٓ أَبَوَاهُ فَلِأُمِّهِ ٱلثُّلُثُۚ فَإِن كَانَ لَهُۥٓ إِخۡوَةٞ فَلِأُمِّهِ ٱلسُّدُسُۚ مِنۢ بَعۡدِ وَصِيَّةٖ يُوصِي بِهَآ أَوۡ دَيۡنٍۗ ءَابَآؤُكُمۡ وَأَبۡنَآؤُكُمۡ لَا تَدۡرُونَ أَيُّهُمۡ أَقۡرَبُ لَكُمۡ نَفۡعٗاۚ فَرِيضَةٗ مِّنَ ٱللَّهِۗ إِنَّ ٱللَّهَ كَانَ عَلِيمًا حَكِيمٗا
Nagsasatagubilin sa inyo si Allāh hinggil sa mga anak ninyo na ukol sa lalaki ay katumbas ng bahagi ng dalawang babae. Ngunit kung sila ay mga babaing higit sa dalawa, ukol sa kanila ay dalawang katlo ng naiwan niya; at kung ito ay nag-iisang babae, ukol dito ay kalahati. Ukol sa dalawang magulang niya, ukol sa bawat isa sa kanilang dalawa ay ang ikaanim mula sa naiwan niya kung nagkaroon siya ng isang anak. Ngunit kung hindi siya nagkaroon ng anak at nagmana sa kanya ang dalawang magulang niya, ukol sa ina niya ang ikatlo. Ngunit kung nagkaroon siya ng mga kapatid, ukol sa ina niya ang ikaanim matapos na ng [pagkaltas ng] isang tagubiling isinasatagubilin niya o ng [pambayad sa] isang utang. Ang mga magulang ninyo at ang mga anak ninyo ay hindi kayo nakababatid kung alin sa kanila ang higit na malapit para sa inyo sa pakinabang. [Ang paghahating ito ay] isang tungkulin mula kay Allāh. Tunay na si Allāh ay laging Maalam, Marunong.
அரபு விரிவுரைகள்:
۞ وَلَكُمۡ نِصۡفُ مَا تَرَكَ أَزۡوَٰجُكُمۡ إِن لَّمۡ يَكُن لَّهُنَّ وَلَدٞۚ فَإِن كَانَ لَهُنَّ وَلَدٞ فَلَكُمُ ٱلرُّبُعُ مِمَّا تَرَكۡنَۚ مِنۢ بَعۡدِ وَصِيَّةٖ يُوصِينَ بِهَآ أَوۡ دَيۡنٖۚ وَلَهُنَّ ٱلرُّبُعُ مِمَّا تَرَكۡتُمۡ إِن لَّمۡ يَكُن لَّكُمۡ وَلَدٞۚ فَإِن كَانَ لَكُمۡ وَلَدٞ فَلَهُنَّ ٱلثُّمُنُ مِمَّا تَرَكۡتُمۚ مِّنۢ بَعۡدِ وَصِيَّةٖ تُوصُونَ بِهَآ أَوۡ دَيۡنٖۗ وَإِن كَانَ رَجُلٞ يُورَثُ كَلَٰلَةً أَوِ ٱمۡرَأَةٞ وَلَهُۥٓ أَخٌ أَوۡ أُخۡتٞ فَلِكُلِّ وَٰحِدٖ مِّنۡهُمَا ٱلسُّدُسُۚ فَإِن كَانُوٓاْ أَكۡثَرَ مِن ذَٰلِكَ فَهُمۡ شُرَكَآءُ فِي ٱلثُّلُثِۚ مِنۢ بَعۡدِ وَصِيَّةٖ يُوصَىٰ بِهَآ أَوۡ دَيۡنٍ غَيۡرَ مُضَآرّٖۚ وَصِيَّةٗ مِّنَ ٱللَّهِۗ وَٱللَّهُ عَلِيمٌ حَلِيمٞ
Ukol sa inyo ang kalahati ng naiwan ng mga maybahay ninyo kung hindi sila nagkaroon ng anak ngunit kung nagkaroon sila ng anak ay ukol sa inyo ang ikaapat mula sa naiwan nila matapos na ng [pagkaltas ng] isang tagubiling isinasatagubilin nila o ng [pambayad sa] isang pautang. Ukol sa kanila ang ikaapat mula sa naiwan ninyo kung hindi kayo nagkaroon ng anak ngunit kung nagkaroon kayo ng anak ay ukol sa kanila ang ikawalo mula sa naiwan ninyo matapos na ng [pagkaltas ng] ng isang tagubiling isinasatagubilin ninyo o ng [pambayad sa] isang utang. Kung ang isang lalaki o ang isang babaing nagpapamana ay walang anak ni magulang at mayroon siyang isang lalaking kapatid o isang babaing kapatid [sa ina], ukol sa bawat isa sa dalawa ang ikaanim; ngunit kung sila ay higit kaysa roon, sila ay magkakahati sa ikatlo matapos na ng [pagkaltas ng] isang tagubiling isinasatagubilin o ng [pambayad sa] isang utang, nang hindi pumipinsala,[100] bilang tagubilin mula kay Allāh. Si Allāh ay Maalam, Matimpiin.
[100] sa mga tagapagmana gaya ng pagtatagubilin sa iba ng higit sa isang katlo (1/3) ng maiiwan.
அரபு விரிவுரைகள்:
تِلۡكَ حُدُودُ ٱللَّهِۚ وَمَن يُطِعِ ٱللَّهَ وَرَسُولَهُۥ يُدۡخِلۡهُ جَنَّٰتٖ تَجۡرِي مِن تَحۡتِهَا ٱلۡأَنۡهَٰرُ خَٰلِدِينَ فِيهَاۚ وَذَٰلِكَ ٱلۡفَوۡزُ ٱلۡعَظِيمُ
Iyon ay ang mga hangganan ni Allāh. Ang sinumang tumatalima kay Allāh at sa Sugo Niya ay magpapapasok Siya sa mga hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog bilang mga mananatili sa mga ito. Iyon ay ang pagkatamong sukdulan.
அரபு விரிவுரைகள்:
وَمَن يَعۡصِ ٱللَّهَ وَرَسُولَهُۥ وَيَتَعَدَّ حُدُودَهُۥ يُدۡخِلۡهُ نَارًا خَٰلِدٗا فِيهَا وَلَهُۥ عَذَابٞ مُّهِينٞ
Ang sinumang sumusuway kay Allāh at sa Sugo Niya at lumalampas sa mga hangganan Niya ay magpapapasok Siya sa Apoy bilang mananatili roon at ukol sa kanya ay isang pagdurusang manghahamak.
அரபு விரிவுரைகள்:
وَٱلَّٰتِي يَأۡتِينَ ٱلۡفَٰحِشَةَ مِن نِّسَآئِكُمۡ فَٱسۡتَشۡهِدُواْ عَلَيۡهِنَّ أَرۡبَعَةٗ مِّنكُمۡۖ فَإِن شَهِدُواْ فَأَمۡسِكُوهُنَّ فِي ٱلۡبُيُوتِ حَتَّىٰ يَتَوَفَّىٰهُنَّ ٱلۡمَوۡتُ أَوۡ يَجۡعَلَ ٱللَّهُ لَهُنَّ سَبِيلٗا
Ang mga gumagawa ng mahalay [na pangangalunya] kabilang sa kababaihan ninyo ay magpasaksi kayo laban sa kanila sa apat [na saksi] kabilang sa inyo. Kaya kung sumaksi ang mga iyon ay panatilihin ninyo sila sa mga bahay hanggang sa magpapanaw sa kanila ang kamatayan o gumawa si Allāh para sa kanila ng isang [ibang] landas.
அரபு விரிவுரைகள்:
وَٱلَّذَانِ يَأۡتِيَٰنِهَا مِنكُمۡ فَـَٔاذُوهُمَاۖ فَإِن تَابَا وَأَصۡلَحَا فَأَعۡرِضُواْ عَنۡهُمَآۗ إِنَّ ٱللَّهَ كَانَ تَوَّابٗا رَّحِيمًا
Ang dalawang gumagawa nito kabilang sa inyo ay saktan ninyo silang dalawa. Kung nagbalik-loob silang dalawa at nagsaayos silang dalawa ay iwan ninyo silang dalawa. Tunay na si Allāh ay laging Palatanggap ng pagbabalik-loob, Maawain.
அரபு விரிவுரைகள்:
إِنَّمَا ٱلتَّوۡبَةُ عَلَى ٱللَّهِ لِلَّذِينَ يَعۡمَلُونَ ٱلسُّوٓءَ بِجَهَٰلَةٖ ثُمَّ يَتُوبُونَ مِن قَرِيبٖ فَأُوْلَٰٓئِكَ يَتُوبُ ٱللَّهُ عَلَيۡهِمۡۗ وَكَانَ ٱللَّهُ عَلِيمًا حَكِيمٗا
Ang pagbabalik-loob ay nasa [pagtanggap mula] kay Allāh lamang ukol sa mga nakagagawa ng kasagwaan dahil sa kamangmangan, pagkatapos nagbabalik-loob sila kaagad, kaya naman ang mga iyon ay tinatanggapan ni Allāh ng pagbabalik-loob. Laging si Allāh ay Maalam, Marunong.
அரபு விரிவுரைகள்:
وَلَيۡسَتِ ٱلتَّوۡبَةُ لِلَّذِينَ يَعۡمَلُونَ ٱلسَّيِّـَٔاتِ حَتَّىٰٓ إِذَا حَضَرَ أَحَدَهُمُ ٱلۡمَوۡتُ قَالَ إِنِّي تُبۡتُ ٱلۡـَٰٔنَ وَلَا ٱلَّذِينَ يَمُوتُونَ وَهُمۡ كُفَّارٌۚ أُوْلَٰٓئِكَ أَعۡتَدۡنَا لَهُمۡ عَذَابًا أَلِيمٗا
Ang pagbabalik-loob ay hindi ukol [tanggapin] sa mga gumagawa ng mga masagwang gawa; hanggang sa nang dumalo sa isa sa kanila ang kamatayan ay nagsabi siya: “Tunay na ako ay nagbalik-loob ngayon,” at hindi [ukol tanggapin] sa mga namamatay samantalang sila ay mga tagatangging sumampalataya. Ang mga iyon ay naghanda Kami para sa kanila ng isang pagdurusang masakit.
அரபு விரிவுரைகள்:
يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ لَا يَحِلُّ لَكُمۡ أَن تَرِثُواْ ٱلنِّسَآءَ كَرۡهٗاۖ وَلَا تَعۡضُلُوهُنَّ لِتَذۡهَبُواْ بِبَعۡضِ مَآ ءَاتَيۡتُمُوهُنَّ إِلَّآ أَن يَأۡتِينَ بِفَٰحِشَةٖ مُّبَيِّنَةٖۚ وَعَاشِرُوهُنَّ بِٱلۡمَعۡرُوفِۚ فَإِن كَرِهۡتُمُوهُنَّ فَعَسَىٰٓ أَن تَكۡرَهُواْ شَيۡـٔٗا وَيَجۡعَلَ ٱللَّهُ فِيهِ خَيۡرٗا كَثِيرٗا
O mga sumampalataya, hindi ipinahihintulot para sa inyo na magmana kayo ng mga babae nang sapilitan ni humadlang kayo sa kanila [sa pag-aasawa] upang makakuha kayo ng ilan sa ibinigay ninyo sa kanila, maliban na gumawa sila ng isang mahalay na nagliliwanag. Makitungo kayo sa kanila ayon sa nakabubuti sapagkat kung nasuklam kayo sa kanila ay marahil nasusuklam kayo sa isang bagay at gumagawa naman si Allāh dito ng maraming kabutihan.
அரபு விரிவுரைகள்:
وَإِنۡ أَرَدتُّمُ ٱسۡتِبۡدَالَ زَوۡجٖ مَّكَانَ زَوۡجٖ وَءَاتَيۡتُمۡ إِحۡدَىٰهُنَّ قِنطَارٗا فَلَا تَأۡخُذُواْ مِنۡهُ شَيۡـًٔاۚ أَتَأۡخُذُونَهُۥ بُهۡتَٰنٗا وَإِثۡمٗا مُّبِينٗا
Kung nagnais kayo ng pagpapalit ng isang maybahay kapalit ng [ibang] maybahay at nagbigay kayo sa isa sa kanila ng isang bunton [ng regalo] ay huwag kayong kumuha mula rito ng anuman. Kukuha ba kayo nito bilang paninirang-puri at kasalanang malinaw?
அரபு விரிவுரைகள்:
وَكَيۡفَ تَأۡخُذُونَهُۥ وَقَدۡ أَفۡضَىٰ بَعۡضُكُمۡ إِلَىٰ بَعۡضٖ وَأَخَذۡنَ مِنكُم مِّيثَٰقًا غَلِيظٗا
Papaano kayong kukuha nito samantalang nagtalik na ang isa’t isa sa inyo at tumanggap sila mula sa inyo ng isang kasunduang mahigpit?
அரபு விரிவுரைகள்:
وَلَا تَنكِحُواْ مَا نَكَحَ ءَابَآؤُكُم مِّنَ ٱلنِّسَآءِ إِلَّا مَا قَدۡ سَلَفَۚ إِنَّهُۥ كَانَ فَٰحِشَةٗ وَمَقۡتٗا وَسَآءَ سَبِيلًا
Huwag kayong mag-asawa ng mga babaing napangasawa ng mga ama ninyo, maliban sa nagdaan na.[101] Tunay na iyon ay laging mahalay, kapuot-puot, at sumagwa bilang landas.
[101] Ibig sabihin: bago umanib sa Islam
அரபு விரிவுரைகள்:
حُرِّمَتۡ عَلَيۡكُمۡ أُمَّهَٰتُكُمۡ وَبَنَاتُكُمۡ وَأَخَوَٰتُكُمۡ وَعَمَّٰتُكُمۡ وَخَٰلَٰتُكُمۡ وَبَنَاتُ ٱلۡأَخِ وَبَنَاتُ ٱلۡأُخۡتِ وَأُمَّهَٰتُكُمُ ٱلَّٰتِيٓ أَرۡضَعۡنَكُمۡ وَأَخَوَٰتُكُم مِّنَ ٱلرَّضَٰعَةِ وَأُمَّهَٰتُ نِسَآئِكُمۡ وَرَبَٰٓئِبُكُمُ ٱلَّٰتِي فِي حُجُورِكُم مِّن نِّسَآئِكُمُ ٱلَّٰتِي دَخَلۡتُم بِهِنَّ فَإِن لَّمۡ تَكُونُواْ دَخَلۡتُم بِهِنَّ فَلَا جُنَاحَ عَلَيۡكُمۡ وَحَلَٰٓئِلُ أَبۡنَآئِكُمُ ٱلَّذِينَ مِنۡ أَصۡلَٰبِكُمۡ وَأَن تَجۡمَعُواْ بَيۡنَ ٱلۡأُخۡتَيۡنِ إِلَّا مَا قَدۡ سَلَفَۗ إِنَّ ٱللَّهَ كَانَ غَفُورٗا رَّحِيمٗا
Ipinagbawal sa inyo [na mapangasawa] ang mga ina ninyo, ang mga babaing anak ninyo, ang mga babaing kapatid ninyo, ang mga tiyahin ninyo sa ama, ang mga tiyahin ninyo sa ina, ang mga babaing anak ng lalaking kapatid, ang mga babaing anak ng babaing kapatid, ang mga ina ninyo na nagpasuso sa inyo, ang mga babaing kapatid ninyo sa pagpapasuso, ang mga ina ng mga maybahay ninyo, ang mga babaing anak na panguman ninyong nasa ilalim ng pangangalaga ninyo mula sa mga maybahay ninyong nakipagtalik kayo sa kanila, subalit kung hindi kayo nakipagtalik sa kanila ay walang maisisisi sa iyo [sa pagpapakasal sa mga ito], ang mga maybahay ng mga lalaking anak ninyo mula sa mga gulugod ninyo, at na pagsabayin ninyo [bilang mga maybahay] ang dalawang babaing magkapatid, maliban sa nagdaan na. Tunay na si Allāh ay laging Mapagpatawad, Maawain.
அரபு விரிவுரைகள்:
۞ وَٱلۡمُحۡصَنَٰتُ مِنَ ٱلنِّسَآءِ إِلَّا مَا مَلَكَتۡ أَيۡمَٰنُكُمۡۖ كِتَٰبَ ٱللَّهِ عَلَيۡكُمۡۚ وَأُحِلَّ لَكُم مَّا وَرَآءَ ذَٰلِكُمۡ أَن تَبۡتَغُواْ بِأَمۡوَٰلِكُم مُّحۡصِنِينَ غَيۡرَ مُسَٰفِحِينَۚ فَمَا ٱسۡتَمۡتَعۡتُم بِهِۦ مِنۡهُنَّ فَـَٔاتُوهُنَّ أُجُورَهُنَّ فَرِيضَةٗۚ وَلَا جُنَاحَ عَلَيۡكُمۡ فِيمَا تَرَٰضَيۡتُم بِهِۦ مِنۢ بَعۡدِ ٱلۡفَرِيضَةِۚ إِنَّ ٱللَّهَ كَانَ عَلِيمًا حَكِيمٗا
[Ipinagbawal din] ang mga nakapag-asawa kabilang sa mga babae maliban sa minay-ari ng mga kanang kamay ninyo, bilang pagtatakda ni Allāh para sa inyo. Ipinahintulot sa inyo ang anumang iba pa roon, [sa kundisyon] na maghangad kayo kapalit ng [bigay-kaya mula sa] mga yaman ninyo bilang mga nanananggalang sa pangangalunya hindi mga nangangalunya. Ang nagtamasa kayo mula sa kanila ay magbigay kayo sa kanila ng mga pabuya sa kanila bilang tungkuling regalo. Walang maisisisi sa inyo kaugnay sa nagkaluguran kayo matapos na ng [pagtatakda ng regalong] tungkulin. Tunay na si Allāh ay laging Maalam, Marunong.
