Check out the new design

Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm * - Indise ng mga Salin


Salin ng mga Kahulugan Ayah: (60) Surah: Al-‘Ankabūt
وَكَأَيِّن مِّن دَآبَّةٖ لَّا تَحۡمِلُ رِزۡقَهَا ٱللَّهُ يَرۡزُقُهَا وَإِيَّاكُمۡۚ وَهُوَ ٱلسَّمِيعُ ٱلۡعَلِيمُ
Ang lahat ng mga hayop – sa kabila ng dami ng mga ito – na hindi nakakaya sa pagtipon ng panustos ng mga ito ni pagbubuhat nito, si Allāh ay nagtutustos sa mga ito at nagtutustos sa inyo. Kaya walang dahilan para sa inyo sa pag-iwan sa paglikas dahil sa pangamba sa pagkagutom. Siya ay ang Madinigin sa mga sinasabi ninyo, ang Maalam sa mga layunin ninyo at mga ginagawa ninyo: walang nakakukubli sa Kanya na anuman mula roon. Gaganti Siya sa inyo roon.
Ang mga Tafsir na Arabe:
Ilan sa mga Pakinabang ng mga Ayah sa Pahinang Ito:
• استعجال الكافر بالعذاب دليل على حمقه.
Ang pagmamadali ng mga tagatangging sumampalataya ng pagdurusa ay isang patunay sa kahangalan niya.

• باب الهجرة من أجل سلامة الدين مفتوح.
Ang pinto ng paglikas alang-alang sa kaligtasan ng relihiyon ay nakabukas.

• فضل الصبر والتوكل على الله.
Ang kalamangan ng pagtitiis at pananalig kay Allāh.

• الإقرار بالربوبية دون الإقرار بالألوهية لا يحقق لصاحبه النجاة والإيمان.
Ang pagkilala sa pagkapanginoon nang walang pagkilala sa pagkadiyos ay hindi nagsasakatuparan para sa tao ng kaligtasan at pananampalataya.

 
Salin ng mga Kahulugan Ayah: (60) Surah: Al-‘Ankabūt
Indise ng mga Surah Numero ng Pahina
 
Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm - Indise ng mga Salin

Inilabas ng Markaz Tafsīr Lid-Dirāsāt Al-Qur’ānīyah (Sentro ng Tafsīr Para sa mga Pag-aaral Pang-Qur’an).

Isara