Check out the new design

పవిత్ర ఖురాన్ యొక్క భావార్థాల అనువాదం - ఫిలిపినో (తగలాగ్) అనువాదం - అల్ ఖుర్ఆన్ అల్ కరీమ్ సంక్షిప్త వ్యాఖ్యాన అనువాదం * - అనువాదాల విషయసూచిక


భావార్ధాల అనువాదం సూరహ్: అష్-షుఅరా   వచనం:
كَذَّبَتۡ قَوۡمُ لُوطٍ ٱلۡمُرۡسَلِينَ
Nagpasinungaling ang mga kababayan ni Lot sa mga isinugo dahil sa pagpapasinungaling nila sa propeta nilang si Lot – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan –
అరబీ భాషలోని ఖుర్ఆన్ వ్యాఖ్యానాలు:
إِذۡ قَالَ لَهُمۡ أَخُوهُمۡ لُوطٌ أَلَا تَتَّقُونَ
noong nagsabi sa kanila ang kapatid nila sa kaangkanan na si Lot: "Hindi ba kayo mangingilag magkasala kay Allāh, sa pamamagitan ng pag-iwan sa pagtatambal sa Kanya, dala ng pangamba sa Kanya?
అరబీ భాషలోని ఖుర్ఆన్ వ్యాఖ్యానాలు:
إِنِّي لَكُمۡ رَسُولٌ أَمِينٞ
Tunay na ako para sa inyo ay isang sugong isinugo ni Allāh sa inyo, na mapagkatitiwalaan sa anumang ipinaabot ko buhat sa Kanya: hindi ako nagdaragdag doon at hindi ako nagbabawas.
అరబీ భాషలోని ఖుర్ఆన్ వ్యాఖ్యానాలు:
فَٱتَّقُواْ ٱللَّهَ وَأَطِيعُونِ
Kaya mangilag kayong magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya, at tumalima kayo sa akin sa anumang ipinag-uutos ko sa inyo at anumang sinasaway ko sa inyo.
అరబీ భాషలోని ఖుర్ఆన్ వ్యాఖ్యానాలు:
وَمَآ أَسۡـَٔلُكُمۡ عَلَيۡهِ مِنۡ أَجۡرٍۖ إِنۡ أَجۡرِيَ إِلَّا عَلَىٰ رَبِّ ٱلۡعَٰلَمِينَ
Hindi ako humihiling sa inyo ng isang gantimpala dahil sa nagpapaabot ako sa inyo mula sa Panginoon ko; walang gantimpala sa akin kundi nasa kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilikha, hindi nasa iba pa sa Kanya.
అరబీ భాషలోని ఖుర్ఆన్ వ్యాఖ్యానాలు:
أَتَأۡتُونَ ٱلذُّكۡرَانَ مِنَ ٱلۡعَٰلَمِينَ
Pumupunta ba kayo sa mga lalaki ng mga tao sa mga likuran nila
అరబీ భాషలోని ఖుర్ఆన్ వ్యాఖ్యానాలు:
وَتَذَرُونَ مَا خَلَقَ لَكُمۡ رَبُّكُم مِّنۡ أَزۡوَٰجِكُمۚ بَلۡ أَنتُمۡ قَوۡمٌ عَادُونَ
at humihinto kayo sa pagpunta sa nilikha ni Allāh para makatugon kayo sa mga pagnanasa ninyo mula sa mga ari ng mga maybahay ninyo? Bagkus kayo ay mga taong lumalampas sa mga hangganan ni Allāh dahil sa nakasasamang pagkalihis na ito.
అరబీ భాషలోని ఖుర్ఆన్ వ్యాఖ్యానాలు:
قَالُواْ لَئِن لَّمۡ تَنتَهِ يَٰلُوطُ لَتَكُونَنَّ مِنَ ٱلۡمُخۡرَجِينَ
Nagsabi sa kanya ang mga kababayan niya: "Talagang kung hindi ka magpipigil, O Lot, sa pagsaway sa amin sa gawaing ito at pagmamasama nito sa amin, talagang ikaw nga mismo at ang sinumang kasama sa iyo ay magiging kabilang sa mga palilisanin mula sa pamayanan namin."
అరబీ భాషలోని ఖుర్ఆన్ వ్యాఖ్యానాలు:
قَالَ إِنِّي لِعَمَلِكُم مِّنَ ٱلۡقَالِينَ
Nagsabi sa kanila si Lot: "Tunay na ako sa gawain ninyong ito na ginagawa ninyo ay talagang kabilang sa mga namumuhing nasusuklam.
అరబీ భాషలోని ఖుర్ఆన్ వ్యాఖ్యానాలు:
رَبِّ نَجِّنِي وَأَهۡلِي مِمَّا يَعۡمَلُونَ
Nagsabi siya habang dumadalangin sa Panginoon niya: "Panginoon ko, iligtas Mo ako at iligtas Mo ang mag-anak ko mula sa tatama sa mga ito na pagdurusa dahilan sa ginagawa nila na nakasasama."
అరబీ భాషలోని ఖుర్ఆన్ వ్యాఖ్యానాలు:
فَنَجَّيۡنَٰهُ وَأَهۡلَهُۥٓ أَجۡمَعِينَ
Kaya sumagot Kami sa panalangin niya kaya nagligtas Kami sa kanya at mag-anak niya sa kabuuan nila
అరబీ భాషలోని ఖుర్ఆన్ వ్యాఖ్యానాలు:
إِلَّا عَجُوزٗا فِي ٱلۡغَٰبِرِينَ
maliban sa maybahay niya sapagkat iyon ay tagatangging sumampalataya kaya iyon ay kabilang sa mga aalis na napapahamak.
అరబీ భాషలోని ఖుర్ఆన్ వ్యాఖ్యానాలు:
ثُمَّ دَمَّرۡنَا ٱلۡأٓخَرِينَ