அரபு விரிவுரைகள்:
وَمَن لَّمۡ يَسۡتَطِعۡ مِنكُمۡ طَوۡلًا أَن يَنكِحَ ٱلۡمُحۡصَنَٰتِ ٱلۡمُؤۡمِنَٰتِ فَمِن مَّا مَلَكَتۡ أَيۡمَٰنُكُم مِّن فَتَيَٰتِكُمُ ٱلۡمُؤۡمِنَٰتِۚ وَٱللَّهُ أَعۡلَمُ بِإِيمَٰنِكُمۚ بَعۡضُكُم مِّنۢ بَعۡضٖۚ فَٱنكِحُوهُنَّ بِإِذۡنِ أَهۡلِهِنَّ وَءَاتُوهُنَّ أُجُورَهُنَّ بِٱلۡمَعۡرُوفِ مُحۡصَنَٰتٍ غَيۡرَ مُسَٰفِحَٰتٖ وَلَا مُتَّخِذَٰتِ أَخۡدَانٖۚ فَإِذَآ أُحۡصِنَّ فَإِنۡ أَتَيۡنَ بِفَٰحِشَةٖ فَعَلَيۡهِنَّ نِصۡفُ مَا عَلَى ٱلۡمُحۡصَنَٰتِ مِنَ ٱلۡعَذَابِۚ ذَٰلِكَ لِمَنۡ خَشِيَ ٱلۡعَنَتَ مِنكُمۡۚ وَأَن تَصۡبِرُواْ خَيۡرٞ لَّكُمۡۗ وَٱللَّهُ غَفُورٞ رَّحِيمٞ
Ang sinumang hindi nakaya kabilang sa inyo ng kaparaanan na mag-asawa ng mga nakapag-asawang babae na mga mananampalataya ay [mag-asawa] mula sa minay-ari ng mga kanang kamay ninyo kabilang sa mga babaing alipin ninyong mga mananampalataya. Si Allāh ay higit na maalam sa pananampalataya ninyo. Kayo ay mula sa isa’t isa. Kaya mag-asawa kayo sa kanila – ayon sa pahintulot ng mga amo nila at magbigay kayo sa kanila ng mga pabuya sa kanila ayon sa nakabubuti – na mga nakapag-asawang babae na hindi mga nangangalunyang babae ni mga gumagawa ng mga kalaguyo. Ngunit kapag pinasanggalang sila [sa pag-aasawa] at kung gumawa sila ng isang mahalay ay kailangan sa kanila ang kalahati ng kailangan sa mga babaing malaya mula sa pagdurusa. Iyon[102] ay ukol sa sinumang natakot sa kalunya kabilang sa inyo. Ang magtiis[103] kayo ay higit na mabuti para sa inyo. Si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain.
[102] Ibig sabihin: ang pagpapahintulot ng pag-aasawa ng babaing aliping minamay-ari.
[103] sa hindi pag-aasawa ng babaing alipin
அரபு விரிவுரைகள்:
يُرِيدُ ٱللَّهُ لِيُبَيِّنَ لَكُمۡ وَيَهۡدِيَكُمۡ سُنَنَ ٱلَّذِينَ مِن قَبۡلِكُمۡ وَيَتُوبَ عَلَيۡكُمۡۗ وَٱللَّهُ عَلِيمٌ حَكِيمٞ
Nagnanais si Allāh na maglinaw para sa inyo, magpatnubay sa inyo ng mga kalakaran ng mga bago pa ninyo, at tumanggap ng pagbabalik-loob sa inyo. Si Allāh ay Maalam, Marunong.
அரபு விரிவுரைகள்:
وَٱللَّهُ يُرِيدُ أَن يَتُوبَ عَلَيۡكُمۡ وَيُرِيدُ ٱلَّذِينَ يَتَّبِعُونَ ٱلشَّهَوَٰتِ أَن تَمِيلُواْ مَيۡلًا عَظِيمٗا
Si Allāh ay nagnanais na tumanggap ng pagbabalik-loob sa inyo at nagnanais ang mga sumusunod sa mga pagnanasa na lumihis kayo nang isang pagkalihis na sukdulan.
அரபு விரிவுரைகள்:
يُرِيدُ ٱللَّهُ أَن يُخَفِّفَ عَنكُمۡۚ وَخُلِقَ ٱلۡإِنسَٰنُ ضَعِيفٗا
Nagnanais si Allāh na magpagaan sa inyo. Nilikha ang tao na mahina [sa kalikasan nito at kaasalan nito].
அரபு விரிவுரைகள்:
يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ لَا تَأۡكُلُوٓاْ أَمۡوَٰلَكُم بَيۡنَكُم بِٱلۡبَٰطِلِ إِلَّآ أَن تَكُونَ تِجَٰرَةً عَن تَرَاضٖ مِّنكُمۡۚ وَلَا تَقۡتُلُوٓاْ أَنفُسَكُمۡۚ إِنَّ ٱللَّهَ كَانَ بِكُمۡ رَحِيمٗا
O mga sumampalataya, huwag kayong gumamit sa mga yaman ninyo sa pagitan ninyo sa kawalang-kabuluhan, maliban na ito ay maging isang kalakalan ayon sa pagkakaluguran mula sa inyo. Huwag kayong pumatay sa mga sarili ninyo;[104] tunay na si Allāh laging sa inyo ay Maawain.
[104] O Huwag kayong pumatay sa isa’t isa sa mga sarili ninyo.
அரபு விரிவுரைகள்:
وَمَن يَفۡعَلۡ ذَٰلِكَ عُدۡوَٰنٗا وَظُلۡمٗا فَسَوۡفَ نُصۡلِيهِ نَارٗاۚ وَكَانَ ذَٰلِكَ عَلَى ٱللَّهِ يَسِيرًا
Ang sinumang gumagawa niyon dala ng pangangaway at kawalang-katarungan ay magsusunog Kami sa kanya sa Apoy. Laging iyon kay Allāh ay madali.
அரபு விரிவுரைகள்:
إِن تَجۡتَنِبُواْ كَبَآئِرَ مَا تُنۡهَوۡنَ عَنۡهُ نُكَفِّرۡ عَنكُمۡ سَيِّـَٔاتِكُمۡ وَنُدۡخِلۡكُم مُّدۡخَلٗا كَرِيمٗا
Kung iiwas kayo sa mga malaking kasalanan na isinaway sa inyo ay magtatakip-sala Kami sa inyo sa mga masagwang gawa ninyo at magpapapasok Kami sa inyo sa isang pasukang marangal [sa Paraiso].
அரபு விரிவுரைகள்:
وَلَا تَتَمَنَّوۡاْ مَا فَضَّلَ ٱللَّهُ بِهِۦ بَعۡضَكُمۡ عَلَىٰ بَعۡضٖۚ لِّلرِّجَالِ نَصِيبٞ مِّمَّا ٱكۡتَسَبُواْۖ وَلِلنِّسَآءِ نَصِيبٞ مِّمَّا ٱكۡتَسَبۡنَۚ وَسۡـَٔلُواْ ٱللَّهَ مِن فَضۡلِهِۦٓۚ إِنَّ ٱللَّهَ كَانَ بِكُلِّ شَيۡءٍ عَلِيمٗا
Huwag kayong magmithi ng ipinantangi ni Allāh sa ilan sa inyo higit sa iba. Ukol sa mga lalaki ay bahagi mula sa nakamit nila at ukol sa mga babae ay bahagi mula sa nakamit nila. Humingi kayo kay Allāh mula sa kabutihang-loob Niya. Tunay na si Allāh laging sa bawat bagay ay Maalam.
அரபு விரிவுரைகள்:
وَلِكُلّٖ جَعَلۡنَا مَوَٰلِيَ مِمَّا تَرَكَ ٱلۡوَٰلِدَانِ وَٱلۡأَقۡرَبُونَۚ وَٱلَّذِينَ عَقَدَتۡ أَيۡمَٰنُكُمۡ فَـَٔاتُوهُمۡ نَصِيبَهُمۡۚ إِنَّ ٱللَّهَ كَانَ عَلَىٰ كُلِّ شَيۡءٖ شَهِيدًا
Para sa lahat ay gumawa Kami ng mga tagapagmana mula sa naiwan ng mga magulang at mga malapit na kaanak. Ang mga pumatungkol ang mga panunumpa ninyo ay magbigay kayo sa kanila ng bahagi nila [sa pamana]. Tunay na si Allāh, sa bawat bagay, ay Saksi.
அரபு விரிவுரைகள்:
ٱلرِّجَالُ قَوَّٰمُونَ عَلَى ٱلنِّسَآءِ بِمَا فَضَّلَ ٱللَّهُ بَعۡضَهُمۡ عَلَىٰ بَعۡضٖ وَبِمَآ أَنفَقُواْ مِنۡ أَمۡوَٰلِهِمۡۚ فَٱلصَّٰلِحَٰتُ قَٰنِتَٰتٌ حَٰفِظَٰتٞ لِّلۡغَيۡبِ بِمَا حَفِظَ ٱللَّهُۚ وَٱلَّٰتِي تَخَافُونَ نُشُوزَهُنَّ فَعِظُوهُنَّ وَٱهۡجُرُوهُنَّ فِي ٱلۡمَضَاجِعِ وَٱضۡرِبُوهُنَّۖ فَإِنۡ أَطَعۡنَكُمۡ فَلَا تَبۡغُواْ عَلَيۡهِنَّ سَبِيلًاۗ إِنَّ ٱللَّهَ كَانَ عَلِيّٗا كَبِيرٗا
Ang mga lalaki ay mga tagapagpanatili[105] ng mga babae dahil nagtangi si Allāh sa iba sa kanila higit sa iba at dahil gumugol sila mula sa mga yaman nila. Kaya ang mga maayos na babae ay mga masunurin, mga tagapag-ingat sa pagkaliban [ng mga asawa] sa iningatan ni Allāh. Ang mga [maybahay na] nangangamba kayo sa kapalaluan nila ay pangaralan ninyo sila [sa simula], iwan ninyo sila sa mga higaan [kung sumuway], at paluin ninyo sila [nang hindi masakit kung tumanggi pa]; ngunit kung tumalima sila sa inyo ay huwag kayong maghanap laban sa kanila ng isang paraan. Tunay na si Allāh ay laging Mataas, Malaki.
[105] Ibig sabihin: mga tagapag-alaga at mga tagapag-aruga.
அரபு விரிவுரைகள்:
وَإِنۡ خِفۡتُمۡ شِقَاقَ بَيۡنِهِمَا فَٱبۡعَثُواْ حَكَمٗا مِّنۡ أَهۡلِهِۦ وَحَكَمٗا مِّنۡ أَهۡلِهَآ إِن يُرِيدَآ إِصۡلَٰحٗا يُوَفِّقِ ٱللَّهُ بَيۡنَهُمَآۗ إِنَّ ٱللَّهَ كَانَ عَلِيمًا خَبِيرٗا
Kung nangamba kayo sa isang hidwaan sa pagitan nilang dalawa ay magpadala kayo ng isang tagahatol mula sa mag-anak ng lalaki at isang tagahatol mula sa mag-anak ng babae. Kung magnanais silang dalawa ng isang pagsasaayos ay magpapatugma si Allāh sa pagitan nilang dalawa. Tunay na si Allāh ay laging Maalam, Mapagbatid.
அரபு விரிவுரைகள்:
۞ وَٱعۡبُدُواْ ٱللَّهَ وَلَا تُشۡرِكُواْ بِهِۦ شَيۡـٔٗاۖ وَبِٱلۡوَٰلِدَيۡنِ إِحۡسَٰنٗا وَبِذِي ٱلۡقُرۡبَىٰ وَٱلۡيَتَٰمَىٰ وَٱلۡمَسَٰكِينِ وَٱلۡجَارِ ذِي ٱلۡقُرۡبَىٰ وَٱلۡجَارِ ٱلۡجُنُبِ وَٱلصَّاحِبِ بِٱلۡجَنۢبِ وَٱبۡنِ ٱلسَّبِيلِ وَمَا مَلَكَتۡ أَيۡمَٰنُكُمۡۗ إِنَّ ٱللَّهَ لَا يُحِبُّ مَن كَانَ مُخۡتَالٗا فَخُورًا
Sumamba kayo kay Allāh at huwag kayong magtambal sa Kanya ng anuman. Sa mga magulang ay [mag-ukol ng] paggawa ng maganda, at sa may pagkakamag-anak, mga ulila, mga dukha, kapit-bahay na may pagkakamag-anak, kapit-bahay na malayo, kasamahan sa tabi, kinapos sa daan, at minay-ari ng mga kanang kamay ninyo. Tunay na si Allāh ay hindi umiibig sa sinumang naging isang hambog na mayabang.
அரபு விரிவுரைகள்:
ٱلَّذِينَ يَبۡخَلُونَ وَيَأۡمُرُونَ ٱلنَّاسَ بِٱلۡبُخۡلِ وَيَكۡتُمُونَ مَآ ءَاتَىٰهُمُ ٱللَّهُ مِن فَضۡلِهِۦۗ وَأَعۡتَدۡنَا لِلۡكَٰفِرِينَ عَذَابٗا مُّهِينٗا
[Sila] ang mga nagmamaramot, nag-uutos sa mga tao ng pagmamaramot, at nagtatago ng ibinigay sa kanila ni Allāh mula sa kabutihang-loob Niya. Naghanda para sa mga tagatangging sumampalataya ng isang pagdurusang manghahamak.
அரபு விரிவுரைகள்:
وَٱلَّذِينَ يُنفِقُونَ أَمۡوَٰلَهُمۡ رِئَآءَ ٱلنَّاسِ وَلَا يُؤۡمِنُونَ بِٱللَّهِ وَلَا بِٱلۡيَوۡمِ ٱلۡأٓخِرِۗ وَمَن يَكُنِ ٱلشَّيۡطَٰنُ لَهُۥ قَرِينٗا فَسَآءَ قَرِينٗا
[Sila] ang mga gumugugol ng mga yaman nila bilang pagpapakita sa mga tao at hindi sumasampalataya kay Allāh at sa Huling Araw. Ang sinumang ang demonyo para sa kanya ay naging isang kapisan, sumagwa ito bilang kapisan.
அரபு விரிவுரைகள்:
وَمَاذَا عَلَيۡهِمۡ لَوۡ ءَامَنُواْ بِٱللَّهِ وَٱلۡيَوۡمِ ٱلۡأٓخِرِ وَأَنفَقُواْ مِمَّا رَزَقَهُمُ ٱللَّهُۚ وَكَانَ ٱللَّهُ بِهِمۡ عَلِيمًا
Ano [ang pinsala] sa kanila kung sakaling sumampalataya sila kay Allāh at sa Huling Araw at gumugol sila mula sa itinustos sa kanila ni Allāh? Laging si Allāh sa kanila ay Maalam.
அரபு விரிவுரைகள்:
إِنَّ ٱللَّهَ لَا يَظۡلِمُ مِثۡقَالَ ذَرَّةٖۖ وَإِن تَكُ حَسَنَةٗ يُضَٰعِفۡهَا وَيُؤۡتِ مِن لَّدُنۡهُ أَجۡرًا عَظِيمٗا
Tunay na si Allāh ay hindi lumalabag sa katarungan na kasimbigat ng isang katiting. Kung may isang magandang gawa ay pag-iibayuhin Niya ito [sa gantimpala] at magbibigay Siya mula sa taglay Niya ng isang pabuyang mabigat.
அரபு விரிவுரைகள்:
فَكَيۡفَ إِذَا جِئۡنَا مِن كُلِّ أُمَّةِۭ بِشَهِيدٖ وَجِئۡنَا بِكَ عَلَىٰ هَٰٓؤُلَآءِ شَهِيدٗا
Kaya papaano kapag naghatid Kami mula sa bawat kalipunan ng isang saksi at naghatid Kami sa iyo [O Propeta Muḥammad] sa mga ito bilang saksi?
அரபு விரிவுரைகள்:
يَوۡمَئِذٖ يَوَدُّ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ وَعَصَوُاْ ٱلرَّسُولَ لَوۡ تُسَوَّىٰ بِهِمُ ٱلۡأَرۡضُ وَلَا يَكۡتُمُونَ ٱللَّهَ حَدِيثٗا
Sa Araw na iyon ay mag-aasam ang mga tumangging sumampalataya at sumuway sa Sugo na kung sana itatabon sa kanila ang lupa. Hindi sila makapagtatago kay Allāh ng isang pag-uusap.
அரபு விரிவுரைகள்:
يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ لَا تَقۡرَبُواْ ٱلصَّلَوٰةَ وَأَنتُمۡ سُكَٰرَىٰ حَتَّىٰ تَعۡلَمُواْ مَا تَقُولُونَ وَلَا جُنُبًا إِلَّا عَابِرِي سَبِيلٍ حَتَّىٰ تَغۡتَسِلُواْۚ وَإِن كُنتُم مَّرۡضَىٰٓ أَوۡ عَلَىٰ سَفَرٍ أَوۡ جَآءَ أَحَدٞ مِّنكُم مِّنَ ٱلۡغَآئِطِ أَوۡ لَٰمَسۡتُمُ ٱلنِّسَآءَ فَلَمۡ تَجِدُواْ مَآءٗ فَتَيَمَّمُواْ صَعِيدٗا طَيِّبٗا فَٱمۡسَحُواْ بِوُجُوهِكُمۡ وَأَيۡدِيكُمۡۗ إِنَّ ٱللَّهَ كَانَ عَفُوًّا غَفُورًا
O mga sumampalataya, huwag kayong lumapit sa pagdarasal habang kayo ay mga lasing hanggang sa makaalam kayo sa sinasabi ninyo ni habang mga kailangang-maligo, malibang mga tumatawid sa landas [ng pagdarasalan], hanggang sa makapaligo kayo. Kung kayo ay mga may-sakit o nasa isang paglalakbay, o dumating ang isa sa inyo mula sa palikuran, o sumaling kayo ng mga babae[106] at hindi kayo nakatagpo ng tubig, ay magsadya kayo sa isang lupang kaaya-aya saka #magpahid kayo sa mga mukha ninyo at mga kamay ninyo. Tunay na si Allāh ay laging Mapagpaumanhin, Mapagpatawad.[107]
[106] Ibig sabihin: nakipagtalik kayo sa mga maybahay
[107] Tingnan ang Qur’an 5:90 tungkol sa ganap na pagbabawal sa pag-inom ng alak.
அரபு விரிவுரைகள்:
أَلَمۡ تَرَ إِلَى ٱلَّذِينَ أُوتُواْ نَصِيبٗا مِّنَ ٱلۡكِتَٰبِ يَشۡتَرُونَ ٱلضَّلَٰلَةَ وَيُرِيدُونَ أَن تَضِلُّواْ ٱلسَّبِيلَ
Hindi ka ba nakaalam sa mga [Hudyong] binigyan ng isang bahagi mula sa Kasulatan? Bumibili sila ng kaligawan at nagnanais sila na maligaw kayo ng landas.
அரபு விரிவுரைகள்:
وَٱللَّهُ أَعۡلَمُ بِأَعۡدَآئِكُمۡۚ وَكَفَىٰ بِٱللَّهِ وَلِيّٗا وَكَفَىٰ بِٱللَّهِ نَصِيرٗا
Si Allāh ay higit na maalam sa mga kaaway ninyo. Nakasapat si Allāh bilang Katangkilik at nakasapat si Allāh bilang Mapag-adya.
