Check out the new design

அல்குர்ஆன் மொழிபெயர்ப்பு - பிலிப்பைன் மொழிபெயர்ப்பு (டலாக்) - மொழிபெயர்ப்பு முன்னோடிகள் மையம் * - மொழிபெயர்ப்பு அட்டவணை

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

மொழிபெயர்ப்பு அத்தியாயம்: அல்ஜாஸியா   வசனம்:

Al-Jāthiyah

حمٓ
Ḥā. Mīm.[1]
[1] Ang Qur’ān ay nasa wikang Arabe na binubuo ng mga titiks Arabe gaya ng mga ito.
அரபு விரிவுரைகள்:
تَنزِيلُ ٱلۡكِتَٰبِ مِنَ ٱللَّهِ ٱلۡعَزِيزِ ٱلۡحَكِيمِ
Ang pagbababa ng Aklat [na Qur’ān] ay mula kay Allāh, ang Makapangyarihan, ang Marunong.
அரபு விரிவுரைகள்:
إِنَّ فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ لَأٓيَٰتٖ لِّلۡمُؤۡمِنِينَ
Tunay na sa mga langit at lupa ay talagang may mga tanda para sa mga mananampalataya.
அரபு விரிவுரைகள்:
وَفِي خَلۡقِكُمۡ وَمَا يَبُثُّ مِن دَآبَّةٍ ءَايَٰتٞ لِّقَوۡمٖ يُوقِنُونَ
Sa pagkalikha sa inyo at anumang ikinakalat Niya na gumagalaw na nilalang ay may mga tanda para sa mga taong nakatitiyak.
அரபு விரிவுரைகள்:
وَٱخۡتِلَٰفِ ٱلَّيۡلِ وَٱلنَّهَارِ وَمَآ أَنزَلَ ٱللَّهُ مِنَ ٱلسَّمَآءِ مِن رِّزۡقٖ فَأَحۡيَا بِهِ ٱلۡأَرۡضَ بَعۡدَ مَوۡتِهَا وَتَصۡرِيفِ ٱلرِّيَٰحِ ءَايَٰتٞ لِّقَوۡمٖ يَعۡقِلُونَ
Sa pagsasalitan ng gabi at maghapon, sa anumang pinababa ni Allāh mula sa langit na panustos [na ulan] saka nagbigay-buhay Siya sa pamamagitan niyon sa lupa matapos ng kamatayan nito, at sa pagpihit sa mga hangin ay may mga tanda para sa mga taong nakapag-uunawa.
அரபு விரிவுரைகள்:
تِلۡكَ ءَايَٰتُ ٱللَّهِ نَتۡلُوهَا عَلَيۡكَ بِٱلۡحَقِّۖ فَبِأَيِّ حَدِيثِۭ بَعۡدَ ٱللَّهِ وَءَايَٰتِهِۦ يُؤۡمِنُونَ
Ang mga iyon ay mga tanda ni Allāh, na binibigkas sa iyo sa katotohanan. Kaya sa aling pakikipag-usap matapos kay Allāh at ng mga talata Niya [sa Qur’ān] sasampalataya sila?
அரபு விரிவுரைகள்:
وَيۡلٞ لِّكُلِّ أَفَّاكٍ أَثِيمٖ
Kapighatian ay ukol sa bawat manlilinlang na makasalanan.
அரபு விரிவுரைகள்:
يَسۡمَعُ ءَايَٰتِ ٱللَّهِ تُتۡلَىٰ عَلَيۡهِ ثُمَّ يُصِرُّ مُسۡتَكۡبِرٗا كَأَن لَّمۡ يَسۡمَعۡهَاۖ فَبَشِّرۡهُ بِعَذَابٍ أَلِيمٖ
Nakaririnig siya sa mga tanda ni Allāh habang binibigkas sa kanya, pagkatapos nagpupumilit siya habang nagmamalaki na para bang hindi nakarinig sa mga iyon. Kaya magbalita ka sa kanya hinggil sa isang pagdurusang masakit.
