Check out the new design

Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm * - Indise ng mga Salin


Salin ng mga Kahulugan Ayah: (17) Surah: Ghāfir
ٱلۡيَوۡمَ تُجۡزَىٰ كُلُّ نَفۡسِۭ بِمَا كَسَبَتۡۚ لَا ظُلۡمَ ٱلۡيَوۡمَۚ إِنَّ ٱللَّهَ سَرِيعُ ٱلۡحِسَابِ
Sa Araw na ito, gagantihan ang bawat kaluluwa ayon sa nakamit nito na gawa. Kung kabutihan ay kabutihan [ang ganti] at kung kasamaan ay kasamaan [ang ganti]. Walang kawalang-katarungan sa Araw na ito dahil ang Tagahatol ay si Allāh, ang Makatarungan. Tunay na si Allāh ay Mabilis ang pagtutuos sa mga lingkod Niya dahil sa pagkakasaklaw ng kaalaman Niya sa kanila.
Ang mga Tafsir na Arabe:
Ilan sa mga Pakinabang ng mga Ayah sa Pahinang Ito:
• التذكير بيوم القيامة من أعظم الروادع عن المعاصي.
Ang pagpapaalaala hinggil sa Araw ng Pagbangon ay kabilang sa pinakadakila sa mga tagapagpaudlot palayo sa mga pagsuway.

• إحاطة علم الله بأعمال عباده؛ خَفِيَّة كانت أم ظاهرة.
Ang pagkasaklaw ng kaalaman ni Allāh sa mga gawain ng mga lingkod Niya nang pakubli man o nakalantad.

• الأمر بالسير في الأرض للاتعاظ بحال المشركين الذين أهلكوا.
Ang pag-uutos ng paghayo sa lupain para mapangaralan sa kalagayan ng mga tagapagtambal na ipinahamak.

 
Salin ng mga Kahulugan Ayah: (17) Surah: Ghāfir
Indise ng mga Surah Numero ng Pahina
 
Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm - Indise ng mga Salin

Inilabas ng Markaz Tafsīr Lid-Dirāsāt Al-Qur’ānīyah (Sentro ng Tafsīr Para sa mga Pag-aaral Pang-Qur’an).

Isara