அரபு விரிவுரைகள்:
مِّنَ ٱلَّذِينَ هَادُواْ يُحَرِّفُونَ ٱلۡكَلِمَ عَن مَّوَاضِعِهِۦ وَيَقُولُونَ سَمِعۡنَا وَعَصَيۡنَا وَٱسۡمَعۡ غَيۡرَ مُسۡمَعٖ وَرَٰعِنَا لَيَّۢا بِأَلۡسِنَتِهِمۡ وَطَعۡنٗا فِي ٱلدِّينِۚ وَلَوۡ أَنَّهُمۡ قَالُواْ سَمِعۡنَا وَأَطَعۡنَا وَٱسۡمَعۡ وَٱنظُرۡنَا لَكَانَ خَيۡرٗا لَّهُمۡ وَأَقۡوَمَ وَلَٰكِن لَّعَنَهُمُ ٱللَّهُ بِكُفۡرِهِمۡ فَلَا يُؤۡمِنُونَ إِلَّا قَلِيلٗا
Mayroon sa mga nagpakahudyo na naglilihis sa mga salita palayo sa mga katuturan ng mga ito at nagsasabi: “Nakinig kami at sumuway kami,” “Makinig ka ng hindi pinaririnig,” at “Rā`inā” bilang pagpilipit sa mga dila nila at paninirang-puri sa relihiyon. Kung sakaling sila ay nagsabi: “Nakinig kami at tumalima kami,” “Makinig ka,” at “Tumingin ka sa amin,” talaga sanang iyon ay naging higit na mabuti para sa kanila at higit na matuwid, subalit isinumpa sila ni Allāh dahil sa kawalang-pananampalataya nila kaya hindi sila sumasampalataya malibang kaunti.
அரபு விரிவுரைகள்:
يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ أُوتُواْ ٱلۡكِتَٰبَ ءَامِنُواْ بِمَا نَزَّلۡنَا مُصَدِّقٗا لِّمَا مَعَكُم مِّن قَبۡلِ أَن نَّطۡمِسَ وُجُوهٗا فَنَرُدَّهَا عَلَىٰٓ أَدۡبَارِهَآ أَوۡ نَلۡعَنَهُمۡ كَمَا لَعَنَّآ أَصۡحَٰبَ ٱلسَّبۡتِۚ وَكَانَ أَمۡرُ ٱللَّهِ مَفۡعُولًا
O mga binigyan ng Kasulatan, sumampalataya kayo sa ibinaba Namin bilang tagapagpatotoo para sa taglay ninyo bago pa Kami bumura ng mga mukha para magpabaling sa mga ito sa mga likuran ng mga ito, o sumumpa Kami sa kanila gaya ng pagsumpa Namin sa mga lumabag sa Sabath. Laging ang utos ni Allāh ay nagagawa.
அரபு விரிவுரைகள்:
إِنَّ ٱللَّهَ لَا يَغۡفِرُ أَن يُشۡرَكَ بِهِۦ وَيَغۡفِرُ مَا دُونَ ذَٰلِكَ لِمَن يَشَآءُۚ وَمَن يُشۡرِكۡ بِٱللَّهِ فَقَدِ ٱفۡتَرَىٰٓ إِثۡمًا عَظِيمًا
Tunay na si Allāh ay hindi nagpapatawad na tambalan Siya at magpapatawad naman Siya sa anumang mababa pa roon sa sinumang loloobin Niya. Ang sinumang nagtatambal kay Allāh ay gumawa-gawa nga ng isang kasalanang sukdulan.
அரபு விரிவுரைகள்:
أَلَمۡ تَرَ إِلَى ٱلَّذِينَ يُزَكُّونَ أَنفُسَهُمۚ بَلِ ٱللَّهُ يُزَكِّي مَن يَشَآءُ وَلَا يُظۡلَمُونَ فَتِيلًا
Hindi ka ba tumingin sa mga nagbubusilak ng mga sarili nila? Bagkus si Allāh ay nagbubusilak ng sinumang niloloob Niya. Hindi sila lalabagin sa katarungan nang gahibla.
அரபு விரிவுரைகள்:
ٱنظُرۡ كَيۡفَ يَفۡتَرُونَ عَلَى ٱللَّهِ ٱلۡكَذِبَۖ وَكَفَىٰ بِهِۦٓ إِثۡمٗا مُّبِينًا
Tumingin ka kung papaano silang gumagawa-gawa laban kay Allāh ng kasinungalingan. Nakasapat iyon bilang kasalanang malinaw.
அரபு விரிவுரைகள்:
أَلَمۡ تَرَ إِلَى ٱلَّذِينَ أُوتُواْ نَصِيبٗا مِّنَ ٱلۡكِتَٰبِ يُؤۡمِنُونَ بِٱلۡجِبۡتِ وَٱلطَّٰغُوتِ وَيَقُولُونَ لِلَّذِينَ كَفَرُواْ هَٰٓؤُلَآءِ أَهۡدَىٰ مِنَ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ سَبِيلًا
Hindi ka ba nakaalam sa mga [Hudyong] binigyan ng isang bahagi mula sa Kasulatan? Sumasampalataya sila sa dinidiyos at nagpapakadiyos at nagsasabi sila sa mga tumangging sumampalataya na ang mga ito ay higit na napatnubayan kaysa sa mga sumampalataya ayon sa landas.
அரபு விரிவுரைகள்:
أُوْلَٰٓئِكَ ٱلَّذِينَ لَعَنَهُمُ ٱللَّهُۖ وَمَن يَلۡعَنِ ٱللَّهُ فَلَن تَجِدَ لَهُۥ نَصِيرًا
Ang mga [Hudyong] iyon ay isinumpa ni Allāh. Ang sinumang isusumpa ni Allāh ay hindi ka makatatagpo para sa kanya ng isang mapag-adya.
அரபு விரிவுரைகள்:
أَمۡ لَهُمۡ نَصِيبٞ مِّنَ ٱلۡمُلۡكِ فَإِذٗا لَّا يُؤۡتُونَ ٱلنَّاسَ نَقِيرًا
O mayroon ba silang isang bahagi mula sa paghahari [ni Allāh]? Kaya samakatuwid, hindi sila magbibigay sa mga tao ng isang kapiranggot.
அரபு விரிவுரைகள்:
أَمۡ يَحۡسُدُونَ ٱلنَّاسَ عَلَىٰ مَآ ءَاتَىٰهُمُ ٱللَّهُ مِن فَضۡلِهِۦۖ فَقَدۡ ءَاتَيۡنَآ ءَالَ إِبۡرَٰهِيمَ ٱلۡكِتَٰبَ وَٱلۡحِكۡمَةَ وَءَاتَيۡنَٰهُم مُّلۡكًا عَظِيمٗا
O naiinggit ba sila sa mga tao[108] dahil sa ibinigay ni Allāh sa mga ito mula sa kabutihang-loob Niya? Nagbigay nga Kami sa angkan ni Abraham ng Kasulatan at Karunungan, at nagbigay Kami sa mga ito ng isang paghaharing dakila [sa panahon ni Solomon].
[108] Ibig sabihin: sina Propeta Muhammad at ang mga Kasamahan niya.
அரபு விரிவுரைகள்:
فَمِنۡهُم مَّنۡ ءَامَنَ بِهِۦ وَمِنۡهُم مَّن صَدَّ عَنۡهُۚ وَكَفَىٰ بِجَهَنَّمَ سَعِيرًا
Mayroon sa kanila[109] ang sumasampalataya sa kanya[110] at mayroon sa kanila ang tumututol sa kanya. Nakasapat ang Impiyerno bilang liyab.
[109] Ibig sabihin: mga Hudyo.
[110] Ibig sabihin: kay Propeta Muhammad.
அரபு விரிவுரைகள்:
إِنَّ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ بِـَٔايَٰتِنَا سَوۡفَ نُصۡلِيهِمۡ نَارٗا كُلَّمَا نَضِجَتۡ جُلُودُهُم بَدَّلۡنَٰهُمۡ جُلُودًا غَيۡرَهَا لِيَذُوقُواْ ٱلۡعَذَابَۗ إِنَّ ٱللَّهَ كَانَ عَزِيزًا حَكِيمٗا
Tunay na ang mga tumangging sumampalataya sa mga tanda Namin ay magsusunog Kami sa kanila sa Apoy. Sa tuwing naluto ang mga balat nila magpapalit Kami sa kanila ng mga balat na iba sa mga ito upang lumasap sila ng pagdurusa.Tunay na si Allāh ay laging Makapangyarihan, Marunong.
அரபு விரிவுரைகள்:
وَٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّٰلِحَٰتِ سَنُدۡخِلُهُمۡ جَنَّٰتٖ تَجۡرِي مِن تَحۡتِهَا ٱلۡأَنۡهَٰرُ خَٰلِدِينَ فِيهَآ أَبَدٗاۖ لَّهُمۡ فِيهَآ أَزۡوَٰجٞ مُّطَهَّرَةٞۖ وَنُدۡخِلُهُمۡ ظِلّٗا ظَلِيلًا
Ang mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos ay magpapapasok Kami sa kanila sa mga hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog bilang mga mananatili sa mga ito magpakailanman. Magkakaroon sila sa mga ito ng mga asawang dinalisay, at magpapapasok Kami sa kanila sa lilim na malilim [sa Paraiso].
அரபு விரிவுரைகள்:
۞ إِنَّ ٱللَّهَ يَأۡمُرُكُمۡ أَن تُؤَدُّواْ ٱلۡأَمَٰنَٰتِ إِلَىٰٓ أَهۡلِهَا وَإِذَا حَكَمۡتُم بَيۡنَ ٱلنَّاسِ أَن تَحۡكُمُواْ بِٱلۡعَدۡلِۚ إِنَّ ٱللَّهَ نِعِمَّا يَعِظُكُم بِهِۦٓۗ إِنَّ ٱللَّهَ كَانَ سَمِيعَۢا بَصِيرٗا
Tunay na si Allāh ay nag-uutos sa inyo na gampanan ninyo ang mga ipinagkatiwala sa mga kinauukulan ng mga ito. Kapag humatol kayo sa pagitan ng mga tao na humatol kayo ayon sa katarungan. Tunay na si Allāh ay kay inam ng ipinangangaral sa inyo! Tunay na si Allāh ay laging Madinigin, Nakakikita.
அரபு விரிவுரைகள்:
يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُوٓاْ أَطِيعُواْ ٱللَّهَ وَأَطِيعُواْ ٱلرَّسُولَ وَأُوْلِي ٱلۡأَمۡرِ مِنكُمۡۖ فَإِن تَنَٰزَعۡتُمۡ فِي شَيۡءٖ فَرُدُّوهُ إِلَى ٱللَّهِ وَٱلرَّسُولِ إِن كُنتُمۡ تُؤۡمِنُونَ بِٱللَّهِ وَٱلۡيَوۡمِ ٱلۡأٓخِرِۚ ذَٰلِكَ خَيۡرٞ وَأَحۡسَنُ تَأۡوِيلًا
O mga sumampalataya, tumalima kayo kay Allāh at tumalima kayo sa Sugo at sa mga may katungkulan mula sa inyo. Kaya kung naghidwaan kayo sa isang bagay ay sumangguni kayo kay Allāh at sa Sugo, kung kayo ay sumasampalataya kay Allāh at sa Huling Araw. Iyon ay higit na mabuti at higit na maganda sa pagsasakatuparan.
அரபு விரிவுரைகள்:
أَلَمۡ تَرَ إِلَى ٱلَّذِينَ يَزۡعُمُونَ أَنَّهُمۡ ءَامَنُواْ بِمَآ أُنزِلَ إِلَيۡكَ وَمَآ أُنزِلَ مِن قَبۡلِكَ يُرِيدُونَ أَن يَتَحَاكَمُوٓاْ إِلَى ٱلطَّٰغُوتِ وَقَدۡ أُمِرُوٓاْ أَن يَكۡفُرُواْ بِهِۦۖ وَيُرِيدُ ٱلشَّيۡطَٰنُ أَن يُضِلَّهُمۡ ضَلَٰلَۢا بَعِيدٗا
Hindi ka ba nakaalam sa mga nag-aangkin[111] na sila ay sumampalataya raw sa pinababa sa iyo at pinababa bago mo pa? Nagnanais sila na magpahatol sa nagpapakadiyos samantalang inutusan nga sila na tumangging sumampalataya rito. Nagnanais ang demonyo na magligaw sa kanila sa isang pagkaligaw na malayo.
[111] Ibig sabihin: mga mapagpaimbabaw.
அரபு விரிவுரைகள்:
وَإِذَا قِيلَ لَهُمۡ تَعَالَوۡاْ إِلَىٰ مَآ أَنزَلَ ٱللَّهُ وَإِلَى ٱلرَّسُولِ رَأَيۡتَ ٱلۡمُنَٰفِقِينَ يَصُدُّونَ عَنكَ صُدُودٗا
Kapag sinabi sa kanila: “Halikayo sa pinababa ni Allāh [sa Qur’ān] at sa Sugo,” makakikita ka sa mga mapagpaimbabaw na tumututol sa iyo ng isang pagtutol.
அரபு விரிவுரைகள்:
فَكَيۡفَ إِذَآ أَصَٰبَتۡهُم مُّصِيبَةُۢ بِمَا قَدَّمَتۡ أَيۡدِيهِمۡ ثُمَّ جَآءُوكَ يَحۡلِفُونَ بِٱللَّهِ إِنۡ أَرَدۡنَآ إِلَّآ إِحۡسَٰنٗا وَتَوۡفِيقًا
Kaya papaano kapag may tumama sa kanila na isang kapahamakan dahil sa ipinauna ng mga kamay nila, pagkatapos dumating sila sa iyo na nanunumpa kay Allāh: “Hindi kami nagnais maliban ng isang paggawa ng maganda at pagtutugma.”
அரபு விரிவுரைகள்:
أُوْلَٰٓئِكَ ٱلَّذِينَ يَعۡلَمُ ٱللَّهُ مَا فِي قُلُوبِهِمۡ فَأَعۡرِضۡ عَنۡهُمۡ وَعِظۡهُمۡ وَقُل لَّهُمۡ فِيٓ أَنفُسِهِمۡ قَوۡلَۢا بَلِيغٗا
Ang mga iyon ay ang mga nakaaalam si Allāh ng nasa mga puso nila kaya umayaw ka sa kanila, mangaral ka sa kanila, at magsabi ka sa kanila sa mga sarili nila ng isang sinasabing nanunuot.
அரபு விரிவுரைகள்:
وَمَآ أَرۡسَلۡنَا مِن رَّسُولٍ إِلَّا لِيُطَاعَ بِإِذۡنِ ٱللَّهِۚ وَلَوۡ أَنَّهُمۡ إِذ ظَّلَمُوٓاْ أَنفُسَهُمۡ جَآءُوكَ فَٱسۡتَغۡفَرُواْ ٱللَّهَ وَٱسۡتَغۡفَرَ لَهُمُ ٱلرَّسُولُ لَوَجَدُواْ ٱللَّهَ تَوَّابٗا رَّحِيمٗا
Hindi nagsugo ng anumang sugo kundi upang talimain ito ayon sa pahintulot ni Allāh. Kung sakaling sila, noong lumabag sila sa katarungan sa mga sarili nila, ay dumating sa iyo saka humingi ng tawad kay Allāh at humingi ng tawad para sa kanila ang Sugo, talaga sanang nakatagpo sila na si Allāh ay Palatanggap ng pagbabalik-loob, Maawain.
அரபு விரிவுரைகள்:
فَلَا وَرَبِّكَ لَا يُؤۡمِنُونَ حَتَّىٰ يُحَكِّمُوكَ فِيمَا شَجَرَ بَيۡنَهُمۡ ثُمَّ لَا يَجِدُواْ فِيٓ أَنفُسِهِمۡ حَرَجٗا مِّمَّا قَضَيۡتَ وَيُسَلِّمُواْ تَسۡلِيمٗا
Kaya hindi, sumpa man sa Panginoon mo, hindi sila sumasampalataya hanggang sa nagpapahatol sila sa iyo sa anumang napagtalunan sa pagitan nila, pagkatapos hindi sila nakatatagpo sa mga sarili nila ng isang pagkaasiwa sa anumang inihusga mo at nagpapasakop sila nang isang pagpapasakop [na lubos].
அரபு விரிவுரைகள்:
وَلَوۡ أَنَّا كَتَبۡنَا عَلَيۡهِمۡ أَنِ ٱقۡتُلُوٓاْ أَنفُسَكُمۡ أَوِ ٱخۡرُجُواْ مِن دِيَٰرِكُم مَّا فَعَلُوهُ إِلَّا قَلِيلٞ مِّنۡهُمۡۖ وَلَوۡ أَنَّهُمۡ فَعَلُواْ مَا يُوعَظُونَ بِهِۦ لَكَانَ خَيۡرٗا لَّهُمۡ وَأَشَدَّ تَثۡبِيتٗا
Kung sakaling Kami ay nagtakda sa kanila na: “Patayin ninyo ang mga sarili ninyo o lumisan kayo sa mga tahanan ninyo” ay hindi sana sila gumawa nito maliban sa kaunti sa kanila. Kung sakaling sila ay nagsagawa ng ipinangangaral sa kanila, talaga sanang ito ay naging higit na mabuti para sa kanila at higit na matindi sa pagpapatatag [sa pananampalataya]
அரபு விரிவுரைகள்:
وَإِذٗا لَّأٓتَيۡنَٰهُم مِّن لَّدُنَّآ أَجۡرًا عَظِيمٗا
at samakatuwid talaga sanang nagbigay Kami sa kanila mula sa nasa Amin na isang pabuyang dakila,
அரபு விரிவுரைகள்:
وَلَهَدَيۡنَٰهُمۡ صِرَٰطٗا مُّسۡتَقِيمٗا
at talaga sanang nagpatnubay Kami sa kanila sa isang landasing tuwid.
அரபு விரிவுரைகள்:
وَمَن يُطِعِ ٱللَّهَ وَٱلرَّسُولَ فَأُوْلَٰٓئِكَ مَعَ ٱلَّذِينَ أَنۡعَمَ ٱللَّهُ عَلَيۡهِم مِّنَ ٱلنَّبِيِّـۧنَ وَٱلصِّدِّيقِينَ وَٱلشُّهَدَآءِ وَٱلصَّٰلِحِينَۚ وَحَسُنَ أُوْلَٰٓئِكَ رَفِيقٗا
Ang sinumang tumatalima kay Allāh at sa Sugo, ang mga iyon ay kasama ng mga biniyayaan ni Allāh kabilang sa mga propeta, mga matapat, mga martir, at mga maayos. Kay ganda ang mga iyon bilang kasama!
அரபு விரிவுரைகள்:
ذَٰلِكَ ٱلۡفَضۡلُ مِنَ ٱللَّهِۚ وَكَفَىٰ بِٱللَّهِ عَلِيمٗا
Ang kabutihang-loob na iyon ay mula kay Allāh. Nakasapat si Allāh bilang Maalam.
அரபு விரிவுரைகள்:
يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ خُذُواْ حِذۡرَكُمۡ فَٱنفِرُواْ ثُبَاتٍ أَوِ ٱنفِرُواْ جَمِيعٗا
O mga sumampalataya, humawak kayo sa pag-iingat ninyo saka humayo kayo nang pulu-pulutong o humayo kayo nang lahatan.
