Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm * - Indise ng mga Salin


Salin ng mga Kahulugan Ayah: (5) Surah: At-Talāq
ذَٰلِكَ أَمۡرُ ٱللَّهِ أَنزَلَهُۥٓ إِلَيۡكُمۡۚ وَمَن يَتَّقِ ٱللَّهَ يُكَفِّرۡ عَنۡهُ سَيِّـَٔاتِهِۦ وَيُعۡظِمۡ لَهُۥٓ أَجۡرًا
Ang nabanggit na iyon na mga patakaran ng diborsiyo, pagbabalik, at panahon ng paghihintay ay patakaran ni Allāh; nagbaba Siya nito sa inyo, O mga mananampalataya, upang magsagawa kayo ayon dito. Ang sinumang nangingilag magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya ay magbubura Siya para rito ng mga masagwang gawa nito na nagawa nito at magbibigay Siya rito ng isang pabuyang sukdulan sa Kabilang-buhay. Ito ay ang pagpasok sa Paraiso at ang pagtamo ng kaginhawahang hindi nauubos.
Ang mga Tafsir na Arabe:
Ilan sa mga Pakinabang ng mga Ayah sa Pahinang Ito:
• خطاب النبي صلى الله عليه وسلم خطاب لأمته ما لم تثبت له الخصوصية.
Ang pakikipag-usap ng Propeta – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – ay isang pakikipag-usap para sa kalipunan niya hanggang hindi napagtibay para rito ang pagkanatatangi.

• وجوب السكنى والنفقة للمطلقة الرجعية.
Ang pagkatungkulin ng tirahan at panggugol para sa diborsiyadang mababalikan.

• النَّدْب إلى الإشهاد حسمًا لمادة الخلاف.
Ang paghihikayat sa pagpapasaksi bilang pagputol sa pagmumulan ng alitan.

• كثرة فوائد التقوى وعظمها.
Ang dami ng pakinabang sa pangingilag magkasala at ang bigat nito.

 
Salin ng mga Kahulugan Ayah: (5) Surah: At-Talāq
Indise ng mga Surah Numero ng Pahina
 
Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm - Indise ng mga Salin

Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm. Inilabas ng Markaz Tafsīr Lid-Dirāsāt Al-Qur’ānīyah (Sentro ng Tafsīr Para sa mga Pag-aaral Pang-Qur’an).

Isara