Check out the new design

Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm * - Indise ng mga Salin


Salin ng mga Kahulugan Ayah: (27) Surah: Al-Fat'h
لَّقَدۡ صَدَقَ ٱللَّهُ رَسُولَهُ ٱلرُّءۡيَا بِٱلۡحَقِّۖ لَتَدۡخُلُنَّ ٱلۡمَسۡجِدَ ٱلۡحَرَامَ إِن شَآءَ ٱللَّهُ ءَامِنِينَ مُحَلِّقِينَ رُءُوسَكُمۡ وَمُقَصِّرِينَ لَا تَخَافُونَۖ فَعَلِمَ مَا لَمۡ تَعۡلَمُواْ فَجَعَلَ مِن دُونِ ذَٰلِكَ فَتۡحٗا قَرِيبًا
Talaga ngang nagsakatuparan si Allāh sa Sugo Niya ng panaginip ayon sa katotohanan nang ipinakita Niya rito iyon sa pagtulog nito at ipinabatid naman nito iyon sa mga Kasamahan nito. Ang [napanaginipan ng Propeta] ay na siya at ang mga Kasamahan niya ay papasok sa Bahay na Pinakababanal ni Allāh nang ligtas mula sa kaaway nila, na kabilang sa kanila ang mga nag-ahit ng mga ulo nila at kabilang sa kanila ang mga nagpaiksi [ng buhok] bilang pagpapahayag sa wakas ng gawain ng ḥajj. Saka nakaalam si Allāh mula sa kapakanan ninyo, O mga mananampalataya, ng hindi ninyo nalaman mismo. Saka gumawa Siya ng bukod pa sa pagsasakatotohanan ng panaginip sa pamamagitan ng pagpasok sa Makkah nang taon na iyon ng isang pagpapawaging malapit. Ito ay ang ipinangyari ni Allāh na Pakikipagpayapaan sa Ḥudaybīyah at ang sumunod dito na pagsakop sa Khaybar sa kamay ng mga mananampalatayang nakadalo sa Ḥudaybīyah.
Ang mga Tafsir na Arabe:
Ilan sa mga Pakinabang ng mga Ayah sa Pahinang Ito:
• الصد عن سبيل الله جريمة يستحق أصحابها العذاب الأليم.
Ang pagsagabal sa landas ni Allāh ay isang krimen na nagiging karapat-dapat ang mga tagagawa nito sa pagdurusang masakit.

• تدبير الله لمصالح عباده فوق مستوى علمهم المحدود.
Ang pangangasiwa ni Allāh sa mga kapakanan ng mga lingkod Niya ay higit sa antas ng kaalaman nilang limitado.

• التحذير من استبدال رابطة الدين بحمية النسب أو الجاهلية.
Ang pagbibigay-babala laban sa pagpapalit sa buklod ng Relihiyon ng panatisismo ng kaangkanan o ng Kamangmangan.

• ظهور دين الإسلام سُنَّة ووعد إلهي تحقق.
Ang pangingibabaw ng Relihiyong Islām ay kalakaran at pangakong makadiyos na magkakatotoo.

 
Salin ng mga Kahulugan Ayah: (27) Surah: Al-Fat'h
Indise ng mga Surah Numero ng Pahina
 
Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm - Indise ng mga Salin

Inilabas ng Markaz Tafsīr Lid-Dirāsāt Al-Qur’ānīyah (Sentro ng Tafsīr Para sa mga Pag-aaral Pang-Qur’an).

Isara