அரபு விரிவுரைகள்:
وَإِذَا عَلِمَ مِنۡ ءَايَٰتِنَا شَيۡـًٔا ٱتَّخَذَهَا هُزُوًاۚ أُوْلَٰٓئِكَ لَهُمۡ عَذَابٞ مُّهِينٞ
Kapag nakaalam siya mula sa mga tanda Namin ng anuman ay gumagawa siya rito ng isang pangungutya. Ang mga iyon ay may ukol sa kanila na isang pagdurusang manghahamak.
அரபு விரிவுரைகள்:
مِّن وَرَآئِهِمۡ جَهَنَّمُۖ وَلَا يُغۡنِي عَنۡهُم مَّا كَسَبُواْ شَيۡـٔٗا وَلَا مَا ٱتَّخَذُواْ مِن دُونِ ٱللَّهِ أَوۡلِيَآءَۖ وَلَهُمۡ عَذَابٌ عَظِيمٌ
Mula sa unahan nila ay Impiyerno. Hindi makapagdudulot sa kanila ang nakamit nila [na mga yaman] ng anuman ni ang ginawa nila bukod pa kay Allāh bilang mga katangkilik. Ukol sa kanila ay isang pagdurusang mabigat.
அரபு விரிவுரைகள்:
هَٰذَا هُدٗىۖ وَٱلَّذِينَ كَفَرُواْ بِـَٔايَٰتِ رَبِّهِمۡ لَهُمۡ عَذَابٞ مِّن رِّجۡزٍ أَلِيمٌ
[Ang Qur’ān na] ito ay isang patnubay. Ang mga tumangging sumampalataya sa mga tanda ng Panginoon nila, ukol sa kanila ay isang pagdurusa mula sa isang pasakit na masakit.
அரபு விரிவுரைகள்:
۞ ٱللَّهُ ٱلَّذِي سَخَّرَ لَكُمُ ٱلۡبَحۡرَ لِتَجۡرِيَ ٱلۡفُلۡكُ فِيهِ بِأَمۡرِهِۦ وَلِتَبۡتَغُواْ مِن فَضۡلِهِۦ وَلَعَلَّكُمۡ تَشۡكُرُونَ
Si Allāh ang nagpasilbi para sa inyo ng dagat upang maglayag ang mga daong dito ayon sa utos Niya at upang humanap kayo ng kabutihang-loob Niya at nang sa gayon kayo ay magpapasalamat [sa Kanya].
அரபு விரிவுரைகள்:
وَسَخَّرَ لَكُم مَّا فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَمَا فِي ٱلۡأَرۡضِ جَمِيعٗا مِّنۡهُۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَأٓيَٰتٖ لِّقَوۡمٖ يَتَفَكَّرُونَ
Nagpasilbi Siya para sa inyo ng anumang nasa mga langit at anumang nasa lupa nang lahatan mula sa Kanya. Tunay na sa gayon ay talagang may mga tanda para sa mga taong nag-iisip-isip.
அரபு விரிவுரைகள்:
 
மொழிபெயர்ப்பு அத்தியாயம்: அல்ஜாஸியா
அத்தியாயங்களின் அட்டவணை பக்க எண்
 
அல்குர்ஆன் மொழிபெயர்ப்பு - பிலிப்பைன் மொழிபெயர்ப்பு (டலாக்) - மொழிபெயர்ப்பு முன்னோடிகள் மையம் - மொழிபெயர்ப்பு அட்டவணை

அர்ருவ்வாத் மொழிபெயர்ப்பு மையத்தின் குழு அல்-ரப்வா அழைப்பு சங்கம் மற்றும் பல் மொழிகளில் இஸ்லாமிய உள்ளடக்கத்திற்கு சேவை செய்யும் சங்கத்துடன் இணைந்து மொழிபெயர்த்துள்ளது.

மூடுக