Check out the new design

Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm * - Indise ng mga Salin


Salin ng mga Kahulugan Ayah: (62) Surah: Hūd
قَالُواْ يَٰصَٰلِحُ قَدۡ كُنتَ فِينَا مَرۡجُوّٗا قَبۡلَ هَٰذَآۖ أَتَنۡهَىٰنَآ أَن نَّعۡبُدَ مَا يَعۡبُدُ ءَابَآؤُنَا وَإِنَّنَا لَفِي شَكّٖ مِّمَّا تَدۡعُونَآ إِلَيۡهِ مُرِيبٖ
Nagsabi sa kanya ang mga kalipi niya: "O Ṣāliḥ, ikaw nga dati sa atin ay nagtataglay ng kalagayang mataas bago ng pag-aanyaya mong ito sapagkat kami nga dati ay nag-aasam na ikaw ay maging isang nakapag-uunawa na may pagpapayo at pagsangguni. Sumasaway ka ba sa amin, O Ṣāliḥ, sa pagsamba sa sinasamba noon ng mga ninuno namin? Tunay na kami ay talagang nasa isang pagdududa sa inaanyaya mo sa amin na pagsamba kay Allāh lamang. Nagsasanhi ito sa amin na magparatang kami sa iyo ng pagsisinungaling laban kay Allāh."
Ang mga Tafsir na Arabe:
Ilan sa mga Pakinabang ng mga Ayah sa Pahinang Ito:
• من وسائل المشركين في التنفير من الرسل الاتهام بخفة العقل والجنون.
Kabilang sa mga kaparaanan ng mga tagapagtambal sa pagpapalayo ng loob sa mga sugo ay ang pagpaparatang sa kanila ng kahinaan ng isip at kabaliwan.

• ضعف المشركين في كيدهم وعدائهم، فهم خاضعون لله مقهورون تحت أمره وسلطانه.
Ang kahinaan ng mga tagapagtambal sa pagpapakana nila at pangangaway nila sapagkat sila ay mga sumasailalim kay Allāh at mga nalulupig sa ilalim ng utos Niya at kapamahalaan Niya.

• أدلة الربوبية من الخلق والإنشاء مقتضية لتوحيد الألوهية وترك ما سوى الله.
Ang mga patunay ng pagkapanginoon na paglikha at pagpapasimula ay humihiling ng paniniwala sa kaisahan sa pagkadiyos at pag-iwan sa anumang iba pa kay Allāh.

 
Salin ng mga Kahulugan Ayah: (62) Surah: Hūd
Indise ng mga Surah Numero ng Pahina
 
Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm - Indise ng mga Salin

Inilabas ng Markaz Tafsīr Lid-Dirāsāt Al-Qur’ānīyah (Sentro ng Tafsīr Para sa mga Pag-aaral Pang-Qur’an).

Isara