Pagkatapos, matapos na lumabas si Lot at ang mag-anak niya mula sa pamayanan ng Sodom, ipinahamak Namin ang mga kababayan niyang mga nagpaiwan matapos niya sa isang pinakamatinding pagpapahamak.
అరబీ భాషలోని ఖుర్ఆన్ వ్యాఖ్యానాలు:
وَأَمۡطَرۡنَا عَلَيۡهِم مَّطَرٗاۖ فَسَآءَ مَطَرُ ٱلۡمُنذَرِينَ
Nagpababa Kami sa kanila ng mga bato mula sa langit tulad ng pagpapababa ng ulan, saka kay pangit ang ulan sa mga ito na mga dating binabalaang ni Lot at pinag-iingat niya laban sa pagdurusang dulot ni Allāh kung sila ay nagpatuloy sa kalagayan nila na paggawa ng nakasasama.
అరబీ భాషలోని ఖుర్ఆన్ వ్యాఖ్యానాలు:
إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَأٓيَةٗۖ وَمَا كَانَ أَكۡثَرُهُم مُّؤۡمِنِينَ
Tunay na sa nabanggit na iyon na pagdurusang bumaba sa mga kababayan ni Lot dahilan sa paggawa ng mahalay ay talagang may maisasaalang-alang para sa mga tagapagsaalang-alang. Ang karamihan sa kanila ay hindi naging mga mananampalataya.
అరబీ భాషలోని ఖుర్ఆన్ వ్యాఖ్యానాలు:
وَإِنَّ رَبَّكَ لَهُوَ ٱلۡعَزِيزُ ٱلرَّحِيمُ
Tunay na ang Panginoon mo, O Sugo, ay talagang Siya ang Makapangyarihan na naghihiganti sa mga kaaway Niya, ang Maawain sa sinumang nagbalik-loob kabilang sa mga lingkod Niya.
అరబీ భాషలోని ఖుర్ఆన్ వ్యాఖ్యానాలు:
كَذَّبَ أَصۡحَٰبُ لۡـَٔيۡكَةِ ٱلۡمُرۡسَلِينَ
Nagpasinungaling sa mga isinugo ang mga naninirahan sa pamayanang may mga punong-kahoy na makapal nang nagpasinungaling sila sa propeta nila na si Shu`ayb – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan –
అరబీ భాషలోని ఖుర్ఆన్ వ్యాఖ్యానాలు:
إِذۡ قَالَ لَهُمۡ شُعَيۡبٌ أَلَا تَتَّقُونَ
noong nagsabi sa kanila ang propeta nilang si Shu`ayb: "Hindi ba kayo mangingilag magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pag-iwan sa pagtatambal sa Kanya dala ng pangamba sa Kanya?
అరబీ భాషలోని ఖుర్ఆన్ వ్యాఖ్యానాలు:
إِنِّي لَكُمۡ رَسُولٌ أَمِينٞ
Tunay na ako para sa inyo ay isang sugong isinugo ni Allāh sa inyo, na mapagkatitiwalaan: hindi ako nagdaragdag sa anumang ipinag-utos Niya sa akin na ipaabot at hindi ako nagbabawas.
అరబీ భాషలోని ఖుర్ఆన్ వ్యాఖ్యానాలు:
فَٱتَّقُواْ ٱللَّهَ وَأَطِيعُونِ
Kaya mangilag kayong magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya, at tumalima kayo sa akin sa anumang ipinag-utos ko sa inyo at sa anumang sinaway ko sa inyo.
అరబీ భాషలోని ఖుర్ఆన్ వ్యాఖ్యానాలు:
وَمَآ أَسۡـَٔلُكُمۡ عَلَيۡهِ مِنۡ أَجۡرٍۖ إِنۡ أَجۡرِيَ إِلَّا عَلَىٰ رَبِّ ٱلۡعَٰلَمِينَ
Hindi ako humihiling sa inyo ng isang gantimpala dahil sa nagpapaabot ako sa inyo mula sa Panginoon ko; walang gantimpala sa akin kundi nasa kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilikha, hindi nasa iba pa sa Kanya.
అరబీ భాషలోని ఖుర్ఆన్ వ్యాఖ్యానాలు:
۞ أَوۡفُواْ ٱلۡكَيۡلَ وَلَا تَكُونُواْ مِنَ ٱلۡمُخۡسِرِينَ
Lubusin ninyo para sa mga tao ang pagtatakal kapag nagtitinda kayo sa kanila at huwag kayong maging kabilang sa mga nagbabawas sa pagtatakal kapag nagtinda sa mga tao.
అరబీ భాషలోని ఖుర్ఆన్ వ్యాఖ్యానాలు:
وَزِنُواْ بِٱلۡقِسۡطَاسِ ٱلۡمُسۡتَقِيمِ
Tumimbang kayo kapag tumitimbang kayo para sa iba pa sa inyo sa pamamagitan ng timbangang tuwid.
అరబీ భాషలోని ఖుర్ఆన్ వ్యాఖ్యానాలు:
وَلَا تَبۡخَسُواْ ٱلنَّاسَ أَشۡيَآءَهُمۡ وَلَا تَعۡثَوۡاْ فِي ٱلۡأَرۡضِ مُفۡسِدِينَ
Huwag kayong kumulang sa mga tao sa mga karapatan nila at huwag kayong magparami ng kaguluhan sa lupa sa pamamagitan ng paggawa ng mga pagsuway.
అరబీ భాషలోని ఖుర్ఆన్ వ్యాఖ్యానాలు:
ఈ పేజీలోని వచనాల ద్వారా లభించే ప్రయోజనాలు:
• اللواط شذوذ عن الفطرة ومنكر عظيم.
Ang sodomiya ay isang paglihis sa kalikasan ng pagkalalang at isang sukdulang nakasasama.

