Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm * - Indise ng mga Salin


Salin ng mga Kahulugan Ayah: (69) Surah: Tā-ha
وَأَلۡقِ مَا فِي يَمِينِكَ تَلۡقَفۡ مَا صَنَعُوٓاْۖ إِنَّمَا صَنَعُواْ كَيۡدُ سَٰحِرٖۖ وَلَا يُفۡلِحُ ٱلسَّاحِرُ حَيۡثُ أَتَىٰ
Magtapon ka ng tungkod mo na nasa kamay mong kanan, mag-aanyong isang ahas ito na lululon sa niyari nila mula sa panggagaway sapagkat wala silang niyari kundi isang pakanang pampanggagaway. Hindi nagtatamo ang manggagaway ng isang hinihiling saanman siya naroon.
Ang mga Tafsir na Arabe:
Ilan sa mga Pakinabang ng mga Ayah sa Pahinang Ito:
• لا يفوز ولا ينجو الساحر حيث أتى من الأرض أو حيث احتال، ولا يحصل مقصوده بالسحر خيرًا كان أو شرًّا.
Hindi nagtatagumpay at hindi naliligtas ang manggagaway saanman siya pumunta sa lupa o saanman siya nanggulang. Hindi siya nagtatamo ng pinapakay niya sa pamamagitan ng panggagaway, mabuti man o masama.

• الإيمان يصنع المعجزات؛ فقد كان إيمان السحرة أرسخ من الجبال، فهان عليهم عذاب الدنيا، ولم يبالوا بتهديد فرعون.
Ang pananampalataya ay gumagawa ng mga himala sapagkat ang pananampalataya ng mga manggagaway ay naging higit na matatag nga kaysa sa mga bundok kaya gumaan sa kanila ang pagdurusa sa Mundo at hindi sila umalintana sa pagbabanta ni Paraon.

• دأب الطغاة التهديد بالعذاب الشديد لأهل الحق والإمعان في ذلك للإذلال والإهانة.
Ang nakaugalian ng mga mapagmalabis ay ang pagbabanta ng matinding pagdurusa sa mga alagad ng katotohanan at ang pagsisikhay doon para mang-aba at manghamak.

 
Salin ng mga Kahulugan Ayah: (69) Surah: Tā-ha
Indise ng mga Surah Numero ng Pahina
 
Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm - Indise ng mga Salin

Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm. Inilabas ng Markaz Tafsīr Lid-Dirāsāt Al-Qur’ānīyah (Sentro ng Tafsīr Para sa mga Pag-aaral Pang-Qur’an).

Isara