அரபு விரிவுரைகள்:
وَإِنَّ مِنكُمۡ لَمَن لَّيُبَطِّئَنَّ فَإِنۡ أَصَٰبَتۡكُم مُّصِيبَةٞ قَالَ قَدۡ أَنۡعَمَ ٱللَّهُ عَلَيَّ إِذۡ لَمۡ أَكُن مَّعَهُمۡ شَهِيدٗا
Tunay na mayroon sa inyo na talagang ang magpapabagal nga [sa pakikipaglaban]. Kaya kung may tumama sa inyo na isang kapahamakan ay magsasabi siya: “Nagbiyaya nga si Allāh sa akin yayamang hindi ako naging kasama sa kanila bilang saksi.”
அரபு விரிவுரைகள்:
وَلَئِنۡ أَصَٰبَكُمۡ فَضۡلٞ مِّنَ ٱللَّهِ لَيَقُولَنَّ كَأَن لَّمۡ تَكُنۢ بَيۡنَكُمۡ وَبَيۡنَهُۥ مَوَدَّةٞ يَٰلَيۡتَنِي كُنتُ مَعَهُمۡ فَأَفُوزَ فَوۡزًا عَظِيمٗا
Talagang kung may tumama sa inyo na kabutihang-loob mula kay Allāh ay talagang magsasabi nga siya, na para bang walang nangyari sa pagitan ninyo at niya na isang pagmamahal: “O kung sana ako ay naging kasama sa kanila para magtamo ako ng isang pagkatamong sukdulan.”
அரபு விரிவுரைகள்:
۞ فَلۡيُقَٰتِلۡ فِي سَبِيلِ ٱللَّهِ ٱلَّذِينَ يَشۡرُونَ ٱلۡحَيَوٰةَ ٱلدُّنۡيَا بِٱلۡأٓخِرَةِۚ وَمَن يُقَٰتِلۡ فِي سَبِيلِ ٱللَّهِ فَيُقۡتَلۡ أَوۡ يَغۡلِبۡ فَسَوۡفَ نُؤۡتِيهِ أَجۡرًا عَظِيمٗا
Kaya makipaglaban ayon sa landas ni Allāh ang mga nagbili ng buhay na pangmundo kapalit ng Kabilang-buhay. Ang sinumang makikipaglaban ayon sa landas ni Allāh at mapapatay ito o mananaig ito ay magbibigay rito ng isang pabuyang sukdulan [sa Paraiso].
அரபு விரிவுரைகள்:
وَمَا لَكُمۡ لَا تُقَٰتِلُونَ فِي سَبِيلِ ٱللَّهِ وَٱلۡمُسۡتَضۡعَفِينَ مِنَ ٱلرِّجَالِ وَٱلنِّسَآءِ وَٱلۡوِلۡدَٰنِ ٱلَّذِينَ يَقُولُونَ رَبَّنَآ أَخۡرِجۡنَا مِنۡ هَٰذِهِ ٱلۡقَرۡيَةِ ٱلظَّالِمِ أَهۡلُهَا وَٱجۡعَل لَّنَا مِن لَّدُنكَ وَلِيّٗا وَٱجۡعَل لَّنَا مِن لَّدُنكَ نَصِيرًا
Ano ang [pumipigil] sa inyo? Hindi kayo nakikipaglaban alang-alang sa landas ni Allāh at ng mga minamahina kabilang sa mga lalaki, mga babae, at mga bata, na nagsasabi: “Panginoon namin, magpalisan Ka sa amin mula sa pamayanang ito [ng Makkah], na tagalabag sa katarungan ang mga naninirihan dito, magtalaga Ka para sa amin mula sa ganang Iyo ng isang katangkilik, at magtalaga Ka para sa amin mula sa ganang Iyo ng isang mapag-adya.”
அரபு விரிவுரைகள்:
ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ يُقَٰتِلُونَ فِي سَبِيلِ ٱللَّهِۖ وَٱلَّذِينَ كَفَرُواْ يُقَٰتِلُونَ فِي سَبِيلِ ٱلطَّٰغُوتِ فَقَٰتِلُوٓاْ أَوۡلِيَآءَ ٱلشَّيۡطَٰنِۖ إِنَّ كَيۡدَ ٱلشَّيۡطَٰنِ كَانَ ضَعِيفًا
Ang mga sumampalataya ay nakikipaglaban ayon sa landas ni Allāh at ang mga tumangging sumampalataya ay nakikipaglaban ayon sa landas ng nagpapakadiyos. Kaya makipaglaban kayo sa mga katangkilik ng demonyo. Tunay na ang panlalansi ng demonyo ay laging mahina.
அரபு விரிவுரைகள்:
أَلَمۡ تَرَ إِلَى ٱلَّذِينَ قِيلَ لَهُمۡ كُفُّوٓاْ أَيۡدِيَكُمۡ وَأَقِيمُواْ ٱلصَّلَوٰةَ وَءَاتُواْ ٱلزَّكَوٰةَ فَلَمَّا كُتِبَ عَلَيۡهِمُ ٱلۡقِتَالُ إِذَا فَرِيقٞ مِّنۡهُمۡ يَخۡشَوۡنَ ٱلنَّاسَ كَخَشۡيَةِ ٱللَّهِ أَوۡ أَشَدَّ خَشۡيَةٗۚ وَقَالُواْ رَبَّنَا لِمَ كَتَبۡتَ عَلَيۡنَا ٱلۡقِتَالَ لَوۡلَآ أَخَّرۡتَنَآ إِلَىٰٓ أَجَلٖ قَرِيبٖۗ قُلۡ مَتَٰعُ ٱلدُّنۡيَا قَلِيلٞ وَٱلۡأٓخِرَةُ خَيۡرٞ لِّمَنِ ٱتَّقَىٰ وَلَا تُظۡلَمُونَ فَتِيلًا
Hindi ka ba nakaalam sa mga sinabihan: “Magpigil kayo ng mga kamay ninyo, magpanatili kayo ng pagdarasal, at magbigay kayo ng zakāh,” ngunit noong itinakda[112] sa kanila ang pakikipaglaban biglang may isang pangkat kabilang sa kanila na natatakot sa mga tao gaya ng pagkatakot kay Allāh o higit na matindi sa pagkatakot? Nagsabi sila: “Panginoon Namin, bakit Ka nagtakda sa amin ng pakikipaglaban? Bakit kasi hindi Ka nag-antala sa amin sa maikling taning?” Sabihin mo: “Ang natatamasa sa Mundo ay kakaunti at ang Kabilang-buhay ay higit na mabuti para sa sinumang nangilag magkasala. Hindi kayo lalabagin sa katarungan nang gahibla.”
[112] O isinatungkulim.
அரபு விரிவுரைகள்:
أَيۡنَمَا تَكُونُواْ يُدۡرِككُّمُ ٱلۡمَوۡتُ وَلَوۡ كُنتُمۡ فِي بُرُوجٖ مُّشَيَّدَةٖۗ وَإِن تُصِبۡهُمۡ حَسَنَةٞ يَقُولُواْ هَٰذِهِۦ مِنۡ عِندِ ٱللَّهِۖ وَإِن تُصِبۡهُمۡ سَيِّئَةٞ يَقُولُواْ هَٰذِهِۦ مِنۡ عِندِكَۚ قُلۡ كُلّٞ مِّنۡ عِندِ ٱللَّهِۖ فَمَالِ هَٰٓؤُلَآءِ ٱلۡقَوۡمِ لَا يَكَادُونَ يَفۡقَهُونَ حَدِيثٗا
Maging saanman kayo, aabot sa inyo ang kamatayan kahit pa man kayo ay nasa mga toreng pinatatag. Kung may tumama sa kanila na isang maganda ay nagsasabi sila: “Ito ay mula sa ganang kay Allāh.” Kung may tumama sa kanila na isang masagwa ay nagsasabi sila: “Ito ay mula sa ganang iyo.” Sabihin mo: “Lahat ay mula sa ganang kay Allāh.” Kaya ano ang mayroon sa mga taong ito na hindi halos sila nakauunawa ng isang pag-uusap?
அரபு விரிவுரைகள்:
مَّآ أَصَابَكَ مِنۡ حَسَنَةٖ فَمِنَ ٱللَّهِۖ وَمَآ أَصَابَكَ مِن سَيِّئَةٖ فَمِن نَّفۡسِكَۚ وَأَرۡسَلۡنَٰكَ لِلنَّاسِ رَسُولٗاۚ وَكَفَىٰ بِٱللَّهِ شَهِيدٗا
Ang anumang tumama sa iyo na maganda ay mula kay Allāh at ang anumang tumama sa iyo na masagwa ay mula sa sarili mo [dahil sa mga pagsuway]. Nagsugo sa iyo sa mga tao bilang sugo. Nakasapat si Allāh bilang Saksi.
அரபு விரிவுரைகள்:
مَّن يُطِعِ ٱلرَّسُولَ فَقَدۡ أَطَاعَ ٱللَّهَۖ وَمَن تَوَلَّىٰ فَمَآ أَرۡسَلۡنَٰكَ عَلَيۡهِمۡ حَفِيظٗا
Ang sinumang tumatalima sa Sugo ay tumalima nga kay Allāh. Ang sinumang tumalikod, hindi nagsugo sa iyo bilang tagapag-ingat sa kanila.
அரபு விரிவுரைகள்:
وَيَقُولُونَ طَاعَةٞ فَإِذَا بَرَزُواْ مِنۡ عِندِكَ بَيَّتَ طَآئِفَةٞ مِّنۡهُمۡ غَيۡرَ ٱلَّذِي تَقُولُۖ وَٱللَّهُ يَكۡتُبُ مَا يُبَيِّتُونَۖ فَأَعۡرِضۡ عَنۡهُمۡ وَتَوَكَّلۡ عَلَى ٱللَّهِۚ وَكَفَىٰ بِٱللَّهِ وَكِيلًا
Nagsasabi sila ng pagtalima ngunit kapag nakaalis sila mula sa piling mo ay may nagpapanukala sa gabi na isang pangkatin kabilang sa kanila ng iba pa sa sinasabi mo. Si Allāh ay nagsusulat ng anumang ipinapanukala nila sa gabi kaya umayaw ka sa kanila at manalig ka kay Allāh. Nakasapat si Allāh bilang Pinananaligan.
அரபு விரிவுரைகள்:
أَفَلَا يَتَدَبَّرُونَ ٱلۡقُرۡءَانَۚ وَلَوۡ كَانَ مِنۡ عِندِ غَيۡرِ ٱللَّهِ لَوَجَدُواْ فِيهِ ٱخۡتِلَٰفٗا كَثِيرٗا
Kaya hindi ba sila nagmumuni-muni sa Qur’ān? Kung sakaling ito ay mula sa ganang iba pa kay Allāh, talaga sanang nakatagpo sila rito ng pagkakaiba-ibang marami.
அரபு விரிவுரைகள்:
وَإِذَا جَآءَهُمۡ أَمۡرٞ مِّنَ ٱلۡأَمۡنِ أَوِ ٱلۡخَوۡفِ أَذَاعُواْ بِهِۦۖ وَلَوۡ رَدُّوهُ إِلَى ٱلرَّسُولِ وَإِلَىٰٓ أُوْلِي ٱلۡأَمۡرِ مِنۡهُمۡ لَعَلِمَهُ ٱلَّذِينَ يَسۡتَنۢبِطُونَهُۥ مِنۡهُمۡۗ وَلَوۡلَا فَضۡلُ ٱللَّهِ عَلَيۡكُمۡ وَرَحۡمَتُهُۥ لَٱتَّبَعۡتُمُ ٱلشَّيۡطَٰنَ إِلَّا قَلِيلٗا
Kapag may dumating sa kanilang isang usapin ng katiwasayan o pangangamba ay nagpapatalastas sila nito. Kung sakaling sumangguni sila nito sa Sugo at sa mga may kapamahalaan kabilang sa kanila ay talaga sanang nakaalam dito ang mga naghihinuha nito kabilang sa kanila. Kung hindi dahil sa kabutihang-loob ni Allāh sa inyo at awa Niya ay talaga sanang sumunod kayo sa demonyo, maliban sa kakaunti.
அரபு விரிவுரைகள்:
فَقَٰتِلۡ فِي سَبِيلِ ٱللَّهِ لَا تُكَلَّفُ إِلَّا نَفۡسَكَۚ وَحَرِّضِ ٱلۡمُؤۡمِنِينَۖ عَسَى ٱللَّهُ أَن يَكُفَّ بَأۡسَ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْۚ وَٱللَّهُ أَشَدُّ بَأۡسٗا وَأَشَدُّ تَنكِيلٗا
Kaya makipaglaban ka ayon sa landas ni Allāh; hindi ka nag-aatang maliban sa sarili mo. Mag-udyok ka sa mga mananampalataya, harinawang si Allāh ay sumupil sa kapangyarihan ng mga tumangging sumampalataya. Si Allāh ay higit na matindi sa kapangyarihan at higit na matindi sa panghalimbawang pagpaparusa.
அரபு விரிவுரைகள்:
مَّن يَشۡفَعۡ شَفَٰعَةً حَسَنَةٗ يَكُن لَّهُۥ نَصِيبٞ مِّنۡهَاۖ وَمَن يَشۡفَعۡ شَفَٰعَةٗ سَيِّئَةٗ يَكُن لَّهُۥ كِفۡلٞ مِّنۡهَاۗ وَكَانَ ٱللَّهُ عَلَىٰ كُلِّ شَيۡءٖ مُّقِيتٗا
Ang sinumang mamamagitan ng isang magandang pamamagitan ay magkakaroon siya ng isang bahagi mula rito. Ang sinumang mamamagitan ng isang masagwang pamamagitan ay magkakaroon siya ng isang pasanin mula rito. Laging si Allāh sa bawat bagay ay Tagapagpakain.
அரபு விரிவுரைகள்:
وَإِذَا حُيِّيتُم بِتَحِيَّةٖ فَحَيُّواْ بِأَحۡسَنَ مِنۡهَآ أَوۡ رُدُّوهَآۗ إِنَّ ٱللَّهَ كَانَ عَلَىٰ كُلِّ شَيۡءٍ حَسِيبًا
Kapag binati kayo ng isang pagbati ay bumati kayo ng higit na maganda kaysa roon o gumanti [man lamang] kayo roon. Tunay na si Allāh sa bawat bagay ay laging Mapagtuos.
அரபு விரிவுரைகள்:
ٱللَّهُ لَآ إِلَٰهَ إِلَّا هُوَۚ لَيَجۡمَعَنَّكُمۡ إِلَىٰ يَوۡمِ ٱلۡقِيَٰمَةِ لَا رَيۡبَ فِيهِۗ وَمَنۡ أَصۡدَقُ مِنَ ٱللَّهِ حَدِيثٗا
Si Allāh – walang Diyos kundi Siya – ay talagang magtitipon nga sa inyo sa Araw ng Pagbangon, walang pag-aalinlangan dito. Sino pa ang higit na tapat kaysa kay Allāh sa pakikipag-usap?
அரபு விரிவுரைகள்:
۞ فَمَا لَكُمۡ فِي ٱلۡمُنَٰفِقِينَ فِئَتَيۡنِ وَٱللَّهُ أَرۡكَسَهُم بِمَا كَسَبُوٓاْۚ أَتُرِيدُونَ أَن تَهۡدُواْ مَنۡ أَضَلَّ ٱللَّهُۖ وَمَن يُضۡلِلِ ٱللَّهُ فَلَن تَجِدَ لَهُۥ سَبِيلٗا
Kaya ano ang mayroon sa inyo hinggil sa mga mapagpaimbabaw para may dalawang pangkat, gayong si Allāh ay nagpabalik na sa kanila [sa kawalang-pananampalataya] dahil sa nakamit nila? Nagnanais ba kayo na magpatnubay sa iniligaw ni Allāh? Ang sinumang ililigaw ni Allāh ay hindi ka makatatagpo para sa kanya ng isang landas [tungo sa kapatnubayan].
அரபு விரிவுரைகள்:
وَدُّواْ لَوۡ تَكۡفُرُونَ كَمَا كَفَرُواْ فَتَكُونُونَ سَوَآءٗۖ فَلَا تَتَّخِذُواْ مِنۡهُمۡ أَوۡلِيَآءَ حَتَّىٰ يُهَاجِرُواْ فِي سَبِيلِ ٱللَّهِۚ فَإِن تَوَلَّوۡاْ فَخُذُوهُمۡ وَٱقۡتُلُوهُمۡ حَيۡثُ وَجَدتُّمُوهُمۡۖ وَلَا تَتَّخِذُواْ مِنۡهُمۡ وَلِيّٗا وَلَا نَصِيرًا
Nag-asam sila na kung sana tumatanggi kayong sumampalataya kung paanong tumanggi silang sumampalataya kaya kayo ay magiging magkatulad. Kaya huwag kayong gumawa mula sa kanila ng mga katangkilik hanggang sa lumilikas sila [mula sa Shirk tungo sa Islām] ayon sa landas ni Allāh. Kaya kung tumalikod sila ay kunin ninyo sila, patayin ninyo sila saanman ninyo sila matagpuan, at huwag kayong gumawa mula sa kanila ng isang katangkilik ni ng isang mapag-adya,
அரபு விரிவுரைகள்:
إِلَّا ٱلَّذِينَ يَصِلُونَ إِلَىٰ قَوۡمِۭ بَيۡنَكُمۡ وَبَيۡنَهُم مِّيثَٰقٌ أَوۡ جَآءُوكُمۡ حَصِرَتۡ صُدُورُهُمۡ أَن يُقَٰتِلُوكُمۡ أَوۡ يُقَٰتِلُواْ قَوۡمَهُمۡۚ وَلَوۡ شَآءَ ٱللَّهُ لَسَلَّطَهُمۡ عَلَيۡكُمۡ فَلَقَٰتَلُوكُمۡۚ فَإِنِ ٱعۡتَزَلُوكُمۡ فَلَمۡ يُقَٰتِلُوكُمۡ وَأَلۡقَوۡاْ إِلَيۡكُمُ ٱلسَّلَمَ فَمَا جَعَلَ ٱللَّهُ لَكُمۡ عَلَيۡهِمۡ سَبِيلٗا
maliban sa mga umaabot sa mga taong sa pagitan ninyo at ng mga ito ay may isang kasunduan, o sa mga dumating sa inyo habang nanikip ang mga dibdib nila na makipaglaban sila sa inyo o makipaglaban sila sa mga kalipi nila. Kung sakaling niloob ni Allāh ay talaga sanang nagpanaig Siya sa inyo saka talaga sanang kumalaban sila sa inyo. Kaya kung humiwalay sila sa inyo saka hindi sila nakipaglaban sa inyo at nag-ukol sa inyo ng kapayapaan, hindi maglalagay si Allāh para sa inyo laban sa kanila ng isang daan.