• من الابتلاء للداعية أن يكون أهل بيته من أصحاب الكفر أو المعاصي.
Bahagi ng pagsubok [minsan] sa tagapag-anyaya tungo sa Islām na ang mag-anak niya ay maging kabilang sa mga kampon ng kawalang-pananampalataya at mga pagsuway.

• العلاقات الأرضية ما لم يصحبها الإيمان، لا تنفع صاحبها إذا نزل العذاب.
Ang mga ugnayang panlupa, hanggat hindi nalalakipan ng pananampalataya, ay hindi magpapakinabang sa may ugnayan kapag bumaba ang pagdurusa.

• وجوب وفاء الكيل وحرمة التَّطْفِيف.
Ang pagkatungkulin ng paglulubus-lubos sa pagtatakal at ang pagbabawal sa pang-uumit sa pagsusukat.

 
భావార్ధాల అనువాదం సూరహ్: అష్-షుఅరా
సూరాల విషయసూచిక పేజీ నెంబరు
 
పవిత్ర ఖురాన్ యొక్క భావార్థాల అనువాదం - ఫిలిపినో (తగలాగ్) అనువాదం - అల్ ఖుర్ఆన్ అల్ కరీమ్ సంక్షిప్త వ్యాఖ్యాన అనువాదం - అనువాదాల విషయసూచిక

మర్కజ్ తఫ్సీర్ లిల్ దిరాసాత్ అల్ ఖురానియ్యహ్ ప్రచురణ.

మూసివేయటం