Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm * - Indise ng mga Salin


Salin ng mga Kahulugan Ayah: (139) Surah: Āl-‘Imrān
وَلَا تَهِنُواْ وَلَا تَحۡزَنُواْ وَأَنتُمُ ٱلۡأَعۡلَوۡنَ إِن كُنتُم مُّؤۡمِنِينَ
Huwag kayong manghina, O mga mananampalataya, at huwag kayong malungkot sa tumama sa inyo sa Araw ng Uḥud. Hindi nararapat iyon para sa inyo sapagkat kayo ay ang mga pinakamataas dahil sa pananampalataya ninyo at ang mga pinakamataas dahil sa tulong ni Allāh at pag-asa ninyo sa pag-aadya Niya, kung kayo ay mga mananampalataya kay Allāh at sa pangako Niya sa mga lingkod Niya na mga tagapangilag magkasala.
Ang mga Tafsir na Arabe:
Ilan sa mga Pakinabang ng mga Ayah sa Pahinang Ito:
• الترغيب في المسارعة إلى عمل الصالحات اغتنامًا للأوقات، ومبادرة للطاعات قبل فواتها.
Ang pagpapaibig sa pagmamadali sa paggawa ng mga maayos bilang pagsasamantala sa mga panahon at pagdadali-dali para sa mga pagtalima bago makaalpas ang mga ito.

• من صفات المتقين التي يستحقون بها دخول الجنة: الإنفاق في كل حال، وكظم الغيظ، والعفو عن الناس، والإحسان إلى الخلق.
Kabilang sa mga katangian ng mga tagapangilag magkasala na nagiging karapat-dapat sila dahil sa mga ito sa pagpasok sa Paraiso ay ang paggugol sa bawat kalagayan, ang pagpigil sa ngitngit, ang pagpapaumanhin sa mga tao, at ang paggawa ng maganda sa nilikha.

• النظر في أحوال الأمم السابقة من أعظم ما يورث العبرة والعظة لمن كان له قلب يعقل به.
Ang pagmamasid sa mga kalagayan ng mga kalipunang nauna ay kabilang sa pinakamabigat na nagdudulot ng pagsasaalang-alang at pangaral para sa sinumang may pusong nakapag-uunawa.

 
Salin ng mga Kahulugan Ayah: (139) Surah: Āl-‘Imrān
Indise ng mga Surah Numero ng Pahina
 
Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm - Indise ng mga Salin

Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm. Inilabas ng Markaz Tafsīr Lid-Dirāsāt Al-Qur’ānīyah (Sentro ng Tafsīr Para sa mga Pag-aaral Pang-Qur’an).

Isara