அரபு விரிவுரைகள்:
سَتَجِدُونَ ءَاخَرِينَ يُرِيدُونَ أَن يَأۡمَنُوكُمۡ وَيَأۡمَنُواْ قَوۡمَهُمۡ كُلَّ مَا رُدُّوٓاْ إِلَى ٱلۡفِتۡنَةِ أُرۡكِسُواْ فِيهَاۚ فَإِن لَّمۡ يَعۡتَزِلُوكُمۡ وَيُلۡقُوٓاْ إِلَيۡكُمُ ٱلسَّلَمَ وَيَكُفُّوٓاْ أَيۡدِيَهُمۡ فَخُذُوهُمۡ وَٱقۡتُلُوهُمۡ حَيۡثُ ثَقِفۡتُمُوهُمۡۚ وَأُوْلَٰٓئِكُمۡ جَعَلۡنَا لَكُمۡ عَلَيۡهِمۡ سُلۡطَٰنٗا مُّبِينٗا
Makatatagpo kayo ng mga ibang nagnanais na magpatiwasay sa inyo at magpatiwasay sa mga kalipi nila. Sa tuwing isinasauli sila sa ligalig ay napanunumbalik sila roon. Kaya kung hindi sila humiwalay sa inyo at nag-ukol sa inyo ng kapayapaan at sumupil sa mga kamay nila ay kunin ninyo sila at patayin ninyo sila saanman ninyo sila masumpungan. Ang mga iyon ay gumawa Kami para sa inyo laban sa kanila ng isang katunayang malinaw.
அரபு விரிவுரைகள்:
وَمَا كَانَ لِمُؤۡمِنٍ أَن يَقۡتُلَ مُؤۡمِنًا إِلَّا خَطَـٔٗاۚ وَمَن قَتَلَ مُؤۡمِنًا خَطَـٔٗا فَتَحۡرِيرُ رَقَبَةٖ مُّؤۡمِنَةٖ وَدِيَةٞ مُّسَلَّمَةٌ إِلَىٰٓ أَهۡلِهِۦٓ إِلَّآ أَن يَصَّدَّقُواْۚ فَإِن كَانَ مِن قَوۡمٍ عَدُوّٖ لَّكُمۡ وَهُوَ مُؤۡمِنٞ فَتَحۡرِيرُ رَقَبَةٖ مُّؤۡمِنَةٖۖ وَإِن كَانَ مِن قَوۡمِۭ بَيۡنَكُمۡ وَبَيۡنَهُم مِّيثَٰقٞ فَدِيَةٞ مُّسَلَّمَةٌ إِلَىٰٓ أَهۡلِهِۦ وَتَحۡرِيرُ رَقَبَةٖ مُّؤۡمِنَةٖۖ فَمَن لَّمۡ يَجِدۡ فَصِيَامُ شَهۡرَيۡنِ مُتَتَابِعَيۡنِ تَوۡبَةٗ مِّنَ ٱللَّهِۗ وَكَانَ ٱللَّهُ عَلِيمًا حَكِيمٗا
Hindi nangyaring ukol sa isang mananampalataya na makapatay ng isang mananampalataya malibang dala ng isang pagkakamali. Ang sinumang nakapatay ng isang mananampalataya dala ng isang pagkakamali, [ang panakip-sala ay] pagpapalaya ng isang aliping mananampalataya at isang pagbabayad-pinsalang inaabot sa mag-anak nito, malibang magkawanggawa sila. Kaya kung [ang napatay na] ito ay kabilang sa mga taong kaaway para sa inyo at siya ay isang mananampalataya, [ang panakip-sala ay] pagpapalaya ng isang aliping mananampalataya. Kung [ang napatay na] ito ay kabilang sa mga taong sa pagitan ninyo at nila ay may isang kasunduan, [ang panakip-sala ay] pagbabayad-pinsalang inaabot sa mag-anak nito at pagpapalaya ng isang aliping mananampalataya; ngunit ang sinumang hindi makatagpo [ng mapalalaya, ang panakip-sala] ay pag-aayuno ng dalawang buwang magkakasunod bilang paghiling ng pagbabalik-loob mula kay Allāh. Laging si Allāh ay Maalam, Marunong.
அரபு விரிவுரைகள்:
وَمَن يَقۡتُلۡ مُؤۡمِنٗا مُّتَعَمِّدٗا فَجَزَآؤُهُۥ جَهَنَّمُ خَٰلِدٗا فِيهَا وَغَضِبَ ٱللَّهُ عَلَيۡهِ وَلَعَنَهُۥ وَأَعَدَّ لَهُۥ عَذَابًا عَظِيمٗا
Ang sinumang papatay sa isang mananampalataya nang sinasadya, ang ganti sa kanya ay Impiyerno bilang mananatili roon. Magagalit si Allāh sa kanya, susumpa sa kanya, at maghahanda sa kanya ng isang pagdurusang sukdulan.
அரபு விரிவுரைகள்:
يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُوٓاْ إِذَا ضَرَبۡتُمۡ فِي سَبِيلِ ٱللَّهِ فَتَبَيَّنُواْ وَلَا تَقُولُواْ لِمَنۡ أَلۡقَىٰٓ إِلَيۡكُمُ ٱلسَّلَٰمَ لَسۡتَ مُؤۡمِنٗا تَبۡتَغُونَ عَرَضَ ٱلۡحَيَوٰةِ ٱلدُّنۡيَا فَعِندَ ٱللَّهِ مَغَانِمُ كَثِيرَةٞۚ كَذَٰلِكَ كُنتُم مِّن قَبۡلُ فَمَنَّ ٱللَّهُ عَلَيۡكُمۡ فَتَبَيَّنُوٓاْۚ إِنَّ ٱللَّهَ كَانَ بِمَا تَعۡمَلُونَ خَبِيرٗا
O mga sumampalataya, kapag naglalakbay kayo ayon sa landas ni Allāh ay magpakalinaw kayo [bago kayo humusga] at huwag kayong magsabi sa kaninumang nag-ukol sa inyo ng pagbabati: “Hindi ka isang mananampalataya,” habang naghahangad kayo ng mapapala sa buhay na pangmundo sapagkat nasa ganang kay Allāh ay maraming mahihita. Gayon kayo dati bago pa niyan ngunit nagmagandang-loob si Allāh sa inyo kaya magpakalinaw kayo. Tunay na si Allāh laging sa anumang ginagawa ninyo ay Mapagbatid.
அரபு விரிவுரைகள்:
لَّا يَسۡتَوِي ٱلۡقَٰعِدُونَ مِنَ ٱلۡمُؤۡمِنِينَ غَيۡرُ أُوْلِي ٱلضَّرَرِ وَٱلۡمُجَٰهِدُونَ فِي سَبِيلِ ٱللَّهِ بِأَمۡوَٰلِهِمۡ وَأَنفُسِهِمۡۚ فَضَّلَ ٱللَّهُ ٱلۡمُجَٰهِدِينَ بِأَمۡوَٰلِهِمۡ وَأَنفُسِهِمۡ عَلَى ٱلۡقَٰعِدِينَ دَرَجَةٗۚ وَكُلّٗا وَعَدَ ٱللَّهُ ٱلۡحُسۡنَىٰۚ وَفَضَّلَ ٱللَّهُ ٱلۡمُجَٰهِدِينَ عَلَى ٱلۡقَٰعِدِينَ أَجۡرًا عَظِيمٗا
Hindi nagkakapantay ang mga nagpapaiwan kabilang sa mga mananampalatayang walang mga taglay na kapinsalaan at ang mga nakikibaka ayon sa landas ni Allāh sa pamamagitan ng mga yaman nila at mga sarili nila. Nagtangi si Allāh sa mga nakikibaka sa pamamagitan ng mga yaman nila at mga sarili nila higit sa mga nagpapaiwan ayon sa antas. Sa bawat isa ay nangako si Allāh ng pinakamaganda. Nagtangi si Allāh sa mga nakikibaka higit sa mga nagpapaiwan ng isang pabuyang mabigat:
அரபு விரிவுரைகள்:
دَرَجَٰتٖ مِّنۡهُ وَمَغۡفِرَةٗ وَرَحۡمَةٗۚ وَكَانَ ٱللَّهُ غَفُورٗا رَّحِيمًا
mga antas mula sa Kanya, isang kapatawaran, at isang awa. Laging si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain.
அரபு விரிவுரைகள்:
إِنَّ ٱلَّذِينَ تَوَفَّىٰهُمُ ٱلۡمَلَٰٓئِكَةُ ظَالِمِيٓ أَنفُسِهِمۡ قَالُواْ فِيمَ كُنتُمۡۖ قَالُواْ كُنَّا مُسۡتَضۡعَفِينَ فِي ٱلۡأَرۡضِۚ قَالُوٓاْ أَلَمۡ تَكُنۡ أَرۡضُ ٱللَّهِ وَٰسِعَةٗ فَتُهَاجِرُواْ فِيهَاۚ فَأُوْلَٰٓئِكَ مَأۡوَىٰهُمۡ جَهَنَّمُۖ وَسَآءَتۡ مَصِيرًا
Tunay na ang mga pinapanaw ng mga anghel habang mga tagalabag sa katarungan sa mga sarili nila[113] ay magsasabi [ang mga anghel]: “Nasa ano kayo noon?” Magsasabi sila: “Kami noon ay mga sinisiil sa lupa.” Magsasabi sila: “Hindi ba nangyaring ang lupa ni Allāh ay malawak para lumikas kayo roon?” Kaya ang mga iyon, ang kanlungan nila ay Impiyerno – at masagwa ito bilang kahahantungan –
[113] dahil sa hindi nila paglikas sa Madīnah mula sa Makkah
அரபு விரிவுரைகள்:
إِلَّا ٱلۡمُسۡتَضۡعَفِينَ مِنَ ٱلرِّجَالِ وَٱلنِّسَآءِ وَٱلۡوِلۡدَٰنِ لَا يَسۡتَطِيعُونَ حِيلَةٗ وَلَا يَهۡتَدُونَ سَبِيلٗا
maliban sa mga sinisiil kabilang sa mga lalaki, mga babae, at mga bata na hindi nakakakaya ng isang kaparaanan at hindi napapatnubayan sa landas [sa paglikas]
அரபு விரிவுரைகள்:
فَأُوْلَٰٓئِكَ عَسَى ٱللَّهُ أَن يَعۡفُوَ عَنۡهُمۡۚ وَكَانَ ٱللَّهُ عَفُوًّا غَفُورٗا
sapagkat ang mga iyon, harinawa, si Allāh ay magpapaumanhin sa kanila. Laging si Allāh ay Mapagpaumanhin, Mapagpatawad.
அரபு விரிவுரைகள்:
۞ وَمَن يُهَاجِرۡ فِي سَبِيلِ ٱللَّهِ يَجِدۡ فِي ٱلۡأَرۡضِ مُرَٰغَمٗا كَثِيرٗا وَسَعَةٗۚ وَمَن يَخۡرُجۡ مِنۢ بَيۡتِهِۦ مُهَاجِرًا إِلَى ٱللَّهِ وَرَسُولِهِۦ ثُمَّ يُدۡرِكۡهُ ٱلۡمَوۡتُ فَقَدۡ وَقَعَ أَجۡرُهُۥ عَلَى ٱللَّهِۗ وَكَانَ ٱللَّهُ غَفُورٗا رَّحِيمٗا
Ang sinumang lilikas ayon sa landas ni Allāh ay makatatagpo siya sa lupa ng maraming malilipatan at kasaganaan. Ang sinumang lilisan mula sa bahay niya nang lumilikas tungo kay Allāh at sa Sugo Nito, pagkatapos aabutan siya ng kamatayan, ay napagtibay na ang pabuya sa kanya kay Allāh. Laging si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain.
அரபு விரிவுரைகள்:
وَإِذَا ضَرَبۡتُمۡ فِي ٱلۡأَرۡضِ فَلَيۡسَ عَلَيۡكُمۡ جُنَاحٌ أَن تَقۡصُرُواْ مِنَ ٱلصَّلَوٰةِ إِنۡ خِفۡتُمۡ أَن يَفۡتِنَكُمُ ٱلَّذِينَ كَفَرُوٓاْۚ إِنَّ ٱلۡكَٰفِرِينَ كَانُواْ لَكُمۡ عَدُوّٗا مُّبِينٗا
Kapag naglakbay kayo sa lupa ay hindi sa inyo maisisi na magpaikli kayo ng dasal kung nangamba kayo na ligaligin kayo ng mga tumangging sumampalataya. Tunay na ang mga tagatangging sumampalataya laging para sa inyo ay kaaway na malinaw.
அரபு விரிவுரைகள்:
وَإِذَا كُنتَ فِيهِمۡ فَأَقَمۡتَ لَهُمُ ٱلصَّلَوٰةَ فَلۡتَقُمۡ طَآئِفَةٞ مِّنۡهُم مَّعَكَ وَلۡيَأۡخُذُوٓاْ أَسۡلِحَتَهُمۡۖ فَإِذَا سَجَدُواْ فَلۡيَكُونُواْ مِن وَرَآئِكُمۡ وَلۡتَأۡتِ طَآئِفَةٌ أُخۡرَىٰ لَمۡ يُصَلُّواْ فَلۡيُصَلُّواْ مَعَكَ وَلۡيَأۡخُذُواْ حِذۡرَهُمۡ وَأَسۡلِحَتَهُمۡۗ وَدَّ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ لَوۡ تَغۡفُلُونَ عَنۡ أَسۡلِحَتِكُمۡ وَأَمۡتِعَتِكُمۡ فَيَمِيلُونَ عَلَيۡكُم مَّيۡلَةٗ وَٰحِدَةٗۚ وَلَا جُنَاحَ عَلَيۡكُمۡ إِن كَانَ بِكُمۡ أَذٗى مِّن مَّطَرٍ أَوۡ كُنتُم مَّرۡضَىٰٓ أَن تَضَعُوٓاْ أَسۡلِحَتَكُمۡۖ وَخُذُواْ حِذۡرَكُمۡۗ إِنَّ ٱللَّهَ أَعَدَّ لِلۡكَٰفِرِينَ عَذَابٗا مُّهِينٗا
Kapag ikaw ay nasa kanila [sa labanan] saka namuno ka sa kanila sa pagdarasal, tumayo ang isang pangkatin kabilang sa kanila kasama sa iyo at magdala sila ng mga sandata nila. Kapag nagpatirapa sila, sila ay maging nasa likuran ninyo, pumunta ang isa pang pangkatin na hindi nakapagdasal at magdasal sila kasama sa iyo, at magdala sila ng pag-iingat nila at mga sandata nila. Nag-asam ang mga tumangging sumampalataya na kung sana nalilingat kayo sa mga sandata ninyo at mga dala-dalahan ninyo at susugod sila sa inyo nang nag-iisang pagsugod. Walang maisisisi sa inyo kung mayroon kayong isang kapinsalaan mula sa ulan o kayo ay mga may-sakit, na maglapag kayo ng mga sandata ninyo ngunit magdala kayo ng pag-iingat ninyo. Tunay na si Allāh ay naghanda para sa mga tagatangging sumampalataya ng isang pagdurusang manghahamak.
அரபு விரிவுரைகள்:
فَإِذَا قَضَيۡتُمُ ٱلصَّلَوٰةَ فَٱذۡكُرُواْ ٱللَّهَ قِيَٰمٗا وَقُعُودٗا وَعَلَىٰ جُنُوبِكُمۡۚ فَإِذَا ٱطۡمَأۡنَنتُمۡ فَأَقِيمُواْ ٱلصَّلَوٰةَۚ إِنَّ ٱلصَّلَوٰةَ كَانَتۡ عَلَى ٱلۡمُؤۡمِنِينَ كِتَٰبٗا مَّوۡقُوتٗا
Kaya kapag nagwakas kayo sa pagdarasal ay bumanggit kayo kay Allāh nang nakatayo, o nakaupo, o [nakahiga] sa mga tagiliran ninyo. Kaya kapag napanatag kayo ay magpanatili kayo ng pagdarasal. Tunay na ang pagdarasal, laging para sa mga mananampalataya, ay isang atas na tinakdaan ng panahon.
அரபு விரிவுரைகள்:
وَلَا تَهِنُواْ فِي ٱبۡتِغَآءِ ٱلۡقَوۡمِۖ إِن تَكُونُواْ تَأۡلَمُونَ فَإِنَّهُمۡ يَأۡلَمُونَ كَمَا تَأۡلَمُونَۖ وَتَرۡجُونَ مِنَ ٱللَّهِ مَا لَا يَرۡجُونَۗ وَكَانَ ٱللَّهُ عَلِيمًا حَكِيمًا
Huwag kayong panghinaan ng loob sa pagtugis sa mga tao [na kaaway]. Kung kayo ay nasasaktan, tunay na sila ay nasasaktan kung paanong nasasaktan kayo. Nakaasam kayo mula kay Allāh ng hindi sila nakaaasam. Laging si Allāh ay Maalam, Marunong.
அரபு விரிவுரைகள்:
إِنَّآ أَنزَلۡنَآ إِلَيۡكَ ٱلۡكِتَٰبَ بِٱلۡحَقِّ لِتَحۡكُمَ بَيۡنَ ٱلنَّاسِ بِمَآ أَرَىٰكَ ٱللَّهُۚ وَلَا تَكُن لِّلۡخَآئِنِينَ خَصِيمٗا
Tunay na Kami ay nagpababa sa iyo ng Aklat kalakip ng katotohanan upang humatol ka sa pagitan ng mga tao sa pamamagitan ng ipinakita sa iyo ni Allāh. Huwag ka, para sa mga taksil, maging isang kaalitan.
அரபு விரிவுரைகள்:
وَٱسۡتَغۡفِرِ ٱللَّهَۖ إِنَّ ٱللَّهَ كَانَ غَفُورٗا رَّحِيمٗا
Humingi ka ng tawad kay Allāh. Tunay na si Allāh ay laging Mapagpatawad, Maawain.
அரபு விரிவுரைகள்:
وَلَا تُجَٰدِلۡ عَنِ ٱلَّذِينَ يَخۡتَانُونَ أَنفُسَهُمۡۚ إِنَّ ٱللَّهَ لَا يُحِبُّ مَن كَانَ خَوَّانًا أَثِيمٗا
Huwag kang makipagtalo para sa mga nagtataksil sa mga sarili nila. Tunay na si Allāh ay hindi umiibig sa sinumang mapagtaksil na makasalanan.
அரபு விரிவுரைகள்:
يَسۡتَخۡفُونَ مِنَ ٱلنَّاسِ وَلَا يَسۡتَخۡفُونَ مِنَ ٱللَّهِ وَهُوَ مَعَهُمۡ إِذۡ يُبَيِّتُونَ مَا لَا يَرۡضَىٰ مِنَ ٱلۡقَوۡلِۚ وَكَانَ ٱللَّهُ بِمَا يَعۡمَلُونَ مُحِيطًا
Nagpapakubli sila mula sa mga tao [ng pagsuway] ngunit hindi sila nagpapakubli [nito] mula kay Allāh at Siya ay kasama sa kanila[114] noong nagpapanukala sila sa magdamag ng anumang hindi Siya nalulugod na sinasabi. Laging si Allāh, sa anumang ginagawa nila, ay Tagapaligid.
