Check out the new design

Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Sentro ng Rowad sa Pagsasalin * - Indise ng mga Salin

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

Salin ng mga Kahulugan Surah: An-Nisā’   Ayah:
وَٱسۡتَغۡفِرِ ٱللَّهَۖ إِنَّ ٱللَّهَ كَانَ غَفُورٗا رَّحِيمٗا
Humingi ka ng tawad kay Allāh. Tunay na si Allāh ay laging Mapagpatawad, Maawain.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَلَا تُجَٰدِلۡ عَنِ ٱلَّذِينَ يَخۡتَانُونَ أَنفُسَهُمۡۚ إِنَّ ٱللَّهَ لَا يُحِبُّ مَن كَانَ خَوَّانًا أَثِيمٗا
Huwag kang makipagtalo para sa mga nagtataksil sa mga sarili nila. Tunay na si Allāh ay hindi umiibig sa sinumang mapagtaksil na makasalanan.
Ang mga Tafsir na Arabe:
يَسۡتَخۡفُونَ مِنَ ٱلنَّاسِ وَلَا يَسۡتَخۡفُونَ مِنَ ٱللَّهِ وَهُوَ مَعَهُمۡ إِذۡ يُبَيِّتُونَ مَا لَا يَرۡضَىٰ مِنَ ٱلۡقَوۡلِۚ وَكَانَ ٱللَّهُ بِمَا يَعۡمَلُونَ مُحِيطًا
Nagpapakubli sila mula sa mga tao [ng pagsuway] ngunit hindi sila nagpapakubli [nito] mula kay Allāh at Siya ay kasama sa kanila[15] noong nagpapanukala sila sa magdamag ng anumang hindi Siya nalulugod na sinasabi. Laging si Allāh, sa anumang ginagawa nila, ay Tagapaligid.
[15] sa pamamagitan ng pagkakaalam Niya sa kanila
Ang mga Tafsir na Arabe:
هَٰٓأَنتُمۡ هَٰٓؤُلَآءِ جَٰدَلۡتُمۡ عَنۡهُمۡ فِي ٱلۡحَيَوٰةِ ٱلدُّنۡيَا فَمَن يُجَٰدِلُ ٱللَّهَ عَنۡهُمۡ يَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِ أَم مَّن يَكُونُ عَلَيۡهِمۡ وَكِيلٗا
Kayo itong nakipagtalo para sa kanila sa buhay na pangmundo, ngunit sino ang makikipagtalo kay Allāh para sa kanila sa Araw ng Pagbangon, o sino ang sa kanila ay magiging isang pinananaligan?
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَمَن يَعۡمَلۡ سُوٓءًا أَوۡ يَظۡلِمۡ نَفۡسَهُۥ ثُمَّ يَسۡتَغۡفِرِ ٱللَّهَ يَجِدِ ٱللَّهَ غَفُورٗا رَّحِيمٗا
Ang sinumang gumagawa ng kasagwaan [sa iba] o lumalabag sa katarungan sa sarili niya, pagkatapos humihingi ng tawad kay Allāh, makatatagpo siya na si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَمَن يَكۡسِبۡ إِثۡمٗا فَإِنَّمَا يَكۡسِبُهُۥ عَلَىٰ نَفۡسِهِۦۚ وَكَانَ ٱللَّهُ عَلِيمًا حَكِيمٗا
Ang sinumang nagkakamit ng isang kasalanan ay nagkakamit lamang siya nito laban sa sarili niya. Laging si Allāh ay Maalam, Marunong.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَمَن يَكۡسِبۡ خَطِيٓـَٔةً أَوۡ إِثۡمٗا ثُمَّ يَرۡمِ بِهِۦ بَرِيٓـٔٗا فَقَدِ ٱحۡتَمَلَ بُهۡتَٰنٗا وَإِثۡمٗا مُّبِينٗا
Ang sinumang nagkakamit ng isang pagkakamali o isang kasalanan, pagkatapos bumabato siya nito sa isang inosente, pumasan nga siya ng isang paninirang-puri at isang kasalanang malinaw.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَلَوۡلَا فَضۡلُ ٱللَّهِ عَلَيۡكَ وَرَحۡمَتُهُۥ لَهَمَّت طَّآئِفَةٞ مِّنۡهُمۡ أَن يُضِلُّوكَ وَمَا يُضِلُّونَ إِلَّآ أَنفُسَهُمۡۖ وَمَا يَضُرُّونَكَ مِن شَيۡءٖۚ وَأَنزَلَ ٱللَّهُ عَلَيۡكَ ٱلۡكِتَٰبَ وَٱلۡحِكۡمَةَ وَعَلَّمَكَ مَا لَمۡ تَكُن تَعۡلَمُۚ وَكَانَ فَضۡلُ ٱللَّهِ عَلَيۡكَ عَظِيمٗا
Kung hindi dahil sa kabutihang-loob ni Allāh sa iyo at sa awa Niya ay talaga sanang may nagbalak na isang pangkatin kabilang sa kanila [nagtataksil sa mga sarili] na magligaw sila sa iyo ngunit hindi sila nagliligaw kundi sa mga sarili nila at hindi sila nakapipinsala sa iyo ng anuman. Nagpababa si Allāh sa iyo ng Aklat at Karunungan[16] at nagturo Siya sa iyo ng hindi mo noon nalalaman. Laging ang kabutihang-loob ni Allāh sa iyo ay sukdulan.
[16] Ang Aklat at ang Karunungan ay tumutukoy sa Qur'an at Sunnah.
Ang mga Tafsir na Arabe:
 
Salin ng mga Kahulugan Surah: An-Nisā’
Indise ng mga Surah Numero ng Pahina
 
Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Sentro ng Rowad sa Pagsasalin - Indise ng mga Salin

Isinalin ito ng isang pangkat ng Sentro ng Rowad sa Pagsasalin sa pakikipagtulungan ng Samahan ng Da‘wah sa Rabwah at Samahan ng Paglilingkod sa Nilalamang Islāmiko sa mga Wika.

Isara