Check out the new design

Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm * - Indise ng mga Salin


Salin ng mga Kahulugan Ayah: (91) Surah: Yūnus
ءَآلۡـَٰٔنَ وَقَدۡ عَصَيۡتَ قَبۡلُ وَكُنتَ مِنَ ٱلۡمُفۡسِدِينَ
Sumasampalataya ka ba ngayon matapos ng pagkawala ng pag-asa sa buhay samantalang sumuway ka nga kay Allāh, O Paraon, bago ng pagbaba ng pagdurusa dahil sa kawalang-pananampalataya at pagbalakid sa landas Niya, at ikaw dati ay kabilang sa mga tagatiwali dahilan sa pagkaligaw mo sa sarili mo at pagliligaw mo sa iba pa sa iyo?
Ang mga Tafsir na Arabe:
Ilan sa mga Pakinabang ng mga Ayah sa Pahinang Ito:
• وجوب الثبات على الدين، وعدم اتباع سبيل المجرمين.
Ang pagkatungkulin ng pagpapakatatag sa Relihiyon at ang hindi pagsunod sa landas ng mga salarin.

• لا تُقْبل توبة من حَشْرَجَت روحه، أو عاين العذاب.
Hindi tinatanggap ang pagbabalik-loob ng sinumang lumalabas na ang kaluluwa o napagmamasdan na ang pagdurusa [sa Kabilang-buhay].

• أن اليهود والنصارى كانوا يعلمون صفات النبي صلى الله عليه وسلم، لكن الكبر والعناد هو ما منعهم من الإيمان.
Na ang mga Hudyo at ang mga Kristiyano ay nakaaalam dati sa mga katangian ng Propeta – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – subalit ang pagmamalaki at ang pagmamatigas ay pumigil sa kanila sa pananampalataya.

 
Salin ng mga Kahulugan Ayah: (91) Surah: Yūnus
Indise ng mga Surah Numero ng Pahina
 
Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm - Indise ng mga Salin

Inilabas ng Markaz Tafsīr Lid-Dirāsāt Al-Qur’ānīyah (Sentro ng Tafsīr Para sa mga Pag-aaral Pang-Qur’an).

Isara