[114] sa pamamagitan ng pagkakaalam Niya sa kanila
அரபு விரிவுரைகள்:
هَٰٓأَنتُمۡ هَٰٓؤُلَآءِ جَٰدَلۡتُمۡ عَنۡهُمۡ فِي ٱلۡحَيَوٰةِ ٱلدُّنۡيَا فَمَن يُجَٰدِلُ ٱللَّهَ عَنۡهُمۡ يَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِ أَم مَّن يَكُونُ عَلَيۡهِمۡ وَكِيلٗا
Kayo itong nakipagtalo para sa kanila sa buhay na pangmundo, ngunit sino ang makikipagtalo kay Allāh para sa kanila sa Araw ng Pagbangon, o sino ang sa kanila ay magiging isang pinananaligan?
அரபு விரிவுரைகள்:
وَمَن يَعۡمَلۡ سُوٓءًا أَوۡ يَظۡلِمۡ نَفۡسَهُۥ ثُمَّ يَسۡتَغۡفِرِ ٱللَّهَ يَجِدِ ٱللَّهَ غَفُورٗا رَّحِيمٗا
Ang sinumang gumagawa ng kasagwaan [sa iba] o lumalabag sa katarungan sa sarili niya, pagkatapos humihingi ng tawad kay Allāh, makatatagpo siya na si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain.
அரபு விரிவுரைகள்:
وَمَن يَكۡسِبۡ إِثۡمٗا فَإِنَّمَا يَكۡسِبُهُۥ عَلَىٰ نَفۡسِهِۦۚ وَكَانَ ٱللَّهُ عَلِيمًا حَكِيمٗا
Ang sinumang nagkakamit ng isang kasalanan ay nagkakamit lamang siya nito laban sa sarili niya. Laging si Allāh ay Maalam, Marunong.
அரபு விரிவுரைகள்:
وَمَن يَكۡسِبۡ خَطِيٓـَٔةً أَوۡ إِثۡمٗا ثُمَّ يَرۡمِ بِهِۦ بَرِيٓـٔٗا فَقَدِ ٱحۡتَمَلَ بُهۡتَٰنٗا وَإِثۡمٗا مُّبِينٗا
Ang sinumang nagkakamit ng isang pagkakamali o isang kasalanan, pagkatapos bumabato siya nito sa isang inosente, pumasan nga siya ng isang paninirang-puri at isang kasalanang malinaw.
அரபு விரிவுரைகள்:
وَلَوۡلَا فَضۡلُ ٱللَّهِ عَلَيۡكَ وَرَحۡمَتُهُۥ لَهَمَّت طَّآئِفَةٞ مِّنۡهُمۡ أَن يُضِلُّوكَ وَمَا يُضِلُّونَ إِلَّآ أَنفُسَهُمۡۖ وَمَا يَضُرُّونَكَ مِن شَيۡءٖۚ وَأَنزَلَ ٱللَّهُ عَلَيۡكَ ٱلۡكِتَٰبَ وَٱلۡحِكۡمَةَ وَعَلَّمَكَ مَا لَمۡ تَكُن تَعۡلَمُۚ وَكَانَ فَضۡلُ ٱللَّهِ عَلَيۡكَ عَظِيمٗا
Kung hindi dahil sa kabutihang-loob ni Allāh sa iyo at sa awa Niya ay talaga sanang may nagbalak na isang pangkatin kabilang sa kanila [nagtataksil sa mga sarili] na magligaw sila sa iyo ngunit hindi sila nagliligaw kundi sa mga sarili nila at hindi sila nakapipinsala sa iyo ng anuman. Nagpababa si Allāh sa iyo ng Aklat at Karunungan[115] at nagturo Siya sa iyo ng hindi mo noon nalalaman. Laging ang kabutihang-loob ni Allāh sa iyo ay sukdulan.
[115] Ang Aklat at ang Karunungan ay tumutukoy sa Qur'an at Sunnah.
அரபு விரிவுரைகள்:
۞ لَّا خَيۡرَ فِي كَثِيرٖ مِّن نَّجۡوَىٰهُمۡ إِلَّا مَنۡ أَمَرَ بِصَدَقَةٍ أَوۡ مَعۡرُوفٍ أَوۡ إِصۡلَٰحِۭ بَيۡنَ ٱلنَّاسِۚ وَمَن يَفۡعَلۡ ذَٰلِكَ ٱبۡتِغَآءَ مَرۡضَاتِ ٱللَّهِ فَسَوۡفَ نُؤۡتِيهِ أَجۡرًا عَظِيمٗا
Walang mabuti sa madalas na lihim na pag-uusap nila, maliban sa sinumang nag-utos ng isang kawanggawa o isang nakabubuti o isang pagsasaayos sa pagitan ng mga tao. Ang sinumang gumagawa niyon dala ng paghahangad sa kaluguran ni Allāh ay magbibigay Siya rito ng isang pabuyang sukdulan [sa Paraiso].
அரபு விரிவுரைகள்:
وَمَن يُشَاقِقِ ٱلرَّسُولَ مِنۢ بَعۡدِ مَا تَبَيَّنَ لَهُ ٱلۡهُدَىٰ وَيَتَّبِعۡ غَيۡرَ سَبِيلِ ٱلۡمُؤۡمِنِينَ نُوَلِّهِۦ مَا تَوَلَّىٰ وَنُصۡلِهِۦ جَهَنَّمَۖ وَسَآءَتۡ مَصِيرًا
Ang sinumang nakikipaghidwaan sa Sugo matapos na luminaw para sa kanya ang patnubay at sumusunod sa iba pa sa landas ng mga mananampalataya, magtutuon Kami sa kanya sa tinuunan niya at magsusunog Kami sa kanya Impiyerno. Kay sagwa ito bilang kahahantungan!
அரபு விரிவுரைகள்:
إِنَّ ٱللَّهَ لَا يَغۡفِرُ أَن يُشۡرَكَ بِهِۦ وَيَغۡفِرُ مَا دُونَ ذَٰلِكَ لِمَن يَشَآءُۚ وَمَن يُشۡرِكۡ بِٱللَّهِ فَقَدۡ ضَلَّ ضَلَٰلَۢا بَعِيدًا
Tunay na si Allāh ay hindi magpapatawad na tambalan Siya at magpapatawad sa anumang bukod pa roon sa sinumang loloobin Niya. Ang sinumang nagtatambal kay Allāh ay naligaw nga nang isang pagkaligaw na malayo.
அரபு விரிவுரைகள்:
إِن يَدۡعُونَ مِن دُونِهِۦٓ إِلَّآ إِنَٰثٗا وَإِن يَدۡعُونَ إِلَّا شَيۡطَٰنٗا مَّرِيدٗا
Wala silang dinadalangin bukod pa sa Kanya kundi mga babae [na diyus-diyusan] at wala silang dinadalanginan kundi isang demonyong mapaghimagsik,
அரபு விரிவுரைகள்:
لَّعَنَهُ ٱللَّهُۘ وَقَالَ لَأَتَّخِذَنَّ مِنۡ عِبَادِكَ نَصِيبٗا مَّفۡرُوضٗا
na isinumpa ni Allāh at nagsabi ito: “Talagang kukuha nga ako mula sa mga lingkod[116] Mo ng isang bahagi itinakda,
[116] Ang “mga lingkod” ni Allāh ay ang mga tao at ang mga jinn.
அரபு விரிவுரைகள்:
وَلَأُضِلَّنَّهُمۡ وَلَأُمَنِّيَنَّهُمۡ وَلَأٓمُرَنَّهُمۡ فَلَيُبَتِّكُنَّ ءَاذَانَ ٱلۡأَنۡعَٰمِ وَلَأٓمُرَنَّهُمۡ فَلَيُغَيِّرُنَّ خَلۡقَ ٱللَّهِۚ وَمَن يَتَّخِذِ ٱلشَّيۡطَٰنَ وَلِيّٗا مِّن دُونِ ٱللَّهِ فَقَدۡ خَسِرَ خُسۡرَانٗا مُّبِينٗا
talagang magliligaw nga ako sa kanila, talagang magpapamithi nga ako sa kanila, talagang mag-uutos nga ako sa kanila kaya talagang magpuputol nga sila ng mga tainga ng mga hayupan, at talagang mag-uutos nga ako sa kanila kaya magpapalit nga sila sa pagkakalikha ni Allāh.” Ang sinumang gumagawa sa demonyo bilang katangkilik bukod pa kay Allāh ay nalugi nga siya ng isang pagkaluging malinaw.
அரபு விரிவுரைகள்:
يَعِدُهُمۡ وَيُمَنِّيهِمۡۖ وَمَا يَعِدُهُمُ ٱلشَّيۡطَٰنُ إِلَّا غُرُورًا
Nangangako siya[117] sa kanila at nagpapamithi siya sa kanila. Hindi nangangako sa kanila ang demonyo kundi ng isang panlilinlang.
[117] Ibig sabihin: si Satanas.
அரபு விரிவுரைகள்:
أُوْلَٰٓئِكَ مَأۡوَىٰهُمۡ جَهَنَّمُ وَلَا يَجِدُونَ عَنۡهَا مَحِيصٗا
Ang mga iyon, ang kanlungan nila ay Impiyerno at hindi sila makatatagpo palayo roon na isang mapupuslitan.
அரபு விரிவுரைகள்:
وَٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّٰلِحَٰتِ سَنُدۡخِلُهُمۡ جَنَّٰتٖ تَجۡرِي مِن تَحۡتِهَا ٱلۡأَنۡهَٰرُ خَٰلِدِينَ فِيهَآ أَبَدٗاۖ وَعۡدَ ٱللَّهِ حَقّٗاۚ وَمَنۡ أَصۡدَقُ مِنَ ٱللَّهِ قِيلٗا
Ang mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos ay magpapapasok Kami sa kanila sa mga hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog bilang mga mananatili sa mga ito magpakailanman bilang pangako ni Allāh na isang katotohanan. Sino kaya ang higit na tapat kaysa kay Allāh sa sinasabi?
அரபு விரிவுரைகள்:
لَّيۡسَ بِأَمَانِيِّكُمۡ وَلَآ أَمَانِيِّ أَهۡلِ ٱلۡكِتَٰبِۗ مَن يَعۡمَلۡ سُوٓءٗا يُجۡزَ بِهِۦ وَلَا يَجِدۡ لَهُۥ مِن دُونِ ٱللَّهِ وَلِيّٗا وَلَا نَصِيرٗا
Hindi ito alinsunod sa mga mithiin ninyo ni mga mithiin ng mga May Kasulatan. Ang sinumang gumagawa ng kasagwaan[118] ay gagantihan siya dahil dito at hindi siya makatatagpo para sa kanya bukod pa kay Allāh ng isang katangkilik ni isang mapag-adya.
[118] Ibig sabihin: Shirk o malaking kasalanan.
அரபு விரிவுரைகள்:
وَمَن يَعۡمَلۡ مِنَ ٱلصَّٰلِحَٰتِ مِن ذَكَرٍ أَوۡ أُنثَىٰ وَهُوَ مُؤۡمِنٞ فَأُوْلَٰٓئِكَ يَدۡخُلُونَ ٱلۡجَنَّةَ وَلَا يُظۡلَمُونَ نَقِيرٗا
Ang sinumang gumagawa ng mga maayos, na lalaki man o babae, habang siya ay isang mananampalataya, ang mga iyon ay papasok sa Paraiso at hindi lalabagin sa katarungan nang isang kapiranggot.
அரபு விரிவுரைகள்:
وَمَنۡ أَحۡسَنُ دِينٗا مِّمَّنۡ أَسۡلَمَ وَجۡهَهُۥ لِلَّهِ وَهُوَ مُحۡسِنٞ وَٱتَّبَعَ مِلَّةَ إِبۡرَٰهِيمَ حَنِيفٗاۗ وَٱتَّخَذَ ٱللَّهُ إِبۡرَٰهِيمَ خَلِيلٗا
Sino ang higit na maganda sa relihiyon kaysa sa sinumang nagpasakop ng mukha niya kay Allāh habang siya ay tagagawa ng maganda at sumunod sa kapaniwalaan ni Abraham bilang makatotoo. Gumawa si Allāh kay Abraham bilang matalik na kaibigan.
அரபு விரிவுரைகள்:
وَلِلَّهِ مَا فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَمَا فِي ٱلۡأَرۡضِۚ وَكَانَ ٱللَّهُ بِكُلِّ شَيۡءٖ مُّحِيطٗا
Sa kay Allāh ang anumang nasa mga langit at ang anumang nasa lupa. Laging si Allāh, sa bawat bagay, ay Tagapaligid [ayon sa kaalaman at kapangyarihan].
அரபு விரிவுரைகள்:
وَيَسۡتَفۡتُونَكَ فِي ٱلنِّسَآءِۖ قُلِ ٱللَّهُ يُفۡتِيكُمۡ فِيهِنَّ وَمَا يُتۡلَىٰ عَلَيۡكُمۡ فِي ٱلۡكِتَٰبِ فِي يَتَٰمَى ٱلنِّسَآءِ ٱلَّٰتِي لَا تُؤۡتُونَهُنَّ مَا كُتِبَ لَهُنَّ وَتَرۡغَبُونَ أَن تَنكِحُوهُنَّ وَٱلۡمُسۡتَضۡعَفِينَ مِنَ ٱلۡوِلۡدَٰنِ وَأَن تَقُومُواْ لِلۡيَتَٰمَىٰ بِٱلۡقِسۡطِۚ وَمَا تَفۡعَلُواْ مِنۡ خَيۡرٖ فَإِنَّ ٱللَّهَ كَانَ بِهِۦ عَلِيمٗا
Nagpapahabilin sila sa iyo hinggil sa mga babae. Sabihin mo: “Si Allāh ay naghahabilin sa inyo hinggil sa kanila at sa anumang binibigkas sa inyo sa Aklat hinggil sa mga ulila sa mga babae na hindi kayo nagbibigay sa kanila ng itinakda para sa kanila at nagmimithi kayo na makapag-asawa kayo sa kanila, at sa mga sinisiil kabilang sa mga bata, at na magtaguyod kayo para sa mga ulila ayon sa pagkamakatarungan.” Ang anumang ginagawa ninyo na kabutihan, tunay na si Allāh laging dito ay Maalam.
அரபு விரிவுரைகள்:
وَإِنِ ٱمۡرَأَةٌ خَافَتۡ مِنۢ بَعۡلِهَا نُشُوزًا أَوۡ إِعۡرَاضٗا فَلَا جُنَاحَ عَلَيۡهِمَآ أَن يُصۡلِحَا بَيۡنَهُمَا صُلۡحٗاۚ وَٱلصُّلۡحُ خَيۡرٞۗ وَأُحۡضِرَتِ ٱلۡأَنفُسُ ٱلشُّحَّۚ وَإِن تُحۡسِنُواْ وَتَتَّقُواْ فَإِنَّ ٱللَّهَ كَانَ بِمَا تَعۡمَلُونَ خَبِيرٗا
Kung ang isang babae ay nangamba mula sa asawa niya ng isang kasutilan o isang pag-ayaw, walang maisisisi sa kanilang dalawa na magsaayos silang dalawa sa pagitan nilang dalawa ayon sa isang pag-aayos. Ang pag-aayos ay higit na mabuti. Pinagdala ang mga kaluluwa ng kasakiman. Kung gumagawa kayo ng maganda at nangingilag kayong magkasala, tunay na si Allāh laging sa anumang ginagawa ninyo ay Mapagbatid.
அரபு விரிவுரைகள்:
وَلَن تَسۡتَطِيعُوٓاْ أَن تَعۡدِلُواْ بَيۡنَ ٱلنِّسَآءِ وَلَوۡ حَرَصۡتُمۡۖ فَلَا تَمِيلُواْ كُلَّ ٱلۡمَيۡلِ فَتَذَرُوهَا كَٱلۡمُعَلَّقَةِۚ وَإِن تُصۡلِحُواْ وَتَتَّقُواْ فَإِنَّ ٱللَّهَ كَانَ غَفُورٗا رَّحِيمٗا
Hindi kayo makakakaya na magmakatarungan sa mga maybahay [sa damdamin] kahit pa nagsigasig kayo. Kaya huwag kayong kumiling nang buong pagkiling [sa isa] para magpabaya kayo sa iba gaya ng nakabitin [sa alanganin]. Kung magsasaayos kayo at mangingilag kayong magkasala, tunay na si Allāh ay laging Mapagpatawad, Maawain.
அரபு விரிவுரைகள்:
وَإِن يَتَفَرَّقَا يُغۡنِ ٱللَّهُ كُلّٗا مِّن سَعَتِهِۦۚ وَكَانَ ٱللَّهُ وَٰسِعًا حَكِيمٗا
Kung magkakahiwalay silang dalawa, magpapasapat si Allāh sa bawat [isa] mula sa lawak Niya. Laging si Allāh ay Malawak, Marunong.
அரபு விரிவுரைகள்:
وَلِلَّهِ مَا فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَمَا فِي ٱلۡأَرۡضِۗ وَلَقَدۡ وَصَّيۡنَا ٱلَّذِينَ أُوتُواْ ٱلۡكِتَٰبَ مِن قَبۡلِكُمۡ وَإِيَّاكُمۡ أَنِ ٱتَّقُواْ ٱللَّهَۚ وَإِن تَكۡفُرُواْ فَإِنَّ لِلَّهِ مَا فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَمَا فِي ٱلۡأَرۡضِۚ وَكَانَ ٱللَّهُ غَنِيًّا حَمِيدٗا
Sa kay Allāh ang anumang nasa mga langit at ang anumang nasa lupa. Talaga ngang nagtagubilin sa mga binigyan ng Kasulatan bago pa ninyo at sa inyo, na mangilag kayong magkasala kay Allāh. Kung tatanggi kayong sumampalataya, tunay na sa kay Allāh ang anumang nasa mga langit at ang anumang nasa lupa. Laging si Allāh ay Walang-pangangailangan, Kapuri-puri.
அரபு விரிவுரைகள்:
وَلِلَّهِ مَا فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَمَا فِي ٱلۡأَرۡضِۚ وَكَفَىٰ بِٱللَّهِ وَكِيلًا
Sa kay Allāh ang anumang nasa mga langit at ang anumang nasa lupa. Nakasapat na si Allāh bilang Pinananaligan.
அரபு விரிவுரைகள்:
إِن يَشَأۡ يُذۡهِبۡكُمۡ أَيُّهَا ٱلنَّاسُ وَيَأۡتِ بِـَٔاخَرِينَۚ وَكَانَ ٱللَّهُ عَلَىٰ ذَٰلِكَ قَدِيرٗا
Kung loloobin Niya, aalisin Niya kayo, O mga tao, at magdadala Siya ng mga iba pa [kapalit sa inyo]. Laging si Allāh sa gayon ay May-kakayahan.
