Check out the new design

Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Sentro ng Rowad sa Pagsasalin * - Indise ng mga Salin

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

Salin ng mga Kahulugan Surah: An-Nisā’   Ayah:
۞ لَّا خَيۡرَ فِي كَثِيرٖ مِّن نَّجۡوَىٰهُمۡ إِلَّا مَنۡ أَمَرَ بِصَدَقَةٍ أَوۡ مَعۡرُوفٍ أَوۡ إِصۡلَٰحِۭ بَيۡنَ ٱلنَّاسِۚ وَمَن يَفۡعَلۡ ذَٰلِكَ ٱبۡتِغَآءَ مَرۡضَاتِ ٱللَّهِ فَسَوۡفَ نُؤۡتِيهِ أَجۡرًا عَظِيمٗا
Walang mabuti sa madalas na lihim na pag-uusap nila, maliban sa sinumang nag-utos ng isang kawanggawa o isang nakabubuti o isang pagsasaayos sa pagitan ng mga tao. Ang sinumang gumagawa niyon dala ng paghahangad sa kaluguran ni Allāh ay magbibigay Siya rito ng isang pabuyang sukdulan [sa Paraiso].
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَمَن يُشَاقِقِ ٱلرَّسُولَ مِنۢ بَعۡدِ مَا تَبَيَّنَ لَهُ ٱلۡهُدَىٰ وَيَتَّبِعۡ غَيۡرَ سَبِيلِ ٱلۡمُؤۡمِنِينَ نُوَلِّهِۦ مَا تَوَلَّىٰ وَنُصۡلِهِۦ جَهَنَّمَۖ وَسَآءَتۡ مَصِيرًا
Ang sinumang nakikipaghidwaan sa Sugo matapos na luminaw para sa kanya ang patnubay at sumusunod sa iba pa sa landas ng mga mananampalataya, magtutuon Kami sa kanya sa tinuunan niya at magsusunog Kami sa kanya Impiyerno. Kay sagwa ito bilang kahahantungan!
Ang mga Tafsir na Arabe:
إِنَّ ٱللَّهَ لَا يَغۡفِرُ أَن يُشۡرَكَ بِهِۦ وَيَغۡفِرُ مَا دُونَ ذَٰلِكَ لِمَن يَشَآءُۚ وَمَن يُشۡرِكۡ بِٱللَّهِ فَقَدۡ ضَلَّ ضَلَٰلَۢا بَعِيدًا
Tunay na si Allāh ay hindi magpapatawad na tambalan Siya at magpapatawad sa anumang bukod pa roon sa sinumang loloobin Niya. Ang sinumang nagtatambal kay Allāh ay naligaw nga nang isang pagkaligaw na malayo.
Ang mga Tafsir na Arabe:
إِن يَدۡعُونَ مِن دُونِهِۦٓ إِلَّآ إِنَٰثٗا وَإِن يَدۡعُونَ إِلَّا شَيۡطَٰنٗا مَّرِيدٗا
Wala silang dinadalangin bukod pa sa Kanya kundi mga babae [na diyus-diyusan] at wala silang dinadalanginan kundi isang demonyong mapaghimagsik,
Ang mga Tafsir na Arabe:
لَّعَنَهُ ٱللَّهُۘ وَقَالَ لَأَتَّخِذَنَّ مِنۡ عِبَادِكَ نَصِيبٗا مَّفۡرُوضٗا
na isinumpa ni Allāh at nagsabi ito: “Talagang kukuha nga ako mula sa mga lingkod[17] Mo ng isang bahagi itinakda,
[17] Ang “mga lingkod” ni Allāh ay ang mga tao at ang mga jinn.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَلَأُضِلَّنَّهُمۡ وَلَأُمَنِّيَنَّهُمۡ وَلَأٓمُرَنَّهُمۡ فَلَيُبَتِّكُنَّ ءَاذَانَ ٱلۡأَنۡعَٰمِ وَلَأٓمُرَنَّهُمۡ فَلَيُغَيِّرُنَّ خَلۡقَ ٱللَّهِۚ وَمَن يَتَّخِذِ ٱلشَّيۡطَٰنَ وَلِيّٗا مِّن دُونِ ٱللَّهِ فَقَدۡ خَسِرَ خُسۡرَانٗا مُّبِينٗا
talagang magliligaw nga ako sa kanila, talagang magpapamithi nga ako sa kanila, talagang mag-uutos nga ako sa kanila kaya talagang magpuputol nga sila ng mga tainga ng mga hayupan, at talagang mag-uutos nga ako sa kanila kaya magpapalit nga sila sa pagkakalikha ni Allāh.” Ang sinumang gumagawa sa demonyo bilang katangkilik bukod pa kay Allāh ay nalugi nga siya ng isang pagkaluging malinaw.
Ang mga Tafsir na Arabe:
يَعِدُهُمۡ وَيُمَنِّيهِمۡۖ وَمَا يَعِدُهُمُ ٱلشَّيۡطَٰنُ إِلَّا غُرُورًا
Nangangako siya[18] sa kanila at nagpapamithi siya sa kanila. Hindi nangangako sa kanila ang demonyo kundi ng isang panlilinlang.
[18] Ibig sabihin: si Satanas.
Ang mga Tafsir na Arabe:
أُوْلَٰٓئِكَ مَأۡوَىٰهُمۡ جَهَنَّمُ وَلَا يَجِدُونَ عَنۡهَا مَحِيصٗا
Ang mga iyon, ang kanlungan nila ay Impiyerno at hindi sila makatatagpo palayo roon na isang mapupuslitan.
Ang mga Tafsir na Arabe:
 
Salin ng mga Kahulugan Surah: An-Nisā’
Indise ng mga Surah Numero ng Pahina
 
Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Sentro ng Rowad sa Pagsasalin - Indise ng mga Salin

Isinalin ito ng isang pangkat ng Sentro ng Rowad sa Pagsasalin sa pakikipagtulungan ng Samahan ng Da‘wah sa Rabwah at Samahan ng Paglilingkod sa Nilalamang Islāmiko sa mga Wika.

Isara