แปล​ความหมาย​อัลกุรอาน​ - คำแปลภาษาฟิลิปปินส์ (ตากาล็อก) สำหรับ Al-Mukhtasar ในการตีความหมายอัลกุรอานอันสูงส่ง * - สารบัญ​คำแปล


แปลความหมาย​ อายะฮ์: (10) สูเราะฮ์: Az-Zumar
قُلۡ يَٰعِبَادِ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ ٱتَّقُواْ رَبَّكُمۡۚ لِلَّذِينَ أَحۡسَنُواْ فِي هَٰذِهِ ٱلدُّنۡيَا حَسَنَةٞۗ وَأَرۡضُ ٱللَّهِ وَٰسِعَةٌۗ إِنَّمَا يُوَفَّى ٱلصَّٰبِرُونَ أَجۡرَهُم بِغَيۡرِ حِسَابٖ
Sabihin mo, O Sugo, sa mga lingkod Ko na mga sumampalataya sa Akin at sa mga sugo Ko: "Mangilag kayong magkasala sa Panginoon ninyo sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya. Ukol sa mga nagpaganda, kabilang sa inyo, ng gawain sa Mundo ay [ganting] maganda sa Mundo sa pamamagitan ng pag-aadya, kalusugan, at yaman, at sa Kabilang-buhay naman sa pamamagitan ng paraiso. Ang lupa ni Allāh ay malawak kaya lumikas kayo rito hanggang sa makatagpo kayo ng isang pook na sasambahin ninyo si Allāh doon, na walang maghahadlang sa inyo na isang tagahadlang. Bibigyan lamang ang mga nagtitiis ng bibigyan ng gantimpala nila sa Araw ng Pagbangon nang walang pagbibilang ni sukat dahil sa dami niyon at pagkakauri-uri niyon."
ตัฟสีรต่างๆ​ ภาษาอาหรับ:
ประโยชน์​ที่​ได้รับ​:
• رعاية الله للإنسان في بطن أمه.
Ang pag-aalaga ni Allāh para sa tao habang nasa tiyan ng ina nito.

• ثبوت صفة الغنى وصفة الرضا لله.
Ang pagtitibay sa katangian ng kawalang-pangangailangan at katangian ng pagkalugod para kay Allāh.

• تعرّف الكافر إلى الله في الشدة وتنكّره له في الرخاء، دليل على تخبطه واضطرابه.
Ang pagkakilala kay Allāh ng tagatangging sumampalataya sa kagipitan at ang pagkakaila nito sa Kanya sa kaginhawahan ay isang patunay sa pagkatuliro nito at pagkalito nito.

• الخوف والرجاء صفتان من صفات أهل الإيمان.
Ang pangamba at ang pag-asa ay dalawang katangiang kabilang sa mga katangian ng mga may pananampalataya.

 
แปลความหมาย​ อายะฮ์: (10) สูเราะฮ์: Az-Zumar
สารบัญสูเราะฮ์ หมายเลข​หน้า​
 
แปล​ความหมาย​อัลกุรอาน​ - คำแปลภาษาฟิลิปปินส์ (ตากาล็อก) สำหรับ Al-Mukhtasar ในการตีความหมายอัลกุรอานอันสูงส่ง - สารบัญ​คำแปล

คำแปลภาษาฟิลิปปินส์ (ตากาล็อก) สำหรับ Al-Mukhtasar ในการตีความหมายอัลกุรอานอันสูงส่ง - ออกโดย ศูนย์ตัฟซีร์เพื่อการศึกษาอัลกุรอาน

ปิด