அரபு விரிவுரைகள்:
مَّن كَانَ يُرِيدُ ثَوَابَ ٱلدُّنۡيَا فَعِندَ ٱللَّهِ ثَوَابُ ٱلدُّنۡيَا وَٱلۡأٓخِرَةِۚ وَكَانَ ٱللَّهُ سَمِيعَۢا بَصِيرٗا
Ang sinumang nagnanais ng gantimpala sa Mundo ay nasa ganang kay Allāh ang gantimpala sa Mundo at Kabilang-buhay. Laging si Allāh ay Madinigin, Nakakikita.
அரபு விரிவுரைகள்:
۞ يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ كُونُواْ قَوَّٰمِينَ بِٱلۡقِسۡطِ شُهَدَآءَ لِلَّهِ وَلَوۡ عَلَىٰٓ أَنفُسِكُمۡ أَوِ ٱلۡوَٰلِدَيۡنِ وَٱلۡأَقۡرَبِينَۚ إِن يَكُنۡ غَنِيًّا أَوۡ فَقِيرٗا فَٱللَّهُ أَوۡلَىٰ بِهِمَاۖ فَلَا تَتَّبِعُواْ ٱلۡهَوَىٰٓ أَن تَعۡدِلُواْۚ وَإِن تَلۡوُۥٓاْ أَوۡ تُعۡرِضُواْ فَإِنَّ ٱللَّهَ كَانَ بِمَا تَعۡمَلُونَ خَبِيرٗا
O mga sumampalataya, kayo ay maging mga tagapagpanatili ng pagkamakatarungan, mga saksi para kay Allāh kahit pa laban sa mga sarili ninyo o mga magulang at mga pinakamalapit na kaanak. Kung naging isang mayaman o isang maralita, si Allāh ay higit na karapat-dapat sa kanilang dalawa. Kaya huwag kayong sumunod sa pithaya, na baka lumihis kayo. Kung magbabaluktot kayo [ng pagsasaksi] o aayaw kayo, tunay na si Allāh laging sa anumang ginagawa ninyo ay Mapagbatid.
அரபு விரிவுரைகள்:
يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُوٓاْ ءَامِنُواْ بِٱللَّهِ وَرَسُولِهِۦ وَٱلۡكِتَٰبِ ٱلَّذِي نَزَّلَ عَلَىٰ رَسُولِهِۦ وَٱلۡكِتَٰبِ ٱلَّذِيٓ أَنزَلَ مِن قَبۡلُۚ وَمَن يَكۡفُرۡ بِٱللَّهِ وَمَلَٰٓئِكَتِهِۦ وَكُتُبِهِۦ وَرُسُلِهِۦ وَٱلۡيَوۡمِ ٱلۡأٓخِرِ فَقَدۡ ضَلَّ ضَلَٰلَۢا بَعِيدًا
O mga sumampalataya, sumampalataya kayo kay Allāh, sa Sugo Niya, sa Aklat na ibinaba Niya sa Sugo Niya, at sa Kasulatang pinababa Niya bago pa niyan. Ang sinumang tumatangging sumampalataya kay Allāh, sa mga anghel Niya, sa mga aklat Niya, sa mga sugo Niya, at sa Huling Araw ay naligaw nga sa isang pagkaligaw na malayo.
அரபு விரிவுரைகள்:
إِنَّ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ ثُمَّ كَفَرُواْ ثُمَّ ءَامَنُواْ ثُمَّ كَفَرُواْ ثُمَّ ٱزۡدَادُواْ كُفۡرٗا لَّمۡ يَكُنِ ٱللَّهُ لِيَغۡفِرَ لَهُمۡ وَلَا لِيَهۡدِيَهُمۡ سَبِيلَۢا
Tunay na ang mga sumampalataya, pagkatapos tumangging sumampalataya, pagkatapos sumampalataya, pagkatapos tumangging sumampalataya, pagkatapos nadagdagan ng kawalang-pananampalataya, hindi mangyayaring si Allāh ay ukol magpatawad sa kanila at hindi ukol magpatnubay sa kanila sa isang landas.
அரபு விரிவுரைகள்:
بَشِّرِ ٱلۡمُنَٰفِقِينَ بِأَنَّ لَهُمۡ عَذَابًا أَلِيمًا
Magbalita ka ng nakagagalak sa mga mapagpaimbabaw na ukol sa kanila ay isang pagdurusang masakit,
அரபு விரிவுரைகள்:
ٱلَّذِينَ يَتَّخِذُونَ ٱلۡكَٰفِرِينَ أَوۡلِيَآءَ مِن دُونِ ٱلۡمُؤۡمِنِينَۚ أَيَبۡتَغُونَ عِندَهُمُ ٱلۡعِزَّةَ فَإِنَّ ٱلۡعِزَّةَ لِلَّهِ جَمِيعٗا
na mga gumagawa sa mga tagatangging sumampalataya bilang mga katangkilik bukod pa sa mga mananampalataya. Naghahangad ba sila sa ganang mga iyon ng kapangyarihan gayong tunay na ang kapangyarihan ay ukol kay Allāh nang lahatan?
அரபு விரிவுரைகள்:
وَقَدۡ نَزَّلَ عَلَيۡكُمۡ فِي ٱلۡكِتَٰبِ أَنۡ إِذَا سَمِعۡتُمۡ ءَايَٰتِ ٱللَّهِ يُكۡفَرُ بِهَا وَيُسۡتَهۡزَأُ بِهَا فَلَا تَقۡعُدُواْ مَعَهُمۡ حَتَّىٰ يَخُوضُواْ فِي حَدِيثٍ غَيۡرِهِۦٓ إِنَّكُمۡ إِذٗا مِّثۡلُهُمۡۗ إِنَّ ٱللَّهَ جَامِعُ ٱلۡمُنَٰفِقِينَ وَٱلۡكَٰفِرِينَ فِي جَهَنَّمَ جَمِيعًا
Nagbaba nga Siya sa inyo sa Aklat[119] na kapag nakarinig kayo sa mga tanda ni Allāh ay tinatanggihang sumampalataya sa mga ito at nangungutya sa mga ito. Kaya huwag kayong umupo kasama sa kanila hanggang sa tumalakay sila ng isang pag-uusap na iba roon. Tunay na kayo, samakatuwid, ay tulad nila. Tunay na si Allāh ay magtitipon sa mga mapagpaimbabaw at mga tagatangging sumampalataya sa Impiyerno nang lahatan,
[119] Sa istilo ng pagkakasalin dito, ang Aklat na may malaking titik A ay tumutukoy sa Qur’an.
அரபு விரிவுரைகள்:
ٱلَّذِينَ يَتَرَبَّصُونَ بِكُمۡ فَإِن كَانَ لَكُمۡ فَتۡحٞ مِّنَ ٱللَّهِ قَالُوٓاْ أَلَمۡ نَكُن مَّعَكُمۡ وَإِن كَانَ لِلۡكَٰفِرِينَ نَصِيبٞ قَالُوٓاْ أَلَمۡ نَسۡتَحۡوِذۡ عَلَيۡكُمۡ وَنَمۡنَعۡكُم مِّنَ ٱلۡمُؤۡمِنِينَۚ فَٱللَّهُ يَحۡكُمُ بَيۡنَكُمۡ يَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِۚ وَلَن يَجۡعَلَ ٱللَّهُ لِلۡكَٰفِرِينَ عَلَى ٱلۡمُؤۡمِنِينَ سَبِيلًا
na mga nag-aantabay [sa mangyayari] sa inyo. Kaya kung nagkaroon kayo ng isang pagkapanalo mula kay Allāh ay magsasabi sila: “Hindi ba kami ay naging kasama sa inyo?” Kung nagkaroon ang mga tagatangging sumampalataya ng isang bahagi ay magsasabi sila: “Hindi ba kami nakapangibabaw sa inyo at nagtanggol kami sa inyo laban sa mga mananampalataya?” Kaya si Allāh ay hahatol sa pagitan ninyo sa Araw ng Pagbangon. Hindi gagawa si Allāh para sa mga tagatangging sumampalataya ng isang daan [sa pangingibabaw].
அரபு விரிவுரைகள்:
إِنَّ ٱلۡمُنَٰفِقِينَ يُخَٰدِعُونَ ٱللَّهَ وَهُوَ خَٰدِعُهُمۡ وَإِذَا قَامُوٓاْ إِلَى ٱلصَّلَوٰةِ قَامُواْ كُسَالَىٰ يُرَآءُونَ ٱلنَّاسَ وَلَا يَذۡكُرُونَ ٱللَّهَ إِلَّا قَلِيلٗا
Tunay na ang mga mapagpaimbabaw ay nagtatangkang manlinlang kay Allāh samantalang Siya ay lumilinlang sa kanila. Kapag tumayo sila patungo sa dasal ay tumatayo sila bilang mga tamad na nagpapakitang-gilas sa mga tao at hindi sila umaalaala kay Allāh malibang madalang,
அரபு விரிவுரைகள்:
مُّذَبۡذَبِينَ بَيۡنَ ذَٰلِكَ لَآ إِلَىٰ هَٰٓؤُلَآءِ وَلَآ إِلَىٰ هَٰٓؤُلَآءِۚ وَمَن يُضۡلِلِ ٱللَّهُ فَلَن تَجِدَ لَهُۥ سَبِيلٗا
na mga umuurung-sulong sa pagitan niyon: hindi patungo sa mga [mananampalataya ito] ito at hindi patungo sa mga [tagatangging sumampalatayang] iyan. Ang sinumang ililigaw ni Allāh ay hindi ka makatatagpo para sa kanya ng isang landas.
அரபு விரிவுரைகள்:
يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ لَا تَتَّخِذُواْ ٱلۡكَٰفِرِينَ أَوۡلِيَآءَ مِن دُونِ ٱلۡمُؤۡمِنِينَۚ أَتُرِيدُونَ أَن تَجۡعَلُواْ لِلَّهِ عَلَيۡكُمۡ سُلۡطَٰنٗا مُّبِينًا
O mga sumampalataya, huwag kayong gumawa sa mga tagatangging sumampalataya [na kumakalaban sa inyo] bilang mga katangkilik bukod pa sa mga mananampalataya. Nagnanais ba kayo na gumawa para kay Allāh laban sa inyo ng isang katunayang malinaw?
அரபு விரிவுரைகள்:
إِنَّ ٱلۡمُنَٰفِقِينَ فِي ٱلدَّرۡكِ ٱلۡأَسۡفَلِ مِنَ ٱلنَّارِ وَلَن تَجِدَ لَهُمۡ نَصِيرًا
Tunay na ang mga mapagpaimbabaw ay nasa pinakamababang palapag ng Apoy. Hindi ka makatatagpo para sa kanila ng isang mapag-adya,
அரபு விரிவுரைகள்:
إِلَّا ٱلَّذِينَ تَابُواْ وَأَصۡلَحُواْ وَٱعۡتَصَمُواْ بِٱللَّهِ وَأَخۡلَصُواْ دِينَهُمۡ لِلَّهِ فَأُوْلَٰٓئِكَ مَعَ ٱلۡمُؤۡمِنِينَۖ وَسَوۡفَ يُؤۡتِ ٱللَّهُ ٱلۡمُؤۡمِنِينَ أَجۡرًا عَظِيمٗا
maliban sa mga nagbalik-loob, nagsaayos, nangunyapit kay Allāh, at nagpakawagas sa relihiyon nila para kay Allāh sapagkat ang mga iyon ay kasama sa mga mananampalataya. Magbibigay si Allāh sa mga mananampalataya ng isang pabuyang sukdulan.
அரபு விரிவுரைகள்:
مَّا يَفۡعَلُ ٱللَّهُ بِعَذَابِكُمۡ إِن شَكَرۡتُمۡ وَءَامَنتُمۡۚ وَكَانَ ٱللَّهُ شَاكِرًا عَلِيمٗا
Ano ang mapapala ni Allāh sa [sa pagdulot] pagdurusa sa inyo kung nagpasalamat kayo at sumampalataya kayo? Laging si Allāh ay Tagapagpasalamat, Maalam.
அரபு விரிவுரைகள்:
۞ لَّا يُحِبُّ ٱللَّهُ ٱلۡجَهۡرَ بِٱلسُّوٓءِ مِنَ ٱلۡقَوۡلِ إِلَّا مَن ظُلِمَۚ وَكَانَ ٱللَّهُ سَمِيعًا عَلِيمًا
Hindi nakaiibig si Allāh sa paghahayag ng kasagwaan kabilang sa sinasabi, maliban sa sinumang nilabag sa katarungan. Laging si Allāh ay Madinigin, Maalam.
அரபு விரிவுரைகள்:
إِن تُبۡدُواْ خَيۡرًا أَوۡ تُخۡفُوهُ أَوۡ تَعۡفُواْ عَن سُوٓءٖ فَإِنَّ ٱللَّهَ كَانَ عَفُوّٗا قَدِيرًا
Kung maglalantad kayo ng kabutihan o magkukubli kayo nito o magpapaumanhin kayo sa isang kasagwaan [na ginawa sa inyo], tunay na si Allāh ay laging Mapagpaumanhin, May-kakayahan.
அரபு விரிவுரைகள்:
إِنَّ ٱلَّذِينَ يَكۡفُرُونَ بِٱللَّهِ وَرُسُلِهِۦ وَيُرِيدُونَ أَن يُفَرِّقُواْ بَيۡنَ ٱللَّهِ وَرُسُلِهِۦ وَيَقُولُونَ نُؤۡمِنُ بِبَعۡضٖ وَنَكۡفُرُ بِبَعۡضٖ وَيُرِيدُونَ أَن يَتَّخِذُواْ بَيۡنَ ذَٰلِكَ سَبِيلًا
Tunay na ang mga tumatangging sumampalataya kay Allāh at sa mga sugo Niya, nagnanais na magtangi-tangi sa pagitan ni Allāh at ng mga sugo Niya,[120] nagsasabi: “Sumasampalataya kami sa ilan[121] at tumatanggi kaming sumampalataya sa iba[122] pa,” at nagnanais na gumawa sa pagitan niyon ng isang landas,
[120] sa pamamagitqan ng pananampalataya kay Allāh at pagtangging sumampalataqya sa iba sa mga sugo Niya
[121] sa mga propeta gaya nina Moises o kina Moises at Jesus.
[122] gaya ni Propeta Muḥammad
அரபு விரிவுரைகள்:
أُوْلَٰٓئِكَ هُمُ ٱلۡكَٰفِرُونَ حَقّٗاۚ وَأَعۡتَدۡنَا لِلۡكَٰفِرِينَ عَذَابٗا مُّهِينٗا
ang mga iyon ay ang mga tagatangging sumampalataya, sa totoo. Naglaan Kami para sa mga tagatangging sumampalataya ng isang pagdurusang manghahamak.
அரபு விரிவுரைகள்:
وَٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ بِٱللَّهِ وَرُسُلِهِۦ وَلَمۡ يُفَرِّقُواْ بَيۡنَ أَحَدٖ مِّنۡهُمۡ أُوْلَٰٓئِكَ سَوۡفَ يُؤۡتِيهِمۡ أُجُورَهُمۡۚ وَكَانَ ٱللَّهُ غَفُورٗا رَّحِيمٗا
Ang mga sumampalataya kay Allāh at sa mga sugo Niya[123] at hindi nagtangi-tangi sa isa man kabilang sa kanila, ang mga iyon ay bibigyan Niya ng mga pabuya nila. Laging si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain.
[123] na ang kahuli-hulihan sa kanila ay si Propeta Muḥammad
அரபு விரிவுரைகள்:
يَسۡـَٔلُكَ أَهۡلُ ٱلۡكِتَٰبِ أَن تُنَزِّلَ عَلَيۡهِمۡ كِتَٰبٗا مِّنَ ٱلسَّمَآءِۚ فَقَدۡ سَأَلُواْ مُوسَىٰٓ أَكۡبَرَ مِن ذَٰلِكَ فَقَالُوٓاْ أَرِنَا ٱللَّهَ جَهۡرَةٗ فَأَخَذَتۡهُمُ ٱلصَّٰعِقَةُ بِظُلۡمِهِمۡۚ ثُمَّ ٱتَّخَذُواْ ٱلۡعِجۡلَ مِنۢ بَعۡدِ مَا جَآءَتۡهُمُ ٱلۡبَيِّنَٰتُ فَعَفَوۡنَا عَن ذَٰلِكَۚ وَءَاتَيۡنَا مُوسَىٰ سُلۡطَٰنٗا مُّبِينٗا
Humihiling sa iyo ang mga May Kasulatan na magbaba ka sa kanila ng isang kasulatan mula sa langit,[124] sapagkat humiling nga sila kay Moises ng higit na malaki kaysa roon sapagkat nagsabi sila: “Ipakita mo sa amin si Allāh nang hayagan,” kaya dumaklot sa kanila ang lintik dahil sa kawalang-katarungan nila. Pagkatapos gumawa sila sa guya [bilang diyus-diyusan] matapos na dumating sa kanila ang mga malinaw na patunay, ngunit nagpaumanhin Kami niyon. Nagbigay Kami kay Moises ng isang katunayang malinaw.
[124] upang maging tanda ng katapatan mo
அரபு விரிவுரைகள்:
وَرَفَعۡنَا فَوۡقَهُمُ ٱلطُّورَ بِمِيثَٰقِهِمۡ وَقُلۡنَا لَهُمُ ٱدۡخُلُواْ ٱلۡبَابَ سُجَّدٗا وَقُلۡنَا لَهُمۡ لَا تَعۡدُواْ فِي ٱلسَّبۡتِ وَأَخَذۡنَا مِنۡهُم مِّيثَٰقًا غَلِيظٗا
Nag-angat Kami sa ibabaw nila ng bundok [ng Sinai] dahil sa tipan sa kanila. Nagsabi Kami sa kanila: “Magsipasok kayo sa pinto na mga nakayukod.” Nagsabi Kami sa kanila: “Huwag kayong lumabag sa Sabado.” Tumanggap Kami mula sa kanila ng isang tipang mahigpit.
அரபு விரிவுரைகள்:
فَبِمَا نَقۡضِهِم مِّيثَٰقَهُمۡ وَكُفۡرِهِم بِـَٔايَٰتِ ٱللَّهِ وَقَتۡلِهِمُ ٱلۡأَنۢبِيَآءَ بِغَيۡرِ حَقّٖ وَقَوۡلِهِمۡ قُلُوبُنَا غُلۡفُۢۚ بَلۡ طَبَعَ ٱللَّهُ عَلَيۡهَا بِكُفۡرِهِمۡ فَلَا يُؤۡمِنُونَ إِلَّا قَلِيلٗا
Kaya [isinumpa sila] dahil sa pagkalas nila sa tipan sa kanila, sa kawalang-pananampalataya nila sa mga tanda ni Allāh, sa pagpatay nila sa mga propeta nang walang karapatan, sa at pagsabi nila: “Ang mga puso namin ay binalot,” bagkus nagpinid si Allāh sa mga ito dahil sa kawalang-pananampalataya nila kaya hindi sila sumasampalataya malibang kaunti.
அரபு விரிவுரைகள்:
وَبِكُفۡرِهِمۡ وَقَوۡلِهِمۡ عَلَىٰ مَرۡيَمَ بُهۡتَٰنًا عَظِيمٗا
[Isinumpa sila] dahil sa kawalang-pananampalataya nila, sa pagsabi nila laban kay Maria ng isang paninirang-puring sukdulan,
அரபு விரிவுரைகள்:
وَقَوۡلِهِمۡ إِنَّا قَتَلۡنَا ٱلۡمَسِيحَ عِيسَى ٱبۡنَ مَرۡيَمَ رَسُولَ ٱللَّهِ وَمَا قَتَلُوهُ وَمَا صَلَبُوهُ وَلَٰكِن شُبِّهَ لَهُمۡۚ وَإِنَّ ٱلَّذِينَ ٱخۡتَلَفُواْ فِيهِ لَفِي شَكّٖ مِّنۡهُۚ مَا لَهُم بِهِۦ مِنۡ عِلۡمٍ إِلَّا ٱتِّبَاعَ ٱلظَّنِّۚ وَمَا قَتَلُوهُ يَقِينَۢا
at sa pagsabi nila: “Tunay na kami ay pumatay sa Kristo Jesus na anak ni Maria, na Sugo ni Allāh.” Hindi sila nakapatay sa kanya at hindi sila nagpako sa kanya sa krus subalit may pinahawig[125] sa kanya para sa kanila. Tunay na ang mga nagkaiba-iba hinggil sa kanya ay talagang nasa isang pagdududa hinggil sa kanya. Walang ukol sa kanila hinggil sa kanya na anumang kaalaman maliban sa pagsunod sa palagay. Hindi sila nakapatay sa kanya sa katiyakan,
[125] subalit nakapatay sila ng isang lalaking nilapatan ni Allāh ng pagkakakahawig kay Jesus
அரபு விரிவுரைகள்:
بَل رَّفَعَهُ ٱللَّهُ إِلَيۡهِۚ وَكَانَ ٱللَّهُ عَزِيزًا حَكِيمٗا
bagkus nag-angat sa kanya [ng katawan at kaluluwa] si Allāh tungo sa Kanya. Laging si Allāh ay Makapangyarihan, Marunong.
அரபு விரிவுரைகள்:
وَإِن مِّنۡ أَهۡلِ ٱلۡكِتَٰبِ إِلَّا لَيُؤۡمِنَنَّ بِهِۦ قَبۡلَ مَوۡتِهِۦۖ وَيَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِ يَكُونُ عَلَيۡهِمۡ شَهِيدٗا
Walang kabilang sa mga May Kasulatan malibang talagang sasampalataya nga sa kanya[126] bago ng kamatayan niya. Sa Araw ng Pagbangon, siya laban sa kanila ay magiging isang saksi.[127]
[126] bilang tao at Sugo ni Allāh
[127] sa mga gawa nila: ang umaayon sa Kapahayagan mula sa mga ito at ang sumasalungat.
அரபு விரிவுரைகள்:
فَبِظُلۡمٖ مِّنَ ٱلَّذِينَ هَادُواْ حَرَّمۡنَا عَلَيۡهِمۡ طَيِّبَٰتٍ أُحِلَّتۡ لَهُمۡ وَبِصَدِّهِمۡ عَن سَبِيلِ ٱللَّهِ كَثِيرٗا
Kaya dahil sa isang kawalang-katarungan mula sa mga nagpakahudyo ay nagbawal sa kanila ng mga kaaya-ayang ipinahintulot [dati] sa kanila, at dahil sa pagsagabal nila sa landas ni Allāh nang madalas,
அரபு விரிவுரைகள்:
وَأَخۡذِهِمُ ٱلرِّبَوٰاْ وَقَدۡ نُهُواْ عَنۡهُ وَأَكۡلِهِمۡ أَمۡوَٰلَ ٱلنَّاسِ بِٱلۡبَٰطِلِۚ وَأَعۡتَدۡنَا لِلۡكَٰفِرِينَ مِنۡهُمۡ عَذَابًا أَلِيمٗا
pagkuha nila ng patubo, gayong sinaway na sila kaugnay rito, at paglamon nila sa mga yaman ng mga tao sa kawalang-saysay. Naglaan Kami para sa mga tagatangging sumampalataya kabilang sa kanila ng isang pagdurusang masakit.
அரபு விரிவுரைகள்:
لَّٰكِنِ ٱلرَّٰسِخُونَ فِي ٱلۡعِلۡمِ مِنۡهُمۡ وَٱلۡمُؤۡمِنُونَ يُؤۡمِنُونَ بِمَآ أُنزِلَ إِلَيۡكَ وَمَآ أُنزِلَ مِن قَبۡلِكَۚ وَٱلۡمُقِيمِينَ ٱلصَّلَوٰةَۚ وَٱلۡمُؤۡتُونَ ٱلزَّكَوٰةَ وَٱلۡمُؤۡمِنُونَ بِٱللَّهِ وَٱلۡيَوۡمِ ٱلۡأٓخِرِ أُوْلَٰٓئِكَ سَنُؤۡتِيهِمۡ أَجۡرًا عَظِيمًا
Subalit ang mga nagpakalalim sa kaalaman kabilang sa kanila at ang mga mananampalataya ay sumasampalataya sa anumang pinababa sa iyo at anumang pinababa bago mo pa. Ang mga tagapanatili sa pagdarasal [lalo na], ang mga tagabigay ng zakāh, at ang mga mananampalataya kay Allāh at sa Huling Araw, ang mga iyon ay bibigyan ng isang pabuyang sukdulan.
அரபு விரிவுரைகள்:
۞ إِنَّآ أَوۡحَيۡنَآ إِلَيۡكَ كَمَآ أَوۡحَيۡنَآ إِلَىٰ نُوحٖ وَٱلنَّبِيِّـۧنَ مِنۢ بَعۡدِهِۦۚ وَأَوۡحَيۡنَآ إِلَىٰٓ إِبۡرَٰهِيمَ وَإِسۡمَٰعِيلَ وَإِسۡحَٰقَ وَيَعۡقُوبَ وَٱلۡأَسۡبَاطِ وَعِيسَىٰ وَأَيُّوبَ وَيُونُسَ وَهَٰرُونَ وَسُلَيۡمَٰنَۚ وَءَاتَيۡنَا دَاوُۥدَ زَبُورٗا
Tunay na Kami ay nagkasi sa iyo kung paanong nagkasi Kami kay Noe at sa mga propeta matapos na niya; nagkasi kay Abraham, kay Ismael, kay Isaac, kay Jacob at sa [mga propeta ng] mga lipi [ng Israel], kay Jesus, kay Job, kay Jonas, kay Aaron, at kay Solomon; at nagbigay kay David ng Salmo.
அரபு விரிவுரைகள்:
وَرُسُلٗا قَدۡ قَصَصۡنَٰهُمۡ عَلَيۡكَ مِن قَبۡلُ وَرُسُلٗا لَّمۡ نَقۡصُصۡهُمۡ عَلَيۡكَۚ وَكَلَّمَ ٱللَّهُ مُوسَىٰ تَكۡلِيمٗا
[Nagsugo Kami ng] mga sugong isinalaysay na Namin sa iyo bago pa niyan at may mga sugong hindi Namin isinalaysay sa iyo. Kumausap si Allāh kay Moises sa isang pakikipag-usap.
அரபு விரிவுரைகள்:
رُّسُلٗا مُّبَشِّرِينَ وَمُنذِرِينَ لِئَلَّا يَكُونَ لِلنَّاسِ عَلَى ٱللَّهِ حُجَّةُۢ بَعۡدَ ٱلرُّسُلِۚ وَكَانَ ٱللَّهُ عَزِيزًا حَكِيمٗا
[Nagsugo Kami ng] mga sugo bilang mga tagapagbalita ng nakagagalak at mga tagapagbabala upang hindi magkaroon ang mga tao laban kay Allāh ng isang katwiran matapos ng mga sugo. Laging si Allāh ay Makapangyarihan, Marunong.
அரபு விரிவுரைகள்:
لَّٰكِنِ ٱللَّهُ يَشۡهَدُ بِمَآ أَنزَلَ إِلَيۡكَۖ أَنزَلَهُۥ بِعِلۡمِهِۦۖ وَٱلۡمَلَٰٓئِكَةُ يَشۡهَدُونَۚ وَكَفَىٰ بِٱللَّهِ شَهِيدًا
Subalit si Allāh ay sumasaksi sa pinababa Niya sa iyo. Nagpababa Siya nito kalakip ng kaalaman Niya habang ang mga anghel ay sumasaksi. Nakasapat si Allāh bilang Saksi.
அரபு விரிவுரைகள்:
إِنَّ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ وَصَدُّواْ عَن سَبِيلِ ٱللَّهِ قَدۡ ضَلُّواْ ضَلَٰلَۢا بَعِيدًا
Tunay na ang mga tumangging sumampalataya at sumagabal [sa mga tao] sa landas ni Allāh ay naligaw nga nang isang pagkaligaw na malayo [sa katotohanan].
அரபு விரிவுரைகள்:
إِنَّ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ وَظَلَمُواْ لَمۡ يَكُنِ ٱللَّهُ لِيَغۡفِرَ لَهُمۡ وَلَا لِيَهۡدِيَهُمۡ طَرِيقًا
Tunay na ang mga tumangging sumampalataya at lumabag sa katarungan, hindi nangyaring si Allāh ay ukol magpatawad sa kanila ni ukol magpatnubay sa kanila sa isang daan,
அரபு விரிவுரைகள்:
إِلَّا طَرِيقَ جَهَنَّمَ خَٰلِدِينَ فِيهَآ أَبَدٗاۚ وَكَانَ ذَٰلِكَ عَلَى ٱللَّهِ يَسِيرٗا
maliban sa daan ng Impiyerno bilang mga mananatili roon magpakailanman. Laging iyon, kay Allāh, ay madali.
அரபு விரிவுரைகள்:
يَٰٓأَيُّهَا ٱلنَّاسُ قَدۡ جَآءَكُمُ ٱلرَّسُولُ بِٱلۡحَقِّ مِن رَّبِّكُمۡ فَـَٔامِنُواْ خَيۡرٗا لَّكُمۡۚ وَإِن تَكۡفُرُواْ فَإِنَّ لِلَّهِ مَا فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِۚ وَكَانَ ٱللَّهُ عَلِيمًا حَكِيمٗا
O mga tao, naghatid nga sa inyo ang Sugo ng katotohanan mula sa Panginoon ninyo; kaya sumampalataya kayo, magiging mabuti ito para sa inyo. Kung tumatanggi kayong sumampalataya, tunay na sa kay Allāh ang anumang nasa mga langit at lupa. Laging si Allāh ay Maalam, Marunong.
அரபு விரிவுரைகள்:
يَٰٓأَهۡلَ ٱلۡكِتَٰبِ لَا تَغۡلُواْ فِي دِينِكُمۡ وَلَا تَقُولُواْ عَلَى ٱللَّهِ إِلَّا ٱلۡحَقَّۚ إِنَّمَا ٱلۡمَسِيحُ عِيسَى ٱبۡنُ مَرۡيَمَ رَسُولُ ٱللَّهِ وَكَلِمَتُهُۥٓ أَلۡقَىٰهَآ إِلَىٰ مَرۡيَمَ وَرُوحٞ مِّنۡهُۖ فَـَٔامِنُواْ بِٱللَّهِ وَرُسُلِهِۦۖ وَلَا تَقُولُواْ ثَلَٰثَةٌۚ ٱنتَهُواْ خَيۡرٗا لَّكُمۡۚ إِنَّمَا ٱللَّهُ إِلَٰهٞ وَٰحِدٞۖ سُبۡحَٰنَهُۥٓ أَن يَكُونَ لَهُۥ وَلَدٞۘ لَّهُۥ مَا فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَمَا فِي ٱلۡأَرۡضِۗ وَكَفَىٰ بِٱللَّهِ وَكِيلٗا
O mga May Kasulatan, huwag kayong magpalabis sa relihiyon ninyo at huwag kayong magsabi tungkol kay Allāh kundi ng totoo. Ang Kristo Jesus na anak ni Maria ay sugo ni Allāh lamang, salita Niya na ipinarating Niya kay Maria, at isang espiritu na mula sa Kanya. Kaya sumampalataya kayo kay Allāh at sa mga sugo Niya. Huwag kayong magsabi ng tatlo. Tumigil kayo, magiging mabuti ito para sa inyo. Si Allāh ay nag-iisang Diyos lamang. Kaluwalhatian sa Kanya para magkaroon pa sa Kanya ng isang anak. Sa Kanya ang anumang nasa mga langit at ang anumang nasa lupa. Nakasapat si Allāh bilang Pinananaligan.
அரபு விரிவுரைகள்:
لَّن يَسۡتَنكِفَ ٱلۡمَسِيحُ أَن يَكُونَ عَبۡدٗا لِّلَّهِ وَلَا ٱلۡمَلَٰٓئِكَةُ ٱلۡمُقَرَّبُونَۚ وَمَن يَسۡتَنكِفۡ عَنۡ عِبَادَتِهِۦ وَيَسۡتَكۡبِرۡ فَسَيَحۡشُرُهُمۡ إِلَيۡهِ جَمِيعٗا
Hindi magmamata ang Kristo na siya ay maging isang lingkod ni Allāh, ni ang mga anghel na minamalapit [kay Allāh]. Ang sinumang nangmamata sa pagsamba sa Kanya at nagmamalaki ay kakalap Siya sa kanila tungo sa Kanya nang lahatan [para gantihan].
அரபு விரிவுரைகள்:
فَأَمَّا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّٰلِحَٰتِ فَيُوَفِّيهِمۡ أُجُورَهُمۡ وَيَزِيدُهُم مِّن فَضۡلِهِۦۖ وَأَمَّا ٱلَّذِينَ ٱسۡتَنكَفُواْ وَٱسۡتَكۡبَرُواْ فَيُعَذِّبُهُمۡ عَذَابًا أَلِيمٗا وَلَا يَجِدُونَ لَهُم مِّن دُونِ ٱللَّهِ وَلِيّٗا وَلَا نَصِيرٗا
Kaya hinggil sa mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos, maglulubus-lubos Siya sa kanila ng mga pabuya sa kanila at magdaragdag Siya sa kanila mula sa kabutihang-loob Niya. Hinggil naman sa mga nangmata at nagmalaki, pagdurusahin Niya sila ng isang pagdurusang masakit at hindi sila makatatagpo para sa kanila bukod pa kay Allāh ng isang katangkilik ni isang mapag-adya.
அரபு விரிவுரைகள்:
يَٰٓأَيُّهَا ٱلنَّاسُ قَدۡ جَآءَكُم بُرۡهَٰنٞ مِّن رَّبِّكُمۡ وَأَنزَلۡنَآ إِلَيۡكُمۡ نُورٗا مُّبِينٗا
O mga tao, may dumating nga sa inyo na isang patotoo[128] mula sa Panginoon ninyo. Nagpababa Kami sa inyo ng isang liwanag na malinaw.[129]
[128] Ibig sabhin: si Propeta Muhammad.
[129] Ibig sabihin: ang Qur’an.
அரபு விரிவுரைகள்:
فَأَمَّا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ بِٱللَّهِ وَٱعۡتَصَمُواْ بِهِۦ فَسَيُدۡخِلُهُمۡ فِي رَحۡمَةٖ مِّنۡهُ وَفَضۡلٖ وَيَهۡدِيهِمۡ إِلَيۡهِ صِرَٰطٗا مُّسۡتَقِيمٗا
Kaya hinggil naman sa mga sumampalataya kay Allāh at nangunyapit sa Kanya, magpapapasok Siya sa kanila sa isang awa mula sa Kanya at isang kabutihang-loob at magpapatnubay Siya sa kanila tungo sa Kanya sa isang landasing tuwid.
அரபு விரிவுரைகள்:
يَسۡتَفۡتُونَكَ قُلِ ٱللَّهُ يُفۡتِيكُمۡ فِي ٱلۡكَلَٰلَةِۚ إِنِ ٱمۡرُؤٌاْ هَلَكَ لَيۡسَ لَهُۥ وَلَدٞ وَلَهُۥٓ أُخۡتٞ فَلَهَا نِصۡفُ مَا تَرَكَۚ وَهُوَ يَرِثُهَآ إِن لَّمۡ يَكُن لَّهَا وَلَدٞۚ فَإِن كَانَتَا ٱثۡنَتَيۡنِ فَلَهُمَا ٱلثُّلُثَانِ مِمَّا تَرَكَۚ وَإِن كَانُوٓاْ إِخۡوَةٗ رِّجَالٗا وَنِسَآءٗ فَلِلذَّكَرِ مِثۡلُ حَظِّ ٱلۡأُنثَيَيۡنِۗ يُبَيِّنُ ٱللَّهُ لَكُمۡ أَن تَضِلُّواْۗ وَٱللَّهُ بِكُلِّ شَيۡءٍ عَلِيمُۢ
Nagpapahabilin sila sa iyo. Sabihin mo: “Si Allāh ay naghahabilin sa inyo hinggil sa kalālah.” Kung may isang taong namatay na wala siyang isang anak at mayroon siyang isang babaing kapatid, ukol dito ang kalahati ng naiwan niya. Siya ay magmamana rito kung wala itong isang anak. Kung sila ay dalawang [babaing magkapatid], ukol sa kanilang dalawa ang dalawang katlo mula sa naiwan niya. Kung sila ay magkakapatid na mga lalaki at mga babae, ukol sa lalaki ang tulad sa parte ng dalawang babae. Naglilinaw si Allāh para sa inyo [ng mga patakaran] nang hindi kayo maligaw. Si Allāh, sa bawat bagay, ay Maalam.
அரபு விரிவுரைகள்:
 
மொழிபெயர்ப்பு அத்தியாயம்: ஸூரா அந்நிஸா
அத்தியாயங்களின் அட்டவணை பக்க எண்
 
அல்குர்ஆன் மொழிபெயர்ப்பு - பிலிப்பைன்ஸ் மொழிபெயர்ப்பு (டலாக்) - மொழிபெயர்ப்பு அட்டவணை

புனித அல் குர்ஆனுக்கான பிலிப்பீனோ (தகலாகு) மொழிபெயர்ப்பு- அர்ருவ்வாத் மொழிபெயர்ப்பு நிலையத்தின் ஆய்வுக்குழு தாருல் இஸ்லாம் இணையத்தளத்துடன் இணைந்து மொழிபெயர்த்தது.

மூடுக