Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm * - Indise ng mga Salin


Salin ng mga Kahulugan Ayah: (51) Surah: Fussilat
وَإِذَآ أَنۡعَمۡنَا عَلَى ٱلۡإِنسَٰنِ أَعۡرَضَ وَنَـَٔا بِجَانِبِهِۦ وَإِذَا مَسَّهُ ٱلشَّرُّ فَذُو دُعَآءٍ عَرِيضٖ
Kapag nagbiyaya si Allāh sa tao ng biyaya ng kalusugan, kagalingan, at tulad nito, nalilingat siya sa pag-alaala at pagtalima kay Allāh, at nagtatalikod ng sarili niya dala ng pagpapakamalaki. Kapag may sumaling sa kanya na isang karamdaman, karalitaan, at tulad niyan, siya ay may panalanging marami kay Allāh, na idinadaing kay Allāh ang anumang sumaling sa kanya mula riyan upang alisin Niya iyan sa kanya. Siya ay hindi nagpapasalamat sa Panginoon niya kapag nagbiyaya sa kanya at hindi nagtitiis sa pagsubok kapag sinubok siya.
Ang mga Tafsir na Arabe:
Ilan sa mga Pakinabang ng mga Ayah sa Pahinang Ito:
• علم الساعة عند الله وحده.
Ang kaalaman sa Huling Sandali ay nasa kay Allāh lamang.

• تعامل الكافر مع نعم الله ونقمه فيه تخبط واضطراب.
Ang pakikitungo ng tagatangging sumampalataya sa mga biyaya ni Allāh at mga salot Niya rito ay pagkatuliro at pagkalito.

• إحاطة الله بكل شيء علمًا وقدرة.
Ang pagkakasaklaw ni Allāh sa bawat bagay sa kaalaman at kakayahan.

 
Salin ng mga Kahulugan Ayah: (51) Surah: Fussilat
Indise ng mga Surah Numero ng Pahina
 
Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm - Indise ng mga Salin

Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm. Inilabas ng Markaz Tafsīr Lid-Dirāsāt Al-Qur’ānīyah (Sentro ng Tafsīr Para sa mga Pag-aaral Pang-Qur’an).

Isara