Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm * - Indise ng mga Salin


Salin ng mga Kahulugan Ayah: (89) Surah: Al-Isrā’
وَلَقَدۡ صَرَّفۡنَا لِلنَّاسِ فِي هَٰذَا ٱلۡقُرۡءَانِ مِن كُلِّ مَثَلٖ فَأَبَىٰٓ أَكۡثَرُ ٱلنَّاسِ إِلَّا كُفُورٗا
Talaga ngang naglinaw Kami para sa mga tao sa Qur’ān na ito at nag-uri-uri Kami rito ng bawat naisasaalang-alang na mga pangaral, mga aral, mga pag-uutos, mga pagsaway, at mga kasaysayan sa pag-asang sumampalataya sila, ngunit tumanggi [sa anuman] ang karamihan sa mga tao maliban sa pagtanggi at pagkakaila sa Qur'ān na ito.
Ang mga Tafsir na Arabe:
Ilan sa mga Pakinabang ng mga Ayah sa Pahinang Ito:
• بيَّن الله للناس في القرآن من كل ما يُعْتَبر به من المواعظ والعبر والأوامر والنواهي والقصص؛ رجاء أن يؤمنوا.
Naglinaw si Allāh sa mga tao sa Qur'ān ng bawat naisasaalang-alang na mga pangaral, mga aral, mga pag-uutos, mga pagsaway, at mga kasaysayan sa pag-asang sumampalataya sila.

• القرآن كلام الله وآية النبي الخالدة، ولن يقدر أحد على المجيء بمثله.
Ang Qur'ān ay Salita ni Allāh at ang tandang mananatili ng Propeta. Hindi makakaya ng isa man ang maghatid ng tulad nito.

• من رحمة الله بعباده أن أرسل إليهم بشرًا منهم، فإنهم لا يطيقون التلقي من الملائكة.
Bahagi ng awa ni Allāh sa mga lingkod Niya na nagsugo Siya sa kanila ng isang tao kabilang sa kanila sapagkat tunay na sila ay hindi makakakaya na tumanggap mula sa mga anghel.

• من شهادة الله لرسوله ما أيده به من الآيات، ونَصْرُه على من عاداه وناوأه.
Bahagi ng pagsaksi ni Allāh sa Sugo Niya ay ang inalalay Niya rito na mga tanda at ang pag-aadya Niya laban sa sinumang umaway rito at sumalangsang dito.

 
Salin ng mga Kahulugan Ayah: (89) Surah: Al-Isrā’
Indise ng mga Surah Numero ng Pahina
 
Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm - Indise ng mga Salin

Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm. Inilabas ng Markaz Tafsīr Lid-Dirāsāt Al-Qur’ānīyah (Sentro ng Tafsīr Para sa mga Pag-aaral Pang-Qur’an).

Isara