Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm * - Indise ng mga Salin


Salin ng mga Kahulugan Ayah: (8) Surah: Al-Furqān
أَوۡ يُلۡقَىٰٓ إِلَيۡهِ كَنزٌ أَوۡ تَكُونُ لَهُۥ جَنَّةٞ يَأۡكُلُ مِنۡهَاۚ وَقَالَ ٱلظَّٰلِمُونَ إِن تَتَّبِعُونَ إِلَّا رَجُلٗا مَّسۡحُورًا
O [bakit kasi walang] pinabababa sa kanya na isang kayamanan mula sa langit, o [bakit kasi hindi] siya nagkakaroon ng isang pataniman na kakain siya mula sa mga bunga niyon kaya magpapasapat ito para maglakad siya sa mga palengke at maghanap ng panustos?" Nagsabi ang mga tagalabag sa katarungan: "Hindi kayo sumusunod, O mga mananampalataya, sa isang sugo. Sumusunod lamang kayo sa isang lalaking napanaigan sa pag-iisip niya dahilan sa panggagaway."
Ang mga Tafsir na Arabe:
Ilan sa mga Pakinabang ng mga Ayah sa Pahinang Ito:
• اتصاف الإله الحق بالخلق والنفع والإماتة والإحياء، وعجز الأصنام عن كل ذلك.
Ang pagkakalarawan sa Diyos na Totoo sa paglikha, pagpapakinabang, pagbibigay-kamatayan, at pagbibigay-buhay, at ang kawalang-kakayahan ng mga diyus-diyusan naman sa lahat ng iyon.

• إثبات صفتي المغفرة والرحمة لله.
Ang pagpapatibay sa dalawang katangian ng pagpapatawad at pagkaawa para kay Allāh.

• الرسالة لا تستلزم انتفاء البشرية عن الرسول.
Ang pagkasugo ay hindi nag-oobliga ng pagkakaila sa pagkatao ng Sugo.

• تواضع النبي صلى الله عليه وسلم حيث يعيش كما يعيش الناس.
Ang pagpapakumbaba ng Propeta – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – yayamang namumuhay siya kung paanong namumuhay ang mga tao.

 
Salin ng mga Kahulugan Ayah: (8) Surah: Al-Furqān
Indise ng mga Surah Numero ng Pahina
 
Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm - Indise ng mga Salin

Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm. Inilabas ng Markaz Tafsīr Lid-Dirāsāt Al-Qur’ānīyah (Sentro ng Tafsīr Para sa mga Pag-aaral Pang-Qur